"Boss, nasa hospital ang kuya mo." Dali-daling umalis si Xaiver Collins papunta sa hospital. Nadatnan n'yang nasa Emergency Room ang kapatid n'ya at kasalukuyang ni rerevive ng Doctor."1...2...3... Clear!" tanging nagagawa n'ya lang ay ituon ang galit sa pader. Hindi n'ya maramdaman ang sakit mula sa kaniyang mga kamao; wala rin siyang pakialam sa mga dugong lumalatay sa kaniyang kamay. Sinisisi n'ya ang sarili dahil sa nangyari. Kung hindi n'ya sana pinapunta sa opisina kahit malakas ang ulan at gabi na si Cedric—kaniyang kuya—, ay hindi sana 'to nangyari sa kaniya."Time of Death, 9:46 P.M." Bigla s'yang nanlumo dahil sa narinig. Ang kuya n'ya ay ang kaisa-isa n'yang kaibigan sa buong buhay n'ya. Marami kasing may ayaw sa kaniya simula pa pagkabata dahil sa angkin nitong kasungitan. Nangako pa nga itong sabay nilang papalaguin ang kompanyang iniwan ng kanilang ama bago ito bawian ng buhay.Ilang saglit pa ay nakita n'yang nag mamartsa ang mga pulis papunta sa kinaroroonan n'ya."Si
Last Updated : 2024-02-25 Read more