"Good morning!....."Rinig niyang bulong ni Clark sa kanyang tenga, umaga na pala. Doon na siya nakatulog at hindi na nakalipat sa kwarto niya. Napangiti siya nang nabungaran ang gwapong mukha ni Clark sa tabi niya.Kung sana ay laging ganito... masaya sana sila... pero panandalian lang iyon dahil hindi magiging sila kailanman.Iwinaksi niya ang mga alalahanin at binalingan si Clark ng ngiti."Good morning, Migs....""What time is it?" tanong niya habang wala itong tigil sa pagdampi ng mumunting halik sa pisngi, leeg, at balikat niya."It's 9AM...""Huh!" Agad siyang napabangon. "Tanghali na pala?"Napangisi ito. "Sorry, my love. Sobrang napagod ata kita kagabi kaya late ka na nagising."Namula siya. Totoo ang sinabi ni Clark. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang inangkin nito. Pero hindi siya nagrereklamo dahil ginusto niya din naman iyon."Wag ka na munang bumangon, nagluto na ako for us kaya wag kang mag-aalala." wika nito saka muli siyang hinalikan sa labi at lumabas ng
Last Updated : 2025-02-08 Read more