Bukas, puwede nang lumabas ang kapatid ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako babalik sa trabaho nang hindi nag-aalala sa kaniya, dahil baka mapabayaan siya at lumala lang ang kondisyon niya. "Isama mo na lang sa bahay," suhestyon ni Camila. Hindi naman ako agad makapagdesisyon, dahil baka malulungkot lang siya doon. Papasok ako ng trabaho, maiiwan siya sa bahay. Ang kasama lang niya ay ang mga maids. Mabuti sana kung doon pa din nakatira si Divine. "Sa akin na lang muna siya, Ate," sabi naman ng kapatid ko. "Hindi ko siya pababayaan," pangungumbinsi niya. Sa totoo lang siya na lang ngayon ang puwede kong pagkatiwalaan sa buong pamilya, bukod kay Tatay. "Kausapin muna natin si Tatay mamaya," sagot ko naman. Siya pa din naman ang magulang at kapatid lang kami. Kadadating lang ni Nanay. Nasabi na sa kaniya ng kapatid ko at ang bilis niyang sumagot na okay lang. Hindi man lang nito sinabi na sa bahay na lang. Aalagaan ko ang kapatid ninyo. Pero hindi, e. Para bang pabor na pabor
Last Updated : 2023-11-27 Read more