Pagpasok niya sa principal’s office ay sinabihan siya ng principal na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ng table nito. Umupo siya na patuloy na nagdadarasal sa kanyang isip. Ngunit laking gulat niya nang kausapin siya ng principal at ibinigay sa kanya ang papel na certificate of scholarship. ‘’Po? Ibig sabihin nakapasa po ako sa entrance exam?’’ Natutuwang tanong niya sa principal, pinipigilan niya nga ang sarili na lumundag sa sobrang saya. ‘’Oo, naman jiha, kailangan talagang makapasa sa entrance exam bago makapag-enroll dito sa eskwelahan na to dahil kung hindi…hindi ka rin makapag-enroll dito. Fortunatelly, you passed the entrance exam and got an excellent score, ibig sabihin na above average ang naging score mo kaya this school will grant you a scholarship. Free tuition fees at miscellaneous na lang ang babayaran..congatulation, jiha,’’ sabi ng principal at nakipag-kamay pa sa kanya. Pagkatapos ng klase sa last subject niya ay excited na umuwi si Dianne, gusto na niyang umuwi a
Last Updated : 2024-03-09 Read more