3 Days na silang mag-asawa, halos magtatatlong linggo na rin silang magkasama sa isang bubong. Malala ang morning sickness niya kaya malabo pa na makabalik siya sa trabaho. Buong araw ay nagbabasa lang siya ng libro o di kaya nanunuod ng mga medical documentaries. Hindi niya rin nakikita ang asawa, it was actually a good thing. Nababanas kasi siya rito kapag nakikita ito.Simula nang magbuntis siya ay nag-iba na ang pakikitungo niya kay Raphael. Siguro ay ito ang pinaglilihian niya. “Nakakabaliw!” she mumbled. Mababaliw na siya dahil wala siyang ginahawa kundi matulog, kumain, magbasa ng libro o di kaya manuod ng mga videos. Hinahanap ng katawan niya ang adrenaline. Kung saan hindi siya halos mapirme sa hospital.Napagpasyahan niyang umalis ngayong araw. Tutal maayos na naman ang pakiramdam niya. Naligo at nagbihis rin siya agad, simpleng sleveless white dress ang suot niya, flowy iyon at hindi hapit sa katawan. Naglagay lang siya ng kaunting liptint sa cheeks at lips niya. Iyon la
“Where the hell were you?! Halos mabaliw na kami kakahanap kung nasaan ka. Mom almost had a heart attack! Kamuntikan na naming tawagan ang kakilala naming general! Have you gone mad, Athalia?!” mayabang litanya ni Raphael.Nakayuko si Tati, natatakpan ng mahaba niyang buhok ang pisngi niya. Huminga siya ng malalim, pagod na pagod siya sa lahat ng bagay. Wala siyang lakas na makipagtalo pa.“May tinignan lang ako sa mall, ‘di ko napansin ang oras. Wala rin akong dalang cellphone,” pagpapaliwanag niya pa.Sa katunayan matapos ng komprontasyon nilang dalawa ni Kristal ay nagtungo siya sa park para doon magpalipas ng oras. Nagmumuni-muni siya at para na rin pahupain ang galit niya.“For God sake, Athalia! Matalino kang tao. Sana man lang nag-isip ka!” “Raphael,” saway ni Manang Susan, ang pinaka pinagkakatiwalaan na kasambahay ng pamilya ni Raphael.“Nakakainis, Manang eh!” reklamo ni Raphael.“Anak, hayaan mo muna ang asawa mo. Mukhang pagod na pagod ito. Saka masama sa buntis ang pina
Isang linggong hindi umuwi ang asawa ni Tati. Isang linggong walang paramdam ang hudas na si Raphael sa kanya matapos nang sagutan nila noong nakaraang linggo. At hindi paalam ng magulang ni Raphael na hindi ito umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Walang balak magsumbong si Tati. “Anak, ano ba iyang ginagawa mo?” kuryusong tanong ni Manang Susan nang ilapag ang baso ng gatas niya.Hindi siya mahilig sa gatas pero kailangan niyang tiisin iyon dahil para sa dinadala niyang bata. Agad siyang napangiwi nang masulyapan ang gatas.“Ah. Nagpaparactice lang ‘ho. Baka kasi kalawangin ang kasanayan ko sa pagtatahi ng balat,” saad niya.Tumango-tango ang ginang, “Doctor ka pala, anak no? Akala ko trip mo lang torture-in iyang saging.”Napahalakhak siya sa narinig, “Si Manang talaga!”Pumalakpak ang ginang, “‘Yan! Dapat parati kang nakangiti at tumatawa! Hindi pwedeng bumusangot nakakaapekto iyan sa pinagbubuntis mo.”“Nakangiti naman ako, ah!” mas nilapadan pa niya ang ngiti niya.“Kuu! Puro ka bu
Raphael was in Paris, running after the love of his life. Habang siya nandito sa bahay nag-iisa. Pinaimbestigahan ni Gabriella Yapchengco ang anak at nalaman na nasa ibang bansa pala si Raphael, hinahabol si Kristal. Malamang sa malamang naglalampungan ang mga ito ngayon.Masakit iyon para kay Tati, kahit gaano niya pa isaksak sa utak niya na isang malaking pagkakamali ang kasal nila at hindi siya mahal nito. Parang sinasaksak ang puso niya ng libo-libong karayom.“Lumayas na lang kaya tayo rito, baby boo?” kinakausap niya ang baby niya habang hinahaplos ito. “Kasi kung dito ako anak, stress na stress si Mama mo. Hindi naman kita ilalayo kay Daddy mo. Kapag lumabas na ikaw, ipapakilala kita sa kanya. Kahit bobo ang tatay mo, sure naman akong mahal ka no’n.”Mukha siyang siraulo na kinakausap ang sariling anak. Kaunti na lang ay mababaliw na siya. Taimtim siyang pumikit at nagdasal.‘Lord, hindi ako pala dasalin na tao. Hindi ako naniniwala sa Diyos. Pero ikaw lang ang makakapitan ko,
Umagang-umaga pa lang ay magulo na sa pamamahay nilang mag-asawa. Dumating ang mga magulang ni Raphael at mismo ang Angkong nito ay dumating. Nasa living room silang lahat, magkatabi silang mag-asawa sa isang upuan. Sa tapat naman nila ay ang magulang ni Raphael. At sa isang upuan ay ang Angkong ni Raphael.“What do you think you are doing Raphael?” mariing tanong ng patriyarka ng pamilyang Yapchengco.“I-I am sorry, Angkong…” nakatungong wika ni Raphael.“Sorry for what?” ibinagsak nito ang tungkod nito, lumikha iyon ng ingay. “Kakakasal mo lang at nambabae ka agad? You even left your pregnant wife here? Nag-iisip ka ba?!”“She is not just my woman, Angkong. She is the love of my life,” sinserong wika ni Raphael.Sa pagkakataong ‘to si Tati naman ang napayuko dahil sa hiya. Pinaglaruan niya ang sariling daliri, ramdam niya ang awa ng magulang ni Raphael. Alam naman nilang sa umpisa pa lang ay mali na ang nangyaring kasal. Dahil sa tradisyon ng mga ito, naniniwala silang hindi maaar
“Athalia!” reklamo ng asawa niyang si Raphael na pinaglihi yata sa sama ng loob.Hindi pa rin sila maayos, dalawang araw na ang lumipas simula noong kinausap sila ng Lolo ni Raphael. Hindi sila nag-uusap dalawa, parang hangin lang sila sa isa’t-isa. Pero ang mabuti ay hindi na sila nagbabangayan. At least, hindi na siya ini-stress ng asawa niyang baliwan.“Oo, na! Pababa na!” inis na wika ni Tati, tinignan niya muna sa salamin ang hitsura niya.Suot ang lavender sundress niya at nakalugay ang medyo kulot niyang buhok. Medyo namumutla siya, kay naglagay siya ng kaunting liptint. Nang matapos saka siya lumabas sa silid nilang mag-asawa, nasa labas si Raphael, nakabusangot ito.“What took you so long?” Inirapan niya ang asawa, “Nag-ayos?”“You don’t like dressing up,” kapag kuwan ay sagot nito.“I like dressing up now. So?” pagmamaldita niya pa.Humingang malalim si Raphael. Para itong taimtim na nagdarasal na malagpasan ang pagsubok sa buhay. Natawa si Tati sa naging reaksyon nito.“Wh
Malamig ang simoy ng hangin na yumayapos sa balat ni Tati. Akap-akap niya ang sarili habang nakatanaw sa dalampasigan. Dalawang araw na simula noong dumating sa villa na pagmamay-ari ng mg Yapchengco.Tanaw na tanaw niya ang kulay kahel na langit at ang napakaganda paglubog ng araw. Payapa ang puso niya. Nababasa ang paa niya sa tuwing tumatama ang tubig sa dalampasigan.“Hija…”Lumingon si Tati, nakita niya ang matandang katiwala ng villa. .“Bakit po?” “Pumasok ka na sa loob, Ineng. Malamig na, baka mahamugan ka pa!” Nitong mga nagdaang araw, pakiramdam niya siya ang pinaka importanteng tao. Ang nanay ng asawa niya ay panay tawag sa kanya, parating kinukumusta ang kalagayan niya. And Raphael? Tahimik lang ito, hindi na siya pinipika. Madalas niya itong makita na nakatitig sa tiyan niya.“Minsan lang ‘ho kasi makakita ng dagat,” nakangiting sambit niya.Puro polusyon kasi ang nakikita niya sa syudad. Dito sa probinsya ay presko ang hangin, maraming puno at higit sa lahat nabubusog
“Athalia…”“What?” she murmured, her eyes still closed.Nitong mga nagdaang araw ay mas naging takaw tulog si Tati. Wala siyang productive na nagawa kundi ang matulog lang. Minsan kahit habang kumakain ay dinadalaw siya ng antok. “You should wake up, it’s seven in the morning. Kailangan mong magpaaraw, remember what the doctor had said.”Umingit siya, “Oo na!”Nang imulat niya ang mata ay sumalubong sa kanya ang mukha ng asawa niya. Awtomatikong inirapan niya ito. Tinulungan siya nitong tumayo, nagpatianod siya sa hila nito.“Ang aga-aga pa, e!” parang batang bulong ni Tati.“Stop murmuring. I can hear you,” inalalayan si ni Raphael na maglakad papuntang banyo.“Nagbabait-baitan ka lang ba dahil may plano kang masama o bumait ka lang talaga?” hindi mapigilang tanong ni Tati habang papasok sa banyo.Bumontong hininga si Raphael. “I am doing this for the baby. Don’t expect things.”“Alam ko,” umirap siya saka padabog na ibinagsak ang pinto sa pagmumukha ni Raphael.“Athalia!” rinig niy
“What do you mean, anak?” nalilitong tanong ni Gabriella kay Raphael. “A-Anong kasal Raphael? Don’t tell me?”Ngumisi si Raphael, “Yeah.” “Oh, God!” Bumuhos na ang luha ni Gabriella, halos ngumawa na siya sa tuwa. Niyakap niya si Raphael, “Oh, God! You don’t know how hard I prayed to God na magkabalikan kayo.” Bumaling ito kay Tati. “Oh, my daughter-in-law!” At niyakap si Tati. “Mommy,” anas ni Tati ay niyakap panalik ang biyenan. “So, did Raphael propose again? Magpapakasal na ba kayo ulit? Oh my God! We should hire the best wedding coordinator in the country–” “Mommy, kalma. Hindi pa namin na pag-uusapan, okay? But we’re okay now,” agap ni Tati sa biyenan. “Oh,” malungkot na sambit ng biyenan.“Pero we’re not closing that idea, Mommy. Isa pa, kakabalikan lang namin.” “Well, tama ka naman d’yan anak. Ito ang pinaka magandang regalo ngayong birthday ko! Hindi niyo alam kung gaano ako kasaya na malaman na ayos na kayong dalawa. Simula noon ay pinagdarasal ko na kayo na sana ang ma
Nagtitipon ang lahat sa baybayin, maliban kay Raphael at Athalia. May mahabang mesa at mga upuan. May maliit na entablado na nasa harapan. Na napapalibutan ng mga balloons at bulaklak. Masayang nagtitipon ang lahat para sa kaarawan ng nag-iisang Gabriella Yapchengco.Saglit pa ay dumating na si Tati at Raphael, hawak-hawak ang mga anak nila. Naluluha naman si Gabriella nang makita ang tagpong iyon. Sa tinagal-tagal ng panahon, isa siya sa naniniwala na balang araw ay magiging maayos ang pagsasama ni Raphael at Tati. At noon pa man ay alam na niyang mahal ni Raphael si Tati. Nang ipinakilala ng anak si Tati sa kanya ay ramdam niya agad na may kakaiba sa pagitan ng mga ito. Saksi siya sa paghihirap ni Athalia, saksi rin siya sa paghihirap ni Raphael nang iwan ito ni Tati. Kaya isa siya sa pinaka nasasaktan sa tuwing may pagsubok na naman sa pag-iibigan ng mga ito. Ilang insenso na ang sinindihan niya kakadasal na balang araw ay magkakatuluyan ang mga ito. Kaya hindi niya mapigilang mapa
Thirteen years ago… “Hiwalay na ba kayo ni Athalia?” Biglang tanong ng kasamahan ni Raphael sa soccer team. Kumunot ang noo ni Raphael. Napahinto siya sa pag-iinat ng katawan.“What are you talking about?” “Hindi ko na kasi kayo madalas makitang magkasama. That’s why I am asking you if the two of you are still together. Kasi kapag hindi, ayos lang ba sa ‘yong ligawan ko si Athalia?” “What the fuck is your problem?!” Napatayo si Raphael sa ginagawa niya. Hindi niya nobya si Athalia o mas kilala bilang Tati. Magkaibigan lang sila ng mahigit dalawang taon na rin. Tinuturing ni Raphael ang babae bilang best friend niya. Maasahan ito at higit sa lahat mabait. Kahit ang mga magulang niya ay gustong-gusto ito. But they’re just friends…Ngunit ayaw na ayaw ni Raphael na lumapit ang kahit sino kay Tati. Ni mga kaibigan niya ay hindi pinapalapit rito. Hindi niya gusto ang ideya na may lalaking umaaligid kay Tati kahit pa mismo kaibigan niya. Para kay Raphael, parang nakababatang kapatid ni
Hindi mapakali si Raphael. Palakad lakad lang siya sa labas ng silid ni Athalia. Para siyang hayop na hindi maire. Kinakabanahan siya, hinihintay niya kasi si Tati na lumabas sa silid nito. Ngayong gabi ay lalabas sila nang wala ang mga bata. Napapayag niya rin kasi sa wakas si Tati na mag-date kasama siya. Hindi tuloy mapakali si Raphael habang hinihintay si Tati. Daig niya pa ang high school student habang hinihintay ang babaeng una niyang i-di-date. Ang mga nangyari kahapon ay naging daan para makamit niya ang matamis na “oo” ni Tati para sa isang date. Masama rin kasi ang titig ng mga kapatid ni Tati sa kanya, parang kakalasin ng mga ito ang bawat buto sa katawan niya. Inaakala siguro ng mga ito na ginagamit niya lang ang amnesia niya para mas makalapit kay Tati at maayos ang kung anumang maaari pa nilang ayusin. Hindi naman sa ginagamit ni Raphael ang nangyari sa kanya pero wala naman siyang magagawa kung may amnesia siya. Pero nais niyang bigyan siya ni Tati ng pagkakataon na m
“Are you guys ready?” Tanong ni Gabriella sa lahat. Nasa lobby sila ng hotel at hinihintay ang tour guide. “Yes, Lola!” Sigaw ng mga bata. “That’s greta. ‘Wag niyo kalilimutan maglagay ng sunscreen, okay? Mainit pa naman,” paalala ni Gabriella. Dahil marami sila ay dalawa na small yatch ang inarkila nila para sa island hopping. Medyo hindi pa masakit ang sikat ng araw dahil alas siete pa lang ng umaga. Ang mga bata ay tuwang-tuwa. Habang ang mga matatanda naman ay tahimik, dahil masasakit ang ulo. Abala si Tati sa paglalagay ng sunscreen sa mga anak niya. Katabi niya sa magkabilang gilid ang mga kapatid niya. Walang kamalay-malay si Tati na masama ang titig ng mga ito kay Raphael. Nasa isang sulok lang si Raphael, pinagmamasdan ang mag-iina niya habang naglalambingan. Nais man niyang makisali ay bugbog sarado siya sa mga titig nina Archer at Austin. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niyang mali sa mga ito dahilan upang tapunan siya ng mga masasamang tingin. “Are they mad becaus
Nagising si Tati dahil sa matinding uhaw. Ngunit agad na nawala ang uhaw niya nang may maramdamang mabigat sa tiyan niya. Nanigas ang buong katawan niya sa takot. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at napasinghap siya nang makitang nakapulupot sa kanya ang isang kamay. Nang lumingon siya ay nakita nuya ang tulog na tulog na si Raphael.Nakahinga siya nang maluwag na ito ang katabi niya at hindi isang estranghero. Pero bakit niya katabi ito? May ginawa na naman ba siyang katangahan? Biglang sumakit ang ulo niya nang isipin iyon. Dahan-dahan na inalis ni Tati ang kamay ni Raphael sa tiyan niya pero bgla nitong binalik ang kamay nito sa tiyan ni Tati. Kumunot ang noo ni Tati at sinulyapan ang nakapikit pa rin na lalaki. Muli niyang inalis ang kamay nito at muli rin naman binalik ni Raphael ang kamay niya.“Alam kong gising ka Raphael. Tigil-tigilan mo ako sa pag-arte mo. Why are we in the same bed?” Humalakhak si Raphael at unti-unting nagdilat ng mata. “Mukhang hindi ako pasado bilan
“Daddy! Mommy!”Magkapanabay na sigaw ng tatlo nang mamataan ang mga magulang nila sa pool area. Ngunit hindi sila narinig ng mga magaulang nila na abala sa pag-uusap. Nagkatinginan an tatlong bata at magkasabay na ngumisi.Umahon kasi muna sila sa pool para kumain. Iniwan nila kasama ng lola at lolo nila ang anak ng Tita Mimi at Tito ZD nila na si Laura. Seryoso ang ekspresyon ni Tati at Raphael habang nag-uusap, ngunit sa mga mata ng bata ay iba. Nagmamadaling tumakbo ang tatlo bata at yumakap sa mga magulang nila. Napaigtad si Tati at Raphael sa gulat. Bumungisngis ang tatlong bata at sa hindi inaasahan ay malakas na tinulak ang mga magulang nila sa pool. Kung saan bumagsak si Tati at Raphael sa pool.“Kids!” saway ni Tati sa mga anak niya. Si Raphael naman ay natawa. “Bye, Mommy, Bye Daddy!” Sigaw ng tatlong bata at muling kumaripas ng takbo. Napabuntong hininga na lang si Tati. Napaigtad siya nang bigla siyang yakapin ni Raphael. Ni lingon niya ito. “Bitiwan mo nga ako!” asi
Tulala lang si Tati habang pinagmamasdan ang karagatan, nakatambay sila sa restaurant, magkasama silang lahat sa isang mahabang mesa. Hindi mga pagkain ang nasa mesa kundi mga alak. Ang mga bata naman ay nasa mga magulang ni Raphael kaya kampante lang si Tati. “Huy!” “What the!” gulat na sigaw ni Tati, napaigtad pa siya sa gulat. Bigla kasi sinundot ni ZD si Tati sa tagiliran. Sinamaan ni Tati ng tingin ang kaibigan niya. Nakangisi lang si ZD, halatang inaasar siya nito. “What is your problem?” asik ni Tati. “Tulala ka kasi, Teh! Kanina pa kita tinatanong ‘di ka naman sumasagot. Saan na naman ba lumilipad ang utak mo, Aber?” tinaasan pa ni ZD ng kilay si Tati. Umirap si Tati, “Wala. Namimiss ko lang magtrabaho.” “Kung iba pa ‘yan! Ayaw na magtrabaho. Hindi ko sinasabing si ZD ‘yan ha,” pabirong sambit ni Jean.“Teh, sino naman ang gustong mapagod? Nakakapagod kayang magtrabaho. Pero kailangan kumayod para sa pamilya,” saad pa ni ZD. “Itong si Tati naman, iba ang hulma! Workaholi
“Kids! Careful!”Paalala ni Gabriella sa mga bata na nakapila sa kiddie slide. Nakaupo lang sila sa pool lounge chair. Tinatanaw ang apat na bata na naglalaro sa kiddie pool. Mababaw lang naman ang tubig kaya ‘di sila natatakot na malunod ang mga bata. At mayroon ring lifeguard ngunit hindi maiwasan ni Gabriella na mag-alala lalo pa’t mga apo niya iyon. “We’re okay Lola!” Sigaw ni Ryder habang kumakaway nasa dulo ito ng pila. Humahagikgik naman si Laura, Ryker at Ryler. Nagkakasundo ang mga ito sa kalokohan habang si Ryder naman ang designated leader ng tatlo. Ang siyang taga saway sa mga ito. “Ready?” Tanong noong taga-bantay sa gilid ng slide kay Ryler.Ngunit bago pa makasagot si Ryler ay tinulak na siya nang tumatawang si Ryker. Hindi naman umiyak si Ryler kundi bumungisngis lang rin. Hindi naman mahaba ang slide, maiksi lang iyon kaya kampante rin ang guide na nakatayo sa gilid. Tanaw na tanaw ng mag-asawang Yapchengco ang mga bata. Namutla si Gabriella sa nangyari, hinawakan