TEDROS POV "Eurydice Solarte, first year section 1. Iyan lamang po ang nalaman ko tungkol sa babaeng gusto niyong makilala Tedros," balita ng lalaking binugbog namin kaninang umaga. "Eurydice Solarte? Hmm.." sabay baling ko sa labas ng bintana. "Umalis ka na! At huwag na huwag ka na ulit magpapakita sa amin huh!" sigaw ni Kenzo sa kanya. "O-opo!" takot na sagot niya at tsaka nagmamadaling umalis ng room namin. ( Fast Forward ) "Baka nakauwi na iyon, Tedros." "Oo nga! Tingnan mo, halos wala nang estudyante rito sa loob ng eskwelahan," dagdag ni Kenzo sa sinabi ni Ariel. Hinithit ko ang aking sigarilyo at tsaka ko iyon itinapon sa aking paanan at mariing inapakan. "Ayan na," sabay ayos ko nang tayo nang makita ko ang taong kanina pa namin hinihintay rito sa school gate. Halos sabay pa silang dalawa na napatingin sa direksyong tinitingnan ko. Nagulat ang babaeng si Eurydice Solarte sa amin at nakita ko kung paano bumagal ang paglalakad niya. Hindi ko maiwasang mapaismid sa its
Huling Na-update : 2024-11-21 Magbasa pa