AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Kumain kana muna, bago ako mag kwento.” Utos ni Kazimir sa akin at pinasok sa puwang ng bakal na rehas ang pagkain ko. “Mag kwento ko na habang kumakain ako, ayoko na tumagal dito may pupuntahan pa ako..” sagot ko dito. Bumuntong hininga na lang ito at tumango, kumuha ito ng upuan at umupo sa harapan ko. “Pag pasok mo lang sa amin, inutusan ko ang tauhan ko na alamin ang tungkol sayo. Habang inaalam nila natuklasan nila ang tungkol sa mga Clemenza..” panimula nito. “Unti unti ko nalaman ang totoo. Sila ang may pakana ng pagkamatay ang magulang mo. Ngunit hindi ako sigurado kung kasabwat ba ang Tita Mynerva mo na siyang sinasabi mo na ang ligtas sayo sa sunog..” dagdag nito. Napa tigil ako sa pagkain ko dahil sa sinabi niyang ‘yun, pabuka na ang bibig ko ng itaas nito ang kamay niya para patigilin ako sa akmang pag tatanong ko. “Ako muna, gusto ko matapos ito diba?” Tanong nito, umirap ako at tumango na lang na parang bata. “Kilala ng Tita Mynerva
Magbasa pa