All Chapters of Mr. Arrogant (Series 3: Drake Sanchez): Chapter 21 - Chapter 30

148 Chapters

Chapter 21

Sinabihan ako ni Drake, na wag magpahalata kay tita Bernadeth na may alam ako sa ginagawa nitong pag ispiya sa akin. Sinamahan ako ni Drake na umuwi sa aming bahay. Ipinakilala ko siya kay tita, wala doon si Bettina. "Kaibigan ko lang ho siya tita, si Drake Sanchez," pakilala ko sa kanya. "Naku, tingnan mo nga naman ay may dumalaw na artista sa bahay natin, Justine. Kumusta ka hijo?" nakipagkamay si tita kay Drake. "Ayos naman ho ako," ngumiti si Drake sa kanya ,"totoo ho pala na maganda talaga kayo." "Naku, at ibinenta ako agad ng batang ito," parang nagblush pa si tita Bernadeth, "maganda naman kaming lahat dito sa bahay." "Tita, sabi niyo, may trabaho na kayo?" tanong ko sa kanya. "Oo, tinanggap ako ni don Ernesto maging manager ng restaurant niya, nagulat nga ako sa alok niya eh." ngumiti si tita Bernadeth, nagkatinginan naman kami ni Drake. "Tita, may restaurant din ho kami, gusto niyo, ilagay ko kayo doon as manager?" suhestiyon ni Drake. "Nakakahiya naman hijo kay don
last updateLast Updated : 2024-05-26
Read more

Chapter 22

Drake: "Sakay Janella!" sigaw ko sa aking nobya. "Drake, please, wag mo na silang patulan.." pagtutol niya sa akin. "Oh, mayabang na Sanchez, ano? kakasa ka ba? wala ka pala eh, duwag!" pinagtatawanan ako nina Andrei. "Baka Andres de saya," wika ng kasama nito. Pinaharok ko ang aking kotse, "oh, ano pang itinatanga tanga niyo diyan? game na!" sigaw ko sa kanila. Hindi ko alam, na ang kotse ko pala ay siniraan nila ng preno. Nalaman ko na lang iyon, noong nakasakay na kami at mabilis ang takbo. Sinasabayan kami nina Andrei. "Mamamatay ka ng mayabang ka! hahaha" sigaw niya sa akin. May nadaanan kaming dalawang tao sa gilid ng kalsada, nagtatalo sila. Biglang itinulak nung babae, ang maedad ng lalaki, dahilan upang ma out of balance siya. Nakita ko pa ang gulat sa mata ng babae nung mabilis akong nakaiwas, subalit hindi na nakaiwas ang lalaki, pagdaan nina Andrei. Nasapul nila ang lalaking itinulak ng babaeng iyon. Nagtama pa ang mata namin nung babae, kaya sigurado ako
last updateLast Updated : 2024-05-26
Read more

Chapter 23

Nakahinto lang ang sasakyan sa gilid. Hindi pa rin kami umaalis. Iyak kasi ng iyak si Justine, nag aalala sa kanyang kaligtasan, at the same time, masama ang loob. Wala pa mang ebidensiya, pero may hinuha na kami na ang tita Bernadeth niya ang nagsasabi sa matandang Ernesto kung saan siya naroroon. Pati ang insidente sa Baguio ay dito rin namin iniuugnay.Labis ang kanyang paghagulhol. Wala naman akong magawa kundi hagudin ang kanyang likod."Tahan na, Justine.. tahan na.." wika ko sa kanya. "Wala pa naman tayong katibayan na siya nga, pero hindi mo ba nahahalata? Nalalaman ng mga taong naghahanap sayo kung nasaan ka..""A-ang hi-hindi ko la--lang na-man matanggap.. ay.. itinuring ko siyang ina, tapos, ngayon, parang ibinebenta na niya ako.." sa pagitan ng paghikbi ay sagot niya sa akin, "ano bang ginawa kong mali sa kanya, at parang ito ang isinusukli niya sa akin, samantalang minahal ko siya ng higit pa sa ipinakita niyang pagmamahal sa akin..""Mabuti pa, magkunwari ka na lang na w
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more

Chapter 24

JUSTINE:Hawak ko ang aking sentido. Ang sakit ng aking ulo. Napabalikwas ako ng maalaala ko kung ano ang huling natatandaan ko kagabi.Matutulog pa lang sana ako, hindi pa kalaliman ang aking pagkakapikit, ng may maamoy akong nakakasulasok na amoy, na nagmumula sa tuwalyang inilagay sa aking ilong. Hindi ko na matandaan ang huling nangyari.Iginala ko ang aking mga mata. Nasa familiar na kwarto ako. "Si Drake ang kumidnap sakin?" nakakunot ang aking noo, at medyo nahihilo pa ako pagtayo. May nakahandang gamit sa gilid ng aking higaan. Mga damit. Pumasok ako sa banyo, upang maligo. Iniisip kong mabuti, kung bakit ako napunta dito. Bigla kong kinapa ang aking katawan, at ang aking maselang parte, hindi naman masakit.Pagkatapos kong maligo, naisipan kong lumabas ng kwarto. Nakita ko ang orasang malaki sa dingding. Alas diyes ng umaga! Narinig kong may kausap ang magulang ni Drake. Dahan dahan akong bumaba, at pumunta sa sulok."Tumawag nga sa akin kagabi si Drake, tito, hindi kaya masy
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more

Chapter 25

Natulala na ako, habang nagbabasa ng script. Naiisip ko pa rin si Justine.(Bakit ba nagugulo ang isipan ko ng dahil sa babaeng iyon? Bakit parang connected kami sa isa't -isa?)Hindi ko man lang narinig na tinatawag ako ng aming director."Drake.. ikaw na.." siniko ako ni Jhoanna. "Kanina ka pa tulala.. ano bang nangyayari sayo?""Ah-- wala naman, ako na ba?" tanong ko sa kanya."Oo, kanina pa tumataas ang boses ni direct, nagpaparinig na nga," bulong niya sa akin. Tumayo ako at nilapitan ko si Direct. Niyakap yakap ko siya mula sa likuran. Alam ko ang kanyang kahinaan, isang lambing lang, pwede na."Sorry direct, masama kasi ang pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.Huminga siya ng malalim, "sana, sinabi mo, para hindi na muna natin ito itinuloy.""Direct, ayoko namang masira tayo sa ating management. Nakakapahinga naman ako eh. Ayokong mabansagan na unprofessional." sagot ko."Ikaw talaga, nag iisang kakilala ko na takot na takot malate. Kung reasonable naman kasi, walang problema." t
last updateLast Updated : 2024-05-27
Read more

Chapter 26

Hatinggabi na ako nakarating ng bahay. Mukhang tulog na ang lahat. Pagpasok ko ng pinto, nagulat pa ako, ng madatnan kong nakaupo sa sofa ang aking daddy. "Diyos ama!!" napahawak ako sa aking dibdib, "good evening, sir!" sumaludo ako sa kanya. "Good evening, bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin habang humihigop ng kape. "May mall show ako ngayon, bakit gising pa kayo?" naupo ako sa katapatan niyang upuan. "Nakausap ko na ang mga pinsan mo, kailangang madaliin ang lahat, aalis si Marcus at may misyon pa siya." kwento niya sa akin, "it's already 00:30, so mamaya sila babalik." "Naikwento niyo ang problema?" "Oo, and willing silang imbestigahan si don Ernesto." Napatango tango ako sa sinabi niya, "magkalinawan nga tayo?" "About what?" "Bakit ganun na lang ang concern mo kay Justine? hindi mo naman siya kaibigan?" "Sir--" "Call me daddy! tatay mo ako Drake, at hindi mo boss." "Sanay naman kami na sir ang tawag sa inyo ah," "Kailan mo ako tatawaging daddy? kap
last updateLast Updated : 2024-05-28
Read more

Chapter 27

JUSTINE: Namangha ako sa samahan ng magpipinsang Sanchez. Yung akala kong suplado silang lahat, may mga lighter side pala. "Tutulungan natin si Justine, dahil anak siya ng aking kaibigan," panimula ni Frank. "Ano ba ang gagawin natin, tito?" tanong ni Cris, siya ang detective na Sanchez. "Alamin mo, kung sino ang madrasta ni Justine ay ibinebenta siya kay Ernesto. Ikaw naman Marcus, Dixon, Luis, alamin ninyo ang mga agenda niya, at si Devon ang bahalang mag search, tungkol sa mga negosyo ng matandang iyon Tutal, ang mga pinili nyong propesyon ay ganyan, pakinabangan natin," sabi ni Frank sa mga ito. "Eh si kuya Drake, tito?" tanong ni Devon. "Hindi na siya pwedeng makialam dito, dahil alam na ni Ernesto na tinutulungan niya si Justine. "Patayin na lang natin ang matandang yun, salot naman sa lipunan yun," suhestiyon ni Devon, "walang puwang sa mundo ang mga ganoong uri ng nilalang!" "Relax, hijo.. hindi na niya mababaliktad ang mundo, kapag kumilos na tayo. Alam ba ng mga kapa
last updateLast Updated : 2024-05-28
Read more

Chapter 28

DRAKE: "Ang dali naman nitong ipinapatrabaho mo sakin, Drake!" napapalatak si kuya Cris, "hindi yung Bernadeth ang spy ni Ernesto, kundi yung Bettina!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya Cris. Hindi ang madrasta kundi ang itinuring na kapatid? "Pa-paano?" naguguluhan ako habang kausap ko siya. "Matapos naming mag usap kahapon ni tito, sinubaybayan ko na yung mag ina. Naghanap ako ng files nila, at nalaman ko, na ampon pala si Bettina. Anak siya ng kapatid ni Bernadeth. Walang kakayahang mag anak si Bernadeth kaya inampon niya si Bettina. Si Bettina, ay naging biktima ni Ernesto. Pinangakuang magiging artista, kapag pumayag sa kagustuhan niya. Buti hindi ibinenta sa casa si Bettina. Ang problema ngayon, parang napapraning ang kapatid ni Justine. Hindi na ata nakayanan ang pambababoy sa kanya ni Ernesto." "Bakit isusumbong ni Bettina si Justine kay Ernesto? ang alam ko, close silang magkapatid?" nagtataka kong tanong. "Pinangakuan ng malaking halaga ni Ernesto si Bettina, para makuh
last updateLast Updated : 2024-05-29
Read more

Chapter 29

"Bakit dito? nasaan ba si tita Bernadeth?" tanong ko kay Bettina. "Andiyan siya sa taas, nagtatago kasi kami kay Don Ernesto," aligagang sagot niya sa akin. "Akala ko ba, may sakit siya?" nagtataka man ako sa ikinikilos niya, mas lamang na nag aalala ako kay tita Bernadeth. "Basta dalian mo, ate, baka makita pa tayo ng mga tauhan ni don Ernesto! nasa 3rd floor siya, bilis!" pagsasabi niya sa akin. Agad naming inakyat ang lugar kung saan naroroon si tita Bernadeth. "Tita!!! tita!!" tawag ko dito. "Nasaan siya." "Nandiyan lang, baka nagtatago," tugon niya sa akin. "Nasa---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, ng maramdaman ko ang matigas na bagay na humampas sa aking punong tenga.************Sumisigid sa sentido ko, ang sakit na aking nadarama, buhat sa pagkakapalo ng matigas na bagay sa aking punong tenga. Tamdam ko pa, na may likidong naagos doin, marahil ay dugo.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nakita ko si Bettina at naulinigan na may kinakausap sa telepon
last updateLast Updated : 2024-05-29
Read more

Chapter 30

Biglang pinaputok ni Bettina ang baril. Nagtaguan ang mga tauhan ni don Ernesto pati ang matanda. Biglang naubos ang bala niya. "Ate, takbo!" utos ni Bettina sa akin. "Hahaha wala ng bala! habulin niyo!" utos ni don Ernesto. Nagmamadali silang humanap ng matataguan. Alam ni Bettina ang pasikot sikot sa lugar na iyon. Biglang may humila sa kanila sa kabilang sulok. "Aaaah!! wag po!!" tinakpan ng mga ito ang kanilang bibig. "Sssshh" saway nito sa kanila. "Ma-Marcus?" nagulat pa ako ng makilala ito. Kasama nito si Luis na hawak naman si Bettina. "Wag kayong maingay.. may mga kasamahan na kaming nakaabang sa mga yan.." bulong ni Luis. "Mukhang nahihirapan silang umakyat. Mahihirapan tayong makaalis nito.." sabi ni Marcus sa amin. "Kailangang madistract natin sila, dahi malaan sa hindi, patay tayong lahat, kapag umabot sila dito sa kwartong ito. Hindi naman namin kayo maiiwan, at baka magalit pa sa amin si lover boy." "Sinong lover boy?" napakunot ang aking noo pagtata
last updateLast Updated : 2024-05-30
Read more
PREV
123456
...
15
DMCA.com Protection Status