“Ate!” malambing na tawag ni Rem kay Tati.Simula noong maging magkaibigan silang dalawa ni Raphael ay napalapit siya sa pamilya nito. Kahit sa nakababatang kapatid nito. Hindi niya naranasan magkaroon ng kapatid kaya sa katauhan ni Rem ay nagkaroon siya. Gustong-gusto niyang bini-baby ito. Lalo na sa tuwing nagrerequest ito ng pagkain, paborito kasi nito ang luto niya.“Ano na naman ang ipapaluto mo?” kunwaring inis niyang tanong.“Aalis ako ngayon, Ate. And I think I can’t come home tonight. Will you be fine here?” Nakatitig ito sa kanya at hinihintay ang sagot niya. Nginitian niya ito saka kinurot ang pisngi. Mas matangkad sa kanya si Rem kaya para tuloy siyang nanunungkit ng prutas sa isang puno. Malapit na yata nitong maging kasing tangkad ang Kuya Raphael nito.“I’ll be fine here. Ano ka ba? Hindi naman ako bata na kailangan mong bantayan ng bente kwarto oras. I am a grown ass woman. So you don’t need to worry about me, okay? Just update me if you can’t come home. And please, d
Sinipat niya ang sariling repleksyon sa salamin. Suot niya ang maluwang na itim na T-shirt at tenernohan iyon ng itim na leggings. Mayroon na siyang maliit na baby bump. Hinaplos niya iyon at hindi mapigilang mapangiti.Ang pinagbubuntis niya ang nagbibigay sa kanya ng lakas. Hindi siya natuloy sa appointment iyabsa doktor noong isang araw kaya ngayon siya magpapatingin.Kinuha niya ang Tote bag, tinignan niya ang laman noon. Nang masigurong nandoon na ang wallet at cellphone niya ay sinukbit na niya sa braso niya. Walang driver ngayon kaya magcocommute siya. Naglakad siya palabas ng subdivision, halos sampung minuto rin siyang naglakad. At sampung minuto rin siyang naghintay ng taxi sa may gate.Wala pang isang oras ay nakarating siya sa ospital. Naghintay rin siya ng isang oras bago tawagin ng doktor. Nang makapasok sa loob ay nginitian niya agad ang Ob Gyne niya. Ang kaso sumimangot ito.“Mrs. Yapchengco! Imbes na madagdagan ang timbag mo ay mas lalo kang nangayayat. Are you takin
Present time….“Athalia!” nagpapanic na wika ni Raphael habang niyuyugyog ang asawang umungol sa panaginip nito.Umiiyak ang asawa niya sa panaginip nito kaya nag-aalala siya. Mas nilakasan niya pa ang pagyugyog sa asawa. Saglit pa ay nagmulat ito ng mata at humahangos. Mas lalo itong umatungal sa pag-iyak nang magtama ang mga mata nila.Niyakap niya ang asawa nang mahigpit. Hinayaan niya itong umiyak sa bisig niya. Kahit gaano man siya kagalit kay Athalia, nakikita niya pa rin ang sarili na pinoprotektahan ito.Siya lang ang meron ito. Hindi man niya kayang suklian ang pagmamahal nito. Tanging pagkakaibigan lang ang maiaalay niya.Ilang minuto pa bago kumalma ang asawa niya. Marahan niyang tinapik-tapik ang likod nito.“Are you calm now?” malumanay niyang tanong rito.Huminto na ito sa pag-iyak. Sumisinok-sinok pa ito. Nag-angat ito ng tingin sa kanya. Hindi niya mapigilang mapangiti, namumula ang tungki ng ilong nito. Marahan niya iyon na pinindot“Feeling better?” he softly asked.
Naaalala na ni Athalia ang lahat. Lahat-lahat, nagising na lang siyang umiiyak kasi naalala niya kung paano nawala ang pinagbubuntis niya. She was hit by a car. At iyon ang simula ng kalbayro niya. Nawala sa kanya ang batang pinagbubuntis at isinisisi ni Raphael sa kanya ang lahat, kasi hindi siya nag-ingat. Kaya mas nagkanda-leche-leche ang pagsasama nila na sa umpisa pa lang ay wasak na.Mas lumayo ang loob ni Raphael sa kanya. Kaya sa loob ng limang taon ay hindi siya nito halos matignan. Ang mga magulang naman nito ay hindi siya sinisi. Masakit sa kanya na mawalan ng anak. Hindi man lang niya ito nahawakan. Ni hindi niya ito nakita. Dumating siya sa punto na kinuwestyon na niya ang Diyos. Na kung bakit pa nito ibinigay sa kanila kung babawiin rin naman.Nalugmok siya, ni wala na siyang pakialam may Raphael. Subsob siya sa trabaho, naging tahanan na niya ang ospital. Sa ganoong paraan ay nagiging abala siya at unti-unting natanggap ang katotohanan.Pero sumasagi pa din sa isipan n
Athalia was enjoying her break. Pagkatapos kasi nito ay balik trabaho na naman siya. Masaya siyang kasama si Maricel dahil ito lang ang tanging tao na nakakaalam ng sekreto niya.Nakahiga siya ngayon sa kama. Nagbabasa ng libro. Nasa baba pa ang asawa niya nakikipag-inuman. Si Maricel at ang pamilya nito ay dito na matutulog. Kaysa naman magbayad pa sila para sa hotel accomodation ay sa villa na lamang sila magpagabi dahil marami namang bakanteng kwarto rito.Matagal na niyang pinag-iisipan ito. Na kung bumalik ang alaala niya itutuloy ba ni Raphael ang legal separation nila. Iyon kasi ang pinagduldulan nito noong magising siya matapos ang aksidente.Kung sasabihin niya ang katotohanan, iiwan kaya siya nito agad? At mga pinapakita nitong mga nakaraang araw ay pawang kasinungalingan ba? O hindi. Hindi niya alam kung saan lulugar. Gusto niyang maging masaya ang asawa pero ayaw naman niyang maiwan nito. Hindi niya alam kung paano mabuhay ng wala ito. Kahit pa sabihing hindi maayos ang
“What should we eat?” tanong ng asawa niya habang nakatingin sa kanya.“I don’t know. I don’t have the energy to cook,” aniya habang inaalog ang bote ng formula milk ni Yvee.“How about we eat outside. May malapit na resort naman dito, we can eat there,” suhestyon ni Raphael.“That would be nice,” wika niya saka pinatakan ang braso niya ng gatas ni Yvee. Nang masiguradong katamtaman lang ang init nito ay naglakad siya papalapit kay Yvee na gumagapang sa carpet ng salas.“Yvee baby,” tawag niya sa bata sabay pakita ng bote ng gatas nito.Bumungisngis ito, kitang-kita ang dalawang ipin nito. Gumapang ito papunta kay Athalia, kinawag-kawag nito ang kamay. Kaya kinuha niya ito para kargahin.Umupo siya sa sofa at pinahiga si Yvee sa upuan at ibinigay ang dede nito. Mabilis naman na sinubo ito ng bata. Bumaling siya sa asawa. “You should take a bath na. H’wag mong tagala, ah. Kasi susunod ako, ikaw ang magbabantay kay Yvee.”“What?” umiling ito. “Hindi kami magkasundo niyan!”“Manahimik k
Hawak-hawak ni Raphael si Yvee. Nilalamutak nito ang mukha niya. Hindi niya tuloy mapigilang mag-isip kung magkakaroon sila ng anak na babae ni Athalia. Magiging kasing ganda ba ito ng asawa niya? O ‘di kaya kasing talino nito. Halos mapunit ang labi niya sa kakangiti. Hinayaan niya na lang si Yvee na paglaruan ang mukha niya habang hinihintay ang asawa.Kakatapos lang nilang kumain at nagpaalam ito na iihi muna kaya siya muna ang humawak kay Yvee. Maligalig ito kagaya ng kapatid nitong si Ashton. “Anget! Anget! Anget!” gigil na wika ni Yvee habang sinasampal-sampal ang mukha niya.“I am handsome,” giit niya na.“Anget!” giit naman ni Yvee, hindi niya tuloy mapigilang matawa dahil nakikipagtalo siya sa isang taong gulang na bata.“But Tita Mommy is Ganda, right?” Ngumiti si Yvee, “Danda!”Natawa siya, para bang naiintidihan siya nito. Kaya hinalikan niya sa pisngi ang bata. Humagikgik naman ito, nakikiliti yata sa balbas niya. Hindi pa nakakapag-shave.Dapat kanina pa sila umuwi. Bu
Huling araw na nilang mag-asawa sa probinsya. Napagpasyahan nilang lahat na magbarbecue party. Madilim na ngunit maliwanag pa rin dahil sa liwanag na mula sa buwan at sa baga ng apoy. Abala si Tati at Maricel sa pagbabantay sa dalawang bata. Habang ang mga asawa naman nila ay abala sa pagluluto ng barbecue. “Mama! Mama!” tawag ni Ash habang nakaupo sa buhangin. “Oh, ano ‘yun?” tanong ni Maricel sa anak niya. “Mama kapag big na ako magkakagirlfriend din ako?” inosentinh tanong nito. “At saan mo naman narinig ‘yan?” Nagkibit-balikat si Ash, “Sa school.” Kumunot ang noo ni Maricel at hindi makapaniwala sa narinig. “Ano?” Natawa si Tati sa reaksyon ng kaibigan. Hawak niya si Yvee, nakaupo ito sa hita niya pinaglalaruan ang laso sa suot niyang damit. “Sa schoo nga. Kulit mo naman, Ma!” napakamot pa sa ulo si Ash. “Sinong nagsabi sa ‘yo niyan?” pang-uusisa niya pa sa anak. Ngumuso si Ash, tumayo ito at pinagpagan ang shorts. “Yung kaklase ko nga si Jane. Sabiya girlfrien
“Athalia’s not pregnant, okay?” Pagtatama ni Raphael. Nakahinga naman ng maluwag si Tati nang marinig iyon. Tila ba nabunutan siya ng tinik sa lalamunan. “What? Why?” Dismayadong sambit ni Gabriella. Pilit ngumiti si Tati, “Hindi ako buntis, Mommy. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata sa sinabi ng mga kapatid.” “Yes, Mrs. Yapchengco. Iba lang ang pagkakaintindi ng mga bata. Akala nila ay buntis ang ibig sabihin ng sunabi ko," Austin said. “Owwww!” magkapanabay na sambit ng mga bata, dismayado rin ang mga ito. Akala nila ay magkakaroon na rin sila ng kapatid. “Why Daddy? I thought when Papa Austin said Mommy has alaga in her tummy. Does it mean that we have a baby sister now? Why Mommy is not pregnant?” Biglang tanong ni Ryker sa ama. Napaawang naman ang labi ni Raphael sa gulat. Tumikhim siya, “Baby, it doesn’t work that way.” Tumingin si Raphael kay Tati at humingi ng tulong. Hindi alam ni Raphael kung paano sagutin ang bunsong anak. “Jusko,” wala sa sariling usal ni T
“Kuya,” Tawag ni Tati sa kapatid niyang si Austin. “What is it?” “How’s Dad?” She asked. Simula kasi nang maaksidente si Rapahel ay hindi niya pa nakakausap ang Daddy niya. Ang sabi ng mga kapatid niya ay nasa isla ang Daddy nila. Nag-iwas ng tingin si Austin, “Dad’s fine. He’s doing well.” Umirap si Tati, “How come alam mo? Hindi man lang ako tinatawagan ni Daddy. Nakakatampo na. The kids are looking for him. Panay sabi lang ako na busy siya.”Austin smiled and kissed Tati’s hair, “Soon, Baby. Kapag okay na ang lahat–”“What do you mean by that?” Umiling si Austin, “Bakit ba hindi ka sa sumama sa asawa mo? Bakit ako ang napili mong tabihan?”Patungo sila sa hotel na binook ni Gabriella. Kakalapag lang ng eroplano nila at agad silang sinundo ng mga tauhan mula sa hotel. Mahigit Apat na sasakyan ang sumundo sa kanila. Dahil ang dami nilang lahat. “Masama bang samahan ko ang mga kapatid ko?” Si Archer na tulog na tulog sa passengear seat, kasama nila sa Van si Mimi, ZD, ang anak
May mga multo ng kahapon na kapag lumitaw ay mayayanig ang mundo mo. Lalo na kung hindi pa na isasara ang librong iyon. Kaya hindi mapakali si Tati nang makitang muli si Kristal. They never had the chance to talk again, to say how sorry she was when she coveted Raphael. Na dahilan nang pagkaleche-leche ng mga buhay nila.Ngunit hindi pa rin maipagkakaila ni Tati na kung walang nangyari sa kanila noon ni Raphael na dahilan upang maipit sila sa isang kasal na walang kasiguraduhan. Ay wala rin sana ngayon ang triplets. She had made a lot of mistakes in her life… Ngunit hindi pa niya naitatama ang pagkakamali niya kay Kristal. She never had the chance to tell her how sorry she was. And Kristal reminded her of the stupid things she had done and what she had lost. “Baby?” tawag ni Raphael kay Tati ngunit hindi man lang ito tumalima. “Tati?” sinubukan niyang muli ngunit tulala pa rin ito. Hinawakan ni Raphael ang kamay ni Tati at pinisil, doon lang nito nakuha ang atensyon ni Tati. “Is ther
“Raphael!” tawag ni Tati sa ama ng mga anak niya. Hindi niya mapigil ang mapairap sa inis, umagang-umaga ay pinipika na naman siya nito. Ngayong araw kasi tatanggalin ang cast nito. Patuloy na kumatok si Tati sa pinto ngunit walang Raphael na sumagot. “Kapag hindi ka lalabas r’yan gigibain ko ang pinto!” banta pa niya. Kailangan kasi nilang magmadali dahil mamayang tanghali ay may flight pa sila pa-Mindanao. Ngayong araw rin kasi ang byahe nila sa pangakong sinabi ni Gabriella Yapchengco noong nakaraan, to celebrate her birthday they will be spending a week vacation in an island.Wala ang mga bata, kasama ng mga magulang ni Raphael para mag-shopping kaya wala siyang choice kundi samahan ang hilaw niyang asawa sa hospital. “Raphael? We have to hurry, Raphael! Bubuksan ko ‘to—”Bumukas ang pinto bago pa man matapos ni Tati ang sasabihin niya. Sumalubong sa kanya ang bagong ligo na si Raphael. Pinasadahan ni Tati ng tingin si Raphael, nakasuot ito ng puting V-ne
Sa mansyon ng mga Yapchengco… “Sa tingin niyo magkakabalikan na iyong dalawa?” wika ni Mimi. Umirap si Jean, “Heh! Maduga kayong mag-asawa. Matalo ang isa, may chance naman ang isang manalo.”Umakbay si ZD sa asawa, “Of course! Ang laki rin kaya ng mapapanalunan rito.” Nag-apir pa si Mimi as ZD. “Right, Babe?”“Argh! I hate you two!” pinagkrus pa ni Jean ang braso niya. “Hi guys!” bati ni Lali na kakalabas lang mula sa guest room sa ibaba. “Anong pinagchichismisan niyo r’yan?” bumaling ito kay Jean. “Sa’n ka natulog, Teh? Na-ilock ko pala ang pinto nakalimutan ko na tayo pala ang magtatabi.”“Ha?” Kasabay noon ay ang paglingon ng mga kaibigan ni Jean sa kanya at pagbaba naman ng iilang bisita, mga kaibigan ni Raphael na bumaba. Hindi rin papahuli ang mga magulang ni Raphael at ang mga kapatid ni Raphael. Ang tanging wala roon ay ang mga bata at ang mga-asawa–o mas tamang sabihin dating mag-asawa. Natitipon-tipon lahat sa salas, animo’y isang board meeting. Pumalakpak si ZD upang k
Madaling araw na nang matapos silang magkakaibigan na mag-inuman. Hinayaan ni Tati na sa guest room na matulog ang mga kaibigan niya. Habang ang mga bata naman ay katabi ng biyenan niya at ang mga kapatid naman niya ay hindi niya alam kung saan nagsusuot. Masaya si Tati na maayos ang takbo ng buhay niya ngayon. Masaya siyang nakabalik na si Raphael at unti-unti na itong bumabalik sa dati nitong sarili. Kahit pa man ay nawalan ito ng alaala ay hindi iba ang pinaramdam ni Raphael sa mga bata na estranghero ang mga ito sa kanya. Nakikita ni Tati sa mga kilos ni Raphael na mahal nito ang mga bata.And it made Tati happy… that they are finally having their peace. Bago humiga si Tati sa kama ay naglinis muna siya ng katawan. Kahit gaano pa siya kapagod mula sa trabao o kung ano man ay hindi talaga siya natutulog hanggat hindi naliligo muli. Solong-solo ni Tati ang buong higaan ngayon, walang mga batang nakasiksik sa kanya.Nang humiga si Tati ay agad siyang dinalaw ng antok, epekto na rin
“What’s your plan?” tanong ni Jean kay Tati, matagal-tagal nang kilala ni Jean si Tati bilang katrabaho ngunit ngayon lang siya naging malapit sa babae. Ilag kasi masyado si Tati, naiintindihan naman iyon ni Jean dahil napakaraming pinagdaanan ni Athalia. Ngunit nang makabalik ito matapos ang halos limang taon ay mas naging malapit si Jean at Athalia. At itinuturing na ni Jean si Tati na kapatid. At wala siyang ibang nais kundi ang maging masaya ito. “About what?” untag ni Tati. Nakaupo silang lahat sa may hardin sa isang sulok, sa kabilang banda naman ay ang mga kaibigan ng asawa ni Athalia na si Raphael. “Anong what ka d’yan, Teh! Anong score niyong dalawa ni Raphael?” singit ni ZD na nakaakbay sa asawang si Mimi na animo’y takot itong maagaw ng iba. Hindi mapigilang mainggit ni Jean sa mag-asawa dahil kitang-kita niya kung gaano kamahal ng mga ito ang isa’t isa. Hindi nga inaakala ni Jean na magkakatuluyan ang dalawa dahil akala nilang lahat ay pareho silang dalawa ng gusto.
Maliit pa lang si Archer, nakagisnan niya ang mga magulang na parating nagtatalo. Litong-lito siya kung bakit hindi halos nag-uusap ang mga magulang niya at madalas na magtalo. Nagtataka nga siya kung bakit iba ang pakikitungo ng mga magulang niya sa isa’t-isa habang ang magulang naman ng mga kaklase niya ay malalambing sa isa’t-isa. That’s when he wondered if his parents love each other. Ngunit mas tumatak sa batang isipan ni Archer, ano ba talaga ang pagmamahal?“Ano ba?! Hindi ka pa rin ba titigil sa kakahanap sa babae mo?!” sigaw ng ina niya mula sa opisina ng ama niya. Nakasilip si Archer sa siwang ng pinto kung saan nakikita niya ang ina niyang lumuluha habang ang ama naman niya ay nakatingin lang sa inang lumuluha. “Wala akong balak na balikan siya! Ilang ulit ko bang sasabihin sa ‘yo ‘yun?” sagot naman ng ama niya sa mababang boses. “Oh, please! H’wag na tayong maglokohan, alam naman nating hindi mo ako mahal at mahal mo ang babaeng iyon! No matter how hard I tried, I can’t
“Mommy Lola, Lolo!” sigaw ng mga anak ni Athalia nang makita ang biyenan na nakaupo sa sofa. Tumakbo papalapit ang mga bata sa Lolo at Lola nito. Mahigpit na niyapos naman ng mga magulang ni Raphael ang mga bata. Hinalikan isa-isa ng biyenan niya ang mga bata, tuwang-tuwa naman ang mga paslit. “How about me?” wika ni Rem, biglang sumulpot mula sa kusina. “Tito!” sigaw ng mga bata at kumaripas naman papunta kay Rem. Napangiti na lang siya nang magtitili ang mga anak niya. Tulak-tulak niya ang wheelchair ni Raphael. Ngayong araw na ito ay magkakaroon ng pagtitipon sa mansyon ng mga Yapchengco. Hindi kasali ang extended family ng mga ito. Kundi ang mga kaibigan lang ni Raphael, pamilya ni Athalia at mga iilang kaibigan niya. Pumayag naman si Raphael nang sabihin niyang nais niyang mag-imbita ng mga kaibigan niya. “Mom,” tawag ni Raphael sa ina.Tumayo si Gabriella Yapchengco at humalik sa pisngi ng anak, “Is your leg doing good?”“Yeah, my wife’s taking care of me.”Sumulyap si Gabr