"Ma, pa, this is Meldy. My fiancée," saad ni Eliot. Tulog na ang dalawang bata, tanging gising ay silang mga matatanda na lang. Alam ni Eliot na hindi ito ang tamang oras para gawin ito, pero gusto niyang pormal ipakilala si Meldy sa mga magulang niya. "Meldy," tawag ni Elmira. "Halika," malumanay na sabi nito. "Ma'am," Hinawakan ni Elmira ang dalawang kamay niya at ngumiti dito ng pagkatamis tamis. Hindi niya alam kung paano niya sasabihin kay Meldy ang lahat ng pasasalamat niya dahil sa ginawa nito para kay Elise. "Dumating sa akin ang balita na ikaw pala ang nagligtas kay Elise, 3 years ago." Hindi makapagsalita si Meldy nang maalala si Elise doon sa warehouse na tumatakbo patungo sa kaniya habang umiiyak.Habang iniisip niya ang mga panahong iyon, pakiramdam niya ay parang sumisikip ang dibdib niya. Hindi siya natakot noon. Niligtas niya ang bata hindi dahil sa iniisip niya na may koneksyon siya dito. She saved Elise dahil naaawa lang siya at wala siyang pagpipilian. Para s
Last Updated : 2024-06-29 Read more