CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Binagsak ko sa harapan ni Flame ang bag na puno ng pera. “Ano yan?” Malamig na tanong nito habang nakatingin sa bag sa harapan nito. Ako na mismo ang ang tungo sa opisina ng asawa nito. “150 million pesos, tanggalin mo lang ang nilagay mo sa puso ni Britney..” sagot ko dito. Tinapunan na ako this time ng malamig na tingin bago sumagot sa akin. “Wala na ako magagawa tungkol doon. Kung gusto niyo talaga matanggal ito, kausapin niyo si Brent ang pinsan ko. Siya ang lumikha nito gusto mo tawagan ko?” Mahabang paliwanag nito na kina kuyom ng kamao ko. “At yung 150 million? Hindi ko kailangan, kahit 150 billion pa mas marami pa ang pera ko d’yan..” pang iinsulto nito na kina galit ko. Sa galit ko hinawakan ko ng mahigpit ang kwelyo ng suot nitong jacket na kulay pula, yari din ito sa leather. “Tinatarantado mo ba ako?! Ikaw ang nag utos na ilagay ang bagay na yun sa loob ng katawan ni Britney!” Gigil kong tanong dito. “Oo ako nga, pero hindi ako ang mism
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Habang naglalakad ako patungo sa bago kong condo, dahil pansamantala munang aayusin ang nasunog na condominium namin. Nang makarating ako napansin ko na bukas ito at hindi naka lock ang pinto. Pero binaliwala ko na lang ito at pumasok na ako saka ko nilock ang pinto. Pag pasok ko napansin ko na may something sa sala hanggang tumayo ito kaya agad akong bumunot ng baril. “Sino ka at bakit ka na sa condo ko?!” Tanong ko dito, hindi ito umimik hanggang humarap ito. Napa singhap ako ng hangin dahil doon. “Anong ginagawa mo dito?!” Tanong ko muli dito. Bumuntong hininga ito at naglakad palapit, pero ako ang natatakot dahil wala naman nagawa ang bala ko sa taong ito. She’s well-trained na klase ng mafia boss, ang bala ay hindi siya kaya mismo pigilan. “May iaalok akong position sayo, actually ito ang unang beses sa loob ng 15 years ko bilang isang mafia boss ang mag alok mismo ng position..” paliwanag nito. Dahan dahan ko binaba ang baril ko ng maramdama
To be Continued..-AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA“Okay, 5 seconds na lang, tapusin nyo na sila at umalis na kayo!” Utos na naman ni Flame.Mauubusan na ako ng hangin sa baga ko sa tagal, nakita ko ang tayo ng isang lalaki na may suot na salamin at baseball cap. Matangkad ito at naka suot ito ng puting jacket at short na tingin ko ay pambahay lang nito.Huwag mo sabihin pumunta siya ng bangko ng ganito ang suot niya?“3, 2 and 1. Cross!” Narinig kong utos ni Flame inalis ko ang kamay ko at lumabas na ako sa pinagtataguan ko.“Huwag niyo sila bibigyan ng pagkakataon na lumaban pa!” Wika ni Flame. Kaya bago pa maka bunot ng baril ang mga lalaki, pinaulanan ko na ng bala ang mga lalaking naka mask.Dalawang baril ang hawak ko, habang yung lalaki na tinatawag nilang Cross ay nakita ko paano nito paikutin ang ulo ng lalaki ng 360 degree, ang mukha nito ay nasa likod na nito.“Hey! Ito!” Tawag ko dito at binato ko ang isang baril na hawak ko at agad nitong sinalo.“Hell thanks!” Pasasalam
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NANG MAG GABI NG WALA na ang mga Clemenza sa mansion. Naghihintay na lang ako na makatulog na ang lahat ng tao sa mansion. Inutusan ko din si Bryant na ihack ang nga CCTV sa mansion, doon ko napagtanto na may siyam na CCTV camera ang buong loob ng mansion. Hindi pa kasama ang nasa labas, napa iling na lang ako at nag suot ako ng ibang damit na malayo sa mga sinusuot ko dito. Naka mask ako at sadyang pinalaki ko ang katawan ko para gumawa ng illusion na isa akong lalaki. Nag lagay lang ako ng mga damit sa loob ng damit ko. Nag double layer din ako ng damit just incase, matapos nito nakita ko na ala una na ng madaling araw. Ang alam ko uuwi sila mamaya pang umaga kaya maganda kumilos ganitong oras. “Bryant, gagawa ako ng illusion na manggagaling ako sa labas..” wika ko dito at nag tungo ako sa back door. “Okay..” sagot nito habang humi-hikab pa ito matapos ko lumabas pumasok naman ako na saktong nahagip na ako ng camera. Agad akong nag tungo sa ita
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA GALIT NA GALIT SI Don Amir sa nangyari sa kanila, kaya hindi ko alam paano ako magpapaalam na i-advance ko ang day off ko. “Narinig ko pinapahanap daw ng mga amo natin sino ba talaga ang natitirang buhay sa mga Levesque..” narinig kong bulong ng isang katulong, hindi ko alam ang pangalan nito basta ang tawag sa kanya ay Inday lang. “Grabe ano? Sana hindi na siya bumalik dahil sigurado tatapusin siya ng pamilyang ito..” narinig kong sagot ni ate Letty. Itong dalawa na ito ang madalas mag chismiss. Imbes na punain ko sila nilapitan ko si Donya Amelia upang mag paalam. “Donya Amelia, gusto ko lang po sana mag paalam..” diretso kong sabi ng maka lapit ako. “Balak namin isama ka sa maikling bakasyon namin sana..” wika Donya Amelia. “Iadvance ko po sana ang Day off ko importante lang..” alangan kong sagot habang nag kakamot ng pisngi. “Hindi pwede Chef Ciara, sasama ka sa amin..” napa lingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Sir Clinton. Napa bu
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NANG MATAPOS ANG HAPUNAN namin naisapan ko muna mag lakad lakad dahil marami din akong nakain. Habang naglalakad ako sa gilid ng dagat napa tigil ako ng may naaninag akong nag lalakad palapit sa akin. Kaya kinabahan ako pero agad din itong nawala ng mag salita ito. “Pinabibigay ito ni Boss Flame..” baritong wika nito na kina tigil ko ng marinig ko ang tinawag nitong pangalan. “Sino ka?” Tanong ko dito, hanggang makita ko ng malinaw ang mukha nito. “Nagulat ka? Bagay ba yung ganung boses sa akin? Ginagaya ko kasi Earl ang kapal kasi ng boses niya sa akin kasi parang bata parin. Anyway ang daldal ko na, ito oh pina bibigay ni Apoy.” Mahabang tanong at wika nito. “Ikaw si Damon diba?” Tanong ko dito at kinuha ko ang inaabot nito. “Ayan? Very good! Oo ako nga wala ng iba!” Naka ngiti lang ito sa akin kaya hindi ko maiwasan hindi mapa ngiwi. “Ahmm.. paano ba ito gamitin at bakit ang bilis ata nito dumating sabi sa akin bukas pa?” Tanong ko dito. “A
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA HABANG KUMAKAIN KAMI ng hapunan hindi ko maiwasan hindi pang gigilan ang plato at hawak shrimp na kinakain ko. “Ciara? Okay ka lang ba hija?” Tanong ni Don Amir. Tiningnan ko ito saglit at tinigil ko ang ginagawa ko. “Opo. May iniisip lang po ako.” Magalang at mahinahon kong sagot. Sinubukan ko naman maging kalmado pero kumukulo talaga ang dugo ko. “Ano bang problema? Pwede mo naman kaki sabihan..” tanong ni Donya Amelia. “Nag sinungaling kasi ang tita ko, nalaman ko na may tumutulong sa kanya yung tao pa na may kinalaman sa pagkamatay ng magulang ko! Parang binenta niya ang buhay ng pamilya ko sa pamilya na yun!” Pag sabog ko na kina gulat nila. “At least binayaran ka. Pasalamat ka nga nakarating ka pa sa kung anong mer——” hindi ko pinatapos ito ng hawakan ko ang likod ng ulo nito. Buong lakas ko hinampas ang ulo nito sa mesa na kina taob ng mesa at kina hati nito sa gitna. Inangat ko ang ulo nito nakita ko pa na naka dilat pa ito. “You bastard!
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nakita ko ang mga mata nitong nangangatog habang nakatitig sa papel na nilapag ko. “Anong kinalaman mo dito? Bakit sila nag bibigay ng pera sayo?!” Hindi ko maiwasan hindi mag taas ng boses pero agad ko naman pinigilan. Dahil na rin marami ng tulog na kapitbahay pati sila Lola at si Zerah. “Paano mo ito nalaman sino nag bigay sayo nito?!” Galit na tanong nito sa akin pabalik. Binagsak ko ang kamay ko sa mesa at muli akong nag salita. “Uulitin ko tita! Bakit ka nila binibigyan ng pera? Para saan para paaralin ako para bilhin ang nangyari sa magulang ko na kagagawan nila?!” Pagtatanong ko dito. “O tauhan ka niya?” Tanong ko dito ngunit isang malakas na sampal ang natanggap ko mula dito. Tumayo ako at natawa. “Ava, pamangkin hindi ko sinasa—” pinutol ko ito ng mag salita ako “Hindi na bale kahit hindi mo sagutin, aalamin ko na lang pero sa akin na ang mga bata at si Lola, dahil ayoko silang madamay sa mga ginagawa mo ng pailalim..” wika ko at tining