AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA GALIT NA GALIT SI Don Amir sa nangyari sa kanila, kaya hindi ko alam paano ako magpapaalam na i-advance ko ang day off ko. “Narinig ko pinapahanap daw ng mga amo natin sino ba talaga ang natitirang buhay sa mga Levesque..” narinig kong bulong ng isang katulong, hindi ko alam ang pangalan nito basta ang tawag sa kanya ay Inday lang. “Grabe ano? Sana hindi na siya bumalik dahil sigurado tatapusin siya ng pamilyang ito..” narinig kong sagot ni ate Letty. Itong dalawa na ito ang madalas mag chismiss. Imbes na punain ko sila nilapitan ko si Donya Amelia upang mag paalam. “Donya Amelia, gusto ko lang po sana mag paalam..” diretso kong sabi ng maka lapit ako. “Balak namin isama ka sa maikling bakasyon namin sana..” wika Donya Amelia. “Iadvance ko po sana ang Day off ko importante lang..” alangan kong sagot habang nag kakamot ng pisngi. “Hindi pwede Chef Ciara, sasama ka sa amin..” napa lingon ako ng marinig ko ang sinabi ni Sir Clinton. Napa bu
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA NANG MATAPOS ANG HAPUNAN namin naisapan ko muna mag lakad lakad dahil marami din akong nakain. Habang naglalakad ako sa gilid ng dagat napa tigil ako ng may naaninag akong nag lalakad palapit sa akin. Kaya kinabahan ako pero agad din itong nawala ng mag salita ito. “Pinabibigay ito ni Boss Flame..” baritong wika nito na kina tigil ko ng marinig ko ang tinawag nitong pangalan. “Sino ka?” Tanong ko dito, hanggang makita ko ng malinaw ang mukha nito. “Nagulat ka? Bagay ba yung ganung boses sa akin? Ginagaya ko kasi Earl ang kapal kasi ng boses niya sa akin kasi parang bata parin. Anyway ang daldal ko na, ito oh pina bibigay ni Apoy.” Mahabang tanong at wika nito. “Ikaw si Damon diba?” Tanong ko dito at kinuha ko ang inaabot nito. “Ayan? Very good! Oo ako nga wala ng iba!” Naka ngiti lang ito sa akin kaya hindi ko maiwasan hindi mapa ngiwi. “Ahmm.. paano ba ito gamitin at bakit ang bilis ata nito dumating sabi sa akin bukas pa?” Tanong ko dito. “A
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA HABANG KUMAKAIN KAMI ng hapunan hindi ko maiwasan hindi pang gigilan ang plato at hawak shrimp na kinakain ko. “Ciara? Okay ka lang ba hija?” Tanong ni Don Amir. Tiningnan ko ito saglit at tinigil ko ang ginagawa ko. “Opo. May iniisip lang po ako.” Magalang at mahinahon kong sagot. Sinubukan ko naman maging kalmado pero kumukulo talaga ang dugo ko. “Ano bang problema? Pwede mo naman kaki sabihan..” tanong ni Donya Amelia. “Nag sinungaling kasi ang tita ko, nalaman ko na may tumutulong sa kanya yung tao pa na may kinalaman sa pagkamatay ng magulang ko! Parang binenta niya ang buhay ng pamilya ko sa pamilya na yun!” Pag sabog ko na kina gulat nila. “At least binayaran ka. Pasalamat ka nga nakarating ka pa sa kung anong mer——” hindi ko pinatapos ito ng hawakan ko ang likod ng ulo nito. Buong lakas ko hinampas ang ulo nito sa mesa na kina taob ng mesa at kina hati nito sa gitna. Inangat ko ang ulo nito nakita ko pa na naka dilat pa ito. “You bastard!
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Nakita ko ang mga mata nitong nangangatog habang nakatitig sa papel na nilapag ko. “Anong kinalaman mo dito? Bakit sila nag bibigay ng pera sayo?!” Hindi ko maiwasan hindi mag taas ng boses pero agad ko naman pinigilan. Dahil na rin marami ng tulog na kapitbahay pati sila Lola at si Zerah. “Paano mo ito nalaman sino nag bigay sayo nito?!” Galit na tanong nito sa akin pabalik. Binagsak ko ang kamay ko sa mesa at muli akong nag salita. “Uulitin ko tita! Bakit ka nila binibigyan ng pera? Para saan para paaralin ako para bilhin ang nangyari sa magulang ko na kagagawan nila?!” Pagtatanong ko dito. “O tauhan ka niya?” Tanong ko dito ngunit isang malakas na sampal ang natanggap ko mula dito. Tumayo ako at natawa. “Ava, pamangkin hindi ko sinasa—” pinutol ko ito ng mag salita ako “Hindi na bale kahit hindi mo sagutin, aalamin ko na lang pero sa akin na ang mga bata at si Lola, dahil ayoko silang madamay sa mga ginagawa mo ng pailalim..” wika ko at tining
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA HABANG PALABAS AKO NG BAKERY nagulat pa ako ng may mag salita. “Sumama ka sa akin..” malamig na utos nito. “Ay kabayo! H-huh?” Hindi ko mapigilan na hindi mautal ngunit nag lakad na ito. Lumingon ito sa akin kaya naman napa kamot na lang ako ng ulo at sumunod dito. “Ibigay mo sa kanya ang susi ng motor mo..” utos na naman nito. Nang may lumapit sa akin. “Ako na bahala mag lagay underground parking ng kumpanya..” nakangiting wika ng lalaki na tingin ko may edad na. “Simula ngayon, tawagin mo siyang kuya Danny, driver siya ng kuya Thunder ko.” Narinig kong wika ni Flame. Ngumiti ako at nag pasalamat kay Kuya Danny. “Salamat po!” Pasasalamat ko at sumunod na ako kay Flame. Naka pamula pa itong tumawid na parang walang sasakyan na dadaan. Nang makarating kami sa kumpanya nila agad kami pinapasok ng guard. Nakita ko pa paano nila yukuan ang tao sa harapan ko. Tahimik lang itong pumasok sa isang napakalaking elevator. “VIP lang nakaka sakay dito ano?
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA MATAPOS KO MABASA LAHAT NG RULES NA INUTOS sa akin na basahin. Kinuha ko ang folder na binigay sa akin ni Boss Flame. Pa bukas pa lang ako ng may pumasok sa silid ko sa bagong ayos naming Hideout, ginawan kami ng sariling kwarto dito upang may mga privacy kami. Bukas isasama ako ng tauhan ng bagong organization na pinasok ko sa kanilang Underground ulit upang makita ko ang ginagawa nila. “May problema tayo, may tawag ka galing kay Boss Kazimir, galit ito dahil nalaman niya na tauhan kana ni Flame..” wika nito at pumasok ito sa loob ko at inabot sa akin ang cellphone niya. Nag salubong naman ang kilay ko at tinanggap ko ang cellphone nito. “Kausapin mo muna..” utos nito. “Oo nga pala tama si Boss Flame, unti unti ng kumakalat ang information noong bitawan tayo ng Los Charlines, pero naharangan agad ng mga taga DCN..” bulong nito. Tumango ako at sumenyas ako na lumabas na muna siya. “Anong kailangan mo?” Tanong ko agad sa tao sa kabilang linya. “W
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA NAPA BABA AKO NG SASAKYAN ng makita ko na may naka harang sa aming dalawang itim na Van. “Sino sila? Bakit sila naka harang?” Tanong ko kay Charles. “Hindi ko alam, basta na lang silang humarang..” sagot nito hanggang may bumaba na hindi ko matukoy kung babae o lalaki. “Sino ka at anong kailangan mo?!” Tanong ko dito at nag lakad ako ngunit pinigilan ako ni Charles. “Gusto ko lang kumpirmahin kung ikaw talaga ang pumatay sa mga Levesque o ang pamilya mo..” wika ng taong nasa harap ko. Nag taka naman ako dahil, bakit ba nababanggit ang pamilya na ‘yun ngayon? “Bakit mo kilala ang pamilya na ‘yun?! Ano nga kung may alam ako?” Sagot ko dito. Nakita ko paano pa ito ngumisi, doon ko nalaman na babae ito kaya bumunot na ako ng baril na agad naman nito ako tinutukan. “Sa susunod na magkita tayo, ako mismo tatapos sayo at buong angkan mo..” malamig na pag babanta nito. “Anong kinalaman mo sa mga Levesque! Ikaw ba ang sinasabi nilang natitirang buhay?!” T
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA KINAUMAGAHAN LAMAN NG BALITA ANG TUNGKOL sa nangyari sa Casino. Ito ang pinapanood namin habang hawak ko ang kalaguyo ni Dimagiba, anak na babae ni Dimagiba at ang boyfriend nitong teacher. “Kamusta ka nagkita ulit tayo..” pagtatanong ko at inalis ko ang Mask ko. “I-ikaw? Nakit na kita sa party ng mga Clemenza! Ikaw din yung chef!” Nanlalaki ang mata nitong tanong sa akin. Pinakidnapp ko sa mga tao ang mga ito dahil may gusto pa akong gawin. Gusto ko makita ang magiging reaksyon ni Dimagiba kapag nalaman niya na hawak ko ang pinakamamahal n’yang kabit at anak. “Ako nga..” naka ngiti kong sagot. “Anong ginagawa namin dito at sino ang babaeng ito?!” Tanong ng dalaga sa akin. Nilipat ko ang tingin ko sa babae na biglang yumuko. “Magpakilala ka, bago ko pasabugin bungo mo..” utos ko dito, ngunit umiling ito kaya kinasa ko ang Kalibre Bente-Dos kong baril at tinutok ko sa ulo nito. “Parang awa mo na, papatayin niya ako kapag nag sa——” hindi ko pinatap
AVA OLIVIA LEVESQUE LAST POV * AFTER ONE WEEK * Isang linggo ang lumipas matapos ang nangyaring tapatan namin ng mga Clemenza, Madden at Dimagiba. Nanatili ako sa hospital dahil sa mga natamo kong sugat. Ngayon ang araw na lalabas na ako, nag aayos na ako ng gamit para lumabas na ng hospital. Kung anong nararamdaman ko? Hindi ko alam kung masaya ba ako o hindi, dahil lahat ng nangyari nagawa ko naman ngunit may natitira pa. Pero tama si Boss Flame ang walang kasalanan huwag mo ng idadamay. Idadamay ko lang sila kung nag mamatigas pa sila. Sa ngayon hindi ako pwede gumaya sa mga kalaban ko na walang tinira sa akin. Kung ang Tita Mynerva ko naman ang tatanungin niyo, inilagay ito nila Brent at Barbie sa maayos na libingan. Pero under observation si Britney ng mga Lavistre, inutusan ako ni Boss Flame na matapos ang gulong ito at maka recover ako kailangan ko na sumunod sa Russia upang mag undergo ng training. Babalik ako ng Pilipinas kapag natapos ko ang 6 months training ko para
THIRD PERSON POV “Akala ko hindi kana tutupad sa upasan, Mrs. Dela V——” agad pinutol ni Flame ang pag tawag sa kanya ni Donya Amelia gamit ang apelyido ng asawa. “Miss Lavistre. Hindi ako papayag na tawagin niyo akong Dela Vega mas lalo kung isa akong mafia ngayon. Hindi ko babahiran ang apelyido ng asawa ko at pamilya ng asawa ko..” mahaba at ma-awtoridad na sagot ni Flame. Tinapunan pa nito ng malamig na tingin ang Donya. “O-okay sige..” nauutal na sagot na lang nito. “Tutupad ako marami lang kailangan baguhin sa plano..” sagot ni Flame sa Donya habang naka upo ito. “Danny, itigil mo ang sasakyan. Dalhin mo sila sa Underground,” utos ni Flame “Yes boss..” sagot ng pinagkakatiwalaan nitong driver. Nang itigil na ang sasakyan bumaba na agad si Flame at hinayaan na silang maka alis ng hindi ito nililingon. Inangat nito ang mask na suot nito at nag lakad na ito patungo sa kabilang kalsada. “Siguraduhin niyo na magawa ni Ava ang lahat ng gusto niya bago niyo tapusin silang lahat
THIRD PERSON POV Umupo ang dalaga si Ava loob ng control room ng maliit na resort na ito. Habang may hawak itong 45 caliber, “Pinag tatago po sila tapos pinapanood mo naman sila?” Tanong ng tauhan dalagang si Ava at kaibigan na rin na si Federick Lewis. Nilingon ito ng dalaga bago mag salita. “Mas mainam na ito para hindi sila maka takas, hawak na ba natin ang buong control sa lahat dito?” Tanong ng dalaga dito. “Oo mabuti sinabi ni Boss Flame na dito kayo pupunta, pero paano niya nalaman yun ng hindi man lang nakaka kuha ng information?” Malaking pag tataka ng binata sa kilos ng kanilang bagong amo. “Alam niya, si Donya Amelia ang nagsasabi sa kanila ng kilos ng asawa niya..” sagot ng dalaga na kina singhap ng hangin ng binatang kasama ni Ava. “Kahit ang isa sa mga katulong mga Clemenza ay tauhan din ni Boss Flame, si Ate Tery isa siyang Secret Agent. Pamilyar sayo si Agent Freyah Knoxville? Kasamahan niya ito..” paliwanag at pagtatanong ng dalaga sa kanyang kasama. Ngumisi nam
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Ikaw ang dahilan bakit nawalan ako ng pamilya!” Wika ng isang lalaki sa speaker. Ngumisi ako at ang salita habang ang retaso na pinunit kong damit at binalot ko sa kamao ko. “Masaya ba? Masarap ba sa pakiramdam o masakit?” Tanong ko dito, Natawa lang ako at umiling. “Masaya bang mawalan ng pamilya? Makitang nasusunog ang asawa mo at anak? Buti nga tinira ko pa mga katulong mo..” pang aasar ko dito at kinagat ko ang dulo ng tela ng damit ko at mahigpit kong tinali ang kamao ko. “Hayop ka! Papatayin kita!” Pag babanta nito. Nilingon ko si Clinton, ito ang huling beses na magiging mabait ako. “Clinton? Alisin mo sila dito dahil papatay ako ng brutal ngayon..” utos ko dito ng hindi ito nililingon. “Sino ka para utusan ang apo ko?!” Tanong ni Don Martino. Tinutukan ko ito ng baril sa mukha. “Sasabihin ko kung anong nararapat niyang gawin, ayoko pa kayo mamatay dito. May oras kayo..” diretso kong sagot at malamig kong sagot dito. “Umpisa na ng hindi
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA *FlashBack* “Gusto mo na pumayag ako sa kasal? Paano kung irehistro nila yan? Paano ako?” Tanong ko kay Boss Flame. Umupo ito at humarap sa akin. “Trust the process, Ava hindi naman namin ikaw pababayaan dito. Kahit irehistro nila yan kami ang bahala sa bagay na ‘yun..” sagot ni Boss Flame sa akin. “Ang dahilan lang naman bakit naman ikaw pinipilit na pumayag, dahil kailangan mo ilabas si Donya Amelia at mga katulong doon, lahat sila inosente kung kami pa ang kikilos mamatay silang lahat hindi kami mahilig umatras, alam ko naiintindihan mo ‘yun..” paliwanag ni Boss Thunder. Napa tingin naman ako kay Boss Vlad ng ito naman ang mag salita. “Naiintindihan mo naman siguro diba? Hindi kakayanin ni Agent Shantel ito mag isa lang siya doon. Gumawa ka ng paraan para lumayo sila sa mansion at kikilos kami ng palihim..” pagtatanong at paliwanag ni Boss Vlad sa akin. “Kailangan niyo ba talaga sila ilabas sa mansion? Kaaway ko din sila..” tanong ko sa kanila.
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Hindi mawala sa isip ko ang nangyari dalawang araw na nakaka lipas. Pinilit ko naman kunin si Charles pero hindi talaga ito sa amin binigay kahit anong gawin ko. “Babe, tikman mo ito..” wika ni Britney. Tinapat nito sa labi ko ang cake sa pero tinabig ko ito at tumayo ako. “Walang kasal na magaganap!” Anunsyo ko at nag lakad na ako pero biglang nag salita si Lolo. “Umupo ka at itutuloy natin ang kasal bukas na ito! Minadali na nga ito!” Utos ni Lolo kaya humarap ako at sinugod ito. Kinuha ko ang knife para sa cake at tinapat ko ito sa leeg nito bago ako mag salita. “Ngayon natatandaan ko na ang nangyari hinding hindi na ako susunod pa sa inyo! Tigilan mo ako, pakakasalanan ko kung sino ang gusto kong pakasalan! Desisyon ko yun!” Galit kong sagot dito, nakita ko pa na nanlaki ang mata nito kaya naman sinamantala ko ang pagkakataon na yun at umalis na ako. Ngunit sumunod si Britney sa akin at nag salita. “Bakit sa tingin mo magugustuhan ka ni Ciara sa
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Anong sabi mo kuya? Si Chef Ciara ay isang Levesque?!” Gulat na tanong sa akin ng kapatid kong si Krystell. “Paano nangyari na hindi man lang natin napansin ito?” Tanong ni Kayzee. Naka lingon ako ng tumayo si Britney. “At pinapasok niyo pa siya sa mansion! Mamaya espiya siya!” Wika ni Britney. “Imposible na espiya siya sino naman ang amo niya?” Tanong ng nakaka bata kong kapatid na si Kayzee. Nahuli ko pang inirapan ni Britney si Kayzee. “Duh, espiya baka kumukuha na siya ng information tungkol sa inyo! Para magamit niya yun sa pag ganti niya.. mag isip ka nga!” Asik ni Britney. Sinamaan ko ito ng tingin at agad kong sinuway. “Britney! Huwag mo kakalimutan na kapatid ko yan..” paalala ko dito na agad naman nito kina tikom. Umirap lang din ito at padamog na umupo sa pang isahang sofa. “So, anong plano ngayon na alam na natin na matagal ng nag ta-traydor yang Ciara na yan?” Tanong ni Britney sa akin. Huminga ako ng malalim at pinag laruan ko ang
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA AGAD KONG TINAPAKAN ANG BREAK ng motor ko ng may humarang na sasakyan sa harapan ko. “What the fuck?!” Mura ko at agad akong bumaba sa motor ko at bumaba din ang driver ng sasakyan. “Ano ba problema mo?!” Sigaw ko dito. Hanggang bumaba ito at namukhaan ko ito. Nag salubong ang kilay ko ng makilala ko ito ng tuluyan. “Tita Mynerva?!” Gulat na tawag ko dito. Masama ang tingin nito sa akin. Nagulat parin ako kahit malinaw na sa akin ang ginawa nito. “Sana hindi na lang kita binuhay!” Sigaw nito habang nag lalakad ito palapit sa akin. Nasa gitna kami ng highway kung saan maraming tao. Hanggang may ilabas itong Axe at agad akong tatamaan sana nito na kina iwas ko agad. “Ikaw pa ang may ganang magalit sakin?! Ikaw ang may kasalanan ng lahat!” Pagtatanong ko dito at paninisi ko. “Hindi ko gagawin yun kung binigay lang sa akin nila Mommy ang kumpanya na gusto at mana na gusto ko!” Sagot nito. Umiwas ako muli tinamaan naman ang side mirror ng sasakyan nit
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA Sa hindi ko inaasahan na pagkakataon. Kaharap ko ngayon ang punot dulo ng gulong ito. Ang mga Clemenza at ang Tita Mynerva ko. In one frame. Naka mask ako at iniba ko ang kulay ng mata ko, sinunod ko ang utos ni boss Flame na baguhin ang pisikal kong anyo pansamantala. Habang nag pe-play ang video ko kung saan nag salita na ako tungkol sa isyu na binabato sa akin. Kahit totoo ito kailangan maging malinis parin ako hanggang dumating tamang oras. “Totoo nga na buhay pa ang isang Levesque..” wika ni Don Martino. Tiningnan ko ito ng malamig at nag salita ako. “Oo, bakit hindi kayo mag pasalamat sa pinagkakatiwalaan niyo? Binuhay ako ng mahal kong tita..” sagot ko na kina lingon nila kay Tita Mynerva. Ngumisi ako sa ilalim ng mask na suot ko. Pero ang pinag tataka ko minsan ko na sinabi sa kanila na ang Tita ko ay si Tita Mynerva pero bakit parang wala silang nakukuhang clue? Hindi ganun ka hina ang utak nila para hindi ito mapansin, kahit siguro bata