CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA NAPA BABA AKO NG SASAKYAN ng makita ko na may naka harang sa aming dalawang itim na Van. “Sino sila? Bakit sila naka harang?” Tanong ko kay Charles. “Hindi ko alam, basta na lang silang humarang..” sagot nito hanggang may bumaba na hindi ko matukoy kung babae o lalaki. “Sino ka at anong kailangan mo?!” Tanong ko dito at nag lakad ako ngunit pinigilan ako ni Charles. “Gusto ko lang kumpirmahin kung ikaw talaga ang pumatay sa mga Levesque o ang pamilya mo..” wika ng taong nasa harap ko. Nag taka naman ako dahil, bakit ba nababanggit ang pamilya na ‘yun ngayon? “Bakit mo kilala ang pamilya na ‘yun?! Ano nga kung may alam ako?” Sagot ko dito. Nakita ko paano pa ito ngumisi, doon ko nalaman na babae ito kaya bumunot na ako ng baril na agad naman nito ako tinutukan. “Sa susunod na magkita tayo, ako mismo tatapos sayo at buong angkan mo..” malamig na pag babanta nito. “Anong kinalaman mo sa mga Levesque! Ikaw ba ang sinasabi nilang natitirang buhay?!” T
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA KINAUMAGAHAN LAMAN NG BALITA ANG TUNGKOL sa nangyari sa Casino. Ito ang pinapanood namin habang hawak ko ang kalaguyo ni Dimagiba, anak na babae ni Dimagiba at ang boyfriend nitong teacher. “Kamusta ka nagkita ulit tayo..” pagtatanong ko at inalis ko ang Mask ko. “I-ikaw? Nakit na kita sa party ng mga Clemenza! Ikaw din yung chef!” Nanlalaki ang mata nitong tanong sa akin. Pinakidnapp ko sa mga tao ang mga ito dahil may gusto pa akong gawin. Gusto ko makita ang magiging reaksyon ni Dimagiba kapag nalaman niya na hawak ko ang pinakamamahal n’yang kabit at anak. “Ako nga..” naka ngiti kong sagot. “Anong ginagawa namin dito at sino ang babaeng ito?!” Tanong ng dalaga sa akin. Nilipat ko ang tingin ko sa babae na biglang yumuko. “Magpakilala ka, bago ko pasabugin bungo mo..” utos ko dito, ngunit umiling ito kaya kinasa ko ang Kalibre Bente-Dos kong baril at tinutok ko sa ulo nito. “Parang awa mo na, papatayin niya ako kapag nag sa——” hindi ko pinatap
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA Napa tayo ako ng makita ko ang bara barang pagpasok ni Flame sa meeting room ng kumpanya. “Sino ang nag papasok sayo dito?!” Tanong ko dito. “Hindi ko kailangan ‘yun papasok ako kung saan ko gusto..” sagot nito. Tumayo si Lolo at Daddy. “Hindi ka dapat nandito hindi ka dapat pumapasok sa ibang teritoryo! Alamin mo kung anong limitasyon mo! Sabagay bata ka pa talaga!” Wika ni Lolo dito. Ngumisi si Flame dito at umupo ito sa meeting table. “Bata? May bata bang pinatay ang sarili niyang Lolo? May bata ba na kayang kumuha ng kumpanya ng ibang tao? May bata ba na mas matanda pa kung mag isip kesa sa mga LITERAL na MATANDA?” Tanong nito sa aking Lolo. “Don Martino, i’m not here to argue with and here your guts, I am here para bilhin ang share ng investor mo..” deretsong sagot nito at tumingin pa ito sa mga investors namin at kasama sa board members. Binagsak ko ang kamay ko yari sa Nara na mesa at tiningnan ito ng masama. “Tumigil ka! Hindi mo pwedeng ga
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA SA DALAWANG ARAW NA LUMIPAS kitang kita ko ang pagbabago at resulta ng pag sama ko sa mga DCN. Nakita ko paano umusad ang pag kuha ko ng hustisya, ngunit ito na ang huling araw na tutulong si Boss Flame sa akin. Sa oras na makuha ko na ang kumpanya, ngunit umaasa na ako na hindi nila agad ito ibibigay sa akin. “Paano kapag hindi nila binigay sa atin tulad ng gusto mo anong plano mo sunod?” Tanong sa akin ni Boss Flame. Muli itong nag salita. “Sigurado ako na hindi nila ibibigay ang kumpanya, pero ang mga shareholders sigurado na tatakutin nila sila. Ako na ang bahala sa kanila..” paninigurado nito. “Lalabas na ako..” sagot ko at muli akong nag salita. “Magpapakilala na ako, ipapakilala ko ang totoo nilang multo.” Sagot ko dito. “Gawin mo legal ito, Mika kaya mo ba tawagan si Mr. Ferguson? Alam ko na may kilala siyang Lawyer..” tanong nito kay Mika nakilala ko na sila isa isa alam ko na mga pangalan nila. “Yes Miss Flame tatawagan ko po..” sagot ni
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA “Sabihin mo sa akin totoo ba na pinatay mo ang lahat ng tauhan mo?” Tanong ko kay Dimagiba, kinaumagahan inutusan ako ni Lolo na bisitahin si Dimagiba sa kulungan. “Hindi nagising na lang ako na ako na ang pinagbibintangan,” putol nito sa pagpapaliwanag. Napansin ko na may iniisip ito. “Pero bago ako nawalan ng malay, may tao na umatake sa amin. Alam ko meron, yung nag may hawak ng baraha siya yun. May sinambit pa siya na tungkol sa mga Levesque..” pagpapaliwanag nito na naging dahilan para mapanupo ako ng maayos. “Lalaki?” Tanong ko dito. Umiling ito at nag salita. “Hindi ko sigurado pero mukha siyang babae maliit lang ang katawan niya na may katangkaran. Pero ang boses nito ay lalaki..” naka salubong kilay nito na tila iniisip niya ang mga nangyari sa casino. “Masyadong mabilis, maayos lang kami nag lalaro pero biglang na lang nangyari lahat. Kung totoo nakamasid ang natirang Levesque, mag iingat kayo sigurado na aatake sooner..” paalala nito. T
THIRD PERSON POV NAPA LUHOD SI Dimagiba ng makita niya ang pagguho ng kanyang bahay. Unti unti itong nawawasak dahil sa matinding pagkasunog. “Ang asawa ko nasa loob! Ano ba apulahin niyo na ang apoy!” Nag tatalon nitong pakiusap sa mga bumbero. Humawak pa ito sa kanyang ulo at nag lakad lakad na parang nawawala na sa sarili. Habang ang mga Clemenza mas lalo si Martino ay napa titig sa apoy na nasa harapan niya. Hindi niya maiwasan na hindi maalala ang nangyari may 15 years na ang nakaka lipas. Ganitong ganito ang ginawa nila na inutos nila kay Dimagiba. Nagising sila sa tunog ng cellphone ni Dimagiba at doon agad itong sinagot ni Dimagiba. “Sino ito at paano mo nalaman ang numero ko?!” Tanong nito. “Nagustuhan mo ba ang regalo ko?” Tanong ng tao sa kabilang linya. “Sino ka?!” Malakas na paninigaw na tanong ni Dimagiba. “Ang papatay sa inyong lahat.. mula sayo sa mga Clemenza at Madden. Lahat kayo tatapusin ko ito ang ganti ko sa lahat ng ginawa niyo..” malamig na sagot ng tao
AVA OLIVIA LEVESQUE a.k.a CIARA “Come on, chef! Maka tingin ka naman hindi ako kriminal dito ano ka ba?!” Wika ni Ate Tery. “Ang suot mo kasi..” pag puna ko sa suot nito tiningnan ko pa ito mula ulo hanggang paa nito. May dinukot ito sa kanyang bulsa at nilapag nito ang isang ID may nakalagay dito na pangalan ng isang babae pero mukha niya. Hindi ko na buo ang pangalan nito pero kilala siya bilang Agent Shantel. “Isa kang secret agent??” Gulat kong tanong dito. Binasa ko ang pangalan ng grupo nila under sila ng Australian Secret Agent Organization. “Hindi kami una sakop ng Australian agents ngunit dahil kina Agent Bishop at Freyah nagkaroon ng maganda kasunduan..” kwento nito. “Kapalit nito at mag tago kami sa pangalan namin bilang agent, pumasok ako sa pamilya Clemenza upang makakuha ng mas maraming Evidence.. saka utos din kasi ni Miss Flame Morjiana Lavistre, nag bayad siya sa grupo namin ng malaki upang manmanan ang kilos ng mga Clemenza..” pag ku-kwento nito na kina gulat
CLINTON MATHEW HOWARD CLEMENZA NAPA PIGIL AKO NG PAG HINGA ng tutukan ako ng baril sa sentido ko mismo ni Flame. Naka dikit pa ng nguso ng hawak nitong gintong desert eagle na baril sa ulo ko. “Wala kang pakialam kung sino ang kuhain at irecruit ko. Ako ang may utos at sa akin sila susunod..” malamig na wika nito. Pinakita nito sa akin na hawak niya si Charles at nakakatulong ito sa kanyang underground. Nakipag usap ako na pakawalan ang kaibigan ko pero hindi siya pumapayag. Gusto niya pumayag ngunit buhay ko ang kapalit o kahit ibigay ko sa kanya si Lolo. “Hindi ko maibibigay ang lolo ko sayo! Para ko na silang trinaydor sa gagawin ko na yan!” Sagot ko dito. “Tingin mo may pakialam sila sayo? Kapag oras ng kagipitan ikaw ang sasalo ng kasalanan nila. Gusto ko lang lolo mo! Dahil gusto ko makita niya paano ko kontrolin ang lahat sa sarili kong kamay at utos..” malamig na sagot nito. “Hindi ko mag——” hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mag salita ito ulit. “Bibigyan ulit kita n