Matapos kung kumain ay nagbihis ako ng maayos na damit. Plain t-shirt at pants lang ang suot ko. May iba pa namang nga damit kaso ito lang ang gusto kong suotin. Hindi ko rin alam kung saan ako ngayon pupunta.“Salamat, Atacia ah.. Pasensya ka na talaga sa abala,” nahihiya kong salita."Ano ka ba ate, wala yun noh. Masaya ako sa ginawa ko, at walang makakapigil sa akin.” Aniya. She really changed a lot. She's so mature."Hindi ko alam paano makakabawi sayo, pero sana in the future makakabawi ako sayo.” I said. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko."Wag mo muna isipin yan, Ate. Bangon ka lang at nandito lang ako. Susuportahan kitang bumangon muli.” Tumulo na naman ang luha ko sa galak."Salamat ah. Pag-sisikapin ko na bumangon muli, ngunit wala ng natira sa akin eh. Wala na lahat.” Malungkot kung salita. “Mababawi mo pa yun, Ate.Laban lang. Wag mong susukuan, ikaw ang may karapatan sa kumpanya mo kaya ipaglaban mo lang." Pinapalakas niya talaga ang loob ko. Nakakataba ng puso n
Magbasa pa