CHAPTER 35: DUMPWARNING: SPG!"Fucking bitch!" gigil na sigaw niya bago marahas na inangkin ang labi ko. Maging ang paghaplos niya sa katawan ko ay walang pag-iingat. Pero nagugustuhan ko ang lahat ng ginagawa niya sa akin. Gusto kong ipakita niya sa akin kung gaano niya ako kagustong angkinin matapos ang matagal na pagpipiligil niya.Napakagat ako ng pang-ibabang labi nang bigla niyang ibalibag ang dress ko matapos niyang mai-hubad iyon sa akin na para bang galit na galit siya roon. "Fucking gorgeous!" Nakita ko ang pag-apoy ng pagnanasa, pagmamahal at pagkamangha sa mga mata niya habang tinignan ang kabuuan ko. Hinaplos ko siya at sinimulan na ring bubarin ang suot niyang belt at pants. Tinulungan niya ako roon at sinunod ko ang long sleeves na suot niya. Siya na ang naghubad no'n sa sarili at ibinato sa kung saan. Hinaplos ko ang dibdib at matigas na tiyan niya. Sinunod ko ang braso niya. Gustong-gusto ko nang hawakan ang tattoo niya. Dinala ko sa labi ko ang kamay kung nasaan
CHAPTER 36: SINFUL OBSESSIONNagising ako kinabukasan dahil sa sunod-sunod na tunog ng phone ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata at nakita ang pamilyar na kwarto. Napadaing at napakagat ako ng pang-ibabang labi nang maramdaman ang pagkirot ng lahat ng parte ng katawan ko. Muli kong naalala ang nangyari sa amin ni Felix kagabi. Hinaplos ko ang bakanteng kama at mapait na napangiti. Nasaan siya? Umalis rin ba siya agad no'ng matapos may nangyari sa amin? Binalot ko ng comforter ang sarili at ika-ika akong naglakad para pulutin ang bag kung nasaan ang phone ko. Tumatawag si Travis. Si Travis...Biglang kumirot ang dibdib ko. Akmang sasagutin ko na ang tawag nang biglang bumukas ang pinto. Nag-angat ako ng tingin kay Felix. Nagsalubong ang tingin niya nang makita ako. "Bakit hindi mo sagutin?" Napayuko ako at mas kumirot ang puso dahil sa boses niya. Ngumisi siya, nilapitan at pinantayan ako. "Sagutin mo. Manliligaw mo 'yan 'di ba? O boyfriend mo na?" Nanginginig ang kamay k
CHAPTER 37: IN LOVE"That's why you don't want to let you hair be blonde again?" nag-aalalang tanong niya sa akin matapos kong i-kwento ang mga nangyari noon at kung paano ako napunta sa mga Saavedra. Hinaplos niya pa ang buhok ko. "Pero sabi ko rati brown, bakit black pa rin 'to?" "Sabi ni mommy black pa rin daw," paliwanag ko."I see. And your blue eyes..." manghang aniya habang nakatitig sa mga mata ko. "They suits you well, Aphrodite. Please please don't cover them with you're with me." "Pag nasa labas ako, nagsusuot ako ng lenses," paliwanag ko sa kanya. "For disguise purposes lang din." Tumango siya at muli akong niyakap. Ngayon ay nagkulong na siya sa leeg ko kaya napatingala ako ng kaunti. "Now I get it! I will protect you, Aphrodite. Buti na lang pala, nag-ipon ako noon pa." Mas lalo akong napangiti dahil imbes na matakot ay mas gusto niya akong protektahan. "Thank you, Felix," sinserong sambit ko at ginantihan ang yakap niya. "I love you," dagdag niya. Bumilis ang tibok
CHAPTER 38: INTIMATE PICTURES"Nakaligo ka na? Sabi ko sabay tayo!" "Ha? Paano tayo magsasabay wala ka naman dito?" reklamo ko kay Felix habang naharap sa phone para makausap siya. "Let's video call," nagtatampong sagot niya. "Para kang sira, Felix. Mababasa lang 'yong phone kapag gano'n!" Nag-ayos na ako ng sarili habang dumadal siya. Papunta na siya rito sa bahay para sunduin ako. Si Travis, tinanggihan ko. Aaminin ko na sa kanya mamaya na ang tungkol sa amin ni Felix at papatigilin ko na siyang manligaw sa akin... na dapat ay dati ko pa ginawa.Nakasalubong ko si Clyde nang saktong paglabas ko sa kwarto. Napatigil ako sa pakikipag-usap kay Felix at mabuti na lang ay naka-earpods ako. Inalis ko ang isa at binati siya, "Hi, Clyde." "Sasabay ka ba sa akin?" tanong niya, hindi masungit pero hindi rin masigla."Hindi na. Nagpasundo ako," sagot ko, hindi na sinabi kung kanino.Bumuka ang bibig niya. Dahil do'n ay ramdam kong may gusto pa siyang sabihin pero hindi niya tinuloy. "Sig
CHAPTER 39: ISSUEMas lalong lumala ang issue sa akin at kay Travis dahil sa pagpapaiwan niya sa akin sa klase. May mga kumuha pa ng pictures na kami lang ang naroon at seryosong nag-uusap.Pati sa Instagram ay nakarating na rin ang pagkuha nila ng maidadagdag sa ebidensya para mas makumpirmang meron ngang namamagitan sa amin ni Travis. Well, meron naman talaga pero hindi kasing lala ng iniisip nila."Aphrodite!" Nasa Library ako nang may pamilyar na boses na tumawag sa akin. "Clyde..." Bigla akong nabuhayan at parang nakahanap ng kakampi. Nanubig ang mga mata ko nang mas lumapit siya at niyakap ako. "It's okay. Don't mind them. Nag-lunch ka na ba?""Hindi pa," sagot ko dahil parang hindi ko pa kayang kumain ngayon. Ang pumunta pa nga lang sa Cafeteria, hindi ko na magawa."Labas tayo. Gusto ka ring makausap ni Kuya Travis."Napatitig ako sa kanya. "Pinapunta ka ni Travis dito?""Hindi! Pupuntahan din dapat kita at nakiusap din siya," sagot niya at hinawakan ang kamay ko. "Tara na?"
CHAPTER 40: PAGODTRIGGER WARNING: SELF HARMNapaupo ako sa tabi ni Clyde bago sumagot, "Hindi pa po kami, daddy. Pero—""You allowed him to be that close with you in School?!" dahilan niya.Kaagad akong napayuko. "Sorry po," iyon lang ang sinserong naisagot ko dahil namuo na ang luha sa mga mata ko. "Dad, 'wag mo nang pagalitan si Aphrodite, hindi na siya minor!" pagtatanggol sa akin ni Clyde pero mas lalo lang atang nagalit si daddy. "Sadyang ma-issue lang 'yong iba!""I know you're in legal age, Aphrodite. But letting him do that in School when you are a student and he's a professor? And keep it a secret that you go out with him without telling us?!""Hindi na nga po, dad! Kung sinabi ko ba sa inyo papayag kayo?" Hindi ko napigilang humikbi. "'Di ba, hindi naman? Kasi baka mapahamak ako. Na baka makidnap—""Atleast you tell us, Aphrodite! You let us know! You are our responsibility!" mas lumakas ang boses niya."Hon," pigil na ni mommy sa kanya. "Enough. Let's eat first, lumalamig
CHAPTER 41: SASAMAHAN KITA"Where are you going?" mariing tanong galing sa isang boses ng lalake."What will you do if I came in late?" ulit na tanong ni Felix.Buong lakas kong inalis ang kamay niya sa bibig ko. "Bitawan mo ako!" "What is this? Why are you here in the middle of the fucking night?!" pabulong na sigaw niya sa akin. Mukhang ayaw niya ring may makarinig sa amin. "What happened?""Lalayas ako, hindi ba halata?" sarkastikong sagot ko sa kanya at akmang lalampasan na siya nang hawakan niya ang palapusuan ko."Sumama ka sa akin," utos niya."Ayaw ko!" sagot ko at sinubukang bawiin ang kamay pero humigpit ang hawak niya roon."Okay, sasama ako sa 'yo," pagbawi niya sa naunang sinabi dahilan para magsalubong ang kilay ko."Aalis ako nang mag-isa, Felix. Gusto kong mapag-isa!" paki-usap ko sa kanya at nagsimula nang manginig ang boses. "Please, hayaan niyo na akong gawin 'yong gusto ko."Nang sa wakas lumuwag ang hawak niya sa akin ay binawi ko na ang kamay at nagsimula nang m
CHAPTER 42: I WANT YOU"Inaantok na ako, Felix. Pwede bang dalhin mo 'ko sa tinutuluyan mo? Doon muna tayo," hiling ko sa kanya dahil gusto ko na siyang makapagpahinga."Sa condo ko? What if we stay in my Penthouse, Aphrodite. Mas maganda ro'n!" Tumango ako sa suggestion niya. "Sige, kahit saan basta kasama kita." "That's so sweet, baby!" malaki ang ngiting aniya "Let's go then!" hiyaw niya at nagsimula nang magmaneho. Napangiti ako habang pinapanood siya habang malaki pa rin ang ngiti niya at halatang sinsero iyon. Dahil sa kanya ay nadagdagan na ang mga rason ko para mabuhay ng mas matagal. Gusto ko pa siyang makasama. Gusto ko siyang mapasaya at maging masaya kasama niya."Are you inlove with me again, Aphrodite?" may bahid ng panunuksong tanong niya sa akin at saglit niya akong sinulyapan."Oo kaya umayos ka, Felix!" banta ko sa kanya. "Yes, ma'am!" Mahina akong natawa at napailing dahil sa ipinangtawag niya sa akin. "Pwede kang umidlip muna. Gigisingin na lang kita mamaya. M