Home / Romance / BOUGHT BY THE BILLIONAIRE / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng BOUGHT BY THE BILLIONAIRE: Kabanata 31 - Kabanata 40

130 Kabanata

Chapter 26

Pagkatapak pa lang ng paa ni Berry sa isla nila Jayden ay nakaramdam na siya ng kapanatagan."Ang ganda ng isla ninyo, Jayden. Akala ko ay yung ordinaryong isla lang ang makikita ko tulad sa probinsya namin," Saad ni Berry na halata pa sa mukha nito ang pagkamangha."Pinaganda talaga nila Dad ang islang ito. Pansin mo na may mga modern na amacan house sa banda roon? Pinasadya yan nila Dad at ng mga barkada niya. Noon kase nung bata pa ako ay madalas kaming pumupunta rito na kasama ang pamilya ng kaibigan nila Dad at Mom. Nais nila na may privacy rin daw sila kapag narito sa isla. Ang mga bahay na iyon ay pagmamay ari ng mga kaibigan ni Dad at iyong malaking bahay naman ang sa buong pamilya namin," wika ni Jayden habang tinutulungan si Mang Teddy na iayos ang speedboat at ibaba ang dala nilang maleta at gamit."Ang galing naman! eh yung sa banda roon na simpleng mga kubo, may mga nakatira ba doon?" tanong ni Berry na tumulong na rin sa pagbitbit ng dala nila."Oo, bukod sa pamilya ni M
Magbasa pa

Chapter 27

"Ito ang gagamitin nating kwarto," bigkas ni Jayden ng makapasok sila ni Berry sa isang silid sa itaas ng bahay.Awtomatikong napabaling ng tingin si Berry sa lalaki. "Kwarto natin?! i-ibig mong sabihin magkasama tayo ritong matutulog..?! magtatabi tayong dalawa diyan sa kama?!" naniniguradong tanong ni Berry at parang hindi makapaniwala sa sinambit ni Jayden kanina."Tama ka ng pagkakarinig, Berry. Matutulog tayong dalawa sa silid na ito na magkatabi sa iisang kama," aning sagot ni Jayden na hindi makatingin sa mukha ng dalaga dahil ayaw niyang bawiin ang sinabi na niya kanina.Halata naman kase sa reaksyon ng dalaga na hindi nito gusto ang idea na magkakasama sila iisang kwarto at magtatabi pa silang dalawa sa kama. Desidido si Jayden sa dalaga, kaya plinano na niyang mapalapit kay Berry kanina ng nasa byahe pa lang sila. Maganda naman ang lahat ng intensyon niya para sa babae at sinabi naman ni Berry sa kanya kanina na aware ito sa sitwasyon nilang dalawa at kailangan niyang kumil
Magbasa pa

Chapter 28

"Ma'am Berry, sana po ay magustuhan ninyo ang naihanda naming hapunan ni Lanie," wika ni Aling Meling ng makarating na sina Berry at Jayden sa hapagkainan malapit sa kusina.Sinulyapan muna ng dalaga si Jayden bago siya nagsalita. "Aling Meling, pwede po bang Berry na lang ang itawag ninyo sa akin nila Lanie? alisin n'yo na po ang ma'am, hindi po kase ako talaga komportableng tinatawag ninyong ma'am."Tumingin naman ang ginang kay Jayden. "Sundin na lang po ninyo ang gusto ni Berry, Aling Meling." wika ng binata."Sige senyorito," tugon ng ginang na nagpangiti sa dalaga.Pinaghila ng upuan ni Jayden si Berry at hinintay na makaupo ang dalaga at naupo siya sa tabi ni Berry."Kumakain ka ba ng ganito?" tanong ni Jayden kay Berry ng ituro ang ginataang alimango na may halong sitaw at kalabasa."Oo, tayo lang ba ang kakain? Hindi ba sa atin sasabay sina Aling Meling?" saad ng dalaga ng mapansin niyang iniwan na sila ng mag ina."Nakakasabay ko lang sila kumain kapag may handaan dito sa is
Magbasa pa

Chapter 29

Matapos nilang maghapunan ay inaya ni Jayden si Berry na maglakad-lakad na muna sa tabing dagat na pinaunlakan naman ng dalaga."Matagal ka na palang hindi nakapunta rito? kailan yung huling bisita mo rito sa isla?" tanong ni Berry."Matagal na nga, last na punta namin dito nung sabay kaming mag graduate ni Julius ng college, kasama mga college friends at barkada. Bakit mo naitanong?""Wala lang, narinig ko lang kanina ang sabi ni aling Meling. Obserbasyon ko lang din kanina sa pag uusap ninyo," aning sagot ni Berry."Mapag-obserba ka pala," seryosong saad ni Jayden "Sorry..," sambit agad ng dalaga."Sorry, para saan?" nakakunot noong tanong ni Jayden na huminto sa paglalakad at humarap kay Berry."Para kaseng hindi mo nagustuhan ang sinabi ko na pinag- oobserbahan ko kayo kanina nila Aling Meling at Mang Teddy, Jayden.""Wala naman akong sinabi na ayoko sa ginawa mo, Berry. Walang masama sa pag oobserba sa ibang tao para kilalanin ang mga nasa paligid mo at nauunawan ko yun.""Akala
Magbasa pa

Chapter 30

Hinayaan na muna ni Jayden si Berry na makapagpahinga sa bahay at naglakad na lang siya patungo sa kubo nila Mang Teddy."Senyorito Jayden..," pagsalubong sa kanyang ni Mang Teddy ng makita siyang papalapit."Mang Teddy, mukhang nagkakasiyahan kayo rito," wikang pansin agad ni Jayden ng tumayo ang mga lalaking kainuman ng matanda."Hindi naman, Senyorito. Tamang pampatulog lang," sagot ni Mang Teddy sa kanya."May kailangan ka, Senyorito?" tarantang tanong pa ng matanda."Wala ho, Mang Teddy. Napadaan lang talaga ako. Hindi pa ko inaantok kaya naglakad lakad na muna. Pwede bang makiinom na rin sa inyo?""Sigurado ka senyorito? umiinom ka ba ng gin?" nahihiyang tanong kay Jayden ni Mang Teddy.Nailing si Jayden at naglakad na palapit sa kainuman ng matandang lalaki."Senyorito, magandang gabi ho," bati ng mga lalaking kainuman ni Mang Teddy."Magandang gabi rin ho, maupo kayo. Okay lang ba na makiinom sa inyo? parang ayaw kase ni Mang Teddy na painumin ako," wika ni Jayden na nakatingi
Magbasa pa

Chapter 31

"Mang Teddy, Mang Ismael, magpapaalam na ho ako sa inyo, kailangan ko ng bumalik sa bahay at baka hindi na ko makauwi sa kalasingan," paalam ni Jayden sa mga kainuman ng malapit ng maubos ang iniinom nilang alak."Kaunti na lang ito senyorito, ubusin na natin. Mamaya ka na umuwi, ihahatid ka na lamang namin kung hindi mo na kaya," saad ni Mang Ismael."Oo nga naman senyorito, maaga pa naman at kaunti pa lang din ang naiinom mo. May isang bote pa ng gin dito," wika naman ng isang lalaking kasama nilang nag iinom."S'ya nga naman senyorito, baka pwedeng pagbigyan mo na kami. Minsan lang mangyari ito," segunda namang turan ni Mang Teddy.Napahimas sa batok niya si Jayden. "Baka kase hinihintay ako ni Berry, Mang Teddy," aniya."Naroon naman si Meling at ang anak ko, senyorito. Hindi iyon maiinip sa paghihintay, sigurado akong kakwentuhan na ang nobya mo ng mag ina ko ngayon," aning wika muli ni Mang Teddy."Oo nga, senyorito. Wag mo muna kaming iwan rito. Ubusin lang natin itong isang bo
Magbasa pa

Chapter 32

"Bagsak na si Ismael, nakatulog na sa kalasingan," natutuwang wika ni Mang Teddy na ikinatawa rin ng kainuman nila."Magpapaalam na 'ko sa inyo Mang Teddy. Tinamaan na rin ako ng iniinom natin, pero kaya ko pa namang umuwi ng bahay mag isa," paalam na ni Jayden at tumayo na sa kanyang kinauupuan.Tumayo na rin sina Mang Teddy at hindi na nito pinigilan pa si Jayden. "Ihatid ka na namin Senyorito," saad ng lalaking kainuman nila."Hindi na Mang Caloy. Kaya ko pa namang umuwi na mag isa. Si Mang Ismael na lang ang ihatid ninyo sa kubo niya. Malapit lang din naman ang lalakarin ko, okay lang ako. Mang Teddy, alis na ko." "Sigurado ka Senyorito Jayden?" wika ni Mang Teddy."Oo naman, Mang Teddy. Maiwan ko na kayo, Bahala na kayo kay Mang Ismael. Kita-kita na lang tayo bukas bago magtanghalian," saad ni Jayden na nagpaalala pa."Sige, senyorito. Ingat ka sa paglalakad, baka matisod at madapa ka. Naghihintay din siguro sa iyo ang nobya mo," paalam na rin ng katiwala nila na may pilyong ngi
Magbasa pa

Chapter 33

Napalakas ang pagbuntong hininga ni Jayden kaya nagmulat ng mata niya si Berry at napatitig sa mukha ng binata."Wala ng atrasan," paalala pa ni Jayden at hinubad na ang suot na damit sa harap ng dalaga, kaya naman nakita ni Berry ang magandang pangangatawan ng lalaki. Para namang natuyuan ng laway ang labi ng dalaga kaya pasimple niyang kinagat ang kanyang ibabang labi na napansin rin naman ni Jayden dahil nakatitig ito kay Berry.Pagkalapit ni Jayden kay Berry ay mabilis niyang sinunggaban ng halik ang labi ng dalaga na nung una ay hindi ito agad na tumugon sa kanya. Idiniin niya ang labi niya at umawang ng bahagya ang bibig ni Berry. Kinuha iyong pagkakataon ni Jayden upang maipasok niya ang dila niya sa loob ng bibig ng dalaga at palalimin pang lalo ang paghalik niya kay Berry na dahan-dahan na ring tumutugon sa ginagawa niya.Hinaplos niya ang kanyang mga kamay sa braso ni Berry at naglakbay pa iyon sa dibdib ng dalaga habang patuloy pa rin ang kanilang maalab na paglalaplapan n
Magbasa pa

Chapter 34

"Sandali, Jayden. Umayos ka na ng pagkakahiga, ang bigat mo kaya!" wika ni Berry na pilit na pinapabangon ang lalaking ilang minuto na rin kaseng nakadagan sa katawan niya."Mamaya na, gusto ko pang damahin ang malambot mong katawan," saad ni Jayden na umalis din naman na sa ibabaw ng dalaga ng marinig niyang nagbuga ng hangin si Berry pero hindi pa rin ito lumayo sa katawan ng dalaga.Iniyakap na lang ni Jayden ang braso niya sa baywang ni Berry at isiniksik pa sa leeg ng dalaga ang mukha niya.Natuwa si Berry sa pasimpleng paglalambing ng binata sa kanya kaya hinayaan na muna niya ang gusto ni Jayden."Gusto ko ng maglinis ng katawan Jayden. Magbabanyo rin muna ako, naiihi na kase ako," ani ni Berry na mabilis na ikinatayo ni Jayden.Awtomatikong napapikit ang mga mata ni Berry at pilit na itinatago sa lalaki ang kanyang pag ngiti."Bakit?!" takang tanong ni Jayden."Huh! anong bakit?!" pakunware niyang wala talagang alam kung bakit iyon ang tanong ni Jayden."Napapangiti ka, wag mo
Magbasa pa

Chapter 35

Kinaumagahan ng magising si Jayden ay mataas na ang sikat ng araw sa labas. Napangiti siya ng masilayan niya ang magandang mukha ni Berry na mahimbing na natutulog pa rin sa kanyang tabi.Hinaplos niya ang mukha ng dalaga at agad siyang napabangon ng upo sa kama ng halos mapaso na ang kamay niya sa sobrang init ng mukha ni Berry. Awtomatikong ipinatong niya pa ulit ang palad niya sa noo ni Berry para alamin kung nilalagnat nga ba ito."Berry., Berry.., nilalagnat ka!" pag aalalang wika ni Jayden."Ummm.,,. Uhmm..," mahinang napaungol naman ang dalaga."Mataas ang lagnat mo. Kasalanan ko 'to eh!!Nagkasakit ka ng dahil sa akin. Shit...!!" paninisi ni Jayden sa sarili."J-Jayden..," nanginginig ang bosses ni Berry ng sambitin niya ang pangalan ng binata na lalo lang ikinapag-alala ni Jayden dahil sa palagay niya ay nahihirapan ang dalagang makahinga.Tumayo si Jayden sa kama at lumapit sa pinto, binuksan niya iyon at pasigaw na tinawag si Aling Meling."Aling Meling..,, Aling Meling..,,"
Magbasa pa
PREV
123456
...
13
DMCA.com Protection Status