HABANG naglalakad sila palabas ng restaurant na kinainan nila, dala-dala ni Achilles ang moon cake na pina-take out nito para daw sa kaibigang si Elyes."Thank you for coming, Mr. William. I hope you enjoy our food," ani Mr. Wong na nasa pintuan ng restaurant."Yeah. We enjoyed it." Walang ngiti sa mga labing sabi ni Achilles."It's very delicious," sabi naman niya pero siniguro niyang walang ngiti sa mga labi niya.Natigilan siya bigla ng gawaran siya ng halik sa mga labi ni Achilles sa harap mismo ni Mr. Wong kapagkuwan ay nginitian siya nito. "Syempre, sinubuan kita e kaya masarap."Susuntukin sana niya ito sa braso ng maalala niya ang one violent move, one kiss na rule nito. Hindi nalang niya tinuloy ang suntok at ikinuyom nalang niya ang kamao.Tumaas ang sulok ng labi nito at naghahamong tumingin sa kanya. "Dali. Suntokin mo na ako."Inirapan niya ito at nauna nang naglakad patungo sa kotse na sinakyan nila kanina. Kaagad namang nakahabol sa kanya si Achilles saka pinagbuksan si
"KAILAN mo kami ipapakilala sa bago mong apple of the eye?" Tanong sa kanya ni Jenel habang sinisimsim nito ang order na java latte.Nag-aya si Jenel at Cearina sa Starbucks para lang interview-hin siya. Nalaman ng mga ito mula sa mga magulang niya ang tungkol kay Achilles kaya naman ginawa yatang misyon nang dalawa na paaminin siya kung sino si Achilles at kung ano ang nararamdaman niya para rito."Spill, Leah," pamimilit ni Cearina habang pinanlalakihan siya ng mata. "Magkuwento ka na kasi at nang hindi na humaba ang usapan.""Wala naman akong iku-kuwento." Napakagat labi siya. "Hindi naman kami, e."Umingos si Jenel. "Hindi kayo pero may nangyari na sa inyong dalawa? Anong tawag 'don?"Namumula ang pisngi na nagbaba siya ng tingin."Tumigil nga kayo. W-Wala naman 'yon, e. Hindi porket naulit 'yon ay—"Oh to M to the G!" Tili na wika ni Cearina. "Naulit?"Nahihiyang tumango-tango siya. "Oo. Naulit."Halos malaglag ang panga ni Jenel na nakatingin sa kanya. "Oh my God, Leah. Naulit?
HABANG naglalakad sila patungo sa bahay ni Achilles, halos mahulog ang panga niya sa naggagandahang bahay na nadadaanan nila. Dito rin nakatira si Tyron at ang asawa nitong si Rina. Pero gabi nuon nung makapunta siya rito kaya hindi niya nakita masyado ang mga bahay."Mukhang mayayaman ang nakatira rito," komento niya habang naglalakad."Not really," ani Achilles saka iginiya siya papasok sa isang gate.Hanggang beywang lang niya ang gate. At sa loob ng itim na gate ay isang kulay puti na mansyon.It was a modern mansion. Bermuda grass and bonsai plants were dotted around the house. It had glass walls, beautiful fountain on the side and a swimming pool on the other side. May mga recliner sa gilid ng swimming pool at may jacuzzi sa tabi niyon. The mansion was three stories high and it had a flat concrete roof. Mula sa kinatatayuan niya, napakaaliwalas ng loob ng mansiyon.Parang ang sarap tumira sa bahay na 'to."Ito ang bahay mo?" Manghang tanong niya."Yep," aagot ni Achilles saka in
NAGPASALAMAT si Leah ng makapasok sila sa isang magarang silid at dahan-dahan siyang ihiniga sa kama ni Achilles. Akmang babangon siya ng kubabawan siya nito saka ibinaon ang mukha sa leeg niya.Nakagat nalang ni Leah ang labi ng maramdamang hinahalikan ni Achilles ang leeg niya. Nang maramdaman niya ang kamay nito na humaplos sa katawan niya mula beywang hanggang hita, lumalim ang paghinga niya."Achilles..." Pinikit niya ang mga mata ng maramdamang gumapang ang kamay nito patungo sa waist band ng pantalon niyang suot saka binuksan ang butones. "Nasa ibaba ang mommy mo..." Gusto niya itong pigilan pero wala naman lakas ang boses niya para makinig ito.At nang tuluyang maibaba ni Achilles ang zipper ng pantalon, mas lalo siyang naging marupok sa kagustuhan ng sariling katawan lalo na nang dahandahan nitong ipinasok ang kamay sa loob ng panty niya saka masuyong sinapo ang pagkababae niya.Mas lalong lumalim ang paghinga niya ng ipasok nito ang daliri sa hiwa ng pagkababae niya. Kusang
HABOL ang hinihinga na nahiga si Achilles sa tabi niya habang nakatingin sa fiber glass na kisame ng silid nito."Don't you find your ceiling creepy?" Tanong niya sa binata habang habol pa rin ang hininga."Nah." Tumagilid ng higa si Acjilles at niyakap siya sa beywang. "Cool nga, e.""Kapag maaraw, mainit dito sa kuwarto mo sigurado. Good thing the weather is not that hot today," sabi niya saka bumaling sa katabi. "Paano naging cool 'yan?""Kasi nakikita ko ang mga bituin sa kalangitan kapag nakahiga ako." Hinalikan nito ang pisngi niya. "At alam mo ba kung sino ang naiisip ko kapag narito ako sa silid ng mag-isa?""Sino?""Ikaw."Bumilis ang tibok ng puso niya. Nasisiguro niyang hindi iyon dahil sa katatapos palang nilang magtalik."Oo, ikaw.""B-Bakit?""Hindi ka mawala sa isip ko, e."Pilit niyang pinapakalma ang nagwawala niyang puso "Iniisip din naman kita palagi," kinakabahang at nahihuyang pag-amin niya. "You were gone for three days and I missed you, Achilles." Mahigpit siyan
WALA SA SARILI si Leah habang nagta-trabaho sa araw na 'yon. Tatlong araw na niyang hindi nakikita si Achilles. Simula nang ihatid siya nito sa bahay nila at napasok sa usapan nila si Kyle, hindi na ito nagpakita pa sa kanya. Hindi na natuloy ang pag-gi-gym na plano nila. Bakit naman kasi bigla nalang itong nagalit sa kanya?Miss na miss na niya ito. Gusto niya itong tawagan pero ano naman ang sasabihin niya? Baka pagsalitaan siya nito ng hindi maganda, masaktan lang siya.Sa mga araw na nagdaan, saka lang niya napansin kung gaano na kahalaga si Achilles sa buhay niya. Sa bawat araw na hindi niya nakikita si ito, mas lalo siyang nangungulila sa binata. Gusto niya itong puntahan sa bahay nito pero paano kung ipagtabuyan siya nito? 'Yon ang kinakatakot niya. Ayaw niyang masaktan at mapahiya."Leaj, ang niluluto mo! Nasusunog nal" Anang malakas na boses ng ama niya na nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.Namilog ang mata niya at mabilis niyang tiningnan ang nilulutong Cedar River Chicken
NANG lumapag ang eroplanong sinasakyan nila ni Achilles, kaagad siyang iginiya ng binata palabas ng eroplano. At habang naglalakad sila patungo palabas ng airport, halos lahat yata ng babae ay nakatingin kay Achilles. Ang iba naman ay nakatingin sa kanya ng puno ng inggit at panghuhusga ang mga mata dahil siguro siya ang kasama ni Achilles.Normal lang naman ang inggit at panghuhusgang nakakikita niya sa mga mata ng kababaehan. Achilles 'The Greek' Williams was downright gorgeous. Simpling cargo pants at white shirt lang ang suot nito pero talagang mapapalingon ka talaga sa kaguwapuhan at kakisigan nitong taglay.At habang katabi niya itong naglalakad, wala siyang hiyang maramdaman tulad ng dati na ayaw niyang may nakakakita sa kanilang magkasama ni Achilles dahil baka ikahiya siya nito. Ngayon, alam niya walang pakialam si Achilles kung plus size man siya at wala siyang dapat ikahiya kung ganoon man ang katawan niya. At kung walang pakialam si Achilles kung plus size siya, mas lalaon
BAGO PA BUMAGSAK ang katawan ni Leah sa sahig, mabilis niyang nasalo ang dalaga at kaagad niya itong binuhat. Dahil siguro sa gulat at sa nabasa niyang kaguluhan sa mga mata nito kaya bigla nalang itong nawalan ng malay. Leah tend to overthink sometimes. That was why he did not tell her about him being a Prince in the Royal House of Kostas. Kahit pa nga matagal na niyang tinalukuran ang titulong 'yon, sa tuwing bumibisita siya dito sa Greece, nanatili pa rin ang titulong 'yon sa kanya.She was shock. Nakita niya iyon sa mukha nito kanina. Kung alam lang niyang mawawalan ito ng malay, sana sinabi niya bago lumapag ang eroplanong sinasakyan nila. Pero ayaw naman niyang malaman nito na prinsipe siya. Wala naman kasi 'yon sa kanya, e. His title ddn't mean anything to him. Hindi niya ipinagmamalaki na orinsipe siya kaya nga hindi niya sinabi rito. Ayaw niyang mag-isip ito ng kung ano-ano.Nahihirapan na nga itong tanggapin siya bilang siya, ano pa kaya kung magpapakilala siyang prinsipe?N
"MOON CAKE, bakit ba hindi mo ako pinapansin?" Abol hanggang bubong ng bahay nila ang inis ni Achilles habang nagtatanong. "Wala naman akong ginawang masama sayo. Bakit ba?"Umismid ang asawa niya saka tumagilid ng higa, malaki na ang tiyan nito kaya dahan-dahan ang galaw nito. "Ayoko sayo. Ang baho mo."Holy fuck!Napanganga siya at napakurap-kurap. "Moon cake naman, e. Alam mo ba kung ilang beses na akong nagpalit ng pabango para lang hindi ako mabaho sa pang-amoy mo?"Inirapan siya nito. "Pakialam ko naman. Mabaho ka, kaya lumayo ka sa'kin!"Achilles gritted his teeth in so much annoyance. Pilit niya itong iniintindi kasi nga buntis, pero may mga pagkakataon na naiinis talaga siya.Galit na lumabas siya ng silid niya at malalaki ang hakbang na umalis sa bahay nila. Bibili siya ng bangong pabango. Mababaliw siya kapag hindi pa siya pansinin ng moon cake niya. It's been two days!Achilles sighed and went to the nearest store to buy new cologne. Nang makabili siya, kaagad siyang bumal
NAGISING si Achilles nang parang may humaharang sa ilong niya at hindi siya makahinga nang mabuti.Iminulat niya ang mga mata at napabuntong-hininga na lang nang makitang natutulog ang apat na taong gulang niyang anak na si Rivas sa mukha niya.Nasasanay na itong natutulog sa tabi nila ni Leah. At pagdating ng umaga ay nakadapa na ito sa mukha niya kaya hindi siya makahinga. Ang maliliit nitong paa ay nasa leeg niya at ang ulo ay nasa may buhok na niya. At ang tiyan nito ay nasa mukha niya.Dahan-dahan niyang tinanggal ang anak sa mukha niya, saka inilapag ito sa malambot na kama.Natigilan si Achilles nang makitang gumalaw ito. Akala niya ay iiyak pero kumipot uli ang cute nitong bibig.A soft chuckle awakened his senses. Bumaling siya sa pinanggalingan n'on ay agad siyang napangiti."Morning, moon cake.""Hey, baby." Dumukwang si Leah palapit sa kanya, saka hinalikan siya sa mga labi. "Pasensiya na, ha? Hindi ko nailipat si Riva dito sa kama. Nagigising, eh.""Good morning." Ngumiti
THEN the priest's voice filled the plane. "l now pronounce you, husband and wife." Bumaling ito kay Achilles. "You may now kiss your bride."Achilles grinned. "Thanks, Father. Kanina pa ako magtitimpi, eh." With that, he pressed their body together and crashed his lips on hers.Agad naman niyang tinugon ang halik nito at yumakap siya sa leeg ng asawa.Achilles was the one who pulled away. "l love you, moon cake.""l love you too, baby," namumungay ang mga matang sabi niya, saka siya naman ang sumiil ng halik sa mga labi nito."Congratulations, my friend!" sigaw ni Elyes. "Umpisa na ng pagiging undetstanding mo."Naghiwalay ang mga labi nila ni Achilles at humarap sila kay Elyes at sa mga kaibigan nito na panay ang congratulate sa kanilang dalawa."Congratulations," sabi ng ama ni AchillesEveryone was silent. Lahat na kaibigan ni Achilles ay nakatingin dito.Tumingin muna sa kanya ang asawa bago sumagot. "Thanks." Halatang pilit ang pagiging mabait nito.Ngumiti ang ama ni Achilles, s
PEOPLE said that happiness was so hard to chase, not easy to have and it could be easily taken away from you. But for Achilles Kostas Williams, happiness had a name. And she was Leah Olaer. His very lovely bride."Hindi ako makapaniwalang darating ang araw na 'to," wika ni Elyes na umiiling-iling pa. "Siguradong hindi ka na makikipag-inuman sa 'kin. Hindi na tayo magbabonding. Wala na."Gustong kutusan ni Achilles ang kaibigan. "Montenegro, mag-aasawa ako, hindi magpapakamatay. Kung makapagsalita ka naman parang namamaalam na ako."Mahinang natawa ang kausap. "Hindi ka ba namamaalam? Sasakalin ka na—este, ikakasal ka na."Achilles rolled his eyes. "Montenegro, huwag kang madrama. Baka pagkamalan tayo.""Hindi pa ba?" Malakas na tumawa ang loko. "Sabi nga ni Shun, may future daw tayo, eh." 'Mang-asar ka pa." Iniumang niya ang kamao."Bubugbugin kita, pangako iyan."Elyes shook his head while chuckling hard. "l can always get into your nerves, huh?""Isn't that what they called friends
HINDI makagalaw si Achilles nang makalapag ang eroplanong sinasakyan. Naninigas ang buong kalamnan niya. Nakakuyom ang kamao niya at pakiramdam niya ay nanlalamig siya."Well, Achi, my friend, halika na," sabi ni Elyes na sumama sa kanya.Huminga siya nang malalim at inipon ang lahat ng lakas ng loob. Pagkatapos ay tumayo siya at pinilit ang mga paa na ihinakbang palabas ng eroplano.The moment his feet touched the Japan's soil, he cringed.Pero kailangan niyang makita si Leah. Ayaw na niyang mawalay ito sa kanya. Sa paglipas ng mga araw na hindi niya nakikita ang babae, natatakot siya na baka nga hindi na ito bumalik.The need to see her was much stronger than his hate to this country.Inakbayan siya ni Elyes. "Handa ka na? Halika na at hanapin natin ang ospital kung saan naroon ang ama ni Leah. Alam mo naman siguro kung nasaan."Tumango siya. "Sinabi sa 'kin ni Leah nang tumawag ako kagabi.""Good. Good." Tinapik nito ang balikat niya. "Let's go." Pilit ang bawat hakbang ni Achilles
DALA ni Achilles ang aso ni Leah at saka isang box ng moon cake habang papasok sa bahay niya. Excited na siyang makita ang nakangiti at masayang mukha ni Leah kapag nakita nito ang aso at ang moon cake."Moon cake?" tawag niya rito nang makapasok sa bahay. "Moon cake?"It's already past six, kaya nasisiguro niyang nakauwi na ito ngayon."Moon cake, I have something for you!" sigaw niya habang nakatingala sa hagdanan. "Come down, moon cake!"Naghintay siya ng ilang minuto pero walang bumaba. He sighed and went to his room. Napakunot ang noo niya nang makitang wala doon ang babae.Mabilis siyang bumaba at nagtungo sa kusina. No one was there. Inilapag niya ang box ng moon cake sa island counter at ang aso sa sahig, saka tinawagan si Leah.Error in connection.His frowned deepened even more. Nandoon pa ba ito sa restauraant? Why couldn't he contact her? He was starting to panic. Nararamdaman niyang bumibilis ang tibok ng puso niya sa kaba at nanlalamig ang mga kamay niya.Fuck! Sana nama
PAGKATAPOS nilang kumain, agad na bumalik sa pagtatrabaho si Achilles. Si Leah naman ay hinugasan ang pinagkainan nilang pinggan.Naiinis na tinapos niya ang ginagawa. Akala niya maguusap sila pero hayun, trabaho na naman. Nairita siya rito. Nakakainis! Nagagalit siya actually. Nanggigigil at nagtatagis ang mga bagang niya."Argh!" Nagpapadyak siya, saka nagtungo sa sala kung saan naroon si Achilles.Achilles was already busy working. Pero hindi niya hahayaang mapigilan siya n'on.Nilapitan niya ito. "Achilles, puwede ba tayong magusap?" tanong niya."Puwede bang mamaya na?" tugon nito nang hindi man lang tumitingin sa kanya. "Tatapusin ko lang 'tong ginagawa ko, 'tapos mag-uusap tayo."Kinagat ni Leah ang pang-ibabang labi sa iritasyong naramdaman. "Baka madaling-araw ka na naman matapos diyan. Please, mag-usap muna tayo?"Achilles didn't stop working. "Leah, mamaya na, please? Kailangan kong gumawa ng report tungkol sa nangyaring aksidente, hinahanapan ako ng board. At saka kailanga
LUMIPAS ang mga araw, wala pa ring narinig si Leah mula kay Achilles. She was starting to get irritated and annoyed. Hinihintay niyang tanungin siya nito tungkol sa napag-usapan nila pero wala.Achilles stayed silent.And nakakairita pa, palaging trabaho ang inaatupag nito. Kung hindi busy sa harap ng laptop ay wala naman itong sa bahay at halos gabi na kung umuuwi.His reason? Work.Argh!At ang mas nakakabuwisit, ni minsan ay hindi siya nito hinalikan o hinawakan man lang. Basta na lang itong parang robot na tatabi sa kanya ng higa sa kama at kinabukasan ay wala na.In short, malamig ang pakikitungo ni Achilles sa kanya. Doon niya naisip na baka pinaglalaruan lang siya nito. Siguro kasama iyon sa plano ng lalaki. Maging mabait, paasahin siya, saka hindi siya papansinin.Maloloka na siya sa kakaiisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Wala naman siyang lakas ng loob na magtanong dito kasi natatakot siya sa magiging sagot nito.Nagpatuloy na lang siya sa pagiging alipin niya.Naglilin
MAAGANG nagising si Leah at wala na sa tabi niya si Achilles. Nang lumabas siya ng kuwarto at hinanap ito, natagpuan niya ang lalaki sa sala at abala na naman sa harap ng laptop. He seemed focus on what he was doing.Natulog ba ito? Napailing-iling na lang siya. Whatever he was doing seemed really important. Kaya naman nagtungo siya sa kusina, nagtimpla ng kape, saka inilapag iyon sa mesa, katabi ng laptop nito."Thanks, moon cake."Leah wasn't expecting a reply, but he did. At tinawag uli siya nitong moon cake. Good heavens! Would she dare hope? O naghihiganti lang ito? Huwag naman sana."Welcome," tugon niya.At dahil ayaw niyang maistorbo ito sa ginagawa, doon siya nagkape sa labas ng bahay. Dala-dala ang tasa, umupo siya sa hagdan at sumimsim ng kape habang nakatingin sa mga pine trees na nakapaligid sa bahay.Hanggang sa maubos ang kape niya ay nanatili siyang nakaupo sa hagdanan sa labas ng bahay. She liked looking at the fog hovering the pine trees. It looked eerie wonderful.B