“Oh, my gosh, I missed you!” ani Sittie na tila naluluha at parang sobrang tagal naming hindi nagkita.“I’m fine, Sittie...” Niyakap ko rin siya.“Hmp! Sana tinawagan mo man lang ako! Kami ni Cameron! Nag-alala kami sa ‘yo, akala namin ay kung sino na naman ang kumidnap sa ‘yo!” sunod-sunod na sabi ni Sittie. Naupo siya sa tabi ko rito sa gazebo. Ramdam ko ang excitement niya sa mga ikukwento ko lalo pa’t tumikhim siya para itago ang ngising aso niya. “Akala ko talaga ay lumulutang ka na sa kung saan at naubos na ang siyam mong buhay! Iyon naman pala ay nagpapakasarap ka lang dito!” “Kung alam mo lang kung anong nangyari.” Napailing ako. Ilang araw din kaming nagbabangayan ni Isles. After my first day here, hindi niya ako kinakausap buong araw.“But in fairness, you look fresh, huh! You know, the after glow! Did you two do it?” nanunudyong tanong ni Sittie na mas excited pa para sa ‘kin. “Oh, my goodness, Nat! Huwag mo namang sabihing hindi?”Hindi ko maiwasang matawa sa kaniya. Par
Huling Na-update : 2024-07-30 Magbasa pa