Nakaupo si Grey sa mesa, hinihintay si Rem na makalabas sa bilangguan. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Muntik na siyang mamatay sa kamay ng asawa niya. Pero kung hindi niya ito gagawin, kung hindi niya ito kakausapin, ay baka hindi niya matulungan ang sarili niya. Paglabas ni Rem ay nagtagpo ang paningin nila, kita ni Grey na halos hindi makatingin si Rem sa kaniya. Akala ni Grey ay kaya niyang ngumiti sa harapan ng asawa niya pero imbes na pagngiti, pagluha ang nagawa niya. Kusa nalang lumandas ang luha sa pisngi niya. Umupo si Rem, tahimik, at hindi alam anong unang sasabihin niya. “Pinuntahan ako ni mama sa bahay natin,” ang unang sabi ni Grey. “Kaya sa awa ng Diyos, naisugod ako sa hospital at nabuhay.” Nanlaki na ang mata ni Rem. Ang totoo ay hindi siya nakaramdam ng konsensya at takot noon. Wala siyang maramdaman kahit ano noong sinasaktan niya si Grey pero ngayon na nasa harapan na niya ang asawa niya, para siyang nagis
Read more