Tomorrow will be Steve’s big most-waited day. Dahil nagiisang apo ng Del Pacio, tiyak na hindi basta-basta handaan ang magaganap kinabukasan. Pinagkaitan man ng pagkakataong magkaroon ng isang Masaya at kompletong pamilya ang isang gaya niya, hindi naman siya nagkulang o nanlimos ng pagmamahal sa mga taong nakakilala sa kaniya. Imbitado lahat ng mga kakilala at kaibigan niya. Siyempre ay isa na doon si Billy na tinawagan niya kanina para sabihin dito ang kompletong detalye kung kailan at ano’ng oras magaganap ang selebrasyon. Ang loko sa sobrang excited, mamayang gabi daw ay pupunta na kaagad dito sa Cebu. Nagbook na din daw ito kaagad ng plane ticket. Para mas kapani-paniwala, kumuha pa ito ng selfie sa harap ng ticketing shop. Hindi din mawawala ang kaniyang office mate na sina Jorge, Bea, Jonney , Nikko at iba pang mga staffs ng Hotel Uno. Paano ba’ng wala ang mga ito ay superclose na sila sa isa’t isa? Even the place became the base of all his deceptions and treacherous characte
Last Updated : 2025-02-12 Read more