Hindi siya mapakali sa araw na 'yon. Nasa opisina siya at panay ang tingin sa relo niya. Ngayon ang araw ng pagbalik ni Fe sa Pilipinas. Excited na siyang muling makita ang dalaga.Simula nang tinawagan siya nito at nagkaayos, palagi na ulit silang nag-uusap. Kung ano-ano lang ang pinag-uusapan nila. Iniiwasan nilang mag-usap tungkol sa mga personal nilang feelings para hindi na sila maging awkward ulit sa isa't isa. Mas okay na din ito kaysa sa hindi sila magpansinan.Maya-maya ay tumayo siya."Saan ka pupunta, boss?" tanong ni Franco nang lumabas siya ng opisina."Ikaw muna ang bahala dito, Franco. Susunduin ko lang si Fe sa airport.""Ngayon pala ang dating niya? Bakit di mo naman sinabi sa akin?"Tumaas ang kilay niya. "Bakit ko naman sasabihin sa'yo?""Ah, eh... sorry, boss. Ang ibig kong sabihin kasi may meeting ka dapat ngayon. Di sana ay na-cancel ko kung alam kong aalis ka.""Ganun ba? Sige, cancel mo na lang at i-reschedule mo bukas.""Ah, sige, boss," wika ni Franco.Agad n
Huling Na-update : 2025-02-01 Magbasa pa