Home / Romance / Billionaire's Lost Sweetheart / Chapter 1 - Chapter 10

All Chapters of Billionaire's Lost Sweetheart: Chapter 1 - Chapter 10

16 Chapters

Kabanata 1

“Natatakot ako, hindi ko kakayanin kung mawala ka sa akin!”“Hindi ako mawawala, ipinapangako ko sa’yo lahat ay gagawin ko para manatili tayong magkasama. Hindi ako mawawala sa tabi mo dahil mahal na mahal kita Haira,”“Mahal din kita, sobrang mahal,”Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko, ngunit patuloy sa paglandas ang mga luha ko at tila wala itong planong tumigil. Muli, ang masakit na panaginip na iyon ang siyang gumising sa akin. Halos tatlong buwan na rin nang magsimula akong managinip ng mapanakit na eksena ng dalawang magkasintahang hindi ko naman kilala. Gustuhin ko man silang kilalanin ay hindi ko naman makita ng malinaw ang mga mukha nila sa aking panaginip.“It’s just a dream, pero bakit ang sakit?” pabulong kong sambit saka muling ipinikit ang aking mga mata. Ngunit agad din akong napadilat at muling napatitig sa kisame ng aking kwarto.“Teka nasaan ako?”Mabilis akong napabangon mula sa pagkakahiga sapagkat hindi ito ang kwarto ko. Nasaan ba ako? Inilibot ko ang mga
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more

Kabanata II

“Ara, buti naman dumating kana,” Lalong dumoble ang kabang nararamdaman ko ng pagkababa ko sa taxi ay agad akong sinalubong ni Anie, isa sa mga kasambahay namin at kaibigan ko.Madating pa lamang ako ay natatanaw ko na siya sa labas ng gate namin na tila hinihintay talaga ang pagdating ko.“Anong problema Anie?” nagawa ko pang itanong ngunit sa totoo lang ay nakakaramdam na ako ng takot. Paano kung nalaman na nila ang nangyare sa akin? Hindi ko pa batid kung paano ako humantong sa ganong sitwasyon kaya’t hindi ko magagawang ipaliwanag sa kanila ang totoo. Paano ko ipagtatanggol ang sarili ko kung maging ako ay hindi ko alam kung ano nga ba ang nangyare ng gabing iyon. Ngunit ang pinaka kinatatakutan ko ay ang malaman ni Theo, siguradong manganganib ang relasyon naming dalawa.“Si Sir Theo kanina kapa hinihintay,mukang galit ito at-“Si Theo?” halos pabulong kong tanong ng marinig ang pangalan ng nobyo ko. Isang tango ang isinagot sa akin ni Anie, ngunit takot ang mababakas sa kanyang
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more

Kabanata III

“Walanghiya ka Sarah! Bakit mo ginawa sakin to?” umiiyak sa gigil na tanong ko kay Sarah. Hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang galit niya sa akin. “Sorry na sis, ikaw naman kase masyado kang epal sa buhay ko. Lahat na gusto mo sayo, kayamanan at Daddy ko inaambisyon mo samantalang sampid lang naman kayong mag-ina!” “Wala akong kasalanan sayo Sarah, wala akong kinukuha sayo. Kailangan malaman ito nila Theo,” impit akong napasigaw ng sipain ni Sarah ang binti ko dahilan upang mapaupo akong muli buhat sa pagtangka kong tumayo. Agad niyang hinaplot ang buhok ko saka nanlilisik ang matang pinakatitigan ako.“May maniniwala kaya sayo? Halika sasamahan pa kita,” nakangisi niyang wika, lalo akong naiyak dahil sa inis. Hindi na niniwala sa akin si Theo ng sabihin kong hindi ko ginusto yun, malamang hindi rin nila paniwalaan ang pagsusumbong ko kay Sarah. Marahil ay lalo lamang sila magagalit sa akin, hindi ko dapat ubusin ang oras ko sa pagbunyag sa ginawa ni Sarah. Kailangan mapataw
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more

Kabanata IV

“Anak kamusta kana?” Napahinto ako sa pagkain ng magtanong si Mommy, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Ang daming naganap sa buhay ko, inakala kong pababayaan na ako ng Panginoon ngunit nagbigay parin ito ng awa sa akin. Matapos kong umalis sa amin ay ilang araw akong nagpalaboy laboy sa kalye. Nagawa kong mamalimos upang may makain. Sinubukan kong lumapit kay Theo noong una ngunit paulit-ulit niya akong tinataboy kasama ng masasakit na salitang binabato niya sa akin. Alam kong galit siya ngunit hindi ko matanggap na kaya niya akong husgahan ng ganon, ang akala ko mahal niya ako ngunit tila mali ang lahat ng akala ko. Gaya ng inakala kong pagmamahal sa akin ng nakagisnan kong ama.Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng iwan ako ng lahat. Laking pasasalamat ko ng hinanap ako ni Anie at pansamantalang pinatuloy sa bahay nila. Isang araw ay binalita nito na gusto akong makausap ng Mommy ko kayat pasikreto kaming nagkita.“Mom, hindi mo ba ko tunay na anak? Ampon
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more

Kabanata V

“I don’t care how much it cost, ubusin nyo ang lahat ng pera ko mahanap lang siya! Halughugin nyo ang buong Pilipinas kung kinakailangan!” galit na galit sigaw ni Jiro sa mga private investigator na hinire niya matapos ibalita ng mga ito na hindi parin nila nahahanap ang pinapahanap nito.“Yes sir, we will do everything para mahanap siya,” magalang na sagot ng isa sa mga ito.“You better do, dahil kapag may nangyareng masama sa kanya, ako mismo ang tatapos sa mga buhay nyo! Now get out of my sight and do your work!” muli ay bulyaw nito kayat nag alisan na ang mga lalaki.Tila apoy ang mga mata ni Jiro dahil sa labis na galit. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair upang magpalakad lakad. Isang suntok ang pinakawalan niya kayat umagos ang dugo mula sa kanyang kamao na naroon parin sa pader na sinuntok niya.“Stop messing your life, sa tingin mo ba matutuwa si Johara sa ginagawa mo!” Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Jiro kayat napilitan ang binatang bumalik sa harap ng
last updateLast Updated : 2023-11-14
Read more

Kabanata VI

Nagtataka man ay sumunod na lamang ako sa kasambahay na Jiro ng sabihin nitong sa second floor ang magiging silid ko. Kanina ay umuwe ako upang ipaaalam sa tita at anak ko ang tungkol sa bago kong trabaho, kumuha na rin ako ng mga gamit ko na siyang dala ko sa pagtuloy ko dito. Kanina ay halos madurog ang puso ko ng makitang umiiyak ang anak ko, muntik pang magbago ang isip ko at h’wag na tumuloy ngunit pinili kong tatagan ang aking sarili.Nakapirma na ako ng kontrata kay Jiro, kaya’t hindi na ako maaaring umatras, isa pa ay sayang ang 10 million, kailangan ko iyon upang masigurado ang kinabukasan ng anak ko.“Ang laki naman ng mansion ng mga Rivera, mas maganda ito kaysa sa mansion nami--,” Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita ang kasambahay na ngayon ay katatapos lang buksan ang isang silid na siyang nasa harapan ko ngayon.“Nurse Ara, dito po ang kwarto ninyo,” Kunot noo akong pumasok sa silid, inilibot ko ang aking paningin na siyang lalong nagpakunot sa noo ko. Sa halip na mg
last updateLast Updated : 2023-11-17
Read more

Kabanata VII

Hindi ako nakakilos dahil sa labis na gulat, ramdam ko rin ang diin ng paraan ng paghalik niya kayat sinikap kong itulak siya ng makabawe ako. Ngunit lalo lamang niyang idiin ang sarili sa akin, niyakap niya din ako ng mahigpit kayat hindi na ako nakapanlaban pa. Kusang sumuko ang mga kamay ko sa pagtulak sa kanya ng maramdam kong naging banayad na ang mga halik niya. Tila iyon lamang ang hinihintay ng aking sarili upang tuluyang maanod sa mapangahas niyang halik. Kapwa kami hinihingal ng magbitaw ang aming mga labi, doon ko naramdaman ang hiya kayat awtomatikong naitulak ko siya. Matatalim ang mga tinging binato ko sa kanya pagkatapos kong makabawi ngunit galit na tingin naman ang isinalubong niya sa akin. “Bakit parang ikaw pa ang galit sa akin?” lakas loob kong tanong sa kanya. Bakit ako matatakot sa Jiro na to, kahit pa amo ko siya hindi tamang basta na lamang niya ako hahalikan. Pero pumayag ka naman, nagustuhan mo pa nga diba? Sigaw naman ng isip ko kayat lalo akong nag ngitngi
last updateLast Updated : 2023-11-17
Read more

Kabanata VIII

Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya. “Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?” Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa
last updateLast Updated : 2023-11-17
Read more

Kabanata IX

“Congratulations Miss Ara,” nakangiting bati sa akin ni Cecil na sinamahan pa ng bahagyang tudyo sa aking tagiliran, ngitian ko naman ito bilang tugon.“Anong Miss Ara?” kapwa kami napatingin ng magsalita si Erika, nasa tabi na pala namin ito at abala sa pagkain.“Ano kaba, syempre kasal na sila ni Sir alangan namang Ara parin itawag natin sa kanya,” depensa naman agad ni Cecil sa pagkontra sa kanya ni Erika. Nasalo ko na lamang ang aking ulo, kanina pa’y wala na akong narinig kundi anng tungkol sa kasal na iyan.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay bigla na lamang akong ikakasal at sa tao pang pinaglihi ata sa sama ng loob. Bahagya akong nalungkot dahil sa pag-iisip, bigla kase ay sumagi sa isipan ko ang kasal ko sana noon na matagal kong pinaghandaan. Kung hindi lamang ako naset-up marahil ay masaya na kami ni Theo ngayon, ngunit sa isang banda ay pinagpapasalamat ko narin sapagkat nakita ko ku
last updateLast Updated : 2023-11-18
Read more

Kabanata X

Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin kinabukasan, ngunit ang mahigpit na yakap ni Jiro ang nagpadilat sa akin. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko matapos kong pagmasdan ang natutulog na si Jiro. Kusa namang tumaas ang kamay ko upang haplusin ang kanyang muka, ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kanang kilay. Kay ganda ng mga mata niya, unang beses ko palang siyang nakita sa bar ay gandang ganda na ako sa mga mata niya. Ang mata ilong niya ay parang mata at ilong ng foreigner pero ang kulay niyang kayumangging gaya ng isang tunay na Pilipino. Ngayon ko lang aaminin, ang gandang lalaki ng amo kong mainitin ang ulo, madalas ay bumabagay pa sa kanya sa tuwing magsusungit siya.“Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka,”“Ahh aray,” Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit, kasabay ng isang tinig na tila narinig ko sa aking isipan. Nang mawala ang sakit ay sinubukan kong isipin kung paanong narinig ko iyon mula sa isip ko. Sino ang nagsabi non at para kanino?
last updateLast Updated : 2023-11-19
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status