"l CAN'T BELIEVE you made me watch Channing Tatum dancing like that," hindi makapaniwalang sabi ni Achilles habang umiiling-iling. "l feel like my dignity as a man had been destroyed!"Inungusan ni Leah ang lalaki. "Ang arte mo." Inirapan niya pa. "Ang guwapo kaya ni Channing.""Mas guwapo sa akin?""Yes," walang pag-aalinlangan niyang sagot. "Undeniably.""Undeniably pala, ha..." Inabot nito ang remote na nasa center table, saka pinatay ang TV. "O, hayan, wala na."Leah just rolled her eyes and bit a small amount of pizza. Kung nandito ngayon ang manager niya, tiyak na pangangaralan siya tungkol sa calorie intake whatever. Pero dahil wala naman, magpapakasawa siya sa pagkain ng pizza."Leah, pansinin mo nga ako," naglalambing ang boses na sabi ni Achilles, saka yumakap sa baywang niya nang patagilid. "Na-miss kita, 'tapos ganyan ka sa akin.Hindi mo man lang ba ako na-miss? Kahit kaunti?" Kunot-noong binalingan niya ito. "Ano'ng problema"l just missed you.""Okay." Kumagat siya ng p
Read more