[Gusto sana kitang makita, Fate. Pwede bang magkita tayo sa playground?] I heard a melancholic voice from the other line. Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Vien noong nakaraang araw ng pumunta ako sa opisina namin.'Hoy bruha! H'wag kang magkulong sa mansiyon. Wala na tayong magagawa kung 'yon talaga ang itinadhanang mangyari sa inyo. Nakakaloka naman kasi, e. Dati, masaya sina Jerome at Liandra samantalang, Ikaw ang naghahabol. Ngayon, Ikaw ang hinahabol ni Jerome pero ayaw mo naman, at kung kailan napapalagay na ang loob mo kay Xavi mo doon naman babalik ang alaala ni Liandra kay Xavier.'"Okay. Sige." Pagkatapos ay binaba ko na ang tawag. Siguro nga ay tama si Vien. Kung mag kukulong lang ako rito sa mansiyon, baka makaligtaan ko ang mga magagandang bagay na nangyayari sa mundo. Pagkababa ng tawag ay dumiretso na ako sa banyo at naligo. Pagkaraan ng halos labinlimang minuto ay natapos na rin ako.Pumara ako ng taxi at tinahak na namin ang daan papunta sa playground. Hindi naman
Last Updated : 2024-03-10 Read more