Chapter nine Una akong lumabas sa barn at nakayukong naglalakad palayo. Ramdam ko ang pagsunod ni gwapong driver sa akin bago ako hinigit sa braso. "Gia... bambina, what's wrong? Puno ng pagtataka nya akong tinignan bago ako pinaharap sa kanya. "Sir," panimula ko bago tumitig sa mga mata n'yang puno ng kuryosidad. "H-Hindi na.." "Hindi na ang alin?" "Hindi na po dapat maulit iyong n-nangyari sa barn kanina." Mas lalo akong nahihiya sa sarili ko dahil muli na namang bumalik sa isip ko ang nangyari kani-kanina lang. Hindi dapat iyon nangyari pa. Hindi dapat ako magpadala sa sensation na binigay nya sa akin. Ang b*bo at g#ga ko! Ba't ako nagpapabaya? Hindi dapat iyon nangyari sa mag amo. Wala sa trabaho ko ang makipaghalikan sa amo. "Do you feel any regret?" "P-Po?" "Do you feel any sorry about that?" "Sir, Hindi po kita maintidi—" "Just answer me, Gia." "S-Sir.. Hindi naman sa gan—" "So you like it? You like what we did earlier? Tell me, bambina." Rinig ko ang e
Chapter ten "Pagkatapos mo dyan, Maggie samahan mo si Annie sa palengke." "Palengke?" "Oo, ubos na iyong stock na meron tayo. Huwag kang magalala may kotse at driver naman kayo para hindi kayo nahihirapan sa dadalhin nyo." "Sige po, Manang. Walang problema." Pinagpatuloy ko ang paglinis sa vase. Simula nong iniwan ko si gwapong driver doon sa farm nya ay hindi ko na sya nakita pa rito sa mansion. Bahala sya sa buhay nya. Di porket gwapo sya ay magiging ul*l na ako sa kanya. Ano sya sini-swerte? May kasalanan pa nga iyon sa akin. Kinuha nya ang first kiss kahit medyo di naman sya deserving Pero iyong labi nya deserving sa labi mo. Wala sa sariling napatampal ako sa noo ko. Ano naman iyong pinagiisip ko? Ang bulgar at walang preno pero... Totoo naman eh. Deserving at worth it iyong labi nya sa labi ko dahil hindi ko mapagkaila na nasasarapan ako sa labi nya. Pinagtitigan ko lang iyong labi nya noon sa tricycle nong unang kita namin pero kanina natikman ko na, hindi lang
Chapter eleven "Ito lang po ba, ate Annie?" Tanong ko sa babae habang busy sa kakatingin mga gulay. Narito kami ngayon sa vegetables station ng mall at namimili ng iba pang pwede ilagay sa cart. Tumingin sa akin si ate Annie bago binigay sa akin ang isang pineapple. Gulayan pero may prutas? "Anong gagawin mo rito ate?" Tinignan nya muna ang listahan bago ako sinagot. "Para tumamis ang katas." Kumunot ang noo ko at biglang napakamot sa kilay. Iyong ulo ko ngayon ay parang lakad ng pagong, ang hina. Ang hina maiproseso ng utak ko ang sinabi ni ate Annie. Tumamis ang katas? "Pero ate matamis na po ang katas ng pinya, balak nyo po bang magka diabetes sa sobrang tamis?" Bigla itong tumawa. Tinakpan nya rin ang mukha dahil may ibang mga tao sa paligid na tumingin sa pwesto namin. "Ano ka ba, Maggie. Akala ko ba na gets mo?" Huh? Na gets ang alin? Nang makita ni ate Annie ang nagtatanong kong mukha ay biglang sumeryuso ang kanyang mukha at biglang napatampal sa noo. "Diyos
Chapter twelve Nanlaki ang kanilang mga matang tumingin sa 'kin. "Ah! Ito lang po ba ang bilhin nyo? Wala nang iba?" Peke akong ngumiti at ramdam ko ang ibang atmosphere dito sa shop habang pinagtitigan nila ako. Ano ba ang problema nila sa akin at kung maka titig sa 'kin wagas? Hindi ko na napigilan at biglang nag joke. "Malamang wala nang iba kase sya lang ang nagiisa." Umakto pa ako na parang kinikilig. "Yie, kinilig bangs ko." Sa mga oras na ito ay ang gusto ko lang ay patayin ang sarili ko dahil sa mga pinagsasabi ko ngayon. Hindi ko akalaing dadating ako sa puntong maging corny ako para lang ibaling iyong seryusong tingin nila sa akin. Ano ba kase ang nangyari sa kanila? Bakit ako na naman lagi? "Tara na, Berman. May papainumin pa tayo ng gamot." Seryusong lumihis si ate Annie sa harapan ko pero bago pa sya naka alis sa harapan ko ay nakita ng dalawang mata ko ang munting ngiti sa labi nya na pilit n'yang tinatago. Malayo na kami sa flower shop ng madatnan ng mga mat
Chapter thirteenth Magkahawak ang kamay na naglalakad kami sa mall. Kanina ko pa sinubukang kunin ang kamay ko mula sa kanya pero sobrang higpit ng pagkakapit nya nito. Kaya sa huli ay hinayaan ko sya kung saan nya ako dadalhin habang iyong isang kamay ko ay tensyonado kong tinakpan sa mukha ko. Nakakatakot tumingin iyong ibang tao na dadaanan namin dito sa mall. Lakas makakatitig na para bang gamit ang kanilang titig ay gusto nila akong patayin. "What next place were going to, bambina?" Huminto si gwapong driver sa harap ko at tumingin sa akin. Nakangiti nya akong tinanong na para bang nasa akin ang lahat ng desisyon kung saan kami mag punta ngayon. Nagkibit balikat ko s'yang sinagot. "Hindi ko alam, Hindi ko naman alam pasikot-sikot sa mall mo." Nagbabadya ang kasiyahan sa kanyang mga mata. "You know?" "Alam ang alin?" "That this mall is mine." Kumunot ang noo ko at sinubukang pino-proseso sa isip ko ang sinabi nya. "Sa iyo 'to?" Tinuro ko ang sahig. "Yes, this m
Chapter fourteen Hindi ko alam kung ilang oras kaming nasa loob ng store na iyon at ina-asikaso dahil pagkalabas namin ay ramdam ko ang pananakit ng pwetan ko sa ilang oras na naka-upo ako doon. Tinignan ko muli ang sarili ko pagkalabas namin. Mukha akong isang mayamang dalaga kung tignan ngayon. Mula ulo hanggang paa at talagang nagbago. Ang kaninang mukha kong walang make up ngayon ay meron na. Pati na rin ang buhok ko. Nakalugay lang ito kanina pero ngayon sobrang ayos na nito at talagang may mga palamuti pa ang nilagay para daw mas magandang tignan ang ulo ko. Hinawakan ko ang dress na suot ko ngayon. Gusto kong matuwa dahil sa suot ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang makakasuot ako ng ganitong dress sa tanang buhay ko. Isang dress na mamahalin pero simple ang tignan. "May I had your beautiful hand, Ms. Petras." magiliw na bati nya sa akin bago inimuwestra ang katawan sa pagyuko at sa paglahad ng kamay sa akin. Kahit nabigla ako sa ginawa nya ay magiliw ko pa ring biniga
Chapter fifteen "You okay?" Nagalalang mukha agad ni gwapong driver ang bumungad sa mukha ko. Mabilis n'yang hinawakan ang mukha ko bago pinagtitigan at kalaunan ay niyakap. "God, I'm worried." Sinukulian ko ang mainit n'yang yakap at mas inilapit ko ito. Hindi ko alam kung ano ang pinupunto nong babaeng iyon pero para sa akin ay mas papaniwalaan ko ang kilos ni gwapong driver bago ang kanyang mga salita. Walang kahit sino mang taong paniniwalaan ko kung hindi si sya lamang, si Easton Haven Brooks, ang taong tinitibok ng puso ko sa di malamang dahilan. "Okay lang po ako sir." Pinagtitigan nya muna ang mukha ko muli bago napunta ang kanyang paningin sa mga mata ko. "Maybe I'm just getting paranoid that she might do something to you." Umakto akong walang alam at ngumiti na parang wala lang. "She? Sir, okay lang naman po ako sa loob, wala pong nangyari." Kinagat nya muna ang kanyang sariling labi bago tumango at iginaya ako para umalis na. Bumalik kami sa lamesa namin kanin
Chapter sixteen Inilahad ni gwapong driver ang kamay nya sa akin at ginaya nya uli ako. Tapos na kami sa pagkain kaya ngayon ay paalis na kami sa restaurant. Malambot kamay n'yang nasa bewang at kamay ko ito nakahawak. Hindi talaga tama ang labis na tuwa sa puso ko pero wala akong choice kung hindi lubos-lubosin 'to. Dahil alam kong pagdating namin sa mansion sasapak naman sa akin ang katotohanang isa lamang akong katulong at sya ay aking amo. Pero wala na akong magawa kung mas pumapangibabaw sa akin ang naramdaman ko ngayon. Puso laban sa isip na ang usapan eh. May the best choice win nalang talaga. Pero never ko pa ring iwawala sa isip ko ang goal ba't ako nandito at nagtatrabaho. Para sa pamilya. Akma na sana akong papasok sa kotse ni gwapong driver ng may biglang tumawag kay gwapong driver. Pareho kaming napatingin sa babaeng parang modelo kung maglakad palapit sa pwesto namin. Sobrang ganda nya talaga,pero sure akong kasalungat nito ang ugali nya base sa pinakita nya sa a