"Aling Meling, safe pa ba na pumasok sa kakahuyan?" aning tanong ni Jayden."Hindi ko alam, matagal na rin kase akong hindi nagagawi roon. Ang madalas na magtungo roon ay ang mga kalalakihan rito para manguha ng mgakahoy na panggatong at maghanap na rin ng prutas. Bakit mo naitanong?" nagtatakang tanong ng ginang."Gusto ko sanang yayain si Berry mamaya na pumasok ng kakahuyan. Sa dalampasigan lang kase kaming dalawa lagi naglalakad. Maiba naman ng routine. Paalis na rin kase kami, hindi pa namin naiexplore ang kabuuan ng isla." agad na sagot ni Jayden."Kung gusto mo ay magpasama kayo. Baka kase maligaw kayong dalawa. Hindi mo pa naman din kabisado ang loob ng kakahuyan.""Sino po kayang pupwedeng sumama sa amin? Di ba may maliit na falls doon aling Meling. Naalala kong dinala kami ni Dad doon dati.""Oo, naroon pa yung talon. Sina Ismael ang nangalaga ng talon. Sila ang madalas magpunta ng kakahuyan, kaso ang alam ko ay nagmalakaya silang dalawa ni Caloy kaninang madaling araw. Mam
Read more