Home / Romance / HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS / Kabanata 11 - Kabanata 20

Lahat ng Kabanata ng HIDING THE BILLIONAIRE'S TRIPLETS: Kabanata 11 - Kabanata 20

29 Kabanata

Chapter 6.1

Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wal
last updateHuling Na-update : 2024-02-19
Magbasa pa

Chapter 6.2

“Welcome back hija!” masayang salubong ni Viviane sa kaniya at pagkatapos ay kaagad na niyakap siya at bineso- beso.Ang tatlo naman na makukulit niyang anak ay nasa likod niya at nang matapos siyang yakapin ng kaniyang ina ay ang mga anak naman niya ang pinag- diskitahan nito.Niyakap at pinupog niya ng halik ang mga ito isa- isa na halos magmakaawa na nga sa kaniya na kuhanin na niya ang mga ito mula sa kanilang lola. Hinayaan na lamang naman niya ang mga ito at pagkatapos ay dumiretso na sa loob ng bahay na iyon upang hanapin ang driver ng kaniyang ina.Sa loob ng bahay ay kaagad niyang nakita si Silvia kung saan ay nang makita siya nito ay abot- tenga rin ang ngiti. Biglaan ang kaniyang uwi ng Pilipinas at hindi niya alma kung alam ba nito na darating siya, pero sa reaksiyon naman nito na hindi nagulat ay nasisisguro na niya na alam nito na uuwi siya.Ang ina pa naman niya ay walang preno ang bibig. Nasisiguro niya na ikwinento nito rito ang pagdating niya. Pero ganun pa man ay wa
last updateHuling Na-update : 2024-02-19
Magbasa pa

Chapter 6.3

Hindi na nga nag- aksaya pa ng oras si Kath dahil pagkatapos na pagkatapos niyang kainin ang cake na ibinigay sa kaniya n Silvia ay kaagad siyang umalis mula doon upang puntahan ang lugar kung saan niya kailangang kuhaning ang iniwan sa kaniya ng kaniyang Lolo.Bago nga siya umalis ay pinigilan pa siya ni Silvia at ng kaniyang ina dahil halos kararating niya lang daw at bakit daw pupuntahan na niya ito kaagad. Pwede naman daw niyang ipagpabukas iyon tutal ay hindi naman daw siya nagmamadali pero hindi niya pinakinggan ang mga iyn.Kung sila hindi nagmamadali siya ay nagmamadali dahil iniisip niya ang kaligtasan ng mga anka niya. Baka kapag mas matagal sila doon ay mas malaki ang tiyansa na magkrus ang landas nila ni Noah, okay lang sana kung sila lang e paano kung makita nito ang mga anak niya?Hindi pa naman niya maitatangging anak nito ang mga iyon dahil kamukhang- kamukha nito ang tatlo at halos wala man lang nakuha sa kaniya.Isa pa ay iniisip niya din ang kaligtasan ng mga anak n
last updateHuling Na-update : 2024-02-19
Magbasa pa

Chapter 6.4

PAGMULAT ng mga mata ni Kath ay ang malamlam na ilaw ang kaagad na bumungad sa kaniya. Kaagad siyang napakusot ng kaniyang mga mata at pagkatapos ay napahikab pa. Napatitig siya sa kisame at pagkatapos ay biglang napatong kung anong oras na ba at napabangon mula sa kaniyang kama.Inilibot niya ang kaniyang paningin sa paligid at doon niya lang napansin na madilim na pala. Anong oras na ba? Muling tanong niya sa kaniyang isip at pagkatapos ay napatayo mula sa kama at napainat ng kaniyang katawan. Hindi niya alam kung anong oras na ng mga oras na iyon dahil wala namang orasan sa kaniyang silid kaya mabilis siyang naglakad patungo sa switch ng ilaw kung saan niya ay isinindi niya iyon.Agad siyang napapikit nang sumindi ang ilaw dahil bahagya pa siyang nasilaw at pagkatapos ay napahikab muli bgo bumalik sa kaniyang kama dahil sa tabi niya ay naroon pala ang bag niya kanina. Nasisiguro niya na naroon ang kaniyang cellphone para na rin makita niya kung anong oras na.Mabilis niya ngang hin
last updateHuling Na-update : 2024-03-07
Magbasa pa

Chapter 6.5

Hindi naiwasan ni Kath na hindi mapakagat- labi ng mga oras na iyon habang binabasa ang iniwang sulat sa kaniya ng kaniyang abuelo. Ang kanina pa niyang pinipigil niyang mga luha ay tuluyan na ngang bumagsak mula sa mga mata niya. Buong buhay niya ay pinaniwala niya ang sarili niya na kahit minsan ay hindi man lang siya nagawang mahalin ng kaniyang lolo.Na ni kahit minsan sa buhay niya ay hindi man lang ito nagkaroon ng pakialam sa kaniya dahil iyon ang ipinakita at ipinaramdam nito sa kaniya, ngunit habang binabasa niya ang liham na sinulat nito ay hindi niya maiwasan ang hindi makaramdam ng lungkot at panghihinayang.Patuloy ang pagtulo ng mga luha mula sa kaniyang mga mata at hinayaan niya lamang ang mga iyon na pumatak, hindi siya nag- abalang pahirin ang mga iyon. Bakit kung kailan wala na ang lolo niya ay tyaka niya lang nabasa ang mga sulat na iniwan nito sa kaniya? Bakit kung kailan huli na ang lahat?Ang daming tanong na nabuo sa kaniyang isip ng mga oras na iyon at patuloy
last updateHuling Na-update : 2024-03-07
Magbasa pa

Chapter 6.6

Halos hindi maimulat ni Kath ang kaniyang mga mata nang magising siya. Dahil nga sa ilang oras siyang nag- iiyak kagabi ang panugaradong mugtong- mugto ang kaniyang mga mata. Muli siyang napapikit at pagkatapos ay napatakip sa kaniyang mga mata dahil tila ba nasisilaw siya sa liwanag.Anong oras na ba? Natanong niya sa kaniyang isip ng wala sa oras. Hindi niya namalayan na nakatulog siya pagkatapos niyang umiyak. Pinakiramdaman niya ang kaniyang paligid, wala siyang ibang marinig sa labas kundi huni lamang ng mga ibon at ng mga dumadaang sasakyan sa kalsada. Wala man lang ingay ang mga anak niya, umaga pa lang kaya? Muli niyang tanong sa isipan niya. Siguro nga, dagdag pa niya at pagkatapos ay pilit na iminulat ang kaniyang mga mata at pagkatapos ay bumangon. Naimulat niya naman ang kaniyang mga mata ngunit pakiramdam niya ay magang- maga ang mga ito.Iginala niya ang kaniyang tingin sa kaniyang paligid at pagkatapos ay biglang napatayo. Dali- dali siyang lumapit sa bintana kung nama
last updateHuling Na-update : 2024-03-07
Magbasa pa

Chapter 6.7

Inis na inis si Lindy ng mga oras na iyon. Halos masugat na ang kaniyang mga palad dahil sa sobrang pagkuskos niya rito. Paano ba naman ay sinukahan siya ng walang hiyang baby na iyon. Mabuti na lang at sa kamay niya pa dahil kung hindi ay baka maligo siya sa banyo ng mall na iyon ng wala sa oras.Sa totoo lang ay sukong- suko na siya sa baby na iyon ngunit kailangan niyang gawin iyon. Kailangan niyang magpakananay sa harap ni Noah dahil iyon naman ang gusto nito ang magkaanak. Mabuti na lamang at magaling siyang umarte. Kaya lang ay ang kinakatakot niya ay baka madiskubre nito na hindi nito anak ang baby na iyon.Pineke niya lang ang pagbubuntis niya dahil hindi siya magkaanak at noong napa- test siya ay baog pala siya. Dahil sa sobrang pagiging desperada ay ginawa niya ang lahat. Mabuti na lang at madali lang mapaniwala ito. Sa kasalukuyan nga ay 8 months na ang baby girl na pinulot niya lang kung saan.May tagapag- alaga naman ito ngunit nag- day off ng araw na iyon at eksakto nama
last updateHuling Na-update : 2024-03-07
Magbasa pa

Chapter 6.8

Mabilis na naglakad pabalik sa bench si Lindy kung saan niya iniwan ang kaniyang mag- ama. Hindi na siyang nag- aksaya pa ng oras. Mabuti na lamang at naroon pa ang mga ito at nakita pa nga niya mula sa malayo si Noah na nilalaro ang baby. Dali- dali siyang lumapit rito.Nang mapansin ni Noah ang kaniyang paglapit ay kaagad itong nag- angat ng ulo. Kitang- kita niya ang pagkunot ng noo nito dahil sa paglingon- lingon niya sa paligid lalo na sa likod niya.“What happened? Are you okay?” tanong nito sa kaniya pagkarating niya sa harap nito.“Huh? Yes.” sabi niya na pilit pinakalma ang kaniyang tinig kahit ang totoo ay kabang- kaba na siya.Muli siyang napalingon sa kaniyang likod ng mga oras n aiyon. Baka mamaya kasi ay makita nito ang tatlong batang iyon at nasisiguro niya na kapag nakita nito ang mga iyon ay baka hanapin nito ang ina ng mga iyon. Isa pa ay hindi pwedeng makita nito ang tatlong iyn dahil baka maitsapwera na ang batang pinaghirapan niyang pagmukhain na anak nila kung sa
last updateHuling Na-update : 2024-03-12
Magbasa pa

Chapter 6.9

Hindi makapaniwalang napatitig sa babaeng kaharap niya ng mga oras na iyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa kaniyang nakikita. Kilala niya ang babaeng nasa harap niya ng mga oras na iyon bagamat masasabi niyang napakalaki na ng ipinagbago nito. Mula sa kulay ng kutis nito, sa kinis ng mukha nito, sa buhok, sa hubog ng pangangatawan at sa pananamit nito. Hindi siya pwedeng magkamali.“Kath?” patanong na sabi niya sa pangalan nito.Habang nakatingin siya rito ay hindi niya maiwasang hindi suyurin ng mga mata niya ang kabuuan nito at masasabi niya na napakalaki na ng inimprove nito. Mabilis itong tumayo pagkatapos niyang banggitin ang pangalan nito kahit pa bakas sa mukha nito ang pagkagulat.Hindi siguro nito inaasahan na nakilala niya ito kahit pa iba na ang itsura nito at masasabi niyang mas maganda na ito ngayon kaysa noong asawa pa niya ito. Sumunod din siyang tumayo rito. Ilang taon na rin ang lumipas noong huli niyang nakita ito, sa pagkakatanda nga niya ay huli niya itong nakita
last updateHuling Na-update : 2024-03-21
Magbasa pa

Chapter 6.10

“Mama naman dapat hindi mo sila inilalabas ng ganito.” pagalit na usal niya habang nakasunod ng tingin sa kaniyang mga anak.“Ano ka ba naman Kath, minsan ko na nga lang sila makasama e pinagbabawalan mo pa silang ipasyal ko.” sagot naman nito sa kaniya.Napabuntung- hininga na lamang siya. Alam niya na kahit anong sabihin niya sa kaniyang ina ay hindi nito pinapakinggan pero sa susunod ay sinisiguro niyang hinding- hindi na basta maiaalis ng kaniyang ina ang mga anak niya.“Alam niyo namang kahit anong oras ay pwede silang makita ni Noah at paano na lang pala kung nagkita sila kanina e di malamang sa malamang na kukuhanin niya ang tatlong yan.” napapailing na sabi niya rito.Dahil sa sinabi niya ay kaagad na napatigil ito sa kaniyang paglalakad kaya napatigil rin siya at naguguluhang napatingin siya rito.“May problema ba Ma?” nakakunot ang noong tanong niya rito.Nakatingin ito sa kaniya na halos hindi maipinta ang mukha.“Anong sabi mo? Kanina? Huwag mong sabihin…” tumigil ito.Nap
last updateHuling Na-update : 2024-03-21
Magbasa pa
PREV
123
DMCA.com Protection Status