Share

Kabanata VI

Author: Yna Florencia
last update Huling Na-update: 2023-11-17 07:42:43

Nagtataka man ay sumunod na lamang ako sa kasambahay na Jiro ng sabihin nitong sa second floor ang magiging silid ko. Kanina ay umuwe ako upang ipaaalam sa tita at anak ko ang tungkol sa bago kong trabaho, kumuha na rin ako ng mga gamit ko na siyang dala ko sa pagtuloy ko dito. Kanina ay halos madurog  ang puso ko ng makitang umiiyak ang anak ko, muntik pang magbago ang isip ko at h’wag na tumuloy ngunit pinili kong tatagan ang aking sarili.

Nakapirma na ako ng kontrata kay Jiro, kaya’t hindi na ako maaaring umatras, isa pa ay sayang ang 10 million, kailangan ko iyon upang masigurado ang kinabukasan ng anak ko.

“Ang laki naman ng mansion ng mga Rivera, mas maganda ito kaysa sa mansion nami--,” Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita ang kasambahay na ngayon ay katatapos lang buksan ang isang silid na siyang nasa harapan ko ngayon.

“Nurse Ara, dito po ang kwarto ninyo,”

 Kunot noo akong pumasok sa silid, inilibot ko ang aking paningin na siyang lalong nagpakunot sa noo ko. Sa halip na mga doble deck bed gaya ng inaasahan ko ay isang malaking kama ang naroon. Maluwang din ang kwarto at may mga kagamitan gaya ng tv at aircon. Ngayon ay naniniwala na ako kay Dona na sobrang yaman nga ng Jiro na yon, pati maids room ay sosyal.

“Gusto nyo po bang tulungan ko kayo sa pag-aayos ng mga gamit nyo Nurse Ara?” Natauhan ako ng muling magsalita ang kasama kong kasambahay.

“Ikaw si?” tanong ko matapos makabawi. Nais kong alamin ang pangalan niya sapagkat makakasama ko siya sa loob ng dalawang taon.

“Erika po Nurse Ara,” matamis ang ngiti nitong sagot. Nangiti ako kasabay ng mabilis na pag-iling na siya namang pinagtaka nito.

“Erika pag-aalaga ang trabaho ko dito pero hindi talaga ako nurse kaya wag mo na akong tawaging nurse Ara, Ara na lang, medyo nakakailang eh,” natatawa kong sambit na kinangiti din ni Erika. Mula pa kanina ay magaan na ang loob ko sa kanya, pakiwari ko ay magkakasundo kaming dalawa.

“Sige ikaw po bahala,” Napakamot ako sa paraan ng pagsagot niya sa akin, naroon parin ang po na tanda ng paggalang gayong hindi naman ako amo dito. Siguro ay ganon lang talaga sila kagalang sa lahat ng nagtatrabaho dito.

Hindi rin ako iniwan nito at nagpumilit na tulungan ako sa pag-aayos ng mga gamit ko. Matapos naming mag-ayos ay sabay na kaming lumabas ng silid upang magtungo sa hardin kung saan naroon ang aalagaan ko, si Doña Melissa ang ina ni sir Jiro.

“Nga pala Erika, talaga bang ganito ang pakwarto sa mga nagsisilbi sa mansion na to? May tig-isang kwarto at may pa aircon pa?” Pababa na kami ng hagdan ng maisipan kong itanong. Hindi talaga ako makapaniwala na ang kwarto ko ay nakahilera sa kwarto nila Jiro na siyang amo namin. Naituro narin kanina ni Erika ang kwarto ni Jiro na katabi lamang ng silid ko.

“Ay hindi po, nasa baba po ang kwarto namin, magkakasama po kaming lahat sa maids room pero totoo po may pa-aircon si sir Jiro,”

Napahinto ako at nagtatakang tumingin sa kausap ko para siguraduhing hindi ako nagkakamali ng dinig. Sa huli ay sinatinig ko din agad ang tanong na naglalaro sa aking isipan.

“Bakit hindi ako kasama sa kwarto niyo?” Tila si Erika naman ang nagtaka sa tanong ko na para bang may mali akong nasabi.

“Dahil hindi ka naman po maids, at isa pa sabi sa amin--

“Johara?”

 Pareho kaming natigilan ni Erika ng isang Ginang ang siyang lumapit sa akin. May edad na ito ngunit kitang kita parin ang angking ganda, halata din na galing ito sa may kayang pamilya kaya’t sa tingin ko ay siya na si Doña Melissa. Ngunit teka, bakit Johara ang tinawag niya sa akin?

“Hindi po siya si Miss Johara Doña Melissa. Siya po si Ara, ang bago nyong nurse,”

Si Erika na ang siyang sumagot sa tanong ko, masuyo nitong hinawakan ang matanda saka inalalayan patungo sa upuang nasa hardin. Ngunit muli itong lumapit sa akin, nanginginig ang mga kamay na hinawakan ang muka ko. Naalarma ako ng makita ang pagpatak ng luha nito kayat agad kong hinanap ng tingin si Erika na gaya ko ay tila nagulat din.

“Johara, kay tagal kong hinintay na makita kang muli, sa wakas makakahingi na ako ng tawad sa’yo. I’m really sorry Hija, patawarin mo ako,”

Hindi ko nagawang gumalaw mula sa kinatatayuan ko ng yakapin ako ni Doña Melisa, tila nanlambot ang mga tuhod ko at para bang nahihirapan akong huminga. Hindi ko maintindihan kung bakit parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, lalo ng humagulgol sa pag-iyak ang matanda. Nagkatinginan na lamang kami ni Erika habang hinahagod ko ang likod nito.

Nang kumalma ito ay pinasya namin ni Erika na ihatid na muna sa kwarto upang makapagpahinga. Nanatili ako ng ilang oras sa silid nito sapagkat hindi binitawan ang kamay ko hanggang sa makatulog ito. Habang pinagmamasdan ko ang matanda, hindi ko maiwasang maawa sapagkat bakas sa muka nito nag kalungkutan na sa tingin ko ay si Johara ang may gawa. Ngunit sino nga ba si Johara? Unang araw ko pa lamang ngunit tila guguluhin ng isang babaeng hindi ko naman kilala ang isipan ko.

Kinabukasan, aksidenteng narinig ko ang pagtatalo ng mag-inang Jiro at Doña Melissa ng magtungo ako sa silid ng matanda upang simulan ang trabaho ko. Aalis na sana ako ngunit narinig ko ang pangalang Johara, kayat kusang tumigil ang mga paa ko.

“Narito na si Johara, bakit hindi mo parin ako mapatawad?” Nahabag ako ng marinig ang paghikbi ng Doña.

“Hindi siya si Johara at kasalanan mo kung bakit wala siya sa akin!” may diin ang bawat salitang binitawan ni Jiro. Bakas sa boses nito ang galit, ngunit mas nangingibabaw ang lungkot. Hindi ko batid kung ano ang problema nila, ngunit kahit ano pa ang pinagdadaanan niya hindi tamang pagsalitaan ng ganon ang kanyang ina.

Ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking iyon, sadyang may kagaspangan ang pag-uugali kaya’t hindi na nakapagtataka kung bakit ganon ang trato niya maging sa kanyang ina.

“Narito na si Johara,”

Muli kong naalala ang winika ni Doña Melissa. Hanggang ngayon ay hindi maalis sa aking isipan ang pangalang Johara. Sino ba siya at bakit tila siya ang ugat ng hidwaan ng mag-ina. Sa tingin ko kailangan kong magtanong kay Erika, maaaring alam niya ang sagot sa mga tanong ko.

Agad akong nagtungo sa kusina upang hanapin si Erika, ngunit gaya ng ibang kasambahay ay wala din ito doon kayat bigla akong nanlumo. Naisipan kong magtungo sa labas baka sakaling naroon sila ngunit sa pagpihit ko ay isang lalaki ang nakabangga ko. Napasinghap ako ng maramdaman ko na ang malamig na likidong bumasa sa aking dibdib.

“Naku, sorry po ma’am, hindi ko po sinasadya,” hinging paumanhin ng lalaki, sinubukan pa nitong punasan ang damit ko ngunit agad ko itong pinigilan, sapagkat ramdam ko ang pagbakat ng damit ko sa aking dibdib. Tumalikod ako sapagkat may kanipisan ang damit na suot ko, at dahil nabasa ito ay maaninag ang dibdib ko.

Bahagya akong lumingon sa lalaki upang tugunin ito, ayaw ko naman kaseng maging bastos. “ Okay lang po, hindi niyo naman sinasadya,” nakangiti kong wika kaya’t nakahinga ng bahagya ang lalaki.

“Pasensya na po talaga ma’am, nagmamadali po kase akong lagyan ng asukal itong juice ko, hindi ko kayo napansin nabasa pa tuloy kayo,” nahihiya pang wika nito na tinanguan ko nalamang. Naalala ko ang panyo ko kaya’t agad ko itong itinabing sa dibdib ko saka ko siya hinarap.

“Naiintindihan ko po, wag na kayong mag-aalala pwede naman akong magpalit,”  Tumango tango ang lalaki habang napapakamot sa kanyang ulo, ramdam kong nahihiya parin ito . Maya maya ay nagpaalam na ito upang umalis, tatalikod narin sana ako upang magtungo sa aking silid para makapagpalit ng damit ng bigla kong naalala ang pakay ko. Sa tingin ko ay dito rin siya nagtatrabaho, kaya’t baka sakali na may alam siya.

“Kuya saglit lang po,”

“Ano po yun?” nagtataka naman nitong tanong. Nakatingin na ito sa akin hindi kagaya kanina na nanatiling nakatuyo.

“Hinahanap ko po kase si Erika, baka alam nyo kung nasaan?” Bigla ang matamis na pagngiti ng lalaki, hindi ko alam kung dahil sa tanong ko o dahil kay Erika.

“Namili po si Erika kasama ni Nay Ising, maya maya lang po ay nariyan na sila,” Napatango ako, gustong gusto ko ng magtanong ng deretcho tungkol kay Johara ngunit hindi ko alam kung paano sisimulan. Ayaw ko namang isipin nila na may pagkatsismosa ako kay bago ko lamang dito.

“Eh si Johara, alam mo ba kung nasaan? Ano kase, may gusto sana akong itanong,”

Sa isang iglap ay agad nawala ang ngiti ng lalaki, napakunot noo ito saka deretchong napatitig sa akin. Alam kong weird ang tanong ko dahil sa tingin ko ay wala naman na talagang Johara dito, ngunit iyon lang ang naisip kong madaling paraan upang malaman ang tungkol dito.

“Wala pong nagtatrabahong Johara dito, pero ang alam kong may pangalang Johara ay yung kasintahan ni Sir Jiro na matagal ng nawawala,”

“Oo iyon na nga,” Agad kong natutop ang bibig ko, nakakahiya hindi ko napigil ang sarili ko. “Pasensya na, ano kase--

“Ikaw po ata yung sinasabi nila na bagong nurse ni Doña Melissa no, gusto mong malaman ang tungkol kay Miss Johara dahil napagkamalan ka ni Doña Melissa.

Marahan akong tumango, nahihiya man ay inamin ko na lamang tutal ay nahalata naman na niya. Ewan ko ba hindi ko mapigil ang sarili ko, para bang kating kati ako na makilala ang Johara na iyon.

“Pasensya na po, wala akong masyadong alam kay Miss Johara, ang alam ko lang mahal na mahal siya ni Sir Jiro kayat malaki ang galit non kay Doña Melissa dahil kagagawan ng Doña kung bakit nawawala ito,”

Hindi ako nakakibo, totoo ngang siya ang dahilan ng pag-aaway ng mag-ina. Ngunit kamuka ko nga ba ang babaeng iyon gaya ng sinasabi nila.

“Kamuka ko nga ba talaga?”

“Si Miss Johara po?” agad akong tumango bilang tugon ngunit umiling din agad ang lalaki. “Hindi ko kase siya nakita eh, kaya hindi ko masabi. Ang pagkakaalam ko si Nay Ising lang nakakita kay Miss Johara, kung gusto mo--

“Ara!” Tila binuhasan akong muli ng malamig na tubig matapos marinig ang baritonong boses ni Jiro. Sa gulat ko ay napatalikod ako, kumabog ang dibdib ko dahil sa labis na kaba. Bakas ang galit sa boses niya, baka narinig niyang pinag-tsitsismisan namin sila ng kasintahan niya.

“Sir,” rinig kong pagbati nong lalaki kay Jiro. Ramdam kong nakalapit na sa amin si Jiro ngunit hindi ko parin magawang humarap.

“Kaya naman pala nalalanta ang mga halaman sa hardin, iba ang inaatupag mo. Sa susunod wag mong kakausapin o lalapitan man lang si Ara, kung ayaw mong mawalan ng trabaho,” Nanlaki ang mga mata ko dahil sa narinig, kayat agad akong humarap upang depensahan sana ang lalaki. Agad na nagtama ang mga tingin namin ni Jiro ngunit ang mga mata niya ay bumaba sa dibdib ko, huli na ng malaman kong nalaglag pala ang panyong nakacover sa akin.

“Leave!” Napapikit ako dahil sa malakas na sigaw ni Jiro, kita ko ang takot sa mga mata nong lalaki bago ito nagmamadaling umalis. Agad kong hinarap si Jiro upang magpaliwanag, hindi ko palalagpasin ang ginawa niya. Kahit pa amo namin siya wala syang karapatang manigaw na lang basta.

“Ano bang problema mo? Bakit pinagsalitaan mo ng ganon si--

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng mariin akong hawakan ni Jiro sa magkabilang balikat ko. Naramdaman ko ang sakit mula sa pagkakahawak niya kayat napaangat ako ng tingin sa kanya. Kitang kita ko ang tila nag-aapoy niyang mga mata. Nakaramdam ako ng takot dahil noon ko pa lamang siya nakitang nagkaganon.

“Ano bang kinakagalit mo, kung inaakala mong nagtsitsismisan kami nagkakamali ka, may tinanong lang ako,”

Hindi siya kumibo ngunit mabilis niya akong isinandal sa pader, ramdam ko pa ang pagsakit ng likod ko dahil sa paraan ng pagtulak niya sa akin. Nais ko pa sanang magsalita ngunit nahigit ko ang paghinga ng ilapit niya ang muka niya sa akin.

“Sinabi ko na diba, wag kang makikipag-usap sa ibang lalaki!”

“Jiro,” halos pabulong kong wika, hindi ko na nadugtungan pa ang aking sasabihin ng maramdaman ang malambot niyang labi sa aking labi.

Kaugnay na kabanata

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata VII

    Hindi ako nakakilos dahil sa labis na gulat, ramdam ko rin ang diin ng paraan ng paghalik niya kayat sinikap kong itulak siya ng makabawe ako. Ngunit lalo lamang niyang idiin ang sarili sa akin, niyakap niya din ako ng mahigpit kayat hindi na ako nakapanlaban pa. Kusang sumuko ang mga kamay ko sa pagtulak sa kanya ng maramdam kong naging banayad na ang mga halik niya. Tila iyon lamang ang hinihintay ng aking sarili upang tuluyang maanod sa mapangahas niyang halik. Kapwa kami hinihingal ng magbitaw ang aming mga labi, doon ko naramdaman ang hiya kayat awtomatikong naitulak ko siya. Matatalim ang mga tinging binato ko sa kanya pagkatapos kong makabawi ngunit galit na tingin naman ang isinalubong niya sa akin. “Bakit parang ikaw pa ang galit sa akin?” lakas loob kong tanong sa kanya. Bakit ako matatakot sa Jiro na to, kahit pa amo ko siya hindi tamang basta na lamang niya ako hahalikan. Pero pumayag ka naman, nagustuhan mo pa nga diba? Sigaw naman ng isip ko kayat lalo akong nag ngitngi

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata VIII

    Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya. “Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?” Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa

    Huling Na-update : 2023-11-17
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata IX

    “Congratulations Miss Ara,” nakangiting bati sa akin ni Cecil na sinamahan pa ng bahagyang tudyo sa aking tagiliran, ngitian ko naman ito bilang tugon.“Anong Miss Ara?” kapwa kami napatingin ng magsalita si Erika, nasa tabi na pala namin ito at abala sa pagkain.“Ano kaba, syempre kasal na sila ni Sir alangan namang Ara parin itawag natin sa kanya,” depensa naman agad ni Cecil sa pagkontra sa kanya ni Erika. Nasalo ko na lamang ang aking ulo, kanina pa’y wala na akong narinig kundi anng tungkol sa kasal na iyan.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay bigla na lamang akong ikakasal at sa tao pang pinaglihi ata sa sama ng loob. Bahagya akong nalungkot dahil sa pag-iisip, bigla kase ay sumagi sa isipan ko ang kasal ko sana noon na matagal kong pinaghandaan. Kung hindi lamang ako naset-up marahil ay masaya na kami ni Theo ngayon, ngunit sa isang banda ay pinagpapasalamat ko narin sapagkat nakita ko ku

    Huling Na-update : 2023-11-18
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata X

    Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin kinabukasan, ngunit ang mahigpit na yakap ni Jiro ang nagpadilat sa akin. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko matapos kong pagmasdan ang natutulog na si Jiro. Kusa namang tumaas ang kamay ko upang haplusin ang kanyang muka, ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kanang kilay. Kay ganda ng mga mata niya, unang beses ko palang siyang nakita sa bar ay gandang ganda na ako sa mga mata niya. Ang mata ilong niya ay parang mata at ilong ng foreigner pero ang kulay niyang kayumangging gaya ng isang tunay na Pilipino. Ngayon ko lang aaminin, ang gandang lalaki ng amo kong mainitin ang ulo, madalas ay bumabagay pa sa kanya sa tuwing magsusungit siya.“Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka,”“Ahh aray,” Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit, kasabay ng isang tinig na tila narinig ko sa aking isipan. Nang mawala ang sakit ay sinubukan kong isipin kung paanong narinig ko iyon mula sa isip ko. Sino ang nagsabi non at para kanino?

    Huling Na-update : 2023-11-19
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XI

    Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m

    Huling Na-update : 2023-11-20
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XII

    Napadilat ako ng tila may maramdaman akong mainit sa dumampi sa aking noo. Nang idiliat ko ang aking mga mata ay nabanaag ko ang gwapo ngunit pagod na muka ni Jiro. Batid kong ang labi niya nag siyang dumampi sa aking noo sapagkat naramdaman ko ang lambot noon na kilalang kilala na ng aking balat. Dala ng sobrang kaantukan ay hindi ko na pinilit bumangon, sa halip ay kusang humaplos ang kamay ko sa mukha niya. Saglit siyang pumikit ngunit dumilat din agad at sinalubong ang tingin mula sa mga mata kong nahihirapan pang dumilat ng tulayan.“Anong oras na, kumain ka na ba?” tanong ko. Bahagya pa akong nahiya sa bandang huli sapagkat nagtutunog asawa na ang pagtatanong ko. Hindi ko lang kase maipigilan ang sarili, sapagkat batid kong madaling araw na.Excited akong naghintay sa pag-uwe nya kanina ngunit gaya ng mga nakakaraang araw ay late narin siyang nakaumuwe ngayon. Pasado alas dose ng magpasya akong mahiga kanina dahil hindi ko na kinaya ang antok, hanggang sa nakatulog na pala ako.

    Huling Na-update : 2023-11-26
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XIII

    Napatango si Ara, ngumiti ito ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang mag-iwas ng tingin sa pag-aakalang maitatago ang kirot na kanyang nadama buhat sa sinabi ni Jiro. Kanina ay wala siyang nararamdaman ni katiting na selos sa pagpapahayag ni Jiro ng paghanga kay Johara. Ngunit ng sabihin nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa pagbabalik ng babae, tila sinaksak ang puso niya sobrang lalim. Kanina lamang ang mga luha niya ay para sa awa kay Johara, ngunit ngayon ay lumuluha na siya para sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Ara na mabilis niyang mahuhulog sa lalaki, gayon din ang mabilis na pagpaparamdam sa kanya ng sakit. “Sir,” Napahinga si Ara matapos makarinig ng boses, naisip niyang baka isa sa mga tauhan ni Jiro ang dumating. Tila dininig ng Panginoon ang dasal niya, may dumating upang iligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. “Ahm babalik na muna ako sa loob, baka hinahanap na ako ng mama mo,” nakayukong wika pa niya, akmang aalis na

    Huling Na-update : 2023-12-06
  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XIV

    “Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla

    Huling Na-update : 2023-12-11

Pinakabagong kabanata

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XVI

    “Hmmn you smell good Hon, you still have your natural scent which I like the most,” nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa sinabi ni Jiro, kundi dahil sa ginawa nito. Kasalukuyan akong nakasandal sa kanya dahil ang isang kamay niya ay naroon sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa tagiliran ko kayat hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable dahil sa takot na baka may makakita sa amin, idagdag pa na kakaibang init na rin ang nararamdaman ko dahil sa panay na paghalik niya sa balikat ko.Hindi matalo ng lamig mula sa sasakyan ang init na nagmumula sa sa kanyang hininga sa tuwing lumalapit ang labi niya sa balat ko.Agad kong sinulyapan ang mga kasama namin sa sasakyan, nakahinga ako ng malalim ng makitang halos lahat ay natutulog. Nasa unahan namin si Doña Melissa at Nay Ising, habang kami ni Jiro ay naupo sa bandang dulo. Si Jiro ang nag- insist na dito kami maupo, pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong makatabi si Doña Melissa. Bakit? Upang

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XV

    Maliwanag na ang labas ng magmulat ako ng mga mata, marahil kung hindi tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw ay hindi pa ako magigising. Ang plano ko sana ay gigising ako ng maaga upang magluto ng breakfast ni Jiro at ni Doña Melissa ngunit naalala kong malamang ay hindi rin iyon papansinin ni Jiro. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakagising ako ng maaga dahil madaling araw na ata ng makatulog ako, dahil sa pag-iyak. Kagabi ay lumabas pa ako ng kwarto upang doon umiyak, hindi ko kase napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakakarang araw. Kung bakit nasasaktan ako kahit wala man akong karapatan.“Nababaliw na ata ako,” Awtomatikong napatingin ako sa gilid ko ng maalala si Jiro, ngunit na-disappoint lang ako matapos makitang mag-isa na lamang ako sa kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko tanghali na, malamang pumasok na iyon sa trabaho.“Hindi ka naman tunay na asawa para magpaalam sayo bago pumasok,” sigaw ng utak ko. Napatango tuloy

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XIV

    “Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XIII

    Napatango si Ara, ngumiti ito ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang mag-iwas ng tingin sa pag-aakalang maitatago ang kirot na kanyang nadama buhat sa sinabi ni Jiro. Kanina ay wala siyang nararamdaman ni katiting na selos sa pagpapahayag ni Jiro ng paghanga kay Johara. Ngunit ng sabihin nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa pagbabalik ng babae, tila sinaksak ang puso niya sobrang lalim. Kanina lamang ang mga luha niya ay para sa awa kay Johara, ngunit ngayon ay lumuluha na siya para sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Ara na mabilis niyang mahuhulog sa lalaki, gayon din ang mabilis na pagpaparamdam sa kanya ng sakit. “Sir,” Napahinga si Ara matapos makarinig ng boses, naisip niyang baka isa sa mga tauhan ni Jiro ang dumating. Tila dininig ng Panginoon ang dasal niya, may dumating upang iligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. “Ahm babalik na muna ako sa loob, baka hinahanap na ako ng mama mo,” nakayukong wika pa niya, akmang aalis na

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XII

    Napadilat ako ng tila may maramdaman akong mainit sa dumampi sa aking noo. Nang idiliat ko ang aking mga mata ay nabanaag ko ang gwapo ngunit pagod na muka ni Jiro. Batid kong ang labi niya nag siyang dumampi sa aking noo sapagkat naramdaman ko ang lambot noon na kilalang kilala na ng aking balat. Dala ng sobrang kaantukan ay hindi ko na pinilit bumangon, sa halip ay kusang humaplos ang kamay ko sa mukha niya. Saglit siyang pumikit ngunit dumilat din agad at sinalubong ang tingin mula sa mga mata kong nahihirapan pang dumilat ng tulayan.“Anong oras na, kumain ka na ba?” tanong ko. Bahagya pa akong nahiya sa bandang huli sapagkat nagtutunog asawa na ang pagtatanong ko. Hindi ko lang kase maipigilan ang sarili, sapagkat batid kong madaling araw na.Excited akong naghintay sa pag-uwe nya kanina ngunit gaya ng mga nakakaraang araw ay late narin siyang nakaumuwe ngayon. Pasado alas dose ng magpasya akong mahiga kanina dahil hindi ko na kinaya ang antok, hanggang sa nakatulog na pala ako.

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata XI

    Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata X

    Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin kinabukasan, ngunit ang mahigpit na yakap ni Jiro ang nagpadilat sa akin. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko matapos kong pagmasdan ang natutulog na si Jiro. Kusa namang tumaas ang kamay ko upang haplusin ang kanyang muka, ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kanang kilay. Kay ganda ng mga mata niya, unang beses ko palang siyang nakita sa bar ay gandang ganda na ako sa mga mata niya. Ang mata ilong niya ay parang mata at ilong ng foreigner pero ang kulay niyang kayumangging gaya ng isang tunay na Pilipino. Ngayon ko lang aaminin, ang gandang lalaki ng amo kong mainitin ang ulo, madalas ay bumabagay pa sa kanya sa tuwing magsusungit siya.“Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka,”“Ahh aray,” Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit, kasabay ng isang tinig na tila narinig ko sa aking isipan. Nang mawala ang sakit ay sinubukan kong isipin kung paanong narinig ko iyon mula sa isip ko. Sino ang nagsabi non at para kanino?

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata IX

    “Congratulations Miss Ara,” nakangiting bati sa akin ni Cecil na sinamahan pa ng bahagyang tudyo sa aking tagiliran, ngitian ko naman ito bilang tugon.“Anong Miss Ara?” kapwa kami napatingin ng magsalita si Erika, nasa tabi na pala namin ito at abala sa pagkain.“Ano kaba, syempre kasal na sila ni Sir alangan namang Ara parin itawag natin sa kanya,” depensa naman agad ni Cecil sa pagkontra sa kanya ni Erika. Nasalo ko na lamang ang aking ulo, kanina pa’y wala na akong narinig kundi anng tungkol sa kasal na iyan.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay bigla na lamang akong ikakasal at sa tao pang pinaglihi ata sa sama ng loob. Bahagya akong nalungkot dahil sa pag-iisip, bigla kase ay sumagi sa isipan ko ang kasal ko sana noon na matagal kong pinaghandaan. Kung hindi lamang ako naset-up marahil ay masaya na kami ni Theo ngayon, ngunit sa isang banda ay pinagpapasalamat ko narin sapagkat nakita ko ku

  • Billionaire's Lost Sweetheart   Kabanata VIII

    Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya. “Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?” Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status