Home / Romance / My Billionaire EX-BOYFRIEND / Kabanata 31 - Kabanata 40

Lahat ng Kabanata ng My Billionaire EX-BOYFRIEND: Kabanata 31 - Kabanata 40

67 Kabanata

CHAPTER 31

Minutes before the shootout... Nagpalinga-linga sa paligid si Michael. Kailangan niyang maging alerto lalo pa at traydor ang kalaban nila. He can’t afford to lose anyone lalo pa at iilan sa kababaryo nila noon ang puwedeng madamay dahil sa kalokohan ng lalaki. Naging malikot ang mga mata niya. Tinitingnan niya ang bawat sulok na puwedeng pagtaguan ni Nathan. “Ano sa tingin mo?” tanong sa kanya ni Eros. Dahil abala na sa pakikipag-usap ang ama ni Klarisse sa kapitbahay nito ay nagkaroon sila ng pagkakataon ni Eros para mag-usap. “Narito lang siya sa paligid. Sigurado ako sa bagay na iyan,” sagot niya sa kaibigan. At dahil maingay sa kinaroroonan nila ay naglakad silang dalawa sa gilid ng bahay nila Klarisse kung saan walang tao. “Sigurado ka ba sa bagay na iyan? Nakabantay na ang mga kasamahan ko sa possible entrance niya. May checkpoint na pinatupad para hindi makapasok ang unidentified vehicle.” “Iyon ang problema, Pare. Sa kabila ng kagaguhan ni Nathan, alam natin kun
last updateHuling Na-update : 2023-12-22
Magbasa pa

CHAPTER 32

Nang dumating ang mga pulis ay kaagad lumabas si Klarisse at pinuntahan si Michael. Sa bawat sandali na nasa loob siya kanina, habang sila Eros at Michael ay nasa labas at walang kasiguraduhan ang buhay ay hindi man lang siya tumahan sa pag-iyak. Hindi niya talaga mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyari na masama kay Michael at kay Eros. Nang makita ni Klarisse si Michael ay kaagad siyang tumakbo palapit sa lalaki at yumakap dito. Pero hindi pa man nakakaganti ng yakap sa kanya ang lalaking minamahal ay kaagad na siyang kumalas dito. Agad niyang tiningnan ang sugat nito sa noo, at ang sa balikat. Tumingin siya sa mga mata nito habang nanginginig ang mga labi sa pagpipigil na maiyak. “Okay ka lang ba?” tanong niya but that was so stupid of her. Bakit niya pa kailangan na magtanong kung okay lang ito gayong may butas ito sa balikat? Out of sanity ay pinukpok niya ang ulo niya. “Ang tanga-tanga ko talaga kaya ako niloloko, eh. Kaya ako pinagsasamatalahan ng dahil sa katangahan k
last updateHuling Na-update : 2023-12-22
Magbasa pa

CHAPTER 33

Gabi. May kalakasan ang hangin lalo at malapit nang magpasko. Nasa tabing-dagat si Klarisse at hindi alintana ang hampas ng tubig dagat sa binti niya. High tide ng mga oras na iyon kaya malapit lang ang tubig-dagat sa kabahayan. Mag-isa lang siyang nakaupo sa kinaroroonan niya. Kampante naman siya dahil alam niyang may mga nakapalibot na mga bodyguards na kinuha pa ni Michael para bantayan sila. Wala si Michael. Umuwi ito sa bahay nila sa sunod na baranggay. Isinasama silang mag-anak para doon sana sila matulog sa bahay nito subalit tumanggi ang mga magulang niya. Ayaw niya ring matulog sa bahay nito kaya nagpaiwan siya. Mas gusto niya rito sa bahay niya kasama ang mga magulang niya. Natapos ang usapan nilang dalawa ni Greta na hindi niya nasabi ang tungkol sa sakit niya kaya ang inakala tuloy ng kaibigan ay natatakot siya kay Nathan. Natawa siya nang pagak—ang tawang iyon ay para sa nakakaawa niyang sarili. Siguro ay sobrang laki ng kasalanan niya noong past life niya para danasi
last updateHuling Na-update : 2023-12-22
Magbasa pa

CHAPTER 34

“At tungkol naman sa pagyaman ko, madali lang ang naging paraan. Mayaman ang ama namin ni Honey. And thanks to him, nakamit ko nang mas maaga ang pangarap ko,” saad ni Michael. “Ano ba ang pangarap mo? Ang yumaman nang husto? Psh! Lame.” Binuntutan pa ni Klarisse ng tawa ang sinabi niya kay Michael. “Sabihin na nating isa na nga iyon. But it’s not the main reason.” “Ano naman ang main reason mo, aber?”“Wala ka ba talagang ideya?” Maliban sa tunog ng paghampas ng alon ay ang malakas na tibok ng puso ni Klarisse ang nararamdaman niya. Kung puwede lang matunaw ang isang tao katulad ng ice cream o ng kandila, baka kanina pa siya tunaw dahil sa mga titig nito sa kanya. Ang mga mata pa naman nito kung makatingin ay para bang siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa. “Wala, eh,” sagot niya kahit pa may ideya na siya kung ano ang gusto nitong ipahiwatig sa kanya. “Ano ba iyon? Tell me.”Kumilos si Michael at pumunta sa likuran niya. Doon ito pumwesto at niyakap siya mula sa li
last updateHuling Na-update : 2023-12-24
Magbasa pa

CHAPTER 35

Pasado alas-dies na nang napagpasyahan na pumasok ni Klarisse at ni Michael. Magkahawak kamay pa sila habang naglalakad papasok. Naabutan pa nila si Eros at Honey na may pinag-uusapan sa sala at natahimik nang dumating sila. “Wow, saan kayong galing dalawa? Gabi na, ah?” pabirong sita sa kanila ni Honey na agad nakabawi sa dalawa. “Diyan lang sa tabi,” sagot ni Michael na napasulyap pa sa laptop na nasa harapan ng dalawa. “Kayo, bakit gising pa kayo?”“Well, may pinag-usapan lang kaming dalawa ni Eros.”“Kayo na ba?” tanong naman ni Klarisse na inilagay ang isang kamay sa loob ng bulsa ng jacket. Nakaramdam siya ng lamig gayong nasa loob na tuloy sila. Kakaiba ang nararamdaman niya dahil kahit pinagpapawisan siya ay nilalamig siya. Para makaiwas sa tatlo ay inalok niya ng kape ang mga ito. “Kape, baka gusto ninyo? Ipagtitimpla ko kayo.”“You can sit here, ako na ang bahalang magtimpla—”“Nah, just stay here. Bahay namin ‘to, Mr. Ratcliffe, baka nakakalimutan mo. Kaya ako na, okay? S
last updateHuling Na-update : 2023-12-24
Magbasa pa

CHAPTER 36

Habang nasa biyahe silang lahat papunta sa lugar nila Michael ay hindi maampat ang kaba sa dibdib ni Klarisse kaya naman halos mahirapan siyang huminga. She’s almost out of breath. Gusto niyang umiyak dahil sa sitwasyon niya. But she was too bless sa kabila ng sitwasyon niya. Sino ba ang mag-aakala na mayroon silang pangalawang pagkakataon sa buhay ni Michael?God is really good. Dahil sa kabila ng sakit niya ay biniyayaan siya ng Diyos ng mga taong handa siyang tanggapin at mahalin nang walang kapalit. Napatingin siya kay Michael na nasa tabi niya. Nakahawak ito sa kamay niya para bang takot itong mawala siya. Itinaas ni Klarisse ang kamay niyang hawak ni Michael at dinala sa labi niya upang halikan ito. “I love you,” anas niya sa lalaking mula pa noong una ay minahal niya na. “Mahal din kita, Gang, mahal na mahal.” Michael planted a kiss on his lips. Napapikit si Klarisse sa ginawang iyon ng lalaki. It felt nice. Having Michael beside her is really a good thing. Hindi lang kasi l
last updateHuling Na-update : 2023-12-24
Magbasa pa

CHAPTER 37

Nakayuko si Michael habang humahagulhol. Malakas ang iyak niya, at kahit na lalaki siya, at kilala bilang isa sa mayaman sa bansa ay hindi niya alintana ang mga taong nakatingin sa kaniya. Nakakaagaw siya ng pansin sa mga taong dumaraan lalo pa at nasa labas siya ng kwarto kung nasaan si Klarisse. Ang kasal na magaganap sana kanina ay hindi nangyari dahil sa biglaang paglala ng sitwasyon ni Klarisse. Ang buong akala nga nila kanina ni Honey ay wala na ito. But he didn’t give up, kaya isinugod agad nila si Klarisse sa hospital. Halos panawan din siya ng ulirat kanina, at dahil sa nangyari, mas napatunayan niya kung gaano niya kamahal ang babae. Hindi niya kayang mawala ang babae. Mabuti na lang at kahit probinsiya ay mayroong sapat na kagamitan ang hospital. The doctors took 20 minutes to revived Klarisse. Ang mahinang tibok ng puso kanina ni Klarisse ay sapat na para mabuhayan siya ng loob.Pagsubok lang ito, saad pa ni Michael sa sarili. “Anak...” anang boses kasabay ng pagdampi n
last updateHuling Na-update : 2024-02-13
Magbasa pa

CHAPTER 38

Nang kumilos si Klarisse mula sa kinahihigaan nito ay agad hinawakan ni Michael ang kamay nito. Mahigpit ang hawak niya rito na para bang takot siyang mawala sa kanya ang babae. “How are you, Gang?” puno ng pag-aalalang tanong ni Michael sa babae.Kahit nahihirapan ay ngumiti si Klarisse. Ang mga labi ng babae ay tila ba labi ng taong uminom ng isang litrong suka dahil sa putla. Michael wanted to cry, pero ayaw niyang ipakita kay Klarisse na mahina siya.Yes, he felt weak right now, but it doesn’t mean that na kailangan niyang ipakita kay Klarisse iyon. Gusto niyang ipakita kay Klarisse na matatag siya para hindi ito panghinaan ng loob.Kumilos si Klarisse, gusto nitong umupo kaya agad itong tinulungan ni Michael. Dahan-dahan ang naging pagkilos ni Michael na para bang isang babasaging porselana ang babaeng iniibig.“S-salamat,” saad ni Klarisse sa gitna ng paghabol ng paghinga. Sa kaunting pagkilos na ginawa niya ay halos pangapusan na siya ng hininga. And she knew how bad is her con
last updateHuling Na-update : 2024-02-13
Magbasa pa

CHAPTER 39

“Hi!” mahinang bati ni Honey kay Michael nang pumasok ito sa hospital room na kinaroroonan ni Michael at ni Klarisse.For transfer na ngayon ang dalaga sa Manila. Apat na araw na simula nang ma-admit si Klarisse dito sa provincial hospital. Gustuhin man ni Michael na mailipat ang babae sa Manila ngunit masiyadong mahina ang babae sa loob ng tatlong araw. Ngayon lang naging mabuti ang lagay nito kaya naman minabuti nilang dalhin na ito sa Manila lalo pa at pauwi iyong doktor na sinasabi ng ina ni Michael.“How’s Klarisse?” tanong ni Honey sa kapatid sabay tingin sa babaeng nakahiga at nakapikit. Sa tingin niya naman ay natutulog ito kung pagbabasehan ang mabining paghinga nito.“She’s fine,” malungkot na sagot ni Michael. Ang totoo ay nakausap na ito ng doktor tungkol sa kung ano ba talaga ang sitwasyon ng babae. Klarisse has 3 months to live. Iyon na ang pinakamahabang oras na itatagal ng babae.“She’ll make it, brother, don’t worry.” Tinapik ni Honey ang kapatid sa balikat. That's th
last updateHuling Na-update : 2024-02-13
Magbasa pa

CHAPTER 40

Dahil nga naiintindihan ni Honey ang sitwasyon ng kapatid ay hindi na siya nagpumilit pang pakiusapan ito na harapin ang porblema nila sa kompanya. Total naman, kapag naging maayos na ang kinakaharap nitong problema ay magkukusa ito. “Ano? Magkita na lang tayo sa Manila?” saad ni Honey sa kapatid. “Sumabay ka na lang kaya sa amin.” Hindi alam ni Michael kung bakit siya kinakabahan. Gusto niyang mag-stay ang kapatid at sumabay na lang sa kanila sa pagluwas sa Manila. Ngumuso si Honey. “Uuna na ako, ano ka ba. May kailangan lang akong kausapin. And besides, naghihintay sila Charlotte at Greta sa akin. Silang lahat naghihintay sa akin. We will figure out kung ano ang magandang gawin.”“Pero...”“Luh? What's with that attitude, Kuya? Why all of the sudden ay ganiyan ka? Ano ang problema? Natatakot ka ba na i-ambush ako?” pagbibiro ni Honey sa kapatid niya. “Honey, ano ba iyan,” saway ni Michael kasabay ng pag-usbong ng kakaibang kaba sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit nagkaganito n
last updateHuling Na-update : 2024-02-13
Magbasa pa
PREV
1234567
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status