“BRAVO! Tama ba ang nakikita ko? Kaya pala nakalimutan mo na naman ako Manuel,” patuyang sabi ni Celine, pumalakpak pa ito. Kararating lamang nito. Sabay napatingin doon sa may bukana ng pinto nitong kusina, sina Manuel at Yza. Kasunod ni Celine ang isa sa kasambahay. “Sir, ma’am Yza, pasensiya na. Sinabi ko naman sa kanya na ipaalam ko muna sa inyo na…” Hindi nito nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita si Yza. “It’s okay, Lea. Iwan mo na lang kami,” mahinahong sabi ni Yza. Binalingan niya si Celine. “Ano ang ginagawa mo dito, Celine?” “Simple lang, nandito ang fiancé ko dapat nandito rin ako,” nakangisi turan ni Celine. “Right, babe,” anito na lumapit sa tabi ni Manuel, atsaka tumingkayad para halikan sa mga labi si Manuel. Naiinis na umiwas na lamang ng tingin si Yza. “Kung gusto n’yo maglampungan. P’wede ba doon na lang sa pribado.” “Mommy, who is she” tanong ni Yuna, sabay turo nito sa kay Celine na naka abre siete sa braso ni Manuel. “I’m your Daddy's wife to be. Li
Last Updated : 2024-06-01 Read more