Ilang araw na ang lumipas mula nang magpunta ako sa mansyon ng mga Antonio. Ilang araw na din na hindi kami nagkita ni Darius. Ilang araw na din mula nang magpalit ako ng number, para iwasan siya kung sakali man at para na din hindi ako makontak nina nanay. Am I stress free? I can't tell. Nakakapanlata ang bumangon kada araw para maghanap buhay pero ganunpaman, kailangang lumaban. Napag-isip-isip ko na sumubok din sa negosyo. Iyong malayo sa linya ng business ni Camila dahil wala naman akong plano na kalabanin siya. Hindi ko pa naman ngayon sisimulan, dahil wala naman akong pang-capital. Nasimot na talaga ang savings ko. Ayaw ko namang ibenta pati ang sasakyan ko dahil magtataka na talaga sina Amanda at Camila. "Bakit mo binebenta ang mga gamit mo?" tanong ni Camila. Malalaman at malalaman talaga niya ang ginawa ko lalo at friends kami sa mga social media account namin. "Naisipan ko lang na mangolekta ng iba.""Sure ka? Hindi ka naman ba gipit? Iyong totoo?" Malakas talaga ang pa
"Ako na po ang bahala dito, 'Tay..." Alas-singko ng umaga, kailangan nang umuwi ni Tatay sa bahay, upang mag-asikaso para sa kaniyang pagpasok sa trabaho. "Pakibilinan na lang po si Onad na asikasuhin ang mga bata doon. Baka kasi pabayaan. Baka makikipaglampungan lang na naman sa nobya niya maghapon," hindi ko maiwasang maging masungit. Nalaman ko na ilang araw na daw itong hindi pumapasok sa eskwelahan. Kung hindi lang ako kailangan ng kapatid ko dito, uuwi ako doon para kaladkarin siya papasok ng eskwelahan. Kung ayaw niyang mag-aral, mas maigi pa na lumayas na sila ng bahay. Buhayin niya ang kaniyang nobya, hindi iyong uunahin ang pakikipaglandian kaysa ang pag-aaral. Malandi naman ako, pero alam ko namang ilugar iyon. Hindi gaya na lalandi pero aasa pa din sa akin at kay Tatay. Imbes na ginagabayan at dinidisiplina kasi siya ni Nanay, hindi. Mas abala ito sa pagsusugal, kaysa gampanan ang pagiging ina sa mga kapatid ko at pagiging mabuting asawa kay Tatay. Ang bigat ng paki
"Hello, Darius. Napatawag ka?"Pasimple siyang tumingin sa akin. Si Amanda naman ay hindi na inalis ang mga mata sa akin, kaya pinilit kong umakto na tila wala lang, kahit na ang totoo ay napakabilis ng kalabog ng aking dibdib. ."Wala siya sa shop ngayon..." Tumikhim si Camila. May munti at mapang-asar na ngiti sa kaniyang mga labi. "I mean, wala kami sa shop ngayon. Nasa ospital kami ni Amanda." Tumaas ang kaniyang kilay. "Wala ayos lang naman kami. Si Lily ang pinuntahan namin dito." Ako naman ngayon ang tumaas ang kilay, pero nakipagtaasan lang siya ng kilay sa akin. Si Amanda naman ngayon ay halos malagpasan na ng kaniyang noo ang kaniyang kilay. Nakahalukipkip pa ito. Tumikhim si Camila. Kaunti na lang tatawa na ito. Alam na alam ko kapag may pinaplano siyang kalokohan. "Yeah. She's fine." Tinignan ni Amanda si Camila gamit ang nagtatanong na mga mata, but Camila just shrugged. "Uh-huh. Baka ilang araw din siya dito sa ospital."Kung wala lang sina Nanay at Amanda, baka in
KINAUMAGAHAN may dumating ulit na delivery galing kay Darius. This time prutas naman at flowers. "D..." basa ni Nanay sa initial na nakasulat sa note na nakalagay. Nag-isip siya saglit, pagkatapos ay naniningkit ang mga mata na tumingin sa akin. "Kanino galing 'to, Anak?" usisa niya. Para bang close kami kung makapagtanong siya tungkol dito. Anak, ha? "Sa supplier po 'yan. Si Miss D," mabilis ko namang sagot. "Ganu'n?" tila hindi naniniwalang tanong niya. Hindi ko alam kung ano ang pinunta niya dito. Ang kumustahin ang bunsong anak niya o ang usisain ang buhay ko? Dahil may nalaman siyang nakakuha ng interes niya. Nakakahiya talaga siya mag-isip. Huwag lang talaga niyang pakikialaman ang personal kung buhay. I swear. Baka doon tuluyang maubos ang pasensya ko. Okay lang sana kung close talaga kami. All of a sudden naging interesado siya tungkol sa akin. She's acting so weird, and acting like she give a goddamn fvck about my life. "Akala ko lalake..." anas niya. "Akala mo lang
Bukas, puwede nang lumabas ang kapatid ko. Ngayon, hindi ko alam kung paano ako babalik sa trabaho nang hindi nag-aalala sa kaniya, dahil baka mapabayaan siya at lumala lang ang kondisyon niya. "Isama mo na lang sa bahay," suhestyon ni Camila. Hindi naman ako agad makapagdesisyon, dahil baka malulungkot lang siya doon. Papasok ako ng trabaho, maiiwan siya sa bahay. Ang kasama lang niya ay ang mga maids. Mabuti sana kung doon pa din nakatira si Divine. "Sa akin na lang muna siya, Ate," sabi naman ng kapatid ko. "Hindi ko siya pababayaan," pangungumbinsi niya. Sa totoo lang siya na lang ngayon ang puwede kong pagkatiwalaan sa buong pamilya, bukod kay Tatay. "Kausapin muna natin si Tatay mamaya," sagot ko naman. Siya pa din naman ang magulang at kapatid lang kami. Kadadating lang ni Nanay. Nasabi na sa kaniya ng kapatid ko at ang bilis niyang sumagot na okay lang. Hindi man lang nito sinabi na sa bahay na lang. Aalagaan ko ang kapatid ninyo. Pero hindi, e. Para bang pabor na pabor
PAGDATING ni Tatay ng gabi, natigilan siya nang makita niya ang bouquet at malaking stuff toy. "Bigay ni Ate sa akin, 'Tay," sabi ni bunso habang yakap-yakap niya ang kaniyang stuff toy. "Hindi ba nakakaubo iyan?" tanong naman ni Tatay habang nakangiti. Nilapitan niya ang kapatid ko saka hinalikan sa ulo. Hinaplos din niya ang stuff toy upang i-check ang balahibo nito. Ngumiti siya. "Tay, napag-usapan namin ni Ate kanina na sa bahay na lang muna si bunso. Nasabi na din namin kay Nanay." Nagbago agad ang mood ni Tatay. Naging malungkot ang mukha nito. "Mukhang iyon ang makakabuti para sa kaniya sa ngayon. Ayaw ko man, dahil malulungkot ako. Alam niyo naman na malambing sa akin itong bunsong kapatid niyo." Biniro ko si Tatay. "Tay, ha. May paborito ka na ngayon." Tumawa lang siya. Hinaplos niya ang buhok ng kapatid ko at saglit itong pinagmasdan. "Mag-aasawa ka na ba, Anak?" tanong niya sa akin, habang nakatingin sa malaking bouquet. "Wala po akong nobyo, 'Tay..." mabilis kong
BEFORE lunch, na-settle ko na ang bills dito sa ospital. Ready na kaming umuwi, katatanggal lang din ang suwero sa kamay ng kapatid ko. Naayos na namin ang mga gamit namin. Ang grab driver ay malapit na ding dumating. Pero hindi pa kami makaalis-alis ng hospital room. Kanina ko pa hinahanap ang hikaw ko. "Baka nasa bag mo lang iyon, Ate. Wala bang secret pocket iyan?" Tinaktak ko na nga kanina ang bag ko, e. Pero wala talaga. Pati ang hospital bed halos baliktarin ko na din. "Baka nawala na. Bumili ka na lang ng bago," sabi niya. "Regalo iyon sa akin ni Camila noong naging successful ang unang branch na tinayo niya..." Bumuntong hininga ako. Sobrang halaga nu'n sa akin, may sentimental value iyon, bukod sa mahal nitong presyo. Tumulong na din ang kapatid ko sa paghahanap. Si bunso naman ay abala sa panonood habang hindi pa kami lumalabas dito. Wala talaga. Nasa labas na ang grab. Nagbilin ako sa nurse na kung may makakita nu'n, pakitawagan ako. Magbibigay ako ng reward. Sum
Hindi ko na talaga alam ang iisipin ko sa nanay ko. Ako pa ang nagmukhang masama. Tamad ko siyang tinignan. Nagsukatan kami ng tingin, pero agad ding naputol nang may dumating na bisita si Nanay. "Tara na!" aya ng isang maputing ginang kay Nanay. Maganda ito manamit. At naagaw ng aking pansin ang suot niyang hikaw. Ang pearl earrings ko. Hindi ako maaring magkamali. Akin ito. Limited edition ang earrings na ito. Pinasadyang ipagawa ito ni Camila sa isang jeweler. "Nay!" Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Napatingin din ang kapatid ko sa tenga nang babae. Tiyak na napansin niya ang pagkakatitig ko doon. Suminghap siya. Nang makita naman ni Tatay ang ginagawa ng kapatid ko na walang hiyang pagtitig sa babae, masama siyang tumingin kay Nanay.Sa ilang gabi na na magkasama kami sa ospital, alam kong kabisado na niya ang suot kong alahas. Lalo at wala akong suot ngayon. Hinubad ko lang ito kagabi nang maligo ako. Pagkatapos kong maligo, si Nanay naman ang gumamit ng banyo.
Pinukpok niya ang mesa gamit ang kaniyang kamao. Hindi ko mapigilang nakaramdam ng inis para kay Tatay. Pasaway pala siya at sakit sa ulo. "Pero sinikap kong ipagsawalang bahala ang lahat. Hindi naman niya sinabi na mamahalin niya ako nang kinuha niya ako. Ang bata lang ang concern niya. Hindi naman niya inuuwi sa bahay ang babae niya kaya ayos lang. Pero nasasaktan ako. Buntis ako, tapos sobrang sama ng aking loob." "Hanggang sa isang gabi hindi siya umuwi ng bahay. Ilang oras na akong naghihintay, nag-aalala na din ako. Bukod doon may gusto din akong kainin. Lumabas ako ng bahay kahit kabilin-bilinan niya na huwag na akong lumalabas kapag ganiyan na gabi na. Kaso gusto ko talagang kainin ang gusto ko. Sa madalas nilang iniinuman, napadaan ako. Nakita ko na may katabi siyang babae at nakaakbay siya dito. At halos umusok ang ilong ko sa galit nang halikan siya ng babae... Nakita ako ng isa sa kainuman niya. Tinuro ako. Mabilis namang tumayo ang Tatay mo sa kaniyang kinauupuan. Nag
HINDI pa tapos ang lahat pero nagpasya na si Darius na umuwi kami ng Pinas, dahil kailangan siya sa kanilang kompanya. Pagkatapos nang mahaba at nakakapagod na flight, sinundo kami ng kanilang mga tauhan sa airport kasama ang ilang mobil ng pulis, upang masiguro ang aming kaligtasan. Hindi din biro ang kalaban. They were big and also powerful. Malaya pa din sila dahil walang sapat na ebidensya na direktang nagtuturo sa kanila na may kinalaman sila sa mga nangyari. Dumaan muna kami sa aking pamilya bago kami dumiretso sa mansyon ng mga Antonio. Ilang buwan pa lang ang lumipas pero parang ang lahat ng nangyari ay tila kahapon lamang. Masakit pa din sa dibdib. Ang sakit ay tila bumalik at hindi man lang nabawasan sa ilang buwan na lumipas. I was so deppress and my anxieties are getting worst and always kicking in. It's killing me. Kaya nagpasya si Darius na kumbinsihin akong magpa-treatment. I didn't fully recovered yet. Not just yet. Hindi ko alam kung kailan pa ako makaka-recove
MARAHAN kong binuksan ang aking mga mata. Ramdam ko ang paghapdi ng mga ito kaya muli akong pumikit. Nanginginig at nanlalambot ang buo kong katawan. Masakit ang aking ulo. Pero wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ko ngayon. Ang sakit. Ang sakit ng aking puso. Nasaan ako? Muli kong minulat ang aking mga mata. Nasa isang silid ako. Hindi ito pamilyar. Hindi ito sa bahay ni Darius at lalong hindi sa kuwarto niya sa mansyon. Panaginip... Panaginip lang ba ang lahat? Sa nanginginig at nanghihinang boses, tinawag ko si Darius. Pero hindi niya ako sinagot Dinig ko ang lagaslas ng tubig galing sa banyo. Marahil ay naliligo siya. Naupo ako at sinandal ang aking likod sa malambot na headboard ng kama. Nagmuni-muni saglit. Iniisip ang mga nangyari. Tinignan ko din ang aking suot. Nakasuot ako ng terno na pajama. Hanggang sa nabulabog ako dahil sa malakas na kulog at sobrang laking mga kidlat. Sa sobrang takot ko, tumalon ako ng kama at nagkubli sa gilid. Naalala ko ang mga putukan n
"Ubusin mo," marahang sambit ni Darius sa isang baso ng tubig na inabot niya sa akin. Panay ang sinok ko dulot ng matinding pag-iyak. Wala pa ding tigil ang pagbuhos ng mga luha mula sa aking mga mata. Inabutan niya ako ng tissue upang maisinga ko ang aking sipon. Sinipon na din ako kakaiyak. Para din akong magkakasakit. Nanginginig ang aking katawan at nanlalamig ang aking mga kamay at talampakan. Sa tuwing nanghihina ako at tila sinasaksak ng kutsilyo ang aking puso, napapasigaw na lang ako dahil sa sakit na nararamdaman ko sa aking dibdib. Ano'ng kasalanan nina Tatay at mga kapatid ko para gawin sa kanila iyon?Ang mga kapatid ko, ang liliit pa nila. Ang Tatay... Ang tatay ko. "D-Darius... Ang sakit," iyak ko at mahigpit siyang niyakap. Hinaplos niya ang aking likod. He keeps on murmuring some words to make me feel better, but it isn't working. Namatay ang Tatay at dalawang kapatid ko. May namatay din na dalawang tao, na nadamay nang magpaulan ng putok ng baril, ang dalawan
Hanggang ngayon ay parang naririnig ko pa din ang boses ni Nanay. Anak ako ni Tatay sa ibang babae. Hindi ako anak ni Nanay. Hindi siya ang tunay kong ina. Kung ganoon, sino ang tunay kong ina? Nasaan siya? Bakit niya ako binigay kay Tatay? Bakit pumayag siya na iba ang kilalanin kong ina? Hindi ba niya ako mahal, kaya basta na lang niya akong binigay kay Tatay at sa asawa nito? Marahang hinaplos ni Darius ang aking pisngi, ang mga luhang namalisbis mula sa aking mga mata ay tinuyo niya gamit ang kaniyang panyo. Mababakas ang pagkaawa at pag-aalala sa kaniyang mukha habang nakatunghay sa akin. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pagkatapos ng mga nangyari. Pagkatapos nang katotohanan na naisiwalat sa aking harapan. Hindi ako mahal ni Nanay. Lagi ko noon naiisip ang bagay na ito, pero pilit kong kinukumbinsi ang sarili ko na mahal niya ako. Madami lang kaming magkakapatid kaya nahahati ang atensyon niya. At heto nga, hindi niya talaga ako anak. Paano ba magagawa n
UMAASA ako na dadating si Darius. Umaasa ako at naghihintay sa kaniya. Ililigtas niya ako. Si Tatay. Sana malaman niya na may kinalaman sina Nanay sa nangyari sa akin. Tinulak ako ng mga lalake papasok ng silid kaya nadapa ako. Lumapit ang isa sa akin at pagkatapos ay tinalian muli ang kamay at paa ko. Pagkatapos ay iniwan ulit akong mag-isa. Naririnig ko ang mga boses nila mula dito. Nagtatalo-talo na sila tungkol sa pera. Gusto ng iba ang milyones na nasa bank account ko. Pero paano nila iyon makukuha? Hindi ko iyon puwedeng withdraw-hin over the counter. Kung gagawin ko iyon, tiyak na kalaboso ang aabutin nila. They're out of their mind. Hindi nila alam ang ginagawa nila. Wala silang plano at walang maayos na pag-iisip. GUSTO kong makausap si Onad. I shout and call his name. Sa huling pagkakataon, gusto kong bigyan siya ng tiyansa. Kapatid ko siya. Ate niya ako kaya umaasa ako na pakikinggan niya ako. Na pakakawalan niya ako. At ipapangako ko na hindi sila makukulong. "Ona
I don't want to die yet...Muli akong napasigaw nang tangkaing basagin ang salamin ng aking sasakyan. Sa sobrang takot halos hindi na ako huminga sa kakasigaw"Babe, can you hear me?! Lilienne!""D-Darius! Ayaw ko pang mamatay!""Ah!" Yumuko ako nang tuluyan nang mabasag ang bintana ng aking kotse. "Baby! Lilienne!""A-Ano po ang kailangan niyo sa akin? Wala akong perang dala..." Nanginginig na ako sa matinding takot. Nakasuot ng helmet ang mga lalake kaya hindi ko sila mamukhaan. Hindi sila nagsalita at basta na lang nilang tinakpan ang bibig ko ng panyo. I tried to scream and ask for help but there's no other car passing by at this moment. "D-Darius..." And then, everything went black. WHAT happened? Sobrang sakit ng ulo ko. At nang maalala ko ang nangyari, muling nabalot ng matinding takot ang aking pagkatao. Madilim. Wala akong makita. Ang kamay ko ay nakatali. Nangangalay ang aking katawan. "Mmmm!" Ang bibig ko ay mayroon ding busal. Ang lalamunan ko'y nanunuyo din. Oh
NAPATINGIN ako kay Camila nang kumatok siya sa may hamba ng pintuan dito sa opisina. "Ayos ka lang?" Tumango ako at pagkatapos ay muli kong tinutok ang aking mga mata sa laptop. "Gusto mong pag-usapan natin?" tanong ulit niya. Hindi kumbinsido sa pagtango ko. Nagkatinginan kami. Tinaas niya ang isang kilay niya. Bumuntong hininga ako at tipid na ngumiti. "Ang lalim ng iniisip mo. Nag-away ba kayo ni Darius?" Naupo siya sa chair na nasa tapat ko. "Ayos naman ako. Ang dami ko lang mga iniisip lately." "Problema?" Hindi ako nagsalita. "Kaibigan mo ako, Lily. Napansin ko na hindi ka na gaanong nagsasabi sa akin. Hindi porke, may asawa na ako. Wala na akong pakialam sa'yo."Pumasok ng opisina si Amanda. Hindi siya nagsalita nang mapansin ang kaseryosohan sa mukha namin ng kapatid niya. Kinuwento ko sa kanila ang tungkol sa nangyari, noong nakaraang gabi, kaya ako umuwi. Pati na din ang nangyari kahapon sa bahay. "I don't know what to say. But..." Umiling si Camila. I know she's g
NASA bahay na si nanay pagdating ko. Hanggang ngayon ay umiiyak pa din ang mga kapatid ko. Si Nanay naman ay inaalo ang mga ito. "Naglabada ako kaya wala ako kanina," sambit ni Nanay nang makita niya ako.Lumapit sa akin ang iba kong mga kapatid. Nanginginig pa ang mga ito dahil sa takot sa nangyari kanina. Sabay-sabay na kinukuwento ang nangyari kanina lamang. "Tahan na. Huwag na kayong umiyak, okay?" Pinaghahalikan at niyakap ko sila isa-isa. "May kapitbahay na nagpunta doon para sabihin ang nangyari dito."Hindi na muna ako nagsalita at sumagot sa sinasabi ni Nanay. Hindi na muna ako nagtanong. Inalo ko ang mga kapatid ko at pinapakalma. Nagpa-deliver na lang din ako ng pagkain sa isang fastfood, para kahit paano sumaya ang mga bata. Pinauna na muna namin ang mga kapatid ko na kumain. Pagkatapos kumain, pinaliguan ko na sila at pinatulog. "ANO na naman ang kaguluhan na kinasangkutan mo?" galit na tanong ni Tatay pagdating na pagdating pa lang niya. Naiyak si Nanay at sinabi