JUSTINE:Hawak ko ang aking sentido. Ang sakit ng aking ulo. Napabalikwas ako ng maalaala ko kung ano ang huling natatandaan ko kagabi.Matutulog pa lang sana ako, hindi pa kalaliman ang aking pagkakapikit, ng may maamoy akong nakakasulasok na amoy, na nagmumula sa tuwalyang inilagay sa aking ilong. Hindi ko na matandaan ang huling nangyari.Iginala ko ang aking mga mata. Nasa familiar na kwarto ako. "Si Drake ang kumidnap sakin?" nakakunot ang aking noo, at medyo nahihilo pa ako pagtayo. May nakahandang gamit sa gilid ng aking higaan. Mga damit. Pumasok ako sa banyo, upang maligo. Iniisip kong mabuti, kung bakit ako napunta dito. Bigla kong kinapa ang aking katawan, at ang aking maselang parte, hindi naman masakit.Pagkatapos kong maligo, naisipan kong lumabas ng kwarto. Nakita ko ang orasang malaki sa dingding. Alas diyes ng umaga! Narinig kong may kausap ang magulang ni Drake. Dahan dahan akong bumaba, at pumunta sa sulok."Tumawag nga sa akin kagabi si Drake, tito, hindi kaya masy
Natulala na ako, habang nagbabasa ng script. Naiisip ko pa rin si Justine.(Bakit ba nagugulo ang isipan ko ng dahil sa babaeng iyon? Bakit parang connected kami sa isa't -isa?)Hindi ko man lang narinig na tinatawag ako ng aming director."Drake.. ikaw na.." siniko ako ni Jhoanna. "Kanina ka pa tulala.. ano bang nangyayari sayo?""Ah-- wala naman, ako na ba?" tanong ko sa kanya."Oo, kanina pa tumataas ang boses ni direct, nagpaparinig na nga," bulong niya sa akin. Tumayo ako at nilapitan ko si Direct. Niyakap yakap ko siya mula sa likuran. Alam ko ang kanyang kahinaan, isang lambing lang, pwede na."Sorry direct, masama kasi ang pakiramdam ko." sabi ko sa kanya.Huminga siya ng malalim, "sana, sinabi mo, para hindi na muna natin ito itinuloy.""Direct, ayoko namang masira tayo sa ating management. Nakakapahinga naman ako eh. Ayokong mabansagan na unprofessional." sagot ko."Ikaw talaga, nag iisang kakilala ko na takot na takot malate. Kung reasonable naman kasi, walang problema." t
Hatinggabi na ako nakarating ng bahay. Mukhang tulog na ang lahat. Pagpasok ko ng pinto, nagulat pa ako, ng madatnan kong nakaupo sa sofa ang aking daddy. "Diyos ama!!" napahawak ako sa aking dibdib, "good evening, sir!" sumaludo ako sa kanya. "Good evening, bakit ngayon ka lang?" tanong niya sa akin habang humihigop ng kape. "May mall show ako ngayon, bakit gising pa kayo?" naupo ako sa katapatan niyang upuan. "Nakausap ko na ang mga pinsan mo, kailangang madaliin ang lahat, aalis si Marcus at may misyon pa siya." kwento niya sa akin, "it's already 00:30, so mamaya sila babalik." "Naikwento niyo ang problema?" "Oo, and willing silang imbestigahan si don Ernesto." Napatango tango ako sa sinabi niya, "magkalinawan nga tayo?" "About what?" "Bakit ganun na lang ang concern mo kay Justine? hindi mo naman siya kaibigan?" "Sir--" "Call me daddy! tatay mo ako Drake, at hindi mo boss." "Sanay naman kami na sir ang tawag sa inyo ah," "Kailan mo ako tatawaging daddy? kap
JUSTINE: Namangha ako sa samahan ng magpipinsang Sanchez. Yung akala kong suplado silang lahat, may mga lighter side pala. "Tutulungan natin si Justine, dahil anak siya ng aking kaibigan," panimula ni Frank. "Ano ba ang gagawin natin, tito?" tanong ni Cris, siya ang detective na Sanchez. "Alamin mo, kung sino ang madrasta ni Justine ay ibinebenta siya kay Ernesto. Ikaw naman Marcus, Dixon, Luis, alamin ninyo ang mga agenda niya, at si Devon ang bahalang mag search, tungkol sa mga negosyo ng matandang iyon Tutal, ang mga pinili nyong propesyon ay ganyan, pakinabangan natin," sabi ni Frank sa mga ito. "Eh si kuya Drake, tito?" tanong ni Devon. "Hindi na siya pwedeng makialam dito, dahil alam na ni Ernesto na tinutulungan niya si Justine. "Patayin na lang natin ang matandang yun, salot naman sa lipunan yun," suhestiyon ni Devon, "walang puwang sa mundo ang mga ganoong uri ng nilalang!" "Relax, hijo.. hindi na niya mababaliktad ang mundo, kapag kumilos na tayo. Alam ba ng mga kapa
DRAKE: "Ang dali naman nitong ipinapatrabaho mo sakin, Drake!" napapalatak si kuya Cris, "hindi yung Bernadeth ang spy ni Ernesto, kundi yung Bettina!" Nagulat ako sa sinabi ni kuya Cris. Hindi ang madrasta kundi ang itinuring na kapatid? "Pa-paano?" naguguluhan ako habang kausap ko siya. "Matapos naming mag usap kahapon ni tito, sinubaybayan ko na yung mag ina. Naghanap ako ng files nila, at nalaman ko, na ampon pala si Bettina. Anak siya ng kapatid ni Bernadeth. Walang kakayahang mag anak si Bernadeth kaya inampon niya si Bettina. Si Bettina, ay naging biktima ni Ernesto. Pinangakuang magiging artista, kapag pumayag sa kagustuhan niya. Buti hindi ibinenta sa casa si Bettina. Ang problema ngayon, parang napapraning ang kapatid ni Justine. Hindi na ata nakayanan ang pambababoy sa kanya ni Ernesto." "Bakit isusumbong ni Bettina si Justine kay Ernesto? ang alam ko, close silang magkapatid?" nagtataka kong tanong. "Pinangakuan ng malaking halaga ni Ernesto si Bettina, para makuh
"Bakit dito? nasaan ba si tita Bernadeth?" tanong ko kay Bettina. "Andiyan siya sa taas, nagtatago kasi kami kay Don Ernesto," aligagang sagot niya sa akin. "Akala ko ba, may sakit siya?" nagtataka man ako sa ikinikilos niya, mas lamang na nag aalala ako kay tita Bernadeth. "Basta dalian mo, ate, baka makita pa tayo ng mga tauhan ni don Ernesto! nasa 3rd floor siya, bilis!" pagsasabi niya sa akin. Agad naming inakyat ang lugar kung saan naroroon si tita Bernadeth. "Tita!!! tita!!" tawag ko dito. "Nasaan siya." "Nandiyan lang, baka nagtatago," tugon niya sa akin. "Nasa---" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko, ng maramdaman ko ang matigas na bagay na humampas sa aking punong tenga.************Sumisigid sa sentido ko, ang sakit na aking nadarama, buhat sa pagkakapalo ng matigas na bagay sa aking punong tenga. Tamdam ko pa, na may likidong naagos doin, marahil ay dugo.Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata, nakita ko si Bettina at naulinigan na may kinakausap sa telepon
Biglang pinaputok ni Bettina ang baril. Nagtaguan ang mga tauhan ni don Ernesto pati ang matanda. Biglang naubos ang bala niya. "Ate, takbo!" utos ni Bettina sa akin. "Hahaha wala ng bala! habulin niyo!" utos ni don Ernesto. Nagmamadali silang humanap ng matataguan. Alam ni Bettina ang pasikot sikot sa lugar na iyon. Biglang may humila sa kanila sa kabilang sulok. "Aaaah!! wag po!!" tinakpan ng mga ito ang kanilang bibig. "Sssshh" saway nito sa kanila. "Ma-Marcus?" nagulat pa ako ng makilala ito. Kasama nito si Luis na hawak naman si Bettina. "Wag kayong maingay.. may mga kasamahan na kaming nakaabang sa mga yan.." bulong ni Luis. "Mukhang nahihirapan silang umakyat. Mahihirapan tayong makaalis nito.." sabi ni Marcus sa amin. "Kailangang madistract natin sila, dahi malaan sa hindi, patay tayong lahat, kapag umabot sila dito sa kwartong ito. Hindi naman namin kayo maiiwan, at baka magalit pa sa amin si lover boy." "Sinong lover boy?" napakunot ang aking noo pagtata
DRAKE:Mabilis na lumipas ang panahon, balik na kami sa aming mga dating buhay. Ako, bilang artista at si Justine bilang isang empleyado ko. Nag offer ako sa kanya ng halaga, na hindi niya matatanggihan, kapalit ni Bruno na aking P.A na nangibang bansa.Ang sahod? 10 thousand a week. Free meal, lodging, travel! Kapag may trabaho ako, kasama ko siya magdamag. Taga ayos ng aking mga gamit, at ng aking pera.Pumunta ako sa bahay ni kuya Cris, dahil ang pakiramdam ko, pinagtataksilan ko, ai Janella dahil sa ginagawa ko. Ayokong aminin sa sarili ko na higit pa sa pagtulong ang kailangan ko kay Justine.Dumating ako sa bahay ni kuya Cris at naupo sa sofa. Ang lungkot na nararamdaman ko, ay nagrereflect sa aking mukha. "Sir, inumin po?" tanong ng kanyang kasambahay."Sige, asan ba si kuya?" tanong ko sa kanya."Nasa labas lang po sir. Juice na lang po ba?""Pwede, salamat.." nakaupo lang ako at nakatulala sa pag alis ng kanyang kasambahay.Maya maya pa, dumating na ang juice, ni hindi na ak
"Aalisin na natin ang iyong benda," narinig ko ang tinig ni doc, habang ako ay nakapikit. "Justine, handa ka na ba?" "Opo doc, handa na po ako," sagot ko sa kanya. Nakaambang sa amin sina Blake at ang iba pang taong malalapit sa amin. Unti unti ng inaalis ni doc ang benda sa aking mukha. Parang ang pagkakapulupot noon sa akin ay napakatagal alisin. Naiinip ako sa bawat Segundo na lumilipas. Sa wakas, natapos na ang aming paghihintay. Ang lahat ay namamangha, na nakatingin sa akin. Napalunok na lang ako. Ang tinging iyon ba ay nagagandahan? o tinging masama ang nakikita? Napalunok ang doctor sa pagkakatitig sa akin. "Doc?" medyo kinakabahan na ako sa naging resulta. Inabutan niya ako ng salamin. Dahan dahan ko iyong tinanggap. Nanginginig ang aking mga kamay habang inilalapit ko ang salamin sa aking mukha. Habang papalapit ang salamin sa aking mukha, ramdam ko ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko alam kung handa na akong makita ang resulta ng operasyon. Unti-unting lumi
"Ooperahan ka na daw, narinig mo?" masaya kong sabi kay Justine. Napapasaya ko, dahil pagkatapos nito, mapapakasalan ko na siya. Ang babaeng aking pinakamamahal. Ngumiti si Justine, kahit may bahid ng kaba sa kanyang mga mata. “Oo, narinig ko,” sagot niya, mahina pero puno ng pag-asa ang boses. "Sana nga matapos na ito nang maayos." Hinawakan ko ang kanyang kamay nang mahigpit, pinipilit ipakita ang lakas ng loob at pagmamahal. “Maging matapang ka lang, mahal. Alam kong makakayanan mo ito. At pagkatapos ng lahat ng ito, magkasama nating haharapin ang bagong yugto ng ating buhay.” Napangiti siya, kahit halata ang pag-aalala sa kanyang mukha. “Drake, natatakot pa rin ako… sa resulta, sa kung anong mangyayari pagkatapos ng operasyon.” “Huwag kang mag-alala, Justine,” sabi ko, inilapit ang kanyang kamay sa aking mga labi at hinalikan ito. “Ano man ang mangyari, nandito ako. Hindi magbabago ang pagmamahal ko sa'yo. At kapag naging maayos ang lahat, matutupad ang pangako ko—ikakasal
Isang linggo na kaming nanatili sa ospital, kasama si Blake. Kahit maayos na ang lagay namin, hindi pa rin mapanatag ang loob ko na iwan si Justine. Alam kong kailangan niya ng suporta at pagmamahal ngayon higit kailanman, kaya’t pinili naming manatili sa ospital upang alalayan siya. Si Blake ay palaging nasa tabi ko, tahimik ngunit bakas sa kanyang mga mata ang pag-aalala sa kanyang ina. Minsan ay hinahawakan niya ang kamay ni Justine, para bang nais iparamdam na nandito lang kami para sa kanya. "Mommy, andito lang kami ni daddy," bulong ni Blake sa kanya isang araw, habang nakaupo siya sa gilid ng kama ni Justine. "Magiging okay ka rin." Napangiti si Justine kahit halata ang hirap sa kanyang mukha. "Salamat, anak," mahinang sabi niya, hinahaplos ang buhok ni Blake gamit ang natitirang lakas. "Lahat ng ito... lahat ng sakit, kakayanin ko... para sa inyo." Araw-araw, binibisita kami ng doktor at mga nars, inaalam kung paano ang kondisyon ni Justine. May mga araw na tila may pag-
Iyak ng iyak si Justine ng dumating sa ospital. Nagpilit akong bumangon upang makita siya. "Anak, kaya mo na ba?" tanong ni mommy sa akin. Nasa tabi siya ng aking anak na mahimbing na natutulog. “Oo, mommy,” sagot ko, pinipilit ang sarili na bumangon mula sa kama. Mahapdi pa ang mga sugat ko, pero hindi ko kayang magpahinga nang hindi nakikita si Justine. Kailangan kong malaman kung ayos lang siya, kung ligtas na siya mula sa kamay ni Jhoanna. Nang makarating ako sa pintuan ng kwarto, nakita ko si Justine na nakahiga habang nilalapatan ng paunang lunas. "Drake, lumabas ka muna, baka hindi mo kayanin ang makikita mo," pigil sa akin ni kuya Luis. "Nais ko siyang masilayan kahit ano pa ang nangyari sa kanya.." malungkot kong sabi. 'Binuhusan ni JHoanna ng asido ang kanyang mukha, nasira iyon, at sunog na sunog. Iba na ang hitsura niya ngayon." paliwanag ni Luis sa akin. "Kuya, kahit ano pa ang kanyang hitsura, alam ko sa sarili ko na iniibig ko siya. Marami namang procedure na maa
Hinahanap ni Devon ang cord na maaaring putulin upang matanggap ang Bomba sa katawan ng paslit na si Blake. "Kuya Cris, parang walang cord na maliit ito, mukhang hindi ito Bomba,' sabi niya sa akin. Agad ko iyong tiningnan. Tama nga siya, wala iyong cord na may mga kulay, parang isang cable cord lang iyon. "Patingin nga," sabi ni Luis. Sinipat niya ang buong katawan ng bata. "Hindi po ako sasaktan ni mommy.." sabi ni Blake sa amin. "mabait po siya. Nangunot naman ang aking noo, "hindi ka talaga kayang saktan ng mommy mo, kaya nga hinanap ka niya, hindi ba?" 'HIndi siya.. si mommy Jhoanna, mabait po siya.. " sagot ng bata. "Ano ba itong inilagay niya sayo?" tanong ni Luis habang iniikot ikot ang bata. "Wala lang daw po itong suot ko kaya wag daw po akong matakot. Humingi siya ng sorry sa akin," humihikbing sabi ni Blake, "nasaktan lang daw po siya." "Kung ganoon, cord lang ito?" napatingin pa si Devon. Eksaktong pag alis nila ng cord, biglang sumabog ang kotse kung saa
"Oo naman, ano ang kailangan kong gawin upang pakawalang mo ang anak ko?" tanong ko sa kanya, habang patuloy ang umakyat na pag aalala sa aking puso. "Ikaw ang pumalit sa pwesto ng anak mo," nakangiting sagot ni Jhoanna, "halika dito.. para mapaalis na natin ang anak mo." "Sige.. sige, gagawin ko!" Sagot ko sa kanya. "Justine.. mag iingat ka," bulong ni Luis sa akin, "mukhang nahihibang na si Jhoanna. "Ano pang ipinagbubulungan niyo diyan! bilisan mo!" sigaw naman ni Jhoanna sa amin. Napalunok ako ng malalim at tumingin sa mga mata ni Jhoanna. Nakita ko ang galit na tila apoy na naglalagablab, pero may bahid din ng kirot at takot. Hindi ko alam kung anong balak niya sa akin, pero alam kong kailangan kong iligtas si Blake, kahit pa ang kapalit ay ang sarili kong buhay. Dahan-dahan akong lumapit kay Jhoanna, itinaas ang aking mga kamay bilang tanda ng pagsuko. "O, heto na ako," sabi ko, pilit pinapakalma ang sarili kahit pakiramdam ko'y parang may malaking bato sa dibdib ko. "Pakaw
"At ang Lagay, magiging masaya kayo?" asik ni Jhoanna sa akin, "walang ganoong magaganap, ano yan? si snow white ka at ako ang witch?" "Jhoanna! maawa ka sa anak ko.." sigaw ko sa kanya, naglulumuhod ako at nagmamakaawa. "pakawalang mo ang aking anak!" pagsusumamo ko. "Jhoanna, sumuko ka na!' sigaw ni Cris, "wala ka ng ibang mapupuntahan!" "Huh!" ikinasal nito ang baril," okay lang, magsasama na lang kami ng batang ito sa impiyerno!" "Mommy.. bakit po?" nilingon si Jhoanna ni Blake, "akala ko ba, bati tayo?" Hindi sinagot ni Jhoanna ang bata, subalit ang kanyang hawak na baril ay nakatutok dito. Naguguluhan din ako, bakit mommy ang tawag ni Blake kay Jhoanna. "Anak, ako ang mommy mo.." tawag ko kay Blake. Malungkot niya akong tiningnan, saka tumingin ulit kay Jhoanna, "mommy.." ang kanyang mga mata ay basang basa na sa luha na dulot ng labis na pag iyak. "Tumigil ka na, Jhoanna! hindi namin akalaing magagawa mo ito!" sigaw ni Luis, "wala kang awa! pati bata, idinadamay m
"Ayun," wika ng isang pulis naming kasama, natanaw niya ang isang kotse sa di kalayuan. "Sssh, magdahan dahan tayo, hawak pa ni Jhoanna ang bata. baka kung ano pa ang gawin niya kay Blake," warning ni Cris sa amin. Halos gumapang na lang kami paglapit doon. Pinalibutan namin ang sasakyan, kung saan naroroon iyon sa may gilid ng puno. Binuksan nila ang pinto ng kotse, walang tao sa loob. Nakita pa namin ang mga balat ng candies at chocolates sa lapag. "Naunahan niya tayo, nakatungo agad siya," wika ni Luis sa amin, "halughugin ang paligid, naririyan lang iyon." Parang gumuho ang aking mundo, ng marealized na hindi ko na naman makikita ang aking anak. Sobrang sakit sa puso na ang aking pag aalala ay nagpatung patong pa. Napaupo na lang ako sa isang tabi. Nanlulumo ako at nanlalambot. Masakit para sa akin ang umaasa ng umaasa tapos ako ay mabibigo lang. Sinubukan kong igala ang aking mga mata, baka sakaling may mapapansin akong bakas ni Jhoanna. Nagtungo ako sa sasakyan, at
Habang pinagmamasdan ko si Blake na mahimbing na natutulog, hindi ko maiwasang mapabuntong-hininga. Napakaamo ng kanyang mukha, tila ba walang kamuwang-muwang sa lahat ng gulong nagaganap sa aming paligid. Ang liit ng kanyang katawan, halos magkasya sa upuan ng sasakyan. Napakasimple ng kanyang mundo, walang iniintinding problema, walang iniisip na hinanakit. Sinulyapan ko ang gauge ng gas, kaunting-kaunti na lang. Malapit na itong maubos, at hindi ko alam kung saan kami tutuloy pagkatapos. Wala na akong ibang plano kundi manatili rito, sa loob ng sasakyan na tila ba nagsisilbing tanggulan namin mula sa magulong mundong ito. Pero gaano pa katagal? Hanggang kailan ko kakayanin? Iniisip ko si Justine. Puno ng galit at hinanakit ang puso ko. Sa tuwing naiisip ko siya, parang apoy na gustong lumabas mula sa aking dibdib. Siya ang dahilan kung bakit nagkaganito ang lahat. Siya ang pumasok sa buhay namin ni Drake, ang sumira sa lahat ng plano, sa lahat ng pangarap. Isang nakakapason