Dahil kilala na rin ako sa Opisina ni Dreyk bilang asawa niya ay hindi na ako nahirapan na makapasok sa kumpaniya. Sa lahat ng nakakilala sa akin, panay pag Good morning at pagbow ang ginawa nila. Ayaw ko namang magmukhang snob kahit pa nagmamadali ako na mapuntahan si Dreyk at malaman kung ano ang kalokohan na ginagawa nito, kaya naman binalikan ko na lang sila ng pag ngiti. “Good Morning ma’am, gusto niyo po bang tawagan ko si Sir at sabihin na narito kayo?” Pagkarating sa elevator ay nakasabay ko ang Marketing manager na si Ms. Karen. “Huh? No, hindi na. Hindi kasi niya alam na pupunta nga ako rito, gusto ko kasi siyang isorpresa.” sabi ko, mabuti na lang at nagbitbit ako ng lunch box, pang alibi pa. Tumango-tango si Ms. Karen sa ‘kin, “Gano’n po ba, ma’am? Naku, ang sweet niyo naman po.” Hindi na ako sumagot, nginitian ko na lang siya at naghintay na makarating ako sa Opisina ni Dreyk. Ngunit ilang sandali lang ay may naisip ako na itanong sa kaniya. “Excuse me, puwede ba ‘
Last Updated : 2024-01-11 Read more