author-banner
Yna Florencia
Author

Novels by Yna Florencia

Billionaire's Lost Sweetheart

Billionaire's Lost Sweetheart

A week before Ara’s wedding, someone sets her up to sleep with a stranger man which leads her fiancé to cancel their wedding and marry her stepsister instead. With a snap of a finger, Ara lost everything she had: wealth, a fiancé, and a family. Three years later, she met a Bachelor Billionaire, Jiro Mikael Rivera, who gave her a job as a caregiver to his sick mother. Upon entering Jiro’s life, uncertain things happen, and her fate changes. She starts to have feelings for her hot-tempered boss which makes her more curious about Jiro’s first and lost love. Ara wants to dig for more information about Jiro’s past, but it turns out that Jiro’s past is just a little part of hers. What would Ara do when she find out that her boss was the man behind her suffering 4 years ago? Can she accept the fact that her child's father was the reason for her tears every night? What would happen if Ara realized that everything that happened to them was Jiro’s plan and not fate? Is love enough reason to forgive and forget everything?
Read
Chapter: Kabanata XVI
“Hmmn you smell good Hon, you still have your natural scent which I like the most,” nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa sinabi ni Jiro, kundi dahil sa ginawa nito. Kasalukuyan akong nakasandal sa kanya dahil ang isang kamay niya ay naroon sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa tagiliran ko kayat hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable dahil sa takot na baka may makakita sa amin, idagdag pa na kakaibang init na rin ang nararamdaman ko dahil sa panay na paghalik niya sa balikat ko.Hindi matalo ng lamig mula sa sasakyan ang init na nagmumula sa sa kanyang hininga sa tuwing lumalapit ang labi niya sa balat ko.Agad kong sinulyapan ang mga kasama namin sa sasakyan, nakahinga ako ng malalim ng makitang halos lahat ay natutulog. Nasa unahan namin si Doña Melissa at Nay Ising, habang kami ni Jiro ay naupo sa bandang dulo. Si Jiro ang nag- insist na dito kami maupo, pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong makatabi si Doña Melissa. Bakit? Upang
Last Updated: 2024-02-22
Chapter: Kabanata XV
Maliwanag na ang labas ng magmulat ako ng mga mata, marahil kung hindi tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw ay hindi pa ako magigising. Ang plano ko sana ay gigising ako ng maaga upang magluto ng breakfast ni Jiro at ni Doña Melissa ngunit naalala kong malamang ay hindi rin iyon papansinin ni Jiro. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakagising ako ng maaga dahil madaling araw na ata ng makatulog ako, dahil sa pag-iyak. Kagabi ay lumabas pa ako ng kwarto upang doon umiyak, hindi ko kase napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakakarang araw. Kung bakit nasasaktan ako kahit wala man akong karapatan.“Nababaliw na ata ako,” Awtomatikong napatingin ako sa gilid ko ng maalala si Jiro, ngunit na-disappoint lang ako matapos makitang mag-isa na lamang ako sa kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko tanghali na, malamang pumasok na iyon sa trabaho.“Hindi ka naman tunay na asawa para magpaalam sayo bago pumasok,” sigaw ng utak ko. Napatango tuloy
Last Updated: 2023-12-11
Chapter: Kabanata XIV
“Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla
Last Updated: 2023-12-11
Chapter: Kabanata XIII
Napatango si Ara, ngumiti ito ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang mag-iwas ng tingin sa pag-aakalang maitatago ang kirot na kanyang nadama buhat sa sinabi ni Jiro. Kanina ay wala siyang nararamdaman ni katiting na selos sa pagpapahayag ni Jiro ng paghanga kay Johara. Ngunit ng sabihin nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa pagbabalik ng babae, tila sinaksak ang puso niya sobrang lalim. Kanina lamang ang mga luha niya ay para sa awa kay Johara, ngunit ngayon ay lumuluha na siya para sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Ara na mabilis niyang mahuhulog sa lalaki, gayon din ang mabilis na pagpaparamdam sa kanya ng sakit. “Sir,” Napahinga si Ara matapos makarinig ng boses, naisip niyang baka isa sa mga tauhan ni Jiro ang dumating. Tila dininig ng Panginoon ang dasal niya, may dumating upang iligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. “Ahm babalik na muna ako sa loob, baka hinahanap na ako ng mama mo,” nakayukong wika pa niya, akmang aalis na
Last Updated: 2023-12-06
Chapter: Kabanata XII
Napadilat ako ng tila may maramdaman akong mainit sa dumampi sa aking noo. Nang idiliat ko ang aking mga mata ay nabanaag ko ang gwapo ngunit pagod na muka ni Jiro. Batid kong ang labi niya nag siyang dumampi sa aking noo sapagkat naramdaman ko ang lambot noon na kilalang kilala na ng aking balat. Dala ng sobrang kaantukan ay hindi ko na pinilit bumangon, sa halip ay kusang humaplos ang kamay ko sa mukha niya. Saglit siyang pumikit ngunit dumilat din agad at sinalubong ang tingin mula sa mga mata kong nahihirapan pang dumilat ng tulayan.“Anong oras na, kumain ka na ba?” tanong ko. Bahagya pa akong nahiya sa bandang huli sapagkat nagtutunog asawa na ang pagtatanong ko. Hindi ko lang kase maipigilan ang sarili, sapagkat batid kong madaling araw na.Excited akong naghintay sa pag-uwe nya kanina ngunit gaya ng mga nakakaraang araw ay late narin siyang nakaumuwe ngayon. Pasado alas dose ng magpasya akong mahiga kanina dahil hindi ko na kinaya ang antok, hanggang sa nakatulog na pala ako.
Last Updated: 2023-11-26
Chapter: Kabanata XI
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m
Last Updated: 2023-11-20
Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status