Malamig ang simoy ng hangin na yumayapos sa balat ni Tati. Akap-akap niya ang sarili habang nakatanaw sa dalampasigan. Dalawang araw na simula noong dumating sa villa na pagmamay-ari ng mg Yapchengco.Tanaw na tanaw niya ang kulay kahel na langit at ang napakaganda paglubog ng araw. Payapa ang puso niya. Nababasa ang paa niya sa tuwing tumatama ang tubig sa dalampasigan.“Hija…”Lumingon si Tati, nakita niya ang matandang katiwala ng villa. .“Bakit po?” “Pumasok ka na sa loob, Ineng. Malamig na, baka mahamugan ka pa!” Nitong mga nagdaang araw, pakiramdam niya siya ang pinaka importanteng tao. Ang nanay ng asawa niya ay panay tawag sa kanya, parating kinukumusta ang kalagayan niya. And Raphael? Tahimik lang ito, hindi na siya pinipika. Madalas niya itong makita na nakatitig sa tiyan niya.“Minsan lang ‘ho kasi makakita ng dagat,” nakangiting sambit niya.Puro polusyon kasi ang nakikita niya sa syudad. Dito sa probinsya ay presko ang hangin, maraming puno at higit sa lahat nabubusog
“Athalia…”“What?” she murmured, her eyes still closed.Nitong mga nagdaang araw ay mas naging takaw tulog si Tati. Wala siyang productive na nagawa kundi ang matulog lang. Minsan kahit habang kumakain ay dinadalaw siya ng antok. “You should wake up, it’s seven in the morning. Kailangan mong magpaaraw, remember what the doctor had said.”Umingit siya, “Oo na!”Nang imulat niya ang mata ay sumalubong sa kanya ang mukha ng asawa niya. Awtomatikong inirapan niya ito. Tinulungan siya nitong tumayo, nagpatianod siya sa hila nito.“Ang aga-aga pa, e!” parang batang bulong ni Tati.“Stop murmuring. I can hear you,” inalalayan si ni Raphael na maglakad papuntang banyo.“Nagbabait-baitan ka lang ba dahil may plano kang masama o bumait ka lang talaga?” hindi mapigilang tanong ni Tati habang papasok sa banyo.Bumontong hininga si Raphael. “I am doing this for the baby. Don’t expect things.”“Alam ko,” umirap siya saka padabog na ibinagsak ang pinto sa pagmumukha ni Raphael.“Athalia!” rinig niy
“Sigurado ba kayong dalawa mga anak?” nag-aalalang wika ni Nanay Doring sa dalawa.Nagpupumulit kasi si Tati na sumama sa pamamalengke. Nalaman ni Raphael kaya gusto ring sumama ang siste walang maiiwan sa bahay dahil si Maricel ay hindi pa nakakabalik. Si Tatay Berting naman ay may pinuntahan sa karatig bayan.“Oo naman nay. Kami na ho ang bahala. Saka hindi niyo natatanong alam ko kung paano mamalengke at tumawad sa palengke. Hindi kagaya ng iba d’yan,” pabirong wika ni Tati.“Hay naku. O ‘sya, humayo na kayo’t mag-ingat sa daan,” bumaling kay Raphael. “Mag-ingat ka sa pagmamaneho anak.”“Opo. H’wag kayong mag-aalala. I will take care of my wife,” labas sa ilong na wika ng asawa niya na ikinaismid niya.“Sige, Nay. Pahinga po muna kayo d’yan,” paalam ni Tati sa matanda.Inalalayan siya ni Raphael papasok ng kotse. Ito rin ang nagsuot ng seat belt sa kanya. Pagkatapos noon ay umikot ito papunta sa driver’s seat at sumakay din. Pinaandar ni Raphael ang sasakyan. Tahimik lang si Tati
“Pinakyaw niyo naman yata ang palengke!” gulat na bulalas ni Nanay Doring nang makita kung gaano karami ang pinamili nilang mag-asawa. “Hindi yata kasya iyong budget ko para rito.”“Hindi po nay. Itabi niyo po ang pera nabinabudget nila Mom at Dad. Sa inyo ‘ho ‘yun. I can provide naman for us while we are staying here,” paglilinaw ni Raphael.Napasapo ang ginang sa noo nito, “Masyado naman yatang marami ang pinamili niyo anak para sa isang linggo. ‘Di kaya’t mabulok ang mga ito?”“Ipamigay niyo na lang po kay Maricel ang iba. At least makakain ito ng pamilya niya,” sabat ni Tati.“Tamang-tama! May sakit pa naman ang ni Maricel, sakto at makakain ang anak nito ng preskong gulay!” natutuwang sambit ng ginang.Inalalayan ni Raphael si Tati na makaupo sa stool. “Ano po palang sakit ng anak ni Maricel nay?” kuryusong tanong ni Tati.“Yun nga, e. ‘Di pa niya alam kasi malayo ang ospital rito kailangan pang byumahe ng ilang oras. Saka masyadong mahal ang singil,” nalulungkot na sambit ng m
Dati hindi naniniwala si Tati sa mga kwento-kwento patungkol sa paglilihi. Kasi akala niya nasa isip lang ‘yon ng mga buntis o kaya sadyang OA at pabebe lang ang mga ito. But right now, she is experiencing it. Damn her hormones!“Raphael!” nakalabing wika niya sa asawa, kinukumbinsi niya itong kumain ng mangga kakatapos lang nilang mananghalian.“Ayoko!” mariing wika nito.Pinagkrus ni Tati ang braso niya, “I can’t eat bagoong so you have to do it for me!”“I don’t eat bagoong too!” giit ng asawa niya na mukhang mapuputulan na yata ng pisi ng pasensya.“I want you to eat it,” nakabusangot niyang sambit. “You want me to die?” madramang sambit niya.Humingang malalim si Raphael, “Fine! Isa lang, ah. Pagkatapos nito h’wag mo na ang kulitin na kumain pa nito.”“Kung hindi lang talaga kita pinaglilihian hindi naman kita pipilitin, e! You know my personality, hindi ako namimilit. Kaya lang ang gusto ni baby!” she really finds it annoying to ask for a favor pero wala e. Gusto niya talagang m
“Maricel,” tawag ni Tati sa babae.Lumingon ito sa kaniya. Namumula at namamaga ang mata nito sa kakaiyak. Agad nilang sinugod ang bata sa ospital. Matagal rin inasikaso ang bata dahil sa daming tao. Kung hindi pa ginamitan ng koneksyon ni Raphael ay hindi agad inasikaso ang bata. Sa ngayon ay maayos na ang lagay nito.“Yes po?” wika nito nang makapalit.“We have to go. Babalik na lang kami bukas o ‘di kaya sila Nanay Doring. Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal dito sa ospital. Pasensya ka na’t hindi ka namin mamasamahan,” hingin paumanhin niya pa.Umiling si Maricel, “Hindi po. Ayos na po ang nagawa niyo. Sobra-sobra na po ang nagawang tulong niyo. Maraming salamat po, Ma’am, Sir.”She tilted her head sideways. Para makita ang reaksyon ng asawa, ngunit tipid nangiti lang ang sinagot nito. Ipinulupot ni Raphael ang kamay niya sa bewang ni Tati, dahilan upang mapaigtad si Tati sa gulat.“What?” Raphael mouthed.Tati shook her head. Binalik ang tingin kay Maricel. “I-text mo na lang kam
Dalawang araw lang ay nakalabas na ang anak ni Maricel sa ospital. At nakumbinsi na nila itong manirahan sa villa. Maraming bakanteng kwarto ma pwede na tulugan ng mag-ina. Athalia was the one who insisted it, kahit mismo si Raphael ay hindi maka-ayaw sa asawa.Tuwang-tuwa si Tati sa bibong anak ni Maricel. Kulang na nga lang ay itabi na niya ito sa pagtulog.“Ang cute, cute mo!” nanggigil na wika ni Tati saka pinugpog nang halik si Ash.Humagikgik naman ang bata sa ginawa niya. Kahapon lang nakilala ni Tati si Ash, sila ang sumundo sa mag-ina mula sa ospital. Kahapon pa siya tuwang-tuwa rito. Panay rin kasi ang pabida ng bibong bata kay Tati, tinatawag siya nitong “Ganda”.“Tama na po, Ganda!” humahagikgik na wika nito.Isang matunog na halik pa sa pisngi nito ang huling halik na ginawa niya. “Nakakagigil ka! Gusto mo ng icecream?”Namilog ang mga mata ni Ash, kulay kastanyo ito. Mestizo si Ash, kaya panigurado ay may lahi ang ama nito. Hindi maitatangging may kamukha ito pero hindi
Dalawampung minuto bago sila nakarating sa lugar na pupuntahan nila. Napilit ni Tati ang asawang sumama ngayong gabi. Nakaupo si Tati sa harapan habang nasa likod si Tatay Berting, Nanay Doring at ang mag-inang si Ashton at Maricel.Dito dating nakatira ang mag-asawang Berting at Doring. Nakasanayan na nilang sumali tuwing bisperas ng pista at sa mismong araw ng fiesta. Maliit na kumunidad lang naman ang baryong iyon. Kaya magkakilala halos lahat ng tao.Kaya noong nakarating sila sa basketball court ay pinagtitinginan si Tati at Raphael. Agad siyang napairap nang mapansing maraming babae ang nakatitig sa asawa niya. Sa inis niya ay basta na lang niyang siniko ang asawa at naunang maglakad.May mga banderitas na nakasabit, ang basketball court ay hindi gawa sa semento. May dalawang ring lang na nakasabit. May stage na gawa sa kahoy na mukhang inilagay lang roon para magkaroon ng entablado.Sa kanang bahagi ay may lamesang mahaba roon, may nakaupong mga tauhan, mukhang ito ang mga opis
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr