Tumango lang ako at umupo sa tabi ni Professor Zaiden. Nakaupo lang siya sa couch at tiningnan ang kambal na mahimbing na natutulog. Ililipat ko nalang sila mamaya dahil nagigising talaga sila ng alas dose ng madaling araw. "Laurene, okay ka lang?" Tanong ni Professor Zaiden, habang tinitingnan ako ng seryoso."Oo, okay lang ako. Medyo naguguluhan lang." Sagot ko, habang tinitingnan ang mga anak ko."Kung kailangan mo ng tulong, nandito lang ako." Sagot niya, habang hawak ang kamay ko.Napangiti ako at tumango. "Salamat, Prof. Alam kong kaya kong harapin ang lahat. Syempre, may kailangan na akong protektahan." Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Alam ko rin 'yun. Kaya mo 'yan, Laurenestine." Sabay kaming napatingin sa kamay naming maghawak. Nahiya si Prof at agad kinuha ang kamay niya. “Sorry, I didn't mean to touch you.” Namumula niyang sagot at saka tumikhim. "Ah, hindi po problema, Prof. Zaiden," sagot ko, habang pinipigilang hindi mapangiti. Medyo nahiya rin ako pero hindi ko n
Read more