Kinikilig ako kay Ambross hahaha. "he wanted to take the opportunity to put a leash on Serina’s heart." baliktad yata nangyari sa kasalukuyan, Ambross hahaha
Hindi aakalain ni Serina na totoo ang sinasabi ng ate Morin niya na maganda nga ang barko. Para sa kaniya ay para itong paraiso. Pero mas namangha si Serina sa kagandahan ni Wommie. Nakilala niya ang dalaga kanina at halos ayaw nang lubayan ng mata niya ang kagandahan ni Wommie. Tuloy ay napanguso siya. Bakit ang ganda niya masiyado. Tanong niya sa sarili niya. Hindi siya nagagandahan sa kapwa babae niya, except kay Wommie. Ngunit habang busy silang dalawa ni Wommie kakatingin sa istraktura ng barko, hindi namalayan ni Serina ang pagdating ni Ambross sa likuran niya. Napanguso si Ambross ng makita na may kaibigan na ito agad kahit kakasakay lang ni Seri sa barko. Hawak ang alak sa kamay niya, pinagmamasdan niya si Serina. "Is she your girl?" tanong ni Clymenus, na malungkot ang mata at halatang may pinagdadaanan. Tumango si Ambross. "Shes my fiancée." Proud na sabi ni Ambross dito. Napailing si Cly at hindi nagkomento. "Bakit hindi mo pa nilapitan?" "I'm letting her enjoy
Naging malapit si Serina at Ambross sa isa't-isa, ganoon rin sila ni Wommie. Akala ni Serina na maayos na at magtuloy-tuloy na ang meron sa kanila ni Ambross, ngunit nagulat siya ng magising isang gabi na katawagan ni Ambross si Elora. "Bakit ka tumawag? Serina is sleeping." Tumayo si Ambross at lumabas ng cabin. Napapikit so Serina at nasaktan na ang lalaking papakasalan niya ay namamangka pa rin sa dalawang ilog. So ganito ang ending namin dalawa? Kapag tulog ako ay mambaba-babae siya? Gustong umiyak ni Serina. Umasa siya na magiging maayos na sila ni Ambross but sa nangyayari ay mukhang nagkamali siya. Mula elementary hanggang high school at college, laging si Ambross lang ang nakikita niya. Kaya nasaktan siya ng husto ng sabihin ni Elora na may namamagitan sa kanila ni Ambross. Serina distanced herself even more at pinatay na niya ang pangarap niyang baka pwede maging sila balang araw. Pumikit siya at itinulog nalang ang sakit. Kinaumagahan, pumunta siya agad kay Wommie
Asawa agad, anak agad. Neknek niya! Paulit ulit na sabi ni Serina, naiinis pa rin kay Ambross. Hindi pa rin mawala ang inis sa isip niya kahit na lumipas na ang ilang oras. Nakaligo na siya at lahat-lahat. Ang epekto no'ng sinabi ni Ambross ay nanatili sa utak niya na parang sirang plaka na paulit-ulit. "Baby, may dala akong cake." Agad niyang itinikom ang labi niya at biglang kinabahan. Agad siyang humiga sa kama at nagtalukbong sa kumot. Tapos naalala niya, ilang ulit na siyang tinawag ni Ambross na baby, hindi man lang niya napapansin. Napaupo siya agad sa kama. "Ambross!" Sigaw niya, kunot ang noo at naiinis. "Yes baby?" "Anong baby? Huwag mo nga ako tawaging baby. That's not my name." Kumibot ang labi ni Ambross. "But I like you calling baby. If you don't like it, how about sweetheart?" Uminit ang batok ni Serina pero galit galitan pa rin siya. "Subukan mo lang akong tawaging ganoon, makakatikim ka ng suntok mula sa'kin." "You don't like it? How about eggpie? Moch
Ambross and Serina's relationship gotten even better. Nakababa na sila ng barko, at nakabalik sa bahay nila. Balik trabaho na rin si Ambross kasama ng new project na gagawin niya with Warrius Malaque. Thanks to Serina's closeness kay Wommie, nagamit niya yun para mapapayag si Aru sa business proposal niya. Nang minsang dumalaw sila ni Serina sa bahay ng parents nito, naabutan ni Seri ang mama niya na kausap ang papa niya. "Zam, ayaw ni Serina kay Ambross. Should we push this marriage?" "Even I, naaawa ako sa anak natin na makita siyang napipilitan sa bagay na ayaw niya." Sabi ng tito Liam niya na nasa tabi ng mama niya. "Serina loves Ambross, nagbago na ba ang isip ng anak natin?" nagtatakang tanong ng papa niya. Pumasok siya sa loob kaya napatingin ang mga magulang niya sa kaniya. "Ambross and I are okay," sabi ni Serina. Totoong ayaw niya noong una dahil girlfriend ni Ambross si Elora na tinuring niyang kaibigan, but Ambross secured her na walang namamagitan sa kanila ni Elo
"Ambross, please... Come back to me." pagmamakaawa ni Elora. Hinawakan pa niya si Ambross sa kamay na agad kinuha ni Serina at ilayo ang fiancé niya sa kaniya. Serina is territorial as much as Ambross wants to possess her. Kaya kahit nagkakagulo na sila, hindi maiwasan ni Ambross na mangiti sa ginawa ni Serina sa kaniya. Gustong gusto niya na inaangkin siya ni Serina. "Ambross, please..." Nawala ang ngiti niya at muling bumaling kay Elora. "Hindi ka ba ta talaga titigil, Elora? I warned you once, sinagad mo ang pasensya ko." Napatingin si Seri kay Ambross nang matunugan ang galit sa boses nito. Nagagalit si Ambross sa kaniya minsan pero hindi ganito kagalit gaya ngayon. "Pero Ambross, ako naman ang mahal mo e." "Mahal? Hindi kita mahal Elora. Ni wala akong kahit na katiting ng pagtingin sa'yo. Nasaan ba utak mo?" Natawa ang ilan sa nakarinig na customers. Kanina ay akala talaga nila si Serina ang kabit, ngayon, nabaliktad na ang mesa. Natigilan si Elora at galit na tinig
"Anong kaguluhan ito?" napatingin sila sa bagong dating na si Zam Avios, ang ama ni Serina. "Papa, they are here to claim na anak daw ni Ambross ang pinagbubuntis niya." Nakaramdam ng takot si Elora at ama niya dahil sa presensya ni Zam. Dating kilala si Zam Avios na isang magaling na negosyante. Maihahambing ang galing niya kay Martin Chavez kaya ganito kalakas ang aura na hatid niya sa sinumang makasalubong niya. "Ganoon ba?" "Opo pa." "Kung ganoon, nasaan si Ambross?" "Nasa loob po siya papa, tulog na tulog." Puno ng pagtataka si Elora at ama niya na kung mag-usap si Serina at Zam ay para bang wala lang. Na para hindi sila nababahala sa balitang dala nila. "Papasukin mo sila, anak. Interesado ako makinig sa sinasabi nila." Ngumisi si Serina at tumingin sa guard at sinenyasan ito na papasukin ang dalawa. Lumapit namin si Seri sa ama niya para haIikan ang pisngi nito. "Dinalhan kita ng mga pagkain na kini-crave mo. Though, sana babae talaga ang magiging apo ko." Nakanguso
The day has come kung saan ay manganganak na si Wommie. Katawagan ni Aru ngayon si Clark, na siyang nag-aasikaso sa MGC habang wala siya. Alam ni Clark kung nasaan si Wommie ngayon at kung bakit kailangan ilihim ni Aru ito sa kanila kahit sa pamilya niya. “Ako na bahala kina mommy at kay Clarissa pati na ng kumpanya. Isipin mo nalang muna si Wommie diyan.” “Salamat Clarky,” nag-alalang sabi ni Aru. “No problem, Aru. Just call me kung may kailangan ka.” Kasama ngayon ni Aru si Amelie pati na si Wommin, na siyang kasama niya sa paglipad nito papuntang Cyprus. Kakarating lang nila kanina at naisugod na sa hospital si Wommie. Kaya hinihintay nalang nila na maipanganak ni Wommie ang anak nila. “Pa, tatawag na ba tayo ng magaling na doctor?” tanong ni Aru kay Wommin. Hindi pa kasi niya nakikilala ang doctor ni Wommie kaya hindi siya mapalagay. “Umupo ka na muna,” Umupo naman si Aru tapos tumayo siya ulit. “Kumpleto ba ang gamit nila ng bata, papa? May bibilhin ba ako sa labas?” Napa
"Ma, ayos lang po ba si Aru? Tumawag na kaya tayo ng doctor?" nag-aalalang tanong ni Wommie sa ina niya. Nang tumambad si Aru sa kanila kanina, bigla rin itong nahimatay sa pintuan. "Na check na siya ng nurse anak. Sobra lang talaga siyang pagod. Hayaan na muna natin siyang magpahinga." Napabuntong hininga si Wommie. Imbes siya ang dapat na kailangan ng pahinga dahil bagong panganak, iba ang nangyari. Si Aru pa ang nadala si ER. "Naku apo, nakakatuwa talaga ang papa mo." Natatawang saad ni Amelie na kanina pa nilalaro ang apo niyang tulog naman. "Ma, puntahan ko kaya si Aru?" "Huwag na muna. Magpahinga ka na muna diyan. Yun naman ang bilin ng doctor mo sa'yo." "Pero kasi mama, nag-alala ako sa kaniya e. Sabi ko naman sa kaniya na huwag na siyang pumunta dito." Napapailing nalang talaga si Amelie. Kung sa iba pa ito nangyari ay baka nagdi-demand na ng oras ang babae sa asawa pero sa anak niya at kay Aru, baliktad. "Paano ba yan Wommie. Alam mo ang buhay ni Aru. Anong plano mon
“LEU!” Sigaw ni Wommie habang naka-apron at may hawak na spatula. Kanina pa siya nagsisigaw dahil ni isa sa mga anak niya ang walang sumasagot. “ISA LIEUTENANT!” “Faster kuya Je. Mama is mad.” Sabi ni Leu sa kuya Soldier niyang nakangiti habang busy sa Ipad nito. “Mauna ka na kasi sa ibaba.” “But kuya,” “Is that Leu?” tanong ni Marian ng marinig ang boses ni Leu sa kabilang linya. “Yes and he’s interrupting us.” “Bumaba ka na at baka nga hinahanap na kayo ni tita.” Napabuntong hininga si Soldier at tumango. “Alright. I love you.” Napangiti si Marian at sumagot. “I love you too, lovey.” “Kuya, is ate Marian really your girlfriend?” tanong ni Leu. Tinignan lang siya ni Soldier at nginitian. Humaba naman ang nguso ni Leu. “She’s really your girlfriend and not ate Belinda. Bakit hindi ko pa siya nakikita dito?” Ngumuso si Soldier at lumapit kay Leu para lumuhod. “Dahil nasa America pa si ate Marian mo. Doon sila nakatira ng mama at papa niya.” “So you’re just talkin
“Ma, tiyang, girlfriend ko po, at mga anak ko.” Sabi ni Aru sa pamilya niya. Si Clarissa na nagulat ay biglang kumunot ang noo nang may napagtanto. It’s been 14 years nang huli niyang makita si Wommie. “Another batch ng tinaguan ng anak,” natatawang sabi ni March sa tabi ni Clarissa na inakala na tinaguan nga ng anak si Aru. “Wommie?” sabi ni Clarissa nang maalala na ang mukha ni Wommie. Ngumiti si Wommie at lumapit sa kaniya. “Hi ma’am Clarissa,” natatawang sabi ni Wommie sa kaniya. Napasinghap siya at bumaling sa kuya niya na hindi na makatingin sa kaniya ng maayos. “KUYA, ITINAGO MO SI WOMMIE KAHIT SA AMIN?” Sumenyas si Aru kay Clark for help. Actually, sila nalang ang naiwan dahil si Lieutenant, kinuha na ng mommy nila at ni tiyang Ysabel habang si Soldier ay tangay ng mga pinsan kasama ng Quintuplets at ni Farrah. “Love,” kinakabahang sabi ni Clark. “Uh-oh, mukhang tayo ang tinaguan ni kuya Aru ng anak, hindi siya ang tinaguan,” natatawang sabi ni March sabay lapit kay Womm
Naging malapit si Marian at Rem sa isa’t-isa. Sa loob ng dalawang taon, ginawa ni Rem ang lahat ng makakaya niya para makabawi sa mag-ina niya lalo na sa anak nila. Naghahanda na si Marian at Grey sa paglanding ng eroplano. Galing silang America at ngayon ay nagbabakasyon muli ng Pinas. “Mama, aalis pa rin ba tayo? Hindi ka ba naaawa kay papa?” tanong ni Marian sa mama niya. Isang executive assistant si Grey sa isang kumpanya sa US kaya pabalik balik sila doon ni Marian. “Iri-renew mo pa ba ang contract mo?” nag-alalang tanong ni Marian. Napabuntong hininga si Grey. Ilang ulit na siyang tinanong ng anak niya tungkol sa bagay na iyan. Pakiramdam niya tuloy ay tinutulungan ni Marian ang papa niya para ilapit sa kaniya. “Pag-iisipan ko pa. And besides bakit gusto mo akong manatili na sa Pinas?” Ngumuso si Marian dahil akala niya makukumbinsi na niya ang mama niya. Pagkakuha nila ng maleta nila, agad na silang lumabas ng airport at lumaki ang ngiti sa labi ni Marian ng makita ang pap
Pagdating ni Marian sa bahay nila, wala na ang papa niya pero ang pasalubong na dala ni Rem kanina ay naroon pa rin at iniwan sa ibabaw ng table na nasa garden nila. Kinuha ni Marian ang bulaklak pati ang na ang sweets na sa tingin niya ay para sa kaniya. Tapos sinilip niya ang nasa isang paper bag at nakita niya ang isang sneakers na sakto sa paa niya. Namula si Marian at kinilig. May isang note doon at binasa niya. To my daughter. Iyon lang ang nakalagay pero ang lakas na ng tambol ng puso niya. Ngumuso siya at palihim na nagpunas ng luha sa mata. “Make sure to win the bet, papa, ah?” she’s very hopeful na mapatawad na ng tuluyan ng mama niya ang papa niya. Isa rin naman siyang bata na nangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa kwarto naman, kausap ni Grey ang mama niya. Sinabi ni Grey iyong pagbisita ni Rem sa kanila kanina. “Grey, sinaktan ka na ni Rem noon. Muntik ka ng mamatay sa kamay niya. Kung ako ang tatanungin mo anak, my answer is no. Huwag mo na siya hayaang bumalik
Kinabukasan, maaga lumabas si Grey para diligan ang garden niyang pinapaalagaan ng mama niya. Lumabas rin si Marian dala ang scooter niya at nakahelmet pa. “Mama, can I go out for a bit?” “O-Oh sige. Basta huwag kang lalayo,” sabi ni Grey. Tumango ang anak niya at aalis na sana ng biglang dumating si Rem na ikinagulat nilang pareho. Umaliwalas ang mukha ni Marian dahil nakikita na niya na tama lang na pumusta siya sa papa niya. Si Rem naman na napatingin sa kaniya at biglang nagbago ang expression ng mukha. Kagabi pa siya halos hindi makatulog buhat ng malaman na ang batang kausap niya sa Lomihan ay anak pala nila ni Grey. Gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya sa asawa niya. Gusto niya munang humingi ng tawad hanggang sa payagan na siya nitong lumapit sa anak nila. “Bye, mama,” ang sabi ni Marian at nagmamadaling umalis dala ang scooter. Hindi gaya no’ng una, ngayon ay sobrang saya ng puso niya na makita ang papa niya sa persona
Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian. “Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat. Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?” Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles. Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya. “Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.” Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata. “Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.” Napabuntong hininga si Marian. “Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?” Umiling si Marian. “Hindi po e.” Kumunot naman ang noo ni Rem. “Hiwalay ba ang parents mo?” Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya. Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli. But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies. For 2 years, umokay naman ang negosyo niya. Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya. Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. “I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasu
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.” “Can we stay here instead? I don’t want to go out.” Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.” Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis. “I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru. Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya. “Susunod ka ba sa’kin o hindi?” Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.” “What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila. “Papa is coming here. He’s on his way.” Pinagkrus