Lahat ng Kabanata ng MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]: Kabanata 11 - Kabanata 20

315 Kabanata

11.

Samantala.Kanina pa hindi paroon at parito sa paglakad si Alena sa tapat ng apartment ni Camille. Mahigit isang linggo nang hindi umuuwi ang kapatid niyang si Apol kaya nababalot na nang pag aalala ang kanyang dibdib. Oo nga at nagpadala ito ng pera para pangpacheck up at laboratory niya pero hindi siya naniniwala na galing ito sa kapatid niya.May usapan sila na sasamahan siya nito na magpunta ng hospital. Kilala niya ang kapatid. Mayro'n itong isang salita. Kaya hindi siya naniniwala na magpapadala lang ito ng pera sa kanya. Sabay pa naman silang excited na malaman kung babae ba o lalaki ang anak niya."Buntis, ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala nang nakatira ri'yan. Lagpas isang linggo na nang umalis si Camille sa apartment niya. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagbalik mo rito. Mabuti pa ay magpahinga ka na. Hindi ba't malapit ka nang manganak?" Ani Aling Terry. Ito ang landlady ni Camille."Halos magdadalawang linggo na po?" Napahawak si Alena sa dibdib nang maramdama
Magbasa pa

12.

[Apol]Isang malakas na singhap ang kumawala sa labi ni Apol nang magising siya. Sa kabila ng lamig sa kwarto niya ay ramdam niya ang pawis sa noo niya. Hindi niya maintindihan pero sobrang kinakabahan siya.Sa panaginip niya ay nag aagaw buhay daw ang Ate Alena habang nanganganak."Diyos ko, bantayan niyo po at panatilihing ligtas si Ate Alena." Paulit-ulit niyang dasal. "Sorry, ate ha. Alam kong may usapan tayo na sasamahan kita sa hospital para malaman kung ano ang gender ni baby... So-Sorry kasi hindi na yata ako makakauwi." Hindi niya mapigilan ang maluha. Kahit panaginip lang 'yon pero parang totoo.Pinahid niya ang luha at saka bumuga ng hangin para kahit paano ay gumaan ang dibdib niya. May maayos na tirahan at may perang pantustos na ang kapatid niya, sapat na 'yon para kahit paano ay mabawasan ang alalahanin niya sa dibdib. Siguro naman hindi nagsisinungaling sa kanya si Mr. X nang sabihin nitong wala nang problema pagdating sa financial ang kapatid niya."Mrs. Helger, naghih
Magbasa pa

13.

[Apol]Mabilis na iniyuko niya ang ulo. Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang napalunok ng laway habang nakapikit. Hindi naman siguro nito narinig ang mga sinabi niya, di'ba? Saka kung marinig man nito, hindi naman siguro ito magagalit dahil hindi naman niya binanggit ang pangalan nito... errrr hindi nga ba?"Follow me." Anito bago nagpatiunang maglakad. Nakahinga siya ng maluwag. Akala niya ay magagalit na naman ito sa kanya. Katulad ng sinabi nito ay sumunod siya rito. Pagdating sa office nito ay mayro'n silang naabutan na limang may edad na kababaihan. Napapunok siya sa tingin ng mga ito. Hindi pa nagsasalita pero parang namimintas na ang tingin. Kumbaga, nakapa-instrikta ng mga dating."Train her well in three days. My grandfather's birthday party is coming. I want her to learn how to act like a high class profile. Ayaw kong mapahiya kaya gawin niyo ng maayos ang trabaho niyo. Show no mercy while teaching her. Wala akong pakialam kung anong klase ng training ang gawin ninyo
Magbasa pa

14.

[Apol]"Ihanda mo ang sarili mo at tandaan lahat ng mga itinuro sa'yo. Huwag na huwag kang gagawa ng bagay na ikapapahiya ko. Naiintindihan mo ba?" May diin sa kataga na wika ni Mr. X.Marahan lamang siyang tumango. Hindi niya magawang magsalita, pakiramdam niya kasi ay mayro'ng nakabara sa lalamunan niya. Ganito pala kapag sobrang sama ng loob mo at hindi mo magawang mailabas.Mamayang gabi ay dadalo sila mag asawa sa kaarawan ng lolo nito. Ano kaya ang ugali ng lolo ni Mr. X? Masama din ba? Nakakatakot din kaya ito? Hindi tuloy niya maiwasan ang makaramdam ng kaba. Baka kasi mamaya ay mas malupit pa ito sa apo.Kay Mr. X pa nga lang suko na siya... tapos madadagdagan pa nang isang demonyo ang makakaharap niya. Grabe naman 'yon. Dahil madaling araw palang ay nasa biyahe na sila hindi niya maiwasan ang manginig sa sobrang lamig habang sakay sila ng chopper. Mabuti pa si Miss Carol ay binalot siya ng makapal na jacket para hindi siya lamigin, samantalang ang asawa niya ay tila walang p
Magbasa pa

15.

[Apol]Napanganga siya pagdating nila sa venue kung saan gaganapin ang kaarawan ng lolo ni Mr. X. Ganito ba talaga kayaman ang mga Helger? Aba kulang nalang ay bilhin ng mga ito ang Pilipinas."Stay at my side. Don't ever try to disobey me here, Apol. Don't act like a trash here of you don't want me to punish you when we get home." Mahinang bulong ni Mr. X sa kanya. Kalmado kung pakikinggan subalit naro'n ang pagbabanta."Sige po." Mahina niyang sagot.Nilibot niya nang tingin ang paligid. Hindi niya mapigilan ang mapaawang ang labi ng makita niya kung gaano kaganda ang paligid. Black and white lang naman ang theme ng party subalit kakaiba ang pagka-elegente ng lugar na 'to. Lahat ng kababaihan, mapadalaga man, o may edad ay kumikinang ang mga alahas sa katawan. Hindi naman magpapatalo ang mga kalalakihan, may edad man, o kabinataan, lahat ay halatang mayayaman at may sinabi sa buhay. Kaya pala gusto ni Mr. X na kumilos siya ng naayon sa gusto nito. Puro pala mayayaman ang mga narito
Magbasa pa

16.

"Damn!" Galit na hinampas ni Xerxes ang kamao sa mesa. "Nasaan na ba si Lolo at hanggang ngayon ay wala pa rin siya? I'm here because he wants me to come, and now he's nowhere to find?!""M-Mr. X—""Leave us, Cholo." Utos sa butler nang kadarating lang na matanda, si Axel Helger, ang lolo ni Mr. X. "Long time no see, Xerxes." Bumuntonghininga ang matanda bago naupo. Bakas ang pagtatampo sa kulubot nitong mukha. "Xerxes, apo... Bakit nagpakasal ka naman ng biglaan? Sana ay hinintay mo muna akong dumating galing ng ibang bansa. Hindi ko tuloy nakita at narinig ang wedding vows niyo sa isa't isa ng iyong asawa.""There's no wedding vows on our marriage. It's just a plain wedding. No feelings involved, just a formality." Walang ganang tugon ng apo nito."Xerxes apo, it's been 17 years. Matagal na panahon nang mangyari ang bagay na 'yon. Your wife is innocent... I could feel that she is a good person."Xerxes laughed sarcastically. "Hangga't nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng lalaking '
Magbasa pa

17.

[Apol]Napahatsing si Apol habang yakap ang sarili dito sa kwarto na pinagdalahan sa kanya ni Butler Choco. Mabuti nalang at nakita siya nito bago pa siya maligaw ulit at manigas sa lamig sa labas. Saka kung hindi siya nito nakita at naipasok dito sa loob sigurado na malilintikan siya kay Mr. X.“Mag-tea ka muna, Mrs. Helger, para kahit papa’no ay mainitan ang sikmura at katawan mo.”"Salamat po, Butler Choco. Ang gwapo mo na, ang bait mo pa." Nakangiting ani niya matapos tanggapin ang hot tea na inabot nito sa kanya. "Mrs. Helger naman, hindi nga po Choco, kundi Cholo." Nakasimangot na pagtatama nito sa kanya.Sa tingin niya ay nasa trenta palang ang edad ng Butler. Gwapo at matangkad din, tapos mabait pa. Iyon nga lang parang pinya ang ayos ng buhok nito, patulis na nakatayo ang lahat ng buhok. Lahat ng taong nakikilala niya ay mabuting tao naman. Maliban do’n sa nag iisang demonyong kilala niya.Napangiwi siya nang maalala ito. “Oo nga pala. Nakita mo ba kung nasaan si Mr. X?"Kum
Magbasa pa

18.

[Apol]“Po? Bakit kailangan na kasama pa ako, Miss Carol? Ayoko ko pong sumama, please… Tulungan niyo naman po ako na magsabi kay Mr. X.” Kulang nalang ay lumuhod siya para magmakaawa sa matanda.Isasama daw siya ni Mr. X sa assembly ng mga Mafia Boss! Sinong hindi matatakot? Kay Mr. X pa nga lang parang mamamatay na siya sa takot, tapos may ibang Mafia Boss pa siyang makakaharap? Parang sobra naman yata ‘yon.“Mrs. Helger, mahalagang pagtitipon ‘yon. Hindi ka pwedeng mawala ro’n dahil ikaw ang kabiyak niya. Basta tandaan mo ang itinuro sa’yo nila Miss Leni. Wag mo siyang bibigyan ng kahihiyan kung ayaw mong malintikan sa kanya.” May himig pananakot pa nitong saad.Napalunok siya at mas lalong pinagpawisan. Akala niya tuloy-tuloy na ang pagiging tahimik ng buhay niya dahil dalawang linggo nang hindi bumabalik si Mr. X mula sa ibang bansa. Pero hindi pala.Sa pagbalik nito ay agad pa siyang isasama sa nakakatakot na pagtitipon na ‘yon. “Miss Carol, para saan ba ang assembly na nila?”
Magbasa pa

19.

[Apol]Lahat nang sinabi niya…. Pinagsisisihan niya lahat. Habang pababa siya ng hagdan ay nanginginig ang tuhod niya. Pero wala na siyang magagawa dahil nasabi na niya at hindi na niya mababawe pa ang lahat ng lumabas sa bibig niya. Pinahatid siya ni Mr. X nang gabing ‘yon nang mag isa dito sa isla. Kaya ngayon lang sila ulit nagkaharap. Aaminin niyang natatakot siya dahil alam niyang pwede siya nitong patahimikin habang buhay.“Mrs. Helger, bakit parang nanlalalim ang mata mo? Hindi ka ba nakatulog nang maayos?” Kumuha si Karlo ng pagkain at nilagyan ang plato niya. “Tikman mo ‘to. Masarap ‘yan, siguradong magugustuhan mo ‘to. Kumuha ng tubig si Lito at inabot sa kanya. “Oo nga, no. Nanlalalim ang mata mo. Para kang panda! Pero maganda ka parin naman, Mrs. Helger.” Nagmamalaking inipit niya ang buhok sa likuran ng tenga. “Buti alam mo.” Dahil sa sinabi ni Miss Carol na maganda siya tumaas ang confidence niya. Napahawak siya sa batok. Pakiramdam niya ay mayro’ng nakatingin sa kany
Magbasa pa

20.

[Apol]Kumunot ang noo niya nang makitang hindi na sila Karlo at Lito ang lumapit sa kanya para asikasuhin siya sa pagkain. May sakit siguro ang dalawa. Di bale, pupuntahan nalang niya ang dalawa para kamustahin. “Where are you going?” Tanong ni Mr. X nang tumayo siya.“Tapos na po akong kumain.” Magalang na sagot niya. Muli siyang napahinto nang magsalita ulit ito.“Sit down, Apol. I’m not done eating.” Iminuwestra nito ang kamay sa upuan niya. “Go back to your seat and wait for me until I’m done.” “Ah, eh…” Napakamot nalang siya sa ulo. Bakit biglang bawal na siyang umalis? Dati naman wala itong pakialam kahit na umalis agad siya.“Ano pong pangalan niyo mga, kuya?” Tanong niya sa lalaking pansamantalang kapalit nila Karlo at Lito. “Parang ngayon ko lang po kayo nakita.”Itinuro niya ang ulo ng dalawa. “Buti hindi po kayo kalbo, hehe—“ Natahimik siya nang marinig ang pagtikhim ni Mr. X.Hindi nalang siya nagsalita. Mukhang galit ito at hindi nagustuhan ang pakikipag usap niya sa da
Magbasa pa
PREV
123456
...
32
DMCA.com Protection Status