“Maricel,” tawag ni Tati sa babae.Lumingon ito sa kaniya. Namumula at namamaga ang mata nito sa kakaiyak. Agad nilang sinugod ang bata sa ospital. Matagal rin inasikaso ang bata dahil sa daming tao. Kung hindi pa ginamitan ng koneksyon ni Raphael ay hindi agad inasikaso ang bata. Sa ngayon ay maayos na ang lagay nito.“Yes po?” wika nito nang makapalit.“We have to go. Babalik na lang kami bukas o ‘di kaya sila Nanay Doring. Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal dito sa ospital. Pasensya ka na’t hindi ka namin mamasamahan,” hingin paumanhin niya pa.Umiling si Maricel, “Hindi po. Ayos na po ang nagawa niyo. Sobra-sobra na po ang nagawang tulong niyo. Maraming salamat po, Ma’am, Sir.”She tilted her head sideways. Para makita ang reaksyon ng asawa, ngunit tipid nangiti lang ang sinagot nito. Ipinulupot ni Raphael ang kamay niya sa bewang ni Tati, dahilan upang mapaigtad si Tati sa gulat.“What?” Raphael mouthed.Tati shook her head. Binalik ang tingin kay Maricel. “I-text mo na lang kam
Dalawang araw lang ay nakalabas na ang anak ni Maricel sa ospital. At nakumbinsi na nila itong manirahan sa villa. Maraming bakanteng kwarto ma pwede na tulugan ng mag-ina. Athalia was the one who insisted it, kahit mismo si Raphael ay hindi maka-ayaw sa asawa.Tuwang-tuwa si Tati sa bibong anak ni Maricel. Kulang na nga lang ay itabi na niya ito sa pagtulog.“Ang cute, cute mo!” nanggigil na wika ni Tati saka pinugpog nang halik si Ash.Humagikgik naman ang bata sa ginawa niya. Kahapon lang nakilala ni Tati si Ash, sila ang sumundo sa mag-ina mula sa ospital. Kahapon pa siya tuwang-tuwa rito. Panay rin kasi ang pabida ng bibong bata kay Tati, tinatawag siya nitong “Ganda”.“Tama na po, Ganda!” humahagikgik na wika nito.Isang matunog na halik pa sa pisngi nito ang huling halik na ginawa niya. “Nakakagigil ka! Gusto mo ng icecream?”Namilog ang mga mata ni Ash, kulay kastanyo ito. Mestizo si Ash, kaya panigurado ay may lahi ang ama nito. Hindi maitatangging may kamukha ito pero hindi
Dalawampung minuto bago sila nakarating sa lugar na pupuntahan nila. Napilit ni Tati ang asawang sumama ngayong gabi. Nakaupo si Tati sa harapan habang nasa likod si Tatay Berting, Nanay Doring at ang mag-inang si Ashton at Maricel.Dito dating nakatira ang mag-asawang Berting at Doring. Nakasanayan na nilang sumali tuwing bisperas ng pista at sa mismong araw ng fiesta. Maliit na kumunidad lang naman ang baryong iyon. Kaya magkakilala halos lahat ng tao.Kaya noong nakarating sila sa basketball court ay pinagtitinginan si Tati at Raphael. Agad siyang napairap nang mapansing maraming babae ang nakatitig sa asawa niya. Sa inis niya ay basta na lang niyang siniko ang asawa at naunang maglakad.May mga banderitas na nakasabit, ang basketball court ay hindi gawa sa semento. May dalawang ring lang na nakasabit. May stage na gawa sa kahoy na mukhang inilagay lang roon para magkaroon ng entablado.Sa kanang bahagi ay may lamesang mahaba roon, may nakaupong mga tauhan, mukhang ito ang mga opis
“Athalia!” tawag ni Raphael sa kanya.Namumungay ang mga mata nito sa sobrang kalasingan. Naglalakad ito papalapit sa kinaroonan niya kaya napalingon tuloy kay Raphael ang iilang mga tao roon. Tumayo si Tati at sinalubong ang asawa. Yumakap ito sa kanya.“I didn’t know that the liquor here is different,” natatawang sambit nito.Party boy si Raphael bago paman niya ito nakilala. Lalo na noong nakatira ito sa ibang bansa. Noong naging magkaibigan sila ay hindi na ito masyadong umiinom dahil madalas silang magkasama. Pero paminsan-minsan ay sumasama ito sa mga kaibigan nitong mahilig rin sa gimikan.“I told you so,” she giggles. “So, how is the experience?”“I am not loving it,” he grunted.Imbis na nasa mga kalahok ang atensyon ng mga tao ay nasa kanilang mag-asawa. Kaya kinurot niya ang asawa.“The heck!”“Umayos ka. Pinagtitinginan tayo,” mariing wika niya kaya umayos ng tayo si Raphael.Umupo si Raphael sa bakanteng monoblock na katabi niya. Umupo rin si Tati, napapagitnaan siya ni M
The last thing she wants right now is to fight with her husband. Unti-unti na nilang naibabalik sa dati ang pagsasama nila. Kaya bago paman masira ang mang meron sila ay nag-iwas na siya ng mga mata. Nakakapaso ang mga tingin na iginawad ng asawa niya.Nagkunwari siyang tulog. Ilang saglit pa ay naramdaman niyang lumundo ang kama. Isang mainit na yakap ang nagpamulat sa kanya ng mata. Isang maling desisyon pala iyon, nagkatinginan tuloy silang mag-asawa.Napansin ni Tati na wala palang suot na pang-itaas ang asawa niya kaya awtomatikong namula ang buong mukha niya sa hiya. Napalunok siya nang makaramd ng kung anong init sa katawan niya.Kumurap siya saka marahang itinulak ang asawa, “M-mag damit ka nga! Parang tanga ‘to!”“Why?” namamaos na wika nito saka mas higpitan pa ang pagkakayakap sa kanya.May suot na damit si Tati pero ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng asawa niya. Wala sa sariling napatitig siya sa mukha ng asawa niya.“I-I said wear something! H-hindi lang ikaw a
Hindi siya pala dasaling tao. Hindi rin siya nagsisimba pero sa araw na ‘to ay napagpasyahan ni Tati na sumama kay Nanay Doring na magsimba. Araw ng kapistahan sa lugar nila Nanay Doring. Sumama siya para magsimba sa maliit na chapel ng komunidad nila.Iniwan niya ang asawang tulog pa. Winasak na naman nito ang puso niya. But what do she expect? Siya ang pumagitna sa pagmamahal ng dalawa. Siya ang legal pero sa puso ni Raphael si Kristal ang naroon.Nang matapos ang misa ay nauna na siyang umuwi. Nagpaiwan si Maricel at Ash kasama ang mag-asawa. Marami nga siyang dalang pagkain, bigay ng mga taga-roon. May iilang styro ng pagkain ang dala niya. Nakalagay ang mga iyon sa supot para hindi matapon.Nagulat siya kung gaano kabait ang mga tao roon. Kahit na hindi siya kilala ay mabait ang mga ito. Niyaya pa nga siyang mag-inom pero tumanggi siya dahil buntis siya. Nais man niyang manatili at makisalo sa kasiyahan ay kailangan niyang umuwi dahil biglang sumakit ang puson niya. Natatakot siy
“Ate!” malambing na tawag ni Rem kay Tati.Simula noong maging magkaibigan silang dalawa ni Raphael ay napalapit siya sa pamilya nito. Kahit sa nakababatang kapatid nito. Hindi niya naranasan magkaroon ng kapatid kaya sa katauhan ni Rem ay nagkaroon siya. Gustong-gusto niyang bini-baby ito. Lalo na sa tuwing nagrerequest ito ng pagkain, paborito kasi nito ang luto niya.“Ano na naman ang ipapaluto mo?” kunwaring inis niyang tanong.“Aalis ako ngayon, Ate. And I think I can’t come home tonight. Will you be fine here?” Nakatitig ito sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nginitian niya ito saka kinurot ang pisngi. Mas matangkad sa kanya si Rem kaya para tuloy siyang nanunungkit ng prutas sa isang puno. Malapit na yata nitong maging kasing tangkad ang Kuya Raphael nito.“I’ll be fine here. Ano ka ba? Hindi naman ako bata na kailangan mong bantayan ng bente kwarto oras. I am a grown ass woman. So you don’t need to worry about me, okay? Just update me if you can’t come home. And please, d
Sinipat niya ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ang maluwang na itim na T-shirt at tenernohan iyon ng itim na leggings. Mayroon na siyang maliit na baby bump. Hinaplos niya iyon at hindi mapigilang mapangiti.Ang pinagbubuntis niya ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Hindi siya natuloy sa appointment iyabsa doktor noong isang araw kaya ngayon siya magpapatingin.Kinuha niya ang Tote bag, tinignan niya ang laman noon. Nang masigurong nandoon na ang wallet at cellphone niya ay sinukbit na niya sa braso niya. Walang driver ngayon kaya magcocommute siya. Naglakad siya palabas ng subdivision, halos sampung minuto rin siyang naglakad. At sampung minuto rin siyang naghintay ng taxi sa may gate.Wala pang isang oras ay nakarating siya sa ospital. Naghintay rin siya ng isang oras bago tawagin ng doktor. Nang makapasok sa loob ay nginitian niya agad ang Ob Gyne niya. Ang kaso sumimangot ito.“Mrs. Yapchengco! Imbes na madagdagan ang timbag mo ay mas lalo kang nangayayat. Are you takin
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr