CHAPTER 89CALL ME, KUYA!“Cheer!" Sabay naming dalawa ni Zirvianna habang itinaas ang baso na may alak, nasa bar kami ngayon na kung saan kapwa Pilipino ang may-ari, ang bandang Elizcalde band. “Kailan mo pala plano na umuwi ng Pinas?” biglang naitanong ng kaibigan sa akin.Tumingin ako sa kanya, pareho na kaming mapupungay ang mga mata dahil sa kalasingan. “Bakit sasama ka ba?" Ngumisi siya sa tanong ko at hindi pa sinagot ang tanong niya.“Ang daya mo talaga minsan, ako ang unang nagtanong sa’yo, eh,” aniya sabay inom ulit ng alak.“Kasi…kung uuwi ka, eh di uuwi na rin ako, pero babalik din dito of course.” “Buti ka pa, may lakas ng loob na bumalik." aba, nagdadrama pa. “Bakit, hindi ka pa rin ba nakamove on? Sabi mo ikaw mismo ang lumayo sa kanya tapos ngayon? Ganyan ka umasta. Sabi mo, hindi mo na mahal." “Hindi naman talaga pero di ba, Pilipinas iyon…na kung saan kami… you know? Nagkakilala….” hindi ko maiwasan na hampasin siya sa kanyang balikat kaya napadaing siya.“Aka
Huling Na-update : 2024-05-05 Magbasa pa