“Pero sissy, minsan curious ako kay Haime,” sabi ni Mark habang iniinuman ang cocktail niya. “Mahal ka naman ng tao, at nakikita namin yun. Pero parang mayaman talaga yang jowa mo, ha. Kasi tignan mo mga friends niya, mga kilalang tao sa business industry.” Bigla niyang sabi, sa unang pagkakataon ay naging seryoso siya. Hindi yun normal para samin dahil si Mark ang bangka sa aming magba barkada. “Totoo,” sabat ni Maika “Wala bang nababanggit si Brett tungkol kay Haime? Nakapunta ka na ba sa bahay nila? Na-meet mo na ba ang mga parents niya o mga kapatid?” tanong pa ni Maika ng tuloy-tuloy, halatang curious din siya. “Hmmm, sa totoo lang hindi pa. Lagi kasi kaming sa condo niya nag-stay. Siguro hindi ko rin pinapansin masyado ‘yan, kasi alam ko namang hindi ko siya mapapakilala kay Mommy. Masaya naman kami ni Haime kahit kami lang, no hustle, no drama!” sagot ko nang medyo matipid, hindi ko rin kasi alam kung paano ipaliwanag sa kanila.“Sabagay, may point ka, sis,” sabi ni Jasmin ,
Huling Na-update : 2024-12-30 Magbasa pa