Walang nagawa si Tati nang mag-aya ang asawa niya ng isang linggong bakasyon kahit kakabalik niya lang sa trabaho. Raphael’s surname holds a power. Bigla itong naging shareholder ng hospital na pinagtatrabahuan niya. Kaya mas napadali ang pag-leave niya.Kasalukuyan silang nakasakay sa eroplano, nasa first class sila nakaupo. Abala ang asawa niya sa pagch-check sa email nito. Unlike her job, Raphael can work anywhere as long as he has his laptop and phone. Hindi rin naman pwede na magpabaya si Raphael sa trabaho, libo-libong tao ang umaasa sa asawa niya. Hindi rin siya pwedeng pumalpak dahil maraming nakaabang sa pagbagsak ni Raphael upang mapasakanila ang kompanya. “You should sleep,” wika ni Raphael.“I’ll probably will,”nakabusangot na sambit niya. “You should rest too, kakagaling mo lang sa sakit.”Isang ngiti ang sumilay sa labi ng asawa niya. “I will, Babe.”Unti-unti siyang nilamon ng antok….*****“Hey,” tawag ni Tati sa bestfriend niya nang makaupo na siya sa passenger seat
Huling Na-update : 2024-06-13 Magbasa pa