Home / Romance / The Billionaire’s Woman / Chapter 91 - Chapter 99

All Chapters of The Billionaire’s Woman: Chapter 91 - Chapter 99

99 Chapters

Chapter 91

Nagkita sila sa isang restaurant na may private dining area, isang lugar kung saan sila lang ang tao. Si Maxwell ay naka-formal attire na bagay na bagay sa kanya, habang si Evelyn naman ay naka-elegant na dress na pumili si Maxwell para sa kanya. Pakiramdam ni Evelyn, bumalik sila sa mga araw na nagsisimula pa lamang ang lahat, pero ngayon ay mas intense, mas malalim ang damdamin nila sa isa’t isa. Habang kumakain sila, si Maxwell ang nagsilbing masiglang kwentuhan ni Evelyn. Napatawa niya ito sa mga kwento at biro, at hindi rin maiwasang maalala ni Evelyn ang mga rason kung bakit nahulog siya sa kanya noon. “Mamimiss kita, Elle,” bulong ni Maxwell habang magkadikit ang kanilang mga kamay sa ibabaw ng lamesa. Natawa si Evelyn ngunit hindi niya maitago ang bahagyang lungkot sa kanyang mga mata. “One week lang naman, Maxwell,” biro niya, pilit na hindi ipinapakita ang nararamdamang lungkot. “Oo nga, pero isang linggo pa rin na malayo sa ’yo,” sagot ni Maxwell na para bang tinit
last updateLast Updated : 2024-11-08
Read more

Chapter 92

Nang matapos ang paghahanda, nag-set up sila ng picnic sa garden. May mga paboritong pagkain ni Maximo, mga cake at ice cream na tila nag-uumapaw ang saya. Habang nagkakaroon ng kasiyahan, hindi nila napansin na unti-unting lumalapit si Maximo sa kanilang mga braso, kumikilos na tila isang grupo ng pamilya. “Salamat sa lahat, Daddy!” sabi ni Maximo, yakap ang mga binti ni Maxwell. “Masaya ako na nandito ka na!” “Masaya akong makasama ka, anak!” sagot ni Maxwell, yumakap din kay Maximo. Tiningnan ni Evelyn ang dalawa, napuno siya ng pagmamalaki at saya. Nang bumaba ang araw at nag-init ang kalangitan, nagpasya silang maglakad-lakad sa paligid ng bahay. Magkahawak kamay si Evelyn at Maxwell, habang si Maximo ay masayang naglalaro kasama ang tuta sa paligid. Habang naglalakad, bumaling si Maxwell kay Evelyn. “Alam mo, ang pagkakaroon ng pamilya ay ang pinaka-mahalagang bagay sa akin. Handa akong ipaglaban ang ating pamilya.” “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Evelyn, medyo
last updateLast Updated : 2024-11-09
Read more

Chapter 93

Sa mga susunod na araw, nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Unti-unting bumabalik ang dati nilang saya at kasiyahan. Ang bawat sandali kasama si Maxwell ay tila nagpapalakas ng kanilang relasyon.Dahil sa mga pangako at pagtitiwala sa isa’t isa, nagdesisyon silang muling ibalik ang dating saya ng kanilang pamilya. Gusto ni Evelyn na maging mas bukas kay Maxwell, at naglalakas ng loob siyang harapin ang kanyang mga takot.Nagpatuloy ang kanilang mga tawag, mga pag-uusap, at mga bonding kasama ang kanilang anak. Sa huli, naramdaman ni Evelyn na ang tunay na pag-ibig ay hindi natutulog, kundi nagiging mas malalim sa kabila ng mga pagsubok.Sa mga pagkakataong nagkakaroon sila ng pagkakataon, palaging nagsisilbing araw ng pamilya ang bawat pagkakataon na magkasama sila. Ang mga simpleng bagay ay nagiging espesyal sa piling ng isa’t isa.Nakita ni Evelyn kung paano pinapahalagahan ni Maxwell ang bawat hakbang, mula sa mga maliliit na bagay hanggang sa mga importanteng desisyon. Tulad ng isa
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 94

Paglipas ng Ilang ArawDahil sa bago naming simula, sinubukan naming gawing espesyal ang bawat araw. Isang gabi, nag-set up si Maxwell ng candlelit dinner sa aming garden. Hindi ko inaasahan ang effort niya, kaya naman sobrang na-appreciate ko ang ginawa niya.“Para sa’yo ’to,” nakangiti niyang sabi habang iniaabot ang upuan para sa akin.“Bakit naman may ganito?” tanong ko, kahit na natutuwa ako.“Wala lang, gusto ko lang ipaalala sa’yo kung gaano kita kamahal,” sagot niya na may nakakakilig na ngiti.Habang kumakain kami, napag-usapan namin ang mga simpleng bagay—paborito ni Maximo na laro, ang mga bagong hobbies na natutunan niya, at ang mga plano namin bilang pamilya.“Teka, hon,” natatawang tanong ko, “Di ba ikaw lang ang nag-initiate ng date na ’to? Baka naman next time, si Maximo na ang mag-prepare?”“Hmm, why not?” sabi ni Maxwell habang pinapahid ang labi sa napkin. “But for now, gusto kong ma-enjoy mo lang ang moment natin. Para lang sa’yo ’to.”Pagbalik sa RealityIlang ara
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 95

Dumating ang araw ng dinner, at talagang nag-effort si Maxwell sa bawat detalye. Nagpunta kami sa isang eleganteng restaurant na may mga kandila sa bawat mesa at maaliwalas na tanawin sa labas ng bintana. Inayos niyang lahat, mula sa setting hanggang sa mga pagkaing pinili niya. Halatang pinaghandaan niya ang gabi para sa aming dalawa.Habang kumakain kami, hindi maalis ni Maxwell ang tingin niya sa akin. Minsan nahuhuli ko siyang nakangiti, tila kontento sa simpleng pagkakaroon ko sa tabi niya.“Thank you, hon, ha?” sabi ko sa kanya nang hindi ko na mapigilan. “Ang saya ng gabi na ‘to, para talagang espesyal.”Napangiti siya, halatang natutuwa sa sinabi ko. “Para sa akin, kahit simpleng dinner lang, basta kasama kita, espesyal na talaga.”Nakangiti akong tumingin sa kanya, pero hindi ko rin maiwasang mag-pout. “Hmm… pero isang linggo ka namang mawawala. Paano na ako?”Bigla siyang natawa, tapos inabot ang kamay ko sa ibabaw ng mesa. “Kaya nga tayo nandito ngayon, para naman hindi ka
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 96

Matapos ang ilang sandaling pagyakap namin ni Maxwell, napatingin siya sa tiyan ko at dahan-dahang nilagay ang palad niya doon. Parang may espesyal na kuryenteng dumaloy sa amin habang magkahawak-kamay kami, damang-dama ko ang pagmamahal at pagmamalasakit niya.“Hon, ang saya ko talaga. Hindi ko akalaing magbabago ang buhay natin ng ganito kasaya,” bulong ni Maxwell habang banayad na hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti ako sa bawat galaw niya, ramdam ko ang kanyang pagmamahal at ang pag-aalala para sa aming magiging baby.“Sana nga magiging masaya rin si Maximo kapag nalaman niya,” pabulong kong sabi habang iniisip ang magiging reaksyon ng anak namin sa balita.“Of course! Alam kong magiging excited si Maximo. Lagi niyang sinasabi na gusto niya ng kapatid, di ba? Lagi niyang binibiro na gusto niyang may kalaro,” sagot ni Maxwell, sabay kurot sa ilong ko. Napangiti rin ako, iniisip kung paano magiging protective at masayang kuya si Maximo sa kapatid niyang parating.Maya-maya pa, napans
last updateLast Updated : 2024-11-13
Read more

Chapter 97

=Evelyn’s Point Of View=Dahil sa maselan ang pagbubuntis ko ay wala akong gana palagi. 3 months pa lang akong buntis. Si Maxwell naman ay papauwi pa lang sa trabaho. Tinawagan ko naman siya para magpabili ng pagkain.“Hello, hon?” mahina kong sabi nang sagutin ni Maxwell ang tawag ko.“Yes, hon, pauwi na ako. Kamusta ka? May nararamdaman ka bang kakaiba?” agad niyang tanong. Ramdam ko ang pag-aalala sa boses niya, bagay na palaging nagpapagaan ng pakiramdam ko kahit sobrang hilo o pagod ang nararamdaman ko.“H-Hindi naman. Medyo masama lang ang pakiramdam ko… at parang gusto ko ng sinigang na baboy,” mahina kong sagot habang hawak-hawak ang tiyan ko.“Sinigang na baboy? Naku, hon, kahit saan pa ’yan, hahanapin ko! Anything else? Gusto mo ng prutas o dessert? Ice cream, maybe?”Napangiti ako sa lambing niya. “Yun lang muna. Thanks, hon.”“Basta ikaw, hon. Pauwi na ako. Love you!”“Love you, too,” sagot ko bago ibinaba ang tawag.Agad akong bumalik sa sofa at humiga, pilit pinapakalma
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 98

Evelyn’s Point of ViewTatlong araw na ang lumipas mula nang ma-confirm ng doktor na maselan talaga ang pagbubuntis ko. Halos lahat ng gawain ko ay naipasa na kay Maxwell, kahit ang simpleng pag-aasikaso kay Maximo. Lagi na lang akong nasa kama o kaya’y nasa sofa, parang wala akong ibang ginagawa kundi magpahinga at maghintay na bumuti ang pakiramdam ko.“Elle, ready ka na ba? Time na for lunch,” tawag ni Maxwell mula sa kusina.“Hindi pa ako masyadong gutom, hon,” sagot ko mula sa sala habang nakahiga at nakadantay ang kamay ko sa tiyan ko.Makalipas ang ilang minuto, lumapit siya, dala-dala ang isang tray ng pagkain. Nakaupo siya sa gilid ng sofa at dahan-dahang inabot ang kamay ko.“Hon, kailangan mong kumain kahit konti lang. Paano si baby natin?” malambing niyang paalala.Napalunok ako at tumango. “Sige, pero baka kaunti lang ang makain ko.”Dinampot niya ang kutsara at siya mismo ang nagsimula sa pagpapakain sa akin. Pinipilit kong ngumiti, kahit sa totoo lang ay parang ang biga
last updateLast Updated : 2024-12-17
Read more

Chapter 99

Evelyn’s Point of ViewMahigit isang buwan na ang lumipas mula noong huling check-up namin, at kahit maselan pa rin ang pagbubuntis ko, ramdam kong mas umayos na ang kondisyon ko. Pero kahit ganito, hindi pa rin ako tinatantanan ni Maxwell sa sobrang pag-aalaga. Alam kong sobrang protective siya, pero minsan gusto ko na rin siyang kausapin na mag-relax kahit kaunti.Ngayong umaga, nakahiga pa rin ako sa kama habang naririnig ko ang ingay ni Maximo sa labas ng kwarto.“Mommy, wake up! It’s breakfast time!” masiglang sigaw niya habang kumakatok.Napangiti ako. Bumangon ako nang dahan-dahan at lumapit sa pintuan, pero bago ko pa ito mabuksan, nauna nang pumasok si Maxwell, may dala-dalang tray ng pagkain.“Maximo, sabi ko kay Mommy dahan-dahan lang siya,” malambing niyang sermon sa anak namin bago siya tumingin sa akin. “Hon, you should be resting. Hindi mo kailangan bumangon para mag-breakfast.”“Maxwell,” tawa ko, “Okay lang ako, promise. Hindi mo kailangang gawin lahat.”Umiling siya
last updateLast Updated : 2024-12-18
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status