CHAPTER 32: CALL"Sorry, ma'am, medyo natagalan. Kumain ka nang marami, ma'am, hindi ka nakapag-agahan." "Opo, salamat, ate," sinsersong saad ko at umupo sa harap ng study table para doon kumain. Itinabi ko pa sa akin ang phone ko para maka-usap ko pa si Felix. "Dumating na 'yong lunch ko. Kumain ka na rin, Felix." "Later, I'll now order my food." "Matagal ba 'yan? Gusto mo sabay na tayo? Usap muna tayo?" alok ko dahil gusto kong sabay kami."Nah, kumain ka na. Kakain din ako kapag dumating na, Aphrodite." Napanguso ako at tumango na lang. "Can I see you? Open your camera, Aphrodite." In-accept ko na lang ang request niyang video call. Inilapag ko sa phone stand sa gilid ko para makita niya ako habang kumakain. Nakita ko naman siyang magulo ang buhok, nakasuot ng itim na sando, at nakasandal sa headboard ng kama. "Eat now," utos niya sa akin. "Puyat ka, 'no?" tanong ko sa kanya nang mapansin ang itim sa ilalim ng mga mata niyang namumungay. Ang ilong at labi niya pa ay namumul
Read more