All Chapters of He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny: Chapter 61 - Chapter 70

113 Chapters

Chapter 60- Inakalang si Meldy ay isang prosti.

(Back to past)“Uminom ka pa Meldy,” binigyan ni Rita si Meldy ng isa pa uling shot.“Rita, tumigil ka na nga! Nilalasing mo itong kapatid ko, alam mo namang hindi pa ito sanay sa alak e.” Kastigo ni Melody sa kaibigan niya.Humaba ang nguso ni Rita. For the meantime, sumunod siya kina Melody at nakituloy muna ng tatlong araw. Dinalaw niya ang dalawa lalo’t namiss na niya ang kaibigan niya.“Ito naman. Pabayaan mo na. Malaki na si Meldy oh. 18 na siya.”“Kahit na Rita. Ang bata pa ng kapatid ko.” Sagot ni Melody sabay tingin sa paligid, nagbabasakali siyang makita niya si Eliot. “Kaya ko pa ate,” saad ni Meldy na lasing na. Kanina pa siya binibigyan ni Rita ng magkakasunod na alak.“Huwag ka ng uminom. Teka Rita, bantayan mo muna ang kapatid ko ah? May titignan lang ako.”Humaba ang nguso ni Rita ng tumayo si Melody at umalis. Nang sila ang naiwan, agad na lumapit si Meldy kay Rita.“Ate, mahirap ba ang nursing?” lasing na talaga siya, umiikot na nga ang paningin niya pero nakakaya pa
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Chapter 61- Ang gabing naging mitya kung bakit nagbago ang pakikitungo ni Melody.

(Back to past)“MELODY!” Agad na tinakbo ni Rita si Melody nang makita niya itong tangay-tangay na ng isang foreigner.“Hey. What are you doing?” sabi no’ng foreigner ng binabawi niya si Melody.“Let go of my friend or else, I’ll call a cop.” Biglang binitawan ng isang Russian si Melody sa takot na isumbong sila ni Rita.Nakapikit na ang mata ni Melody. Napamura si Rita dahil batid niyang drinoga ang kaibigan niya kaya para itong lantang gulay ngayon.Kung hindi niya nakita si Melody ay baka matagumpay na itong naisama ng Russian.“Ano bang ininom mong bruha ka!” Naiinis na sabi ni Rita at tinulungan si Melody na makatayo. Hindi niya alam kung sino ang uunahin. Kung si Melody ba o babalikan niya si Meldy na naiwan sa loob.Marami ng nakitang klase-klaseng droga si Rita. Parte na ng trabaho niya yun. Minsan, may mga lalaking dino-droga ang alak na ibibigay nila sa target nila para matangay nila ang babae na gusto nitong ikama.At sa hula niya, uminom si Melody ng alak na may droga kaya
last updateLast Updated : 2024-06-08
Read more

Chapter 62- Ibabalik kay Eliot

(Back to past)“Anong ginagawa ng kapatid ko?” tanong ni Melody ng makauwi si Rita.Hindi alam ni Rita kung sasabihin ba niya o hindi ang katotohanan kay Melody. Nang matagalan siya sa pagsagot, tumingin si Melody sa kaniya.“Rita, ano na?”Nagbaba siya ng tingin. “Buntis ang kapatid mo, Melody.”Napatayo kaagad si Melody sa gulat. Samu’t-saring emotion ang agad na naramdaman niya. Naroon ang gulat, pagkabigla, inggit at galit.Agad siyang lumabas ng pinto kaya nagmamadaling sumunod si Rita sa kaniya. “Melody, teka… Anong gagawin mo?”Hindi niya pinakinggan ang kaibigan. Sumakay siya ng tricycle at bumalik sa apartment nila, sa bahay kung nasaan si Meldy na naghihintay sa kaniya.Nang makita siya ni Meldy, agad itong tumakbo palapit sa kaniya.“Ate,” yumakap si Meldy sa kaniya pero agad niya itong sinampal.“Buntis ka?” iyon ang sabi niya na nagpatigil kay Meldy.“Ate?” gulat na tanong ni Meldy na ultimo siya ay nagulat. Tumingin siya kay Rita na kakapasok lang at hinihingal para lang
last updateLast Updated : 2024-06-09
Read more

Chapter 63- Si Rita

(Back to past)“Melody, puntahan mo muna si Meldy. Malapit na ako diyan.” Nag-aalalang sabi ni Rita dahil na stranded siya sa daan buhat sa malakas na ulan.Hindi sumagot si Melody. Nakatingin lang siya sa kapatid niya na umiiyak sa sakit ng tiyan nito.Pumutok na ang panubigan niya. Manganganak na siya pero hindi sinabi ni Melody kay Rita ang kalagayan nito.“Mas mabuting mamatay ang bata.” Iyon ang pilit sinasabi ni Melody sa isipan niya pero ng humagolgol si Meldy sa tindi ng sakit, bigla siyang nabahala at labis na nakaramdam ng pag-aalala para sa kapatid.Agad niyang tinawagan si Rita at nagmamadaling lumabas ng bahay.“R-Rita, n-nasaan ka na? B-Bilisan mo. Manganganak na siya.” Iyon ang sabi niya.Ayaw na niyang pumasok muli ng bahay dahil tinatawag siya ni Meldy para humingi ng tulong. Galit siya. Sobrang galit niya kaya nagtataka siya bakit tumutulo ang luha niya.Na parang gusto nalang niya kunin ang sakit na nararamdaman ni Meldy.“Malapit na ako,” sabi ni Rita at bumaba na n
last updateLast Updated : 2024-06-10
Read more

Chapter 64- Nakita ko po si mama!

(Back to past)Lumipas ang pitong taon. Madalang nalang kung bisitahin ni Rita si Meldy dahil nakokonsensya siya sa ginawa nila ni Melody noon. Paniwalang paniwala pa naman si Meldy na patay na ang anak niya bago pa niya ito nailuwal.Walang nakakaalam na kambal ang ipinanganak niya.For the past seven years, alam niya ang ginagawa ni Melody. Hindi nawala ang contact nila sa isa’t-isa.At isa na rin siyang Registered Nurse at nagta-trabaho na ng maayos sa hospital. Iniwan na ang dating trabaho.Batid niyang si Melody ay may bagong katauhan bilang Shan.Mabigat ang loob niya habang nakatingin sa phone niya, kung saan nabasa niya na may planong magpakasal si Eliot kay Shan Banzon.“Hindi ko alam Melody kung para ba talaga kay Meldy ang ginawa natin noon. Sa nakikita ko kasi, ayaw mo lang magkaroon ng rason para maiugnay si Meldy kay Eliot.”Nalilito siya dahil nakikita naman niya na maayos ang buhay ng anak ni Meldy na kilala ngayon bilang si Elise Santisas.Hindi niya alam kung mali ba
last updateLast Updated : 2024-06-10
Read more

Chapter 65- My name is Eliot, Meldy. Hindi sir!

(Back to present)Nagising si Meldy na nasa tabi na niya si Eliot. Biglang nagbago ang expression ng mukha niya. Alam niyang may gusto na siya dito pero kapag naiisip niya ang ate niya, bigla nalang siyang nakakaramdam ng guilt.Hinawakan niya ang pisngi ni Eliot na hanggang ngayon ay nakapikit pa.“Ang hirap mong mahalin,” mahinang bulong niya.Kumuyom ang kamao ni Eliot na nakarinig. Binuksan niya ang mata niya at naabutan ang mga mata ni Meldy na nakatitig sa kaniya.Agad nagbaba ng tingin si Meldy, pero hinawakan ni Eliot ang kamay niya na nasa pisngi nito kaya napabaling siyang muli dito.“Bakit ang hirap kong mahalin?”‘Dahil mahal ka ni ate,’ iyon ang gusto niyang sabihin na hindi niya magawa. Umiyak lang siya harapan ni Eliot, na tila ba ang luha niya ang sagot kung bakit.“Ayaw mo ba sa amin ni Elise?”Umiling siya. “Mahal ko si Elise,” agad na sabi niya.“E ako?” tanong ni Eliot. Naroon ang pangamba sa mga mata na baka sumagot si Meldy na hindi.“Mahal ka ni ate,” paglihis ni
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter 66- Walang bangkay Meldy

Kasama ni Meldy si Elise sa school. Maraming nagulat na kasama niya ang anak ng sikat na bachelor na si Eliot Santisas pero maraming nagulat ng tawagin siyang ‘mama’ ni Elise.“Ate, jowa mo ba si Eliot?” tanong ng mga batang ka-klase niya.Umiling siya. “Naku hin-"“Mama, anong oras tayo uuwi? Let’s tell papa na magice-cream tayo mamaya.”Hilaw siyang ngumisi sa mga tao. Kanina pa panay mama si Elise. Sinabihan na niya ito kanina na huwag siyang tawaging mama, umu-oo lang pero hindi nakikinig.“Miss Elise, pwede bang Meldy muna itawag mo sa akin mamaya?” kumunot ang noo niya.“Bakit po?”“Kasi ano…” hindi niya alam paano sasabihin bakit huwag muna mama. “Kasi magtataka sila bakit tinatawag mo ‘kong mama. Mahihirapan si mama na mag explain sa mga tao mamaya.”Tumango si Elise, tila naiintindihan ang ibig niyang sabihin. “Okay po mama,” ngumiwi nalang si Meldy doon.No’ng pumasok siya ng room kasama ni Elise, agad na nagulat ang mga classmates niya ng makita siya na kasama si Elise.“Ate
last updateLast Updated : 2024-06-11
Read more

Chapter 67- You are my daughter, Elise

“A-Anong ibig m-mong sabihin ate?” nauutal na tanong ni Meldy.“Meldy, b-buhay ang anak mo..” Umiiyak na saad ni Rita. Nang silipin niya si Tasya, nakita niyang umalis na ito. Na para bang inaabangan lang nito na sabihin niya ang parteng iyon kay Meldy.“Buhay? Anong sinasabi mong buhay? Bakit—teka ate…” Naguguluhang aniya.Iniisip niya iyong mga panahon na umiiyak siya habang iniisip na hindi man lang niya nasilayan ang anak niya. Na hindi man lang niya ito naihatid sa libingan tapos ngayon, sinasabi ni Rita na buhay, hindi niya alam kung ano ang maramdaman niya.“S-Si Melody,” nang sabihin ni Rita yun, biglang napatingin si Meldy sa kaniya.“Gusto niyang ipaampon ang anak mo dahil ayaw niyang may sagabal sa’yo para makapagtapos.”Napaawang ang labi niya. “Ate, a-anak ko yun. Pamangkin niya. Anong sagabal?” napapalakas na ang boses niya kaya ang ibang customer ay napapatingin na sa kanila. Si Elise na nakikinig ay tumayo sa gilid, pinipigilan ang luha na huwag tumulo. Naiintindihan ni
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter 68- Ang hindi pagsabi ng katotohanan ay isa ring kasalanan.

“This is weird!” Patuloy na sinasabi ni Pacio sa sarili niya na naririnig naman ni Jenna.“Bakit kailangan ako dito? Hindi ba si papa dapat dito?” tanong niya sa dalawa niyang kasama. Nagkatinginan si Jessica at Jenna.“Busy pa ang ama mo Patrick. Kaya ka nga niya ipinadala dito.”“Then at least give me my phone or my tablet,”“Kabilin-bilinan sa amin na huwag kang pahawakin ng phone.”“What? Paano ko kakamustahin si Meldy? Is she even okay?”Hindi pa niya alam na si Shan at Melody ay iisa. Matapos madakip ni Shan, agad siyang inutusan ni Patrio na pumunta ng New York para siya ang mamahala sa isa pa nilang casino na nasa abroad.Anim na buwan siyang mananatili ng New York.“She’s okay. Pero wala na siya sa bahay. Ayos na sila ni Eliot kaya bumalik na siya sa mansion ng mga Santisas.”Agad na inilibas ni Jenna ang phone niya at pinakita ang litrato ni Meldy na kasama ni Elise sa garden.“Paano sila naging maayos? Last time I checked, gusto siyang ipakulong ni Eliot.”“Sus! Nagpapaniwal
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more

Chapter 69- Ang pagkikita ni Meldy at Therese

May anak si Meldy sa ibang lalaki. Iyon ang katotohanang hindi mawala sa isipan ni Eliot. Nakasandal siya sa pader habang nakatingin kay Meldy na natutulog katabi ni Elise.Alam niyang may ibang nakauna kay Meldy. Inamin ni Meldy iyon sa kaniya no’ng may nangyari sa kanila. Pero ngayon na malaman niyang may una pa lang lalaking minahal si Meldy maliban sa kaniya ay kumikirot ang puso niya.Idagdag pa ang katotohanang nagkaanak si Meldy sa lalaking iyon.Hindi niya alam kung paano niya tatanggapin ang anak ni Meldy sa ibang lalaki.Kanina, nagsumbong si Elise sa kaniya na ayaw nitong magkaroon ng ibang baby ang mama niya. Gusto ni Elise na siya lang.At hindi alam ni Eliot kung paano papakalmahin ang anak niya.Hindi niya pwedeng pangakuan ito na siya lang ang magiging anak ni Meldy dahil nakita niya kung paano nabasag si Meldy pagkauwi kanina.Kita niya sa mga mata nito ang labis na sakit at kalungkutan nang malaman ang katotohanan tungkol sa anak niya.Kung kaya, wala na siyang ibang
last updateLast Updated : 2024-06-12
Read more
PREV
1
...
56789
...
12
DMCA.com Protection Status