Home / Romance / LIES: MY BILLIONAIRE EX / Chapter 81 - Chapter 90

All Chapters of LIES: MY BILLIONAIRE EX: Chapter 81 - Chapter 90

122 Chapters

Chapter 81

Chapter 81 Matapos ang aming maayos na pag-uusap, naramdaman ko ang kaluwagan sa aking puso. Sa tulong at suporta ng aking mga magulang, naging mas malakas ako upang harapin ang mga hamon na dala ng pangyayaring iyon. Nagpasya kaming mag-anak na magtulungan at maglaan ng oras upang pag-usapan ang mga bagay na may kinalaman sa respeto, privacy, at pang-unawa sa bawat isa. Sa pamamagitan ng maayos na komunikasyon at pagpapahalaga sa bawat saloobin, unti-unti kaming nakabangon mula sa pagkakalito at hinanap ang solusyon sa aming mga suliranin. Napagtanto ko na sa kabila ng mga pagsubok at hindi inaasahang pangyayari, ang pamilya ang ating sandigan at tagapagtanggol sa lahat ng oras. Sa pagiging bukas at pagmamahalan, kayang-kaya nating malampasan ang anumang hindi inaasahang pangyayari sa ating buhay. Sa paglalakbay ng buhay, ang pagmamahal at suporta ng pamilya ay isa sa pinakamahalagang yaman na ating maaaring taglayin. Sa bawat pagkakataon, tayo ay magtutulungan at magmamahalan up
last updateLast Updated : 2024-08-11
Read more

Chapter 82 "Fashion Designer"

Chapter 82 Habang naghihintay ako sanakingga magulang dahil nasa kanila ang mga damit na aking dinisenyo at ito ang aming i-present sa aming team. Pa balik-balik akong naglalakad sa loob ng aming tent kung saan gaganapin ang fashion show dito lamang sa loob ng paaralan sa covercort gaganapin. Puno ng kasiyahan ang paligid habang papalapit na ang programa pero kabaliktaran ang kanyang nararamdaman. Dahil puno't pag-alala ang aking nararamdaman. Hindi pa kasi makita ang aking mga magulang, na dapat sana'y magdadala ng mga damit na aking dinisenyo. "Hindi pa ba sila dumating?" tanong ng kasamahan ko, may halong pag-aalala sa boses. "Hindi pa," sagot ko naman may halong pagkabahala sa boses. "Ano ang gagawin natin? Paparating na ang programa," sigaw ng aking kasamahan, kitang-kitang ang pagkabahala sa kanyang mukha. Dito kasi nakasalalay ang aming final grade sa contest na ito. Kaya hindi maiwasan ang aming pag-alala. Habang nagtatagal, lumalaki ang pag-aalala naming lahat,
last updateLast Updated : 2024-08-13
Read more

Chapter 83

Chapter 83 Pagkatapos ng contest ay dumiretso kami sa isang restaurant upang ipagdiwang ang aming pagpanalo. Naging masaya ang lahat hindi ko maiwasang na kiligin ng lihim sa pag-aasikaso ni Rocky sa akin. Ngunit hindi makaligtas sa aking paningin ang mga ka-klase ko at la team na kinikilig kaya hindi maiiwasang mapatawa sina Dad at Mom. "Alam mo fenny Angie, subrang bagay kayo!" bigkas ni Paula. "True," sang-ayon ni Rose. "Agree na agree ako dyan, 100% agree," sabi naman ni Mea. "Hala, magsikain ma kayo, mamaya na ang kwentuhan," sambit ni Dad. "Hahaha, ang KJ mo talaga Mahal," tawang sabi ni Mommy. Hindi ko alam ang aking sasabihin dahil ang topic nila ay tungkol sa amin kaya pinamulahan ako. Ni halos ay hindi ako makatingin ni Rocky sa dahil sa kakahiyan. "Okay, okay, tama na ang pagiging lovebirds!" sigaw ni Mea, itinaas ang kanyang mga kamay na parang sumusuko. "Mag-focus na tayo sa pagkain, bago matunaw si Angie sa sobrang kilig," kilig nitong sabi. Nagt
last updateLast Updated : 2024-08-15
Read more

Chapter 84

Chapter 84 Naputol ang aking pag-iisip ng nagsalita si Mea. "Mauna na kami sa inyong dalawa, salamat sa Libreng dinner," ngiti bigkas nito habang nagpapasalamat kay Rocky. Ito kasi ang nagbayad sa aming kinain. Hanggang tuluyang umalis ang tatlo kaya kami na lang ang naiwang sa gitna ng daan. Ang paglalakad pabalik sa kanilang mga sasakyan ay puno ng komportableng katahimikan, na nababasag lamang ng paminsan-minsang pagtawa o pagkatinginan dahil sa kanilang kwentuhan. Na-enjoy ako ang mga tahimik na sandali, ang paraan ng pagpuno ng presensya ni Rocky sa kanya ng katahimikan at seguridad. "So," sabi ni Rocky, binabasag ang katahimikan habang narating kami aning mga sasakyan. "Masaya 'yon, 'di ba?" tanong n'ya sa akin. "Oo naman," sang-ayon ko, tumitibok ang kanyang puso. "Talagang nag-enjoy ako," ngiti kong sabi. "Ako rin," sagot ni Rocky, nakatingin sa kanya. "Lalo na't, I got to spend the evening with you,* bigkas nya sa akin. Namula ang pisngi ko at hindi ko
last updateLast Updated : 2024-08-17
Read more

Chapter 85

Chapter 85 Lumipas ang mga buwan at naging opisyal na kaming magka-relasyon ni Rocky. Naging masaya ang aming relasyon bilang magkasintahan. Laging nasa aking tabi si Rocky, nagbibigay ng suporta sa aking pag-aaral. Ngayon ay araw na aming pinakahihintay—ang araw ng aking pagtatapos bilang Fashion Designer. At isa rin akong summa cum laude. Habang naglalakad ako papunta sa entablado, ramdam ko ang kaba at excitement na nagsasama sa aking dibdib. Naririnig ko ang palakpakan ng mga tao, ngunit ang tanging nakikita ko ay si Rocky, nakangiti at puno ng pagmamalaki. "Congratulations, love," bulong niya sa akin nang makababa ako ng entablado, hawak-hawak ang aking diploma at medalya. "Salamat, Rocky. At sa inyo Mom, Dad. Hindi ko ito makakamit kung wala kayo," sabi ko, ang mga mata ko ay puno ng luha ng kaligayahan. Pagkatapos ng seremonya, nagtipon-tipon kami kasama ang aming pamilya at mga kaibigan. Ang saya at pagmamahalan ay ramdam na ramdam ko sa aking puso. "Para sa bago
last updateLast Updated : 2024-08-19
Read more

Chapter 86

Chapter 86 "Love, anong i-suggest mo about sa opening ng aking negosyo? Anong dapat kong gawin?" ngiti kong sabi. Tumingin siya sa akin at ngumiti rin. "Well, una sa lahat, kailangan mong siguraduhin na lahat ng kailangan mo ay nakahanda na. Mga permits, inventory, at staff. Pangalawa, maganda siguro kung may soft opening ka muna para masubukan mo kung paano tatakbo ang negosyo mo bago ang grand opening," suggest niya sa akin. Tumango ako sa kanyang mga sinabi. "Tama ka, love. Ano pa kaya?" sambit ko habang nag-iisip. "Maganda rin siguro kung mag-invite ka ng mga kaibigan at pamilya sa opening para may moral support ka. At siyempre, huwag kalimutan ang marketing. Gawa ka ng social media posts, flyers, at baka pwede ka rin magpa-advertise sa local radio o newspaper." "Wow, ang dami mong ideas! Salamat, love. Ang laking tulong nito," sabi ko habang hinawakan ang kanyang kamay. "Anything for you, love. Alam kong magiging successful ka," sabi niya habang hinahaplos ang aking
last updateLast Updated : 2024-08-20
Read more

Chapter 87

Chapter 87 HINDI, hindi ko akalain marami itong alam. 'Sabagay, isa itong business man,' sambit ko sa aking isip. Habang nag-uusap kami, mas lalo akong nagiging kampante na magiging maayos ang pagbubukas ng aking negosyo. "Love, salamat talaga sa lahat ng tulong mo. Hindi ko alam kung paano ko ito magagawa kung wala ka," sabi ko habang tinitingnan siya ng may pagmamahal. "Walang anuman, love. Alam mo namang nandito lang ako para sa'yo. Gusto ko lang makita kang masaya at successful," sagot niya habang hinahaplos ang aking kamay. Pagkatapos naming magplano, nagpasya kaming maglakad-lakad muna sa paligid para magpahinga at mag-relax. Habang naglalakad kami, napansin ko ang isang maliit na park na may mga bata na naglalaro. Nakangiti akong tumingin sa kanya. "Love, tingnan mo sila. Ang saya-saya nila," sabi ko. "Natandaan mo ba dati, ganyan din tayo noon!" dagdag kong sabi. "Hahaha, natatandaan mo pa rin pala -yun," masayang tawa nito. "Oo nga, love. Nakakatuwa silang panoo
last updateLast Updated : 2024-08-21
Read more

Chapter 88

Chapter 88 Pagkatapos ng masayang kwentuhan, nagpasya kaming magpahinga na at maghanda para sa mga susunod na araw. Alam kong marami pang trabaho ang kailangan gawin para sa negosyo, pero alam ko rin na may mga tao akong maaasahan. Kinabukasan, bumalik kami sa shop para tingnan kung may mga kailangan pang ayusin. Habang naglalakad kami ni Rocky sa loob ng shop, napansin ko ang mga ngiti sa mukha ng mga empleyado at customers. Nakakatuwang isipin na naging matagumpay ang grand opening. "Love, ang saya ng mga tao. Mukhang nagustuhan nila ang shop," sabi ko habang tinitingnan ang paligid. "Oo nga, love. Ang galing mo talaga. Proud na proud ako sa'yo," sagot ni Rocky habang niyayakap ako. "Salamat, love. Hindi ko magagawa ito kung wala ka," sabi ko habang hinahawakan ang kanyang kamay. Habang naglalakad kami, napansin kong may mga customers na nagtanong tungkol sa mga bagong produkto. Agad kong inasikaso ang kanilang mga tanong at siniguradong maayos ang lahat. Pagkatapos ng
last updateLast Updated : 2024-08-22
Read more

Chapter 89

Chapter 89 Lumipas ang mga taon at naghahanda kami para sa aking kasal bukas. Tulad ng kagawian at pamahiin noong unang panahon, bawal magkita ang bride at groom bago ang kasal. Kaya wala kaming magawa, pati paggamit ng telepono ay bawal. Ngayon, andito ako sa aking silid para magpahinga para sa bukas ng umaga. Kinaumagahan ay pumasok si Mom at Dad kasama ang mag-aayos sa akin. "Gigi, kayo nang bahala sa aking anak," sabi ni Mommy. " Opo, Madam Rhian!" tugon naman nito. "Halika Andrew para mag-ayos din tayo," wika ni Mommy kay Dad. "Anak, Angie!" biglang sambit ni Dad. "Bakit ,Dad?" tanong ko dito. Napangiti lamang ako ng pinahiran ang kanyang mga mata. "Sobrang saya ko lang, anak," sabi ni Dad habang pinipigilan ang pagluha. "Parang kailan lang, maliit ka pa at ngayon, ikakasal ka na," dagdag nitong sabi. "Salamat, Dad," tugon ko habang niyayakap siya. "Hindi ko ito magagawa kung wala kayo ni Mommy," dagdag kong tugon. "Okay, tama na ang drama," sabi ni Mommy habang
last updateLast Updated : 2024-08-24
Read more

Chapter 90

Chapter 90 Hanggang kinarga niya ako para umalis sa reception at naglakad patungo sa labasan. Narinig kong sigaw ni Orion na kinapulupot ng aking pisngi. "Ate, galingan ninyo para may pamangkin na ako," sigaw nito kaya agad kong tinago ang aking mukha sa dibdib ni Rocky dahil sa kahihiyan. "Anak Angie, dapat kambal agad para dalawa ang aming alagaan ng iyong Daddy Andrew at nila Kumpadre Ruel at ni Janis," segunda naman ni Mommy Rhian sa akin. "Galingan mo, anak, Rocky! Para makabuo agad!" sigaw din ng Daddy ni Rocky na si Daddy Ruel. Rinig ko ang nakatikim si Rocky sa sinabi nila. "Sige na, Rocky, bilisan mo na at baka magbago pa ang isip ng anak ko," biro ni Daddy Andrew habang tumatawa. Habang naglakad si Rocky papunta sa kotse ay hindi niya pa rin ako ibinaba, hindi ko maiwasang mapangiti sa mga biro at suporta ng aming pamilya. Napakalaki ng pagmamahal at suporta na ibinibigay nila sa amin. Pagdating namin sa kotse, binuksan ni Rocky ang pintuan at maingat akong pina
last updateLast Updated : 2024-08-25
Read more
PREV
1
...
7891011
...
13
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status