Hindi pinala laking gago si Raphael. Spoiled siya pero hindi siya gago at lalong-lalo na ang manakit ng tao. But shit happened.Nagbago ang buhay niya noong may nangyari sa kanila ng bestfriend niya. Napaka laking tanga at gago niya.He was her first. Ang unang lalaking umangkin rito. Buong akala niya panaginip lang iyon. Akala niya si Kristal iyon, gulat na gulat siya nang makita si Tati sa tabi na walang saplot at ganoon rin siya.And he regret what he did. Nasaktan niya ang nag-iisang tao na pinag tiyagaan siya. Hindi siya makapaniwalang nasaktan niya ito at niloko niya ang nobya niya. Isang buwan, sinuyo ulit ni Raphael si Kristal. Nagkaayos silang dalawa, masaya siya roon pero may kulang. He missed Athalia. “Don’t you like the food?” nagtatakang tanong niya sa nobyang si Kristal.Kasalukuyan silang kumakain sa isang Japanese restaurant. Kakauwi lang nila mula sa Italy. Para siyang aso, sunod lang nang sunod kay Kristal. Nakokonsensya sa nagawa niya pero hindi niya alam kung paan
Iminulat niya ang mga mata niya. Ang unang sumalubong sa kanya ay ang puting kisame. Awtomatikong napahawak siya sa tiyan niya. “Ang baby ko…” namamaos niyang wika.“Don’t worry, the baby is fine anak.”Luminga-linga siya nang marinig ang boses na iyon. Nagtama ang mata nila ni Gabriella. Ngumiti ang ginang at tumayo, naglakad ito papalapit sa kanya.Hinaplos-haplos nito ang mukha niya. Hindi ito nagsalita, tinitigan lang nito ang mukha niya. Saglit pa bago niya napansin na lumuluha ang ginang.“Tita…” she called out.Umiling ito, “Thank you for staying strong anak. Don’t worry my apo is fine.”Napakurap siya sa narinig. Alam na nito kung sino ang pinagbubuntis niya. Nakaramdam siya ng hiya.“I am sorry Tita…”“It is time for you to call me Mom,” nakangiting sambit ng ginang.“Po?” “I said call me Mommy or Mom. Kundi magtatampo ako sa ‘yo,” hinalikan pa nito ang noo niya. “Hindi ko gusto si Kristal but that doesn’t mean natutuwa ako sa panggago ng anak ko sa kanya. I am disappointe
Simple at pamilya lang ni Raphael ang dumalo sa kasal nila ni Tati. Dahil walang pamilya at kaibigan si Tati ay wala siyang inimbita. Halos lahat ng tao pinapangarap na maikasal sa taong mahal nila. At masaya na makatuluyan ang taong mahal mo. Ngunit sa sitwasyon ni Tati, daig pa ang lamay sa naging kasal niya.Dalawang linggo na ang lumipas noong maospital siya. Nakatira sila ni Raphael sa isang mansyon, regalo iyon ng magulang ni Raphael. Sa sobrang laki ng bahay ay halos hindi sila magkita ni Raphael. Darating ito tuwing tulog siya. Umaalis rin ito ng tulog pa siya.Hindi sila nagpapansinan, parang wala silang pinagsamahan. Nakikita niya lang at nagpapansinan lang sila sa tuwing nariyan ang mga magulang ni Raphael.Nakilala niya rin ang Ankong nito, istrikto ito at takot si Tati na makausap ito. Idagdag pa na mata pobre ang ilan sa angkan ni Raphael.“Matulog ka na,” malamig na turan ni Raphael nang makapasok sila sa loob ng silid nila.“Saan ka pupunta?” malumanay na tanong ni Ta
Umagang-umaga, parang hinahalukay ang tiyan ni Tati. Dali-dali siyang bumangon at nagkukumahog na pumasok sa banyo. Nang mapasok ay halos yakapin na niya ang lababo. Hindi na niya namalayan kung ilang minuto siyang nandoon. Suka lang siya nang suka. Hinang-hina siya. “Hindi mo dapay kinain iyong burger na ganoon!” Tumingin siya sa salamin, nasa likuran na pala niya ang asawa niya. Nanghihinang tinignan niya ito.“H’wag mo nga akong sigawan!” naiiyak na wika niya.“Pinaghalo-halo mo pa kasi,” paninisi ni Raphael.Inirapan niya ang asawa, “Ganoon rin naman iyon, ah? Pagdating sa tiyan maghahalo-halo!”“You know what. Masama pa rin talaga ugali mo kahit may sakit ka!” inis na sambit ng asawa niya.“Alam mo naman palang masama ang pakiramdam ko, inaaway mo ako!” kaunti na lang talaga at maiiyak na siya, blame it on her hormones!“God! You are so annoying!”“Gago!” sigaw pabalik ni Tati pero agad rin siyang tumungo nang maramdamang nasusuka ulit siya— and she did.“Do I need to bring you
3 Days na silang mag-asawa, halos magtatatlong linggo na rin silang magkasama sa isang bubong. Malala ang morning sickness niya kaya malabo pa na makabalik siya sa trabaho. Buong araw ay nagbabasa lang siya ng libro o di kaya nanunuod ng mga medical documentaries. Hindi niya rin nakikita ang asawa, it was actually a good thing. Nababanas kasi siya rito kapag nakikita ito.Simula nang magbuntis siya ay nag-iba na ang pakikitungo niya kay Raphael. Siguro ay ito ang pinaglilihian niya. “Nakakabaliw!” she mumbled. Mababaliw na siya dahil wala siyang ginahawa kundi matulog, kumain, magbasa ng libro o di kaya manuod ng mga videos. Hinahanap ng katawan niya ang adrenaline. Kung saan hindi siya halos mapirme sa hospital.Napagpasyahan niyang umalis ngayong araw. Tutal maayos na naman ang pakiramdam niya. Naligo at nagbihis rin siya agad, simpleng sleveless white dress ang suot niya, flowy iyon at hindi hapit sa katawan. Naglagay lang siya ng kaunting liptint sa cheeks at lips niya. Iyon la
“Where the hell were you?! Halos mabaliw na kami kakahanap kung nasaan ka. Mom almost had a heart attack! Kamuntikan na naming tawagan ang kakilala naming general! Have you gone mad, Athalia?!” mayabang litanya ni Raphael.Nakayuko si Tati, natatakpan ng mahaba niyang buhok ang pisngi niya. Huminga siya ng malalim, pagod na pagod siya sa lahat ng bagay. Wala siyang lakas na makipagtalo pa.“May tinignan lang ako sa mall, ‘di ko napansin ang oras. Wala rin akong dalang cellphone,” pagpapaliwanag niya pa.Sa katunayan matapos ng komprontasyon nilang dalawa ni Kristal ay nagtungo siya sa park para doon magpalipas ng oras. Nagmumuni-muni siya at para na rin pahupain ang galit niya.“For God sake, Athalia! Matalino kang tao. Sana man lang nag-isip ka!” “Raphael,” saway ni Manang Susan, ang pinaka pinagkakatiwalaan na kasambahay ng pamilya ni Raphael.“Nakakainis, Manang eh!” reklamo ni Raphael.“Anak, hayaan mo muna ang asawa mo. Mukhang pagod na pagod ito. Saka masama sa buntis ang pina
Isang linggong hindi umuwi ang asawa ni Tati. Isang linggong walang paramdam ang hudas na si Raphael sa kanya matapos nang sagutan nila noong nakaraang linggo. At hindi paalam ng magulang ni Raphael na hindi ito umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Walang balak magsumbong si Tati. “Anak, ano ba iyang ginagawa mo?” kuryusong tanong ni Manang Susan nang ilapag ang baso ng gatas niya.Hindi siya mahilig sa gatas pero kailangan niyang tiisin iyon dahil para sa dinadala niyang bata. Agad siyang napangiwi nang masulyapan ang gatas.“Ah. Nagpaparactice lang ‘ho. Baka kasi kalawangin ang kasanayan ko sa pagtatahi ng balat,” saad niya.Tumango-tango ang ginang, “Doctor ka pala, anak no? Akala ko trip mo lang torture-in iyang saging.”Napahalakhak siya sa narinig, “Si Manang talaga!”Pumalakpak ang ginang, “‘Yan! Dapat parati kang nakangiti at tumatawa! Hindi pwedeng bumusangot nakakaapekto iyan sa pinagbubuntis mo.”“Nakangiti naman ako, ah!” mas nilapadan pa niya ang ngiti niya.“Kuu! Puro ka bu
Raphael was in Paris, running after the love of his life. Habang siya nandito sa bahay nag-iisa. Pinaimbestigahan ni Gabriella Yapchengco ang anak at nalaman na nasa ibang bansa pala si Raphael, hinahabol si Kristal. Malamang sa malamang naglalampungan ang mga ito ngayon.Masakit iyon para kay Tati, kahit gaano niya pa isaksak sa utak niya na isang malaking pagkakamali ang kasal nila at hindi siya mahal nito. Parang sinasaksak ang puso niya ng libo-libong karayom.“Lumayas na lang kaya tayo rito, baby boo?” kinakausap niya ang baby niya habang hinahaplos ito. “Kasi kung dito ako anak, stress na stress si Mama mo. Hindi naman kita ilalayo kay Daddy mo. Kapag lumabas na ikaw, ipapakilala kita sa kanya. Kahit bobo ang tatay mo, sure naman akong mahal ka no’n.”Mukha siyang siraulo na kinakausap ang sariling anak. Kaunti na lang ay mababaliw na siya. Taimtim siyang pumikit at nagdasal.‘Lord, hindi ako pala dasalin na tao. Hindi ako naniniwala sa Diyos. Pero ikaw lang ang makakapitan ko,
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr