Home / Romance / OFW Wife of a Billionaire / Chapter 441 - Chapter 450

All Chapters of OFW Wife of a Billionaire: Chapter 441 - Chapter 450

465 Chapters

Kabanata 440

Napatigil kami saglit sa tabi ng elevator. Naiisip ko pa rin ang sinabi ni Jasmin. Tama siya, pero hindi ko alam kung paano haharapin si Haime kung sakaling malaman niya ang tungkol sa dinner meeting gayung masyado na siyang paranoid ng magkasama pa lang kami ni Mr.Tan sa opisina. Ayoko naman ng drama, lalo na’t mahirap na nga ang sitwasyon namin dahil sa distansiya kaya hindi ko na sinabi sa kaniya ang sitwasyon.Pagpasok namin sa elevator, si Maika pa rin ang nagpatuloy sa usapan. “Pero sis, seryoso, iba talaga ang dating ni Mr. Tan. Alam mo yung tipong nakakailang kasi parang nararamdaman mo yung presence niya kahit di ka niya tingnan. Grabe, parang pelikula yung aura. Dinaig pa si Daniel Padilla”Napailing na lang ako. "Nako, Jasmin, baka ikaw ang dapat mag-ingat kay Mr. Tan. Mukhang ikaw na yung kinikilig sobra. Kilalang kilala kita"“Uy, grabe ka! Hindi naman!” sagot niya, pero namumula na ang pisngi niya.Natawa ako nang malakas. Kahit papaano, nabawasan ang bigat ng isip ko sa
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Kabanata 441

KINABUKASANAT THE OFFICE"Oo, Jasmin. Mahirap pero fulfilling," sagot ko habang nakatingin sa paligid ng site. "Kailangan talaga tutukan ang bawat aspeto, mula sa materyales hanggang sa labor. Isang maling galaw, pwedeng bumagsak ang buong proyekto, pati na rin ang pangalan ng kompanya.""Grabe, sis. Kaya pala sobrang hands-on mo sa negosyong to kasi ganun din ang mga tauhan mo?! “ sagot ni Jasmin habang pinagmamasdan ang mga trabahador na abala sa kanilang gawain. "Nakakabilib din na alam mo lahat ng detalye. Hindi mo lang basta iniaasa sa iba.""That's the only way to keep the quality, Jasmin," singit ni Maika. "Kaya din kahit pagod, worth it. Tsaka nakikita mo ‘yung resulta ng pinaghirapan mo, lalo na kapag natapos na ang project."Napangiti si Jasmin habang tumango. "Tama kayo. Ngayon ko talaga na-appreciate ang ginagawa niyo. Hindi lang pala ito tungkol sa pagbuo ng mga gusali; tungkol din ito sa pagtitiwala, reputasyon, at dedikasyon."Pagkatapos ng site visit, bumalik kami sa
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Kabanata 442

Pagpasok ko sa kwarto, agad akong naligo at nag-ayos. Mainit ang panahon, at ayon sa request ni Mr. Tan, semi-casual lang ang attire para hindi masyadong formal habang kumakain. Pinili kong magsuot ng simpleng black sleeveless top na naka-cross strap sa leeg, ipinares sa polka-dot na palda na may magaan na tela. May slit ito sa gilid na hanggang itaas ng tuhod, kaya’t nilagyan ko ng black Gucci belt at tinernuhan ng black Gucci bag. Isinuot ko rin ang 3-inch strappy sandals para eleganteng tingnan.Naglagay ako ng kaunting makeup—red lipstick, kilay, at blush-on—para hindi naman ako magmukhang maputla. Hinayaan ko na lang na nakalugay ang natural na wavy kong buhok. Matapos mag-ayos, agad akong bumaba at nagmadali papuntang meeting venue.Habang umaalis, si Manang lang ang nakakita sa akin. Tahimik niyang itinuloy ang paghahanda para sa dinner ng pamilya sa mansion.“Alis po muna ako Manang, babalik din po ako kagad.” sabi ko kay Manang habang papalabas ng pintoNgumiti lang sakin ang
last updateLast Updated : 2025-01-17
Read more

Kabanata 443

PEARL POVHabang nagkukuwentuhan kami nila Mommy sa garden, naging sentro ng usapan ang pastry shop na itinayo ko. Napapangiti ako sa tuwing ikinukuwento ko kung paano maayos at maganda ang takbo nito. Ibinahagi ko rin ang mga bagong produktong ilalabas ko sa menu. Gusto kong matikman muna nila Mommy bago ko ito i-release sa market. Pinaplano na rin namin ang pagbubukas ng panibagong branch, lalo na’t hindi na sapat ang kasalukuyang kapasidad ng shop para i-accommodate ang dagsa ng mga orders.Inihayag ko rin ang plano kong kumuha ng bakanteng pwesto sa tabi ng shop sa mall ni Haime upang mas mapaluwag ang lugar. Kasama nito ang isang malaking renovation project na magbibigay ng bagong anyo sa aming shop. Kitang-kita ko ang excitement sa mga mata ni Mommy habang sinasabi ko sa kanila ang plano ko. Ngunit hindi ko maiwasang ibahagi rin sa kanila ang mga alalahanin ko tungkol kay Jeff. Simula nang makalabas siya mula sa rehab facility, napansin kong nagbago na naman ang kanyang ugali.
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 444

Hinayaan ko na lang si Jeff sa gusto niyang gawin. Simula nang makalabas siya sa rehab, halos wala na kaming pakialamanan sa isa’t isa. Dahil sa tuwing magtatanong ako, nauuwi lang sa pag-aaway, kaya nagpasya akong huwag nang panghimasukan ang mga plano niya.Nagpaalam na kami kay Mommy para maaga kaming makapagsimula ng pag-iikot ni Annie. Sa kabila ng mga alalahanin sa buhay, pinipilit kong mag-focus sa mga bagay na makakapagbigay sa akin ng saya, tulad ng pagbubukas ng shop at bonding time kasama ang mga mahal ko sa buhay.Pagdating namin ni Annie sa Ayala Mall, napadaan kami sa area ng mga restaurant. Nagplano akong kumuha ng idea mula sa isang famous pastry shop na katabi ng ilang mga resto. Habang naglalakad kami palapit sa shop, bigla kong napansin si Natalie na papasok sa 210° Kitchen + Drinkery, isang high-end restaurant na kilala sa kanilang American at European cuisine."Annie, diba si Natalie yun?!" tanong ko, halos di makapaniwala."Oo nga! Baka kasama niya mga friends n
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 445

"Hindi pwede ‘to! Kailangang malaman ‘to ni Kuya. Natalie is cheating on him! Tapos nasa Rockwell daw? Eh lalaki ang kasama niya rito!" galit na galit na sabi ni Annie habang nagda-dial na ng phone."Ano’ng ginagawa mo? Sino ang tinatawagan mo?!" tanong ko, pilit hinuhuli ang cellphone niya para mapigilan siya."Edi si Kuya! Kailangan niyang malaman ‘to!" sagot ni Annie na halatang puno ng emosyon."Huwag muna, Annie. Kalma ka. Relax ka muna," awat ko, hinawakan ko ang braso niya para pigilan siyang makialam agad.Halos hindi siya mapigil sa galit. Bigla siyang tumayo at nagtangkang pumunta sa CR para sugurin si Natalie. "Saan ka pupunta?!" tanong ko, pilit siyang pinapaupo ulit."Kay Natalie! Sasalubungin ko siya sa CR!" sagot ni Annie, ang boses niya’y puno ng determinasyon at galit."Ano ba?! Huwag kang basta sugod! Kailangan mong pag-isipan ‘to. Mas mabuting may solid proof tayo para kay Haime, diba?" pagpipigil ko, pilit siyang pinapaamo.Dahil sa sinabi ko, bahagyang napakalma s
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 446

"Ngayon lang, Mommy! Nasa loob pa sila ng restaurant, kumakain. Hinila na lang ako ni Pearl palabas kasi kung hindi, baka nasugod ko na 'yon. Napakalandi! Kala mo kung sinong maayos nung andito pa si Kuya," sagot ni Annie, halos sumigaw na sa galit.Sumingit ako para magpaliwanag, maingat na pinapakalma rin si Mommy. "Mommy, kasi po baka samin pa magalit si Haime. Gusto na ni Annie tawagan agad si Kuya, pero sabi ko, kung susugurin namin siya o magsusumbong kami nang wala pang malinaw na ebidensya, baka hindi pa maniwala si Haime. You know how your son is, Mom," paliwanag ko, siniguradong malinaw ang mga dahilan namin.Narinig naming huminga nang malalim si Mommy bago sumagot. "Calm down, Annie. Tama si Pearl. Kung nagpadalos-dalos kayo, baka lalo pang magulo ang sitwasyon. Ako na ang bahala rito. Isesend ko ang video kay Haime. Kakausap ko rin lang sa kanya kanina," sagot ni Mommy, mahinahon ngunit may halong determinasyon sa boses niya.Napangiti ako nang lihim. Mukhang gumugulong
last updateLast Updated : 2025-01-18
Read more

Kabanata 447

HAIME POVPinanood ko nang buo ang video na pinadala sa akin ni Mommy. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang lalaki sa video.“D*MN IT!” Kilalang-kilala ko kung sino ang kasama ng asawa ko. Sabi ko na nga ba, may binabalak talaga ang hayop na si Mark. Bigla akong napaisip simula nang umalis ako, bihira ko nang makausap ang asawa ko. Ngayon lang ba sila lumabas o matagal na nila akong niloloko?! Tuwing gabi, halos hindi ko na siya matawagan. Ang daming dahilan naka-off ang phone o kunwari naka-silent kaya hindi nasasagot.Lalo akong nainis nang marinig ko ang audio recording ng pag-uusap nila ni Annie.“FVCK, NATALIE! Kung wala kang ginagawang masama, bakit kailangan mong magsinungaling kay Annie kung sino ang kasama mo at nasaan ka?!” Gusto ko nang ibato ang cellphone ko sa galit. Tinawagan ko si Natalie, pero puro “cannot be reached” ang lumalabas. Hindi ko na siya ma-contact. Ano ba, naglalaro ba ng apoy ang mga hay*p na ’to? Mapapatay talaga kita, Mark! At bakit nakapatay ang cel
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Kabanata 448

“Bro, okay ka lang?” tanong ni Abraham, halatang nag-aalala, habang kunot-noo siyang nakatingin sa akin.“FVCK ALL THE GIRLS, BRO! Pare-parehas lang sila! Hindi sila dapat sineseryoso!” sigaw ko sa kanya. Tawa lang ako nang tawa, sabay tungga ng isa pang bote ng alak. Napapailing si Abraham, pero halatang naaaliw rin siya sa mga kalokohan ko.Maya-maya, lumapit ang babaeng sumayaw sa bar counter sa table namin kasama ang kaibigan niya. Nagpakilala siya at nakiupo.“Hi! I’m Irene, and this is my friend Haide,” bulong niya sa tenga ko dahil sobrang lakas ng tugtog sa paligid.“I’m Haime, and this is my friend Abraham,” sagot ko. Naupo si Irene sa tabi ko, habang si Haide naman ay tumabi kay Abraham.Masaya kaming nagkukwentuhan hanggang sa biglang hinalikan ako ni Irene. Agad din siyang bumitaw matapos ang halik at hinila ako papunta sa dance floor. Mapang akit siyang sumayaw sa harapan ko, ikinikiskis ang kanyang balakang sa katawan ko. Ramdam ko ang init ng ginagawa niya, pero pilit k
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more

Kabanata 449

"yes thats true! hindi ko na nakitang nakipag-date ulit si Haime simula ng magkagulo sila sa past relationship niya. Kaya alam kong mahalaga ka talaga kay Haime. At mayroong kang kakaibang kalidad” sabi pa nito sakin. Nagtataka ako bakit lahat na lang ng nakakasalamuha ko ay parang may alam sa past relationship ni Haime na parang napakalaking kaguluhan ang dinulot nito sa pamilya nila. AYoko namang magtanong kay Mr.Tan nakakahiya namang itanong ko ang nakaraan ng asawa ko. Parang hindi proper. "mmm again i will take that as compliment Mr. Tan." nakangiti kong sagot sa kanya. Nagtapos ang dinner meeting namin ng maayos. Naghiwalay na din kami ng way ni Mr. Tan dahil gusto kong ibalita kagad kila Maika ang goodnews. Tinawagan ko kagad si Maika para mag-update sa naging result ng dinner meeting namin."sis! GOODNEWS ! approved na yung quotation natin. After tommorow pupunta na si Mr. Tan para magkapirmahan na sa contract may meeting pa daw kasi sila bukas. Pati ang pag-renovate ng ib
last updateLast Updated : 2025-01-19
Read more
PREV
1
...
424344454647
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status