Kung ba tinanggap siya noon ni Wommie agad, hindi kaya magiging ganito si Grey sa kaniya? If you read the chapter kung saan nagtransfer si Grey, sinabi doon na binalewala siya ni Wommie since that time, ang importante lang kay Wommie ay si Rem. Tingin niyo?
Nakaupo si Grey sa mesa, hinihintay si Rem na makalabas sa bilangguan. Hindi niya alam kung paano ito haharapin. Hanggang ngayon ay kinakabahan pa rin siya. Muntik na siyang mamatay sa kamay ng asawa niya. Pero kung hindi niya ito gagawin, kung hindi niya ito kakausapin, ay baka hindi niya matulungan ang sarili niya. Paglabas ni Rem ay nagtagpo ang paningin nila, kita ni Grey na halos hindi makatingin si Rem sa kaniya. Akala ni Grey ay kaya niyang ngumiti sa harapan ng asawa niya pero imbes na pagngiti, pagluha ang nagawa niya. Kusa nalang lumandas ang luha sa pisngi niya. Umupo si Rem, tahimik, at hindi alam anong unang sasabihin niya. “Pinuntahan ako ni mama sa bahay natin,” ang unang sabi ni Grey. “Kaya sa awa ng Diyos, naisugod ako sa hospital at nabuhay.” Nanlaki na ang mata ni Rem. Ang totoo ay hindi siya nakaramdam ng konsensya at takot noon. Wala siyang maramdaman kahit ano noong sinasaktan niya si Grey pero ngayon na nasa harapan na niya ang asawa niya, para siyang nagis
Note: Malapit na matapos itong story ni Aru. Kung napapansin niyo, ang title na Ship of Temptation ay nasa cover lang, hindi sa title niya mismo nakalagay. Haha. Iyon ay dahil sa mga male lead ng series na hindi connected sa isa't-isa. So kahit series siya, may characters na hindi connected, pero parehong VIP members ng Ship of Temptation. May ibang characters din na mag-aappear sa story pero wala silang long and stand alone na story. (Example. Serina and Ambross) I know guys some of you want to read their story, pero hindi na natin sila gagawan kasi alam niyo na naman nangyari sa kanila. Haha. From force marriage to nagka inlaban. Juntis na nga si Serina, so wala na kayong aabangan sa kanila kasi alam niyo na nangyari sa kanila, however, may mga special chapters sila sa story ni Aru at Wommie na sila ang focus. Sa Chapter 79, I introduced some of men na VIP members. Sila ang POSSIBLE next sa series. Clymenus (may 16 chapters na siya, pwede ko e post if I want. Ito bet ko talaga.
“Nakaalis na ba si Womme?” tanong ni Serina sa fiancé niya. “Yes. I wonder what will happen to Aru,” nakatingalang sabi ni Ambross. Napanguso si Serina kasi siya lang naman ang nakakaalam na hindi talaga lumayas si Wommie. Pinaniwala kasi nina Aru at Wommie ang kakilala nila na tinakasan ni Wommie si Aru ng sa ganoon ay hindi makatunog ang mga kalaban niya sa negosyo na tinatago lang niya si Wommie at ang anak nila. “Bakit ka malungkot?” tanong ni Serina at pinagsingkitan ng mata si Ambross. “Because Aru is a good guy. Hindi kami close pero naaawa-" “Wow hindi pa pala kayo close sa lagay na yun? Hindi ba nanghiram ka ng brief sa kaniya no’ng sa condo ka niya nagovernight?” Napaawang ang labi ni Ambross. Hindi niya alam kung saan na naman sila aabot sa usapng ito. “Ituloy mo!” Utos ni Serina. Napakamot siya sa ulo niya. “Hindi nalang baby. May gagawin pa kasi ako e.” Sabay peke ng tawa. “Ay huwag ganoon. Ituloy mo. Makikinig ako. Hindi ba sabi mo hindi kayo close?” Napalunok s
“Ayun nga Wommie, nagtampo siya nang makitang nagi-scroll ako sa mukha ni Peres sa phone ko.” Natatawa si Wommie na nakikinig. Nasa Cyprus na siya at ang tahimik ng buhay niya. Wala naman siyang ibang ginawa kun’di ang lumamon. “Nasaan na siya ngayon?” Napabuntong hininga si Serina dahil hindi niya alam. Nang makarinig siya ng bosena ng sasakyan sa baba, dumungaw siya, at namataan niya si Ambross kasama ni Aru, Fero, Aru, at Hut. “Wommie, nandito boyfriend mo. Hinatid si Ambross.” Napalabi tuloy si Wommie kasi miss na niya si Aru. ‘Susunod naman siya dito next month.’ Aniya sa isipan niya. “Bye Seri. I miss you a lot.” Pinatay na ni Wommie ang tawag. Bumaba naman si Serina para salubungin si Ambross. “Bakit niyo nilasing?” Tinuro ni Hut si Fero. “Siya nagdala ng beer,” “Inaway mo e.” Sabi naman ni Fero sa kaniya. Hindi alam ni Seri kung tatawa ba siya o hindi. Nang magmulat ng mata si Ambross, at nakita si Seri, agad na humaba ang nguso nito at naglalambing na yumakap sa kaniy
“Kakain ka o hindi?” ang tanong ni Ambross kay Serina nang makitang hindi ito naglakad papalapit sa kinaroroonan niya. Nakatayo lang ito sa harapan at nakatingin. “Hindi ako kakain!” Umirap siya at naglakad papuntang sala. Kumakalam na ang sikmura niya at gutom na gutom na siya pero ayaw niyang makasabay si Ambross sa pagkain. “Yaya, matapos kong kumain dito, ibigay niyo lahat sa aso ang natitirang pagkain.” Napahinto siya sa paglalakad ng marinig yun kay Ambross. Labis ang inis ni Serina na para bang wala siyang control sa buhay niya sa bahay. Kaya kahit ayaw niya ay napipilitan siyang bumalik kay Ambross. “Gaano ba kakapal ang mukha mo? Ano? Magpapanggap akong happy fiancée mo tapos nakikipag-usap ka gabi-gabi kay Elora?” Narinig ni Serina kagabi na nakikipag-usap pa si Ambross sa girlfriend nito kaya ayaw niyang madikit. Nasusuka siya. “You jealous?” mahihimigan ang panunuya sa boses ni Ambross. “Jealous? You wish! Kapal ng mukha! Grabe!” Napipilitan siyang umupo sa tabi ni
Nagulat si Serina nang magising siya ay nasa harapan na niya si Ambross. Agad siyang napaiwas ng tingin nang maalala niya na sinampal siya ni Elora. Ayaw niyang makita ni Ambross ang pamamaga ng pisngi niya. “Kanina ka pa ba nakauwi?” tanong niya. Tumango si Ambross. Gusto niyang tanungin kung masakit pa ba ang ginawa ni Elora at gusto niyang humingi ng tawag pero nahalata niya na ayaw ni Serina pag-usapan nila ang nangyari sa kaniya. “Do you want to eat a cake?” Mahinang tumango si Serina. Wala na rin siyang lakas na makipag-away kay Ambross. Tahimik lang silang dalawa habang papunta ng kusina. Si Ambross ang nagslice ng cake para sa kaniya pati na rin ang gumawa ng juice niya. Ramdam ni Serina na inaalagaan siya ni Ambross nong mga oras na yun imbes na siya ang umasikaso dito dahil alam niyang kakauwi lang nito sa trabaho. “Hindi ka ba nagugutom?” nag-alalang tanong ni Seri. “Mamaya na ako kakain. Do you need anything?” Puno ng lambing ang boses ng binata kaya tuloy ay naiiya
Hindi aakalain ni Serina na totoo ang sinasabi ng ate Morin niya na maganda nga ang barko. Para sa kaniya ay para itong paraiso. Pero mas namangha si Serina sa kagandahan ni Wommie. Nakilala niya ang dalaga kanina at halos ayaw nang lubayan ng mata niya ang kagandahan ni Wommie. Tuloy ay napanguso siya. Bakit ang ganda niya masiyado. Tanong niya sa sarili niya. Hindi siya nagagandahan sa kapwa babae niya, except kay Wommie. Ngunit habang busy silang dalawa ni Wommie kakatingin sa istraktura ng barko, hindi namalayan ni Serina ang pagdating ni Ambross sa likuran niya. Napanguso si Ambross ng makita na may kaibigan na ito agad kahit kakasakay lang ni Seri sa barko. Hawak ang alak sa kamay niya, pinagmamasdan niya si Serina. "Is she your girl?" tanong ni Clymenus, na malungkot ang mata at halatang may pinagdadaanan. Tumango si Ambross. "Shes my fiancée." Proud na sabi ni Ambross dito. Napailing si Cly at hindi nagkomento. "Bakit hindi mo pa nilapitan?" "I'm letting her enjoy
Naging malapit si Serina at Ambross sa isa't-isa, ganoon rin sila ni Wommie. Akala ni Serina na maayos na at magtuloy-tuloy na ang meron sa kanila ni Ambross, ngunit nagulat siya ng magising isang gabi na katawagan ni Ambross si Elora. "Bakit ka tumawag? Serina is sleeping." Tumayo si Ambross at lumabas ng cabin. Napapikit so Serina at nasaktan na ang lalaking papakasalan niya ay namamangka pa rin sa dalawang ilog. So ganito ang ending namin dalawa? Kapag tulog ako ay mambaba-babae siya? Gustong umiyak ni Serina. Umasa siya na magiging maayos na sila ni Ambross but sa nangyayari ay mukhang nagkamali siya. Mula elementary hanggang high school at college, laging si Ambross lang ang nakikita niya. Kaya nasaktan siya ng husto ng sabihin ni Elora na may namamagitan sa kanila ni Ambross. Serina distanced herself even more at pinatay na niya ang pangarap niyang baka pwede maging sila balang araw. Pumikit siya at itinulog nalang ang sakit. Kinaumagahan, pumunta siya agad kay Wommie
“LEU!” Sigaw ni Wommie habang naka-apron at may hawak na spatula. Kanina pa siya nagsisigaw dahil ni isa sa mga anak niya ang walang sumasagot. “ISA LIEUTENANT!” “Faster kuya Je. Mama is mad.” Sabi ni Leu sa kuya Soldier niyang nakangiti habang busy sa Ipad nito. “Mauna ka na kasi sa ibaba.” “But kuya,” “Is that Leu?” tanong ni Marian ng marinig ang boses ni Leu sa kabilang linya. “Yes and he’s interrupting us.” “Bumaba ka na at baka nga hinahanap na kayo ni tita.” Napabuntong hininga si Soldier at tumango. “Alright. I love you.” Napangiti si Marian at sumagot. “I love you too, lovey.” “Kuya, is ate Marian really your girlfriend?” tanong ni Leu. Tinignan lang siya ni Soldier at nginitian. Humaba naman ang nguso ni Leu. “She’s really your girlfriend and not ate Belinda. Bakit hindi ko pa siya nakikita dito?” Ngumuso si Soldier at lumapit kay Leu para lumuhod. “Dahil nasa America pa si ate Marian mo. Doon sila nakatira ng mama at papa niya.” “So you’re just talkin
“Ma, tiyang, girlfriend ko po, at mga anak ko.” Sabi ni Aru sa pamilya niya. Si Clarissa na nagulat ay biglang kumunot ang noo nang may napagtanto. It’s been 14 years nang huli niyang makita si Wommie. “Another batch ng tinaguan ng anak,” natatawang sabi ni March sa tabi ni Clarissa na inakala na tinaguan nga ng anak si Aru. “Wommie?” sabi ni Clarissa nang maalala na ang mukha ni Wommie. Ngumiti si Wommie at lumapit sa kaniya. “Hi ma’am Clarissa,” natatawang sabi ni Wommie sa kaniya. Napasinghap siya at bumaling sa kuya niya na hindi na makatingin sa kaniya ng maayos. “KUYA, ITINAGO MO SI WOMMIE KAHIT SA AMIN?” Sumenyas si Aru kay Clark for help. Actually, sila nalang ang naiwan dahil si Lieutenant, kinuha na ng mommy nila at ni tiyang Ysabel habang si Soldier ay tangay ng mga pinsan kasama ng Quintuplets at ni Farrah. “Love,” kinakabahang sabi ni Clark. “Uh-oh, mukhang tayo ang tinaguan ni kuya Aru ng anak, hindi siya ang tinaguan,” natatawang sabi ni March sabay lapit kay Womm
Naging malapit si Marian at Rem sa isa’t-isa. Sa loob ng dalawang taon, ginawa ni Rem ang lahat ng makakaya niya para makabawi sa mag-ina niya lalo na sa anak nila. Naghahanda na si Marian at Grey sa paglanding ng eroplano. Galing silang America at ngayon ay nagbabakasyon muli ng Pinas. “Mama, aalis pa rin ba tayo? Hindi ka ba naaawa kay papa?” tanong ni Marian sa mama niya. Isang executive assistant si Grey sa isang kumpanya sa US kaya pabalik balik sila doon ni Marian. “Iri-renew mo pa ba ang contract mo?” nag-alalang tanong ni Marian. Napabuntong hininga si Grey. Ilang ulit na siyang tinanong ng anak niya tungkol sa bagay na iyan. Pakiramdam niya tuloy ay tinutulungan ni Marian ang papa niya para ilapit sa kaniya. “Pag-iisipan ko pa. And besides bakit gusto mo akong manatili na sa Pinas?” Ngumuso si Marian dahil akala niya makukumbinsi na niya ang mama niya. Pagkakuha nila ng maleta nila, agad na silang lumabas ng airport at lumaki ang ngiti sa labi ni Marian ng makita ang pap
Pagdating ni Marian sa bahay nila, wala na ang papa niya pero ang pasalubong na dala ni Rem kanina ay naroon pa rin at iniwan sa ibabaw ng table na nasa garden nila. Kinuha ni Marian ang bulaklak pati ang na ang sweets na sa tingin niya ay para sa kaniya. Tapos sinilip niya ang nasa isang paper bag at nakita niya ang isang sneakers na sakto sa paa niya. Namula si Marian at kinilig. May isang note doon at binasa niya. To my daughter. Iyon lang ang nakalagay pero ang lakas na ng tambol ng puso niya. Ngumuso siya at palihim na nagpunas ng luha sa mata. “Make sure to win the bet, papa, ah?” she’s very hopeful na mapatawad na ng tuluyan ng mama niya ang papa niya. Isa rin naman siyang bata na nangarap ng isang kumpletong pamilya. Sa kwarto naman, kausap ni Grey ang mama niya. Sinabi ni Grey iyong pagbisita ni Rem sa kanila kanina. “Grey, sinaktan ka na ni Rem noon. Muntik ka ng mamatay sa kamay niya. Kung ako ang tatanungin mo anak, my answer is no. Huwag mo na siya hayaang bumalik
Kinabukasan, maaga lumabas si Grey para diligan ang garden niyang pinapaalagaan ng mama niya. Lumabas rin si Marian dala ang scooter niya at nakahelmet pa. “Mama, can I go out for a bit?” “O-Oh sige. Basta huwag kang lalayo,” sabi ni Grey. Tumango ang anak niya at aalis na sana ng biglang dumating si Rem na ikinagulat nilang pareho. Umaliwalas ang mukha ni Marian dahil nakikita na niya na tama lang na pumusta siya sa papa niya. Si Rem naman na napatingin sa kaniya at biglang nagbago ang expression ng mukha. Kagabi pa siya halos hindi makatulog buhat ng malaman na ang batang kausap niya sa Lomihan ay anak pala nila ni Grey. Gusto niya itong lapitan at yakapin pero hindi niya magawa dahil malaki ang respeto niya sa asawa niya. Gusto niya munang humingi ng tawad hanggang sa payagan na siya nitong lumapit sa anak nila. “Bye, mama,” ang sabi ni Marian at nagmamadaling umalis dala ang scooter. Hindi gaya no’ng una, ngayon ay sobrang saya ng puso niya na makita ang papa niya sa persona
Napatingin si Rem kay Marian na nakakapit kay Grey ngayon. Parang nagslowmo lahat sa utak niya ang pinag-usapan nila ng bata kanina. Bigla siyang napasinghap at namutla ng may napagtanto. “Manong, this is my mama po.” Nakangiting sabi ni Marian kay Rem na walang kamalay-malay sa nangyayari. “Marian, pumasok ka muna sa bahay anak.” Sabi ni Grey, hindi na makakurap sa labis na gulat. “Pero mama-" “MARIA RHIAN!” Sigaw ni Grey para lang sumunod sa kaniya ang anak niya. Nabigla si Marian at nang makita ang expression sa mukha ng mama niya, agad na niyang naitindihan na may hindi magandang nangyayari. Tumingin siya kay Rem bago siya pumasok sa loob ng bahay nila. Nang sila nalang ni Grey at Rem ang naiwan, agad na hinarap ni Grey si Rem na hanggang ngayon ay nakatanaw pa rin kay Marian. “Anong ginagawa mo dito Rem?” tanong ni Grey ng makabawi siya sa gulat. Tumingin si Rem sa kaniya. “G-Grey,” halos hind niya alam ano ang sasabihin sa asawa niyang labing dalawampu’t taon rin niyang
“So tell me about your father,” tanong ni Rem. “Saan siya nagta-trabaho? At saan ka nakatira? Gabi na ah? Tapos babae ka pa. Alam mo ba delikado itong ginagawa mo?” Napanguso si Marian sa sunod-sunod na tanong ni Rem sa kaniya. Kumakain pa rin siya ng lomi at napapangiti kapag nasasama ang malilit na sahog sa pagkain niya ng noodles. Naghahanap siya ng tamang salita para simulan ang kwento niya. “Hindi talaga kami mapirmi ni mama dito sa Pilipinas. Nagbakasyon lang kami tapos babalik rin America. Hinihintay lang namin si lola na makauwi para sabay kaming babalik ng ibang bansa.” Napatango si Rem, masinsinan na nakikinig sa bata. “Hindi ko pa nakikilala ang papa ko kaya hinahanap ko siya. So hindi ko alam anong trabaho niya.” Napabuntong hininga si Marian. “Alam mo ba saan siya nakatira ngayon?” Umiling si Marian. “Hindi po e.” Kumunot naman ang noo ni Rem. “Hiwalay ba ang parents mo?” Umiling ulit si Marian. “No. Sabi ni mama e kasal pa rin sila ni papa. Kaya lang, sabi niya
For 12 years, Rem started anew. Matapos ang sampung taon na nakakulong siya, pinalaya na rin siya sa salang nagawa niya. Naninibago siya na marami ng nagbago sa lugar paglabas niya kasama na ang pakikitungo ng mga tao sa kaniya. Hindi na siya pinatutunguhan ng may respeto. Ang turing na sa kaniya ay isa ng criminal kahit pa nakalaya na siya. Hindi na na-elect ang ama niyang si Rey bilang governor sa lugar nila. Malaki ang naging impact niya sa reputasyon ng ama kaya hindi na rin siya nakabalik sa pamilya niya. Inabandona na siya ng mga ito at hindi na tinanggap pang muli. But Rem didn’t stop para hindi makapagsimula muli. He started a small business, nagbi-benta siya ng hardware supplies. For 2 years, umokay naman ang negosyo niya. Kahit papaano ay nakakaprovide siya para sa sarili niya. Wala na siyang balita kay Wommie, ganoon rin sa asawa niyang si Grey na hindi niya alam kung nasaan na ngayon. “I’m sorry,” napatingin si Rem sa likuran niya ng makita ang batang lalaking nakasu
“Soldier, what are you doing? Pupunta pa tayong Namdaemun anak.” “Can we stay here instead? I don’t want to go out.” Inayos ni Aru ang earpiece device niya. He’s on his way kung saan tumutuloy si Wommie at Soldier ngayon. At rinig na rinig niya ang dalawa na nag-uusap. “Anak, walang maiiwan sa’yo dito at marami akong bibilhin now.” Mas lalong humaba ang nguso ni Soldier at nagtago sa comics na binabasa niya. “Papa, mama is mad.” Mahinang sabi niya. Alam niyang pupunta si Aru ngayon that’s why he’s delaying his mother na huwag munang umalis. “I’m sorry son. Malapit na ako.” Sabi ni Aru. Napatanga naman si Soldier ng biglang kunin ni Wommie ang comics niyang nakatabon sa mukha niya. Nakita niya ang taas kilay na mukha ng mama niya. “Susunod ka ba sa’kin o hindi?” Napakamot ng ulo si Soldier. “Mama, I’m sorry. But papa is coming here.” “What?” kunot noong tanong ni Wommie dahil hindi naman niya alam na susunod si Aru sa kanila. “Papa is coming here. He’s on his way.” Pinagkrus