“Walanghiya ka Sarah! Bakit mo ginawa sakin to?” umiiyak sa gigil na tanong ko kay Sarah.
Hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang galit niya sa akin.
“Sorry na sis, ikaw naman kase masyado kang epal sa buhay ko. Lahat na gusto mo sayo, kayamanan at Daddy ko inaambisyon mo samantalang sampid lang naman kayong mag-ina!”
“Wala akong kasalanan sayo Sarah, wala akong kinukuha sayo. Kailangan malaman ito nila Theo,” impit akong napasigaw ng sipain ni Sarah ang binti ko dahilan upang mapaupo akong muli buhat sa pagtangka kong tumayo. Agad niyang hinaplot ang buhok ko saka nanlilisik ang matang pinakatitigan ako.
“May maniniwala kaya sayo? Halika sasamahan pa kita,” nakangisi niyang wika, lalo akong naiyak dahil sa inis. Hindi na niniwala sa akin si Theo ng sabihin kong hindi ko ginusto yun, malamang hindi rin nila paniwalaan ang pagsusumbong ko kay Sarah. Marahil ay lalo lamang sila magagalit sa akin, hindi ko dapat ubusin ang oras ko sa pagbunyag sa ginawa ni Sarah. Kailangan mapatawad nila ako, kailangan malinis ko ang pangalan ko.
“Ara anak,” Lumuluha at humahangon na dumating ang Mommy ko kasunod si Daddy na hindi maipinta ang muka. Pakitang tao akong tinulungan ni Sarah upang makatayo ngunit agad din akong napabagsak ng sampalin ako ni Daddy.
Gulat at hindi ako makapaniwala na kaya akong pagbuhatan ng kamay ng tinuturing kong ama. Si Daddy na kailanman ay hindi ako sinaktan, heto at sinampal ako ng hindi man lang pinakikinggan.
“Anong pumasok sa utak mo at nagawa mong lokohin si Theo Ara? Alam mo ba ng dahil sa ginawa mo, hindi na matutuloy ang merging ng kumpanya ko sa mga Rivas! Galit na galit ang mga magulang ni Theo, lahat ng partnership namin ay pinutol nila. Napahiya ako sa harap ng maraming tao!” Sobrang lakas ng sigaw ni Daddy, pakiramdam ko ay nabingi ako ng muli niya akong sampalin.
“Jusko Greg, wag mong saktan ang anak ko!” sigaw naman ng Mommy ko habang umiiyak ito at yakap ako.
“Malandi yang anak mo, dapat lang sa kanya yan!” Nag-init ang ulo ko sa ginawang pagsigaw ni Sarah sa Mommy ko, kayat sinampal ko din ito.
“Wag mong idadamay ang Mommy ko!”
“Daddy, si Ara parin ba ang kakampihan mo? Palalagpasin mo ba ang kahihiyang ginawa ng babaeng yan? Pati negosyo natin na matagal mong pinaghirapan ay babagsak dahil sa kalandian nya! Sirang sira na ang pangalan mo sa mga business partners mo, ano na lang ang mangyayari sa atin ngayon?” sunod sunod ang paninira ni Sarah laban sa akin. Alam kong gusto nyang mas magalit si Daddy saakin.
“Sinet-up mo ako Sarah, ikaw ang may kasalanan nito!” Isang malakas na sampal muli ang natikman ko buhat kay Daddy, nalasahan ko na ang sarili kong dugo dahil sa pagputok ng labi ko. Tumutulo ang luha kong pinagmasdan si Daddy, ibang iba ito sa paningin ko, tila hindi siya ang amang kinagisnan ko.
“Wag mong isisi sa anak ko ang kalandian mo Ara. Hindi man kami magkasundo ng anak ko, alam ko na sa inyong dalawa, ikaw ang malas sa buhay ko! Maling mali na naniwala akong ikaw ang makakatulong sa akin upang makasosyo ko ang mga Rivas. Kung alam ko lang sana hindi na kita tinulungang malapit sa mga Rivas, sana si Sarah na lang ang inilapit ko sa kanila. Baka milyon milyon pa ang inaakyat na pera sa akin,”
Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko mula kay Daddy. Hindi ko alam saan nanggagaling ang mga lumalabas sa bibig niya, gusto kong isipin na dala lamang iyon ng galit ngunit sinisigaw ng isip ko na may mali. Ibang iba si Daddy ngayon, ang pakikitungo niya sa akin, ang paraan ng pagsasalita niya at ang pananakit niya, hindi siya dating ganon.
“Daddy, please pakinggan mo ko,”
“Dont call me Daddy hindi kita anak. Alam mo bang kinikilabutan ako sa tuwing tinatawag mo akong Daddy, hindi kita kadugo kaya’t hindi kita matatanggap na anak!”
“Greg! Nangako ka, hindi mo gagawin sa anak ko to,” umiiyak na wika ni Mommy. Naguguluhan ako hindi ko alam kung ano ang nangyayare, bakit biglang nagbago si Daddy.
“Ilang taon kong pinagbigyan ang hiling mo Lira, binigay ko ang yaman at karangyaan sa anak mo, pero anong ginanti ng walang kwenta mong anak?”
Napasinghap kami sa lakas ng sampal na ginawa ni Mommy kay Daddy, ngunit mabilis itong nakabawe at sinampal din ng malakas ang Mommy ko dahilan upang mabagsak ito. Agad kong dinaluhan ang Mommy ko, kapwa kami umiiyak habang yakap ko ito.
“Kung hindi ka lang pinaako sa akin ng Mommy mo hindi kita tatanggapin. Kung alam ko lang na wala kang pakinabang sana noon pa kita pinalayas!”
Iyon ang huling salitang narinig ko kay Daddy bago ito umalis, naiwan akong mag-isa sapagkat pinakuha niya si Mommy ng sapilitan sa mga tauhan niya.
Ilang oras din akong nanatili sa pagkakaupo sa buhanginan. Wala akong ibang ginagawa kundi ang lumuha at mag-isip kung paano ko ito malalagpasan. Nahihirapan ako ngunit kailangan kong magpakatatag, marahil ay galit lamang sila dahil sa nangyare. Kung hihingi ako ng tawad at paulit-ulit na magpapaliwanag baka sakaling mapatawad nila ako kaya’t hindi ako susuko.
Gabi na ng makauwe ako sa mansion. Ang mga plano na naisip ko kanina ay hindi ko na nagawa ng abutan ko si Daddy at Sarah na sinusunog ang mga gamit ko. Lahat ng damit ko ay nagkalat, sira na din ang mga gamit ko.
“Daddy bakit nyo po sinisira ang mga gamit ko?”
Isa isa kong pinulot ang mga damit ko, sa pag aakalang may maitatabi pa ako buhat sa pagsira nila. Naiiyak na lamang ako dahil ginupit at sira na halos lahat ng ito.
“Bakit hindi, pera namin ang ginastos dito, so meaning may karapatan kaming sirain ito!” Impit akong napaaray dahil sa sakit matapos tapakan ni Ara ang mga daliri ko sa kamay.
“Sarah, please nasasaktan ako,” pagmamakaawa ko ngunit hinila niya ang buhok ko upang mapatayo ako.
“Mas masasaktan ka kapag hindi kapa umalis dito sa mansion!”
Natigilan ako sa sinabi ni Sarah kayat agad kong tiningnan si Daddy. Nakaramdam ako ng takot sa kung anong sasabihin nito, baka hindi ko iyon makayang tanggapin.
“Simula sa araw na hindi ay hindi kana maaaring tumuntong sa bahay na ito. Pinuputol ko narin ang lahat ng ugnayan mo sa amin. Wala kang dadalin na kahit ano dahil wala kang karapatan sa mga kayamanan ko. Hindi kana rin maaaring lumapit sa Mommy mo,”
Tila nabingi ako sa mga sinabi ni Daddy, nagsimula naring manikip ang dibdib ko dahil sa sakit na sunod sunod kong naramdaman. Panay ang pagpatak ng luha ko, pinagdadasal na sana ay bawiin niya ang sinabi niya ngunit bigo ako.
Sinubukan ko pang magpakaawa kay Daddy, hindi ako pwedeng sumuko. “Pakiusap, wag mo gawin sakin to Daddy, maawa ka wala po akong mapupuntahan,” wika ko habang yakap yakap ang mga paa nya.
“Bitiwan mo nga ang Daddy ko!” Mula sa likod ay hinila ako ni Sarah sa buhok kayat pahiga akong nakaladkad.Ramdam ko ang pagtama ng mga bato sa aking balat, batid kong puro sugat na ako ngunit hindi ako susuko. Kung kinakailangang mahiwa ang buong balat ko ay titiisin ko wag lang akong palayasin. Wala namang halaga ang yaman sa akin, ang hindi ko lang makakaya ay ang mawalay sa pamilya ko. Si Mommy, si Daddy, sila nalang ang meron ako, sila lang ang nagmamahal sa akin.
“Ara!” Hirap man ay sinulyapan ko si Mommy, umiiyak ito habang pinipigilan ng mga tauhan ni Daddy. Nadudurog ang puso ko sa bawat pagpatak ng luha ng Mommy ko ngunit wala akong magawa.
“Ahh,” Hindi ko na napigil na mapasigaw ng maranasan ko ang pagtadyak ni Sarah sa tyan ko. Ilang sabunot, at tadyak na ang ginawa niya sa akin mula pa kanina. Nanghihina narin ako kayat wala na akong lakas pa upang magmakaawa.Tumigil lamang ito ng lumpit si Daddy sa amin.
“Sarah tama na yan, gusto ko ring mapatay ang babaeng yan, pero hindi ngayon at hindi sa bakuran ko!”
Nagkamali ako, hindi nagbago si Daddy dahil hindi ko lamang nakita ang tunay niyang ugali noon. Nabulag ako sa pekeng pagmamahal na pinakita niya sa akin noon.
“Ara anak! Greg parang awa mo na, tigilan nyo na ang anak ko. Gagawin ko ang lahat wag nyo lang syang papatayin, pabayaan nyo na lang siya pakiusap!” umiiyak na sigaw ng Mommy ko, muli ay naghihirap ang kalooban ko para sa aking Ina. Ngunit hindi ba’t ako ang may kasalan ng lahat ng ito?
“Pasalamat ka sa Mommy mo, ngayon kung gusto mo pang mabuhay ay umalis kana dito at wag na wag kang magpapakita sa akin!” wika ni Daddy. Nilapitan ako ng mga tauhan niya upang itayo, lumapit naman si Sarah saka hinarap ang Daddy niya.
“Dad, wag mo sabihin na hahayaan mo nalang ang babaeng yan. Baka nakakalimutan mo ang kahihiyang dinulot nya sa atin,”|
“Baka din nakakalimutan mo, ako ang batas dito, ako ang masusunod sa lahat!” Pagkawika ay binalingan akong muli ng stepdad kong walang awa.
“Umalis kana at wag kang magpapakita sa akin,”
Umiiyak ko na lamang tinanaw ang Mommy ko habang kinakaladkad ako ng mga tauhan palabas ng mansion. Pabagsak nila akong binitawan sa labas ng gate. Kitang kita ko pa kung paano kinaladkad ng stepdad ko ang Mommy ko papasok ng bahay. Kasabay ng pag-agos ng luha ko ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Niyakap ko ang sarili ko habang sinasabayan ang pag-iyak ng langit. Nakaramdam ako ng pagkahilo, kasunod ng tuluyang pagpagsak at pagkawala ng malay ko.
Sikat ng araw at nagkakagulong mga boses ang siyang gumising sa akin. Maliwanag na kayat kitang kita ko ang madaming tao sa harap ng gate namin. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito sa ilalim ng puno malapit sa bahay ngunit hindi na iyon mahalaga, ang importante ay hindi ako nakita ng mga reporter dahil siguradong pagkakaguluhan nila ako.
Napatayo ako matapos makita ang paglabas ng bahay ng Stepdad ko kasama si Sarah at ang Mommy ko. Naglapitan ang mga reporter kaya’t sinikap kong makalapit upang marinig ang sasabihin nila.
“Opisyal kong binabalita sa inyo, that Ara Hernandez was no longer in our family. Hindi kami sangkot sa kahihiyang dala niya sapagkat ang totoo ay hindi namin siya tunay na anak,” Nagsimula na namang pumatak ang luha ko dahil sa mga binitawang salita ng stepfather ko.
Sa pagpapatuloy nito ay tuluyan winasak ang puso ko. “Si Ara ay ampon lang po namin, hindi siya legally adopted kaya hindi niya talaga dala ang pangalang Hernandes. Pinalabas lang namin iyon dahil sa kahilingan ng asawa ko, maawain kase ang asawa ko. But the truth was, she was not our daughter. We want to apologize to the Rivas family, for what Ara did. Kami man po ay nasaktan sa ginawa ng ampon namin,”
“Mr. Hernandez, ibig nyo bang sabihin si Sarah Hernandez lang ang tunay nyong anak ni Mrs. Hernandez?”
“Yes,” Tinala sinaksak ng punyal ang puso ko sa naging sagot ng Mommy ko. Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila ito, hindi ko narin batid kung ano ang totoo. Talaga bang ampon lang ako, hindi ba talaga sila ang pamilya ko kayat ang dali para sa kanila na bitawan ako?
Pinilit kong ihakbang ang mga paa ko, masakit man ay kailangan kong pilitin. Kailangan ko ng umalis sa lugar na iyon bago ko pa marinig ang mga salitang mas makakapanakit sa sarili ko.
Panay ang luha ko habang naglalakad ng walang patutunguhan. Nang isang sasakyan ang huminto sa harap ko. Lumabas mula doon ang Mommy ni Theo, galit na galit akong sinugod at sinampal ng malakas. Dahil nanghihina ay napaupo ako, hindi ko na sinubukang tumayo, hindi narin ako nagmakaawa.
“Ang kapal ng mukha mong saktan ang anak ko. Noon pa man hindi na kita gusto, pero pinaglaban ka ng anak ko tapos ito ang isusukli mo sa kanya!” sigaw nito habang paulit ulit akong sinasampal at sinasabunutan.
Puro luha lang ang nagawa ko dahil wala ng saysay kung magpaliwanag at magmakaawa pa ako. Umalis din ang Mommy ni Theo ng magsawa itong saktan ako, kayat naiwan akong tulala sa gilid ng kalsada.
“Hindi kita gusto para sa anak ko Hara, hindi ka nararapat para sa kanya!”
Napahawak ako sa ulo ko at napapikit ng isang alaala ang siyang sumagi sa isipan ko. Katulad ng senaryo kanina, galit na galit ang isang Ginang sa dalagitang babae habang sinasabi ang masakit na salitang iyon.
Sino ba si Hara, siya din ba ang Haira na madalas kong napapanaginipan? Ano ang ugnayan ko sa kanya at bakit meron ako ng mga alaala niya? Higit sa lahat bakit ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko ang paghihirap niya.
“Anak kamusta kana?” Napahinto ako sa pagkain ng magtanong si Mommy, kitang-kita ang pag-aalala sa kanyang mga mata.Ang daming naganap sa buhay ko, inakala kong pababayaan na ako ng Panginoon ngunit nagbigay parin ito ng awa sa akin. Matapos kong umalis sa amin ay ilang araw akong nagpalaboy laboy sa kalye. Nagawa kong mamalimos upang may makain. Sinubukan kong lumapit kay Theo noong una ngunit paulit-ulit niya akong tinataboy kasama ng masasakit na salitang binabato niya sa akin. Alam kong galit siya ngunit hindi ko matanggap na kaya niya akong husgahan ng ganon, ang akala ko mahal niya ako ngunit tila mali ang lahat ng akala ko. Gaya ng inakala kong pagmamahal sa akin ng nakagisnan kong ama.Halos tatlong linggo na ang nakakalipas simula ng iwan ako ng lahat. Laking pasasalamat ko ng hinanap ako ni Anie at pansamantalang pinatuloy sa bahay nila. Isang araw ay binalita nito na gusto akong makausap ng Mommy ko kayat pasikreto kaming nagkita.“Mom, hindi mo ba ko tunay na anak? Ampon
“I don’t care how much it cost, ubusin nyo ang lahat ng pera ko mahanap lang siya! Halughugin nyo ang buong Pilipinas kung kinakailangan!” galit na galit sigaw ni Jiro sa mga private investigator na hinire niya matapos ibalita ng mga ito na hindi parin nila nahahanap ang pinapahanap nito.“Yes sir, we will do everything para mahanap siya,” magalang na sagot ng isa sa mga ito.“You better do, dahil kapag may nangyareng masama sa kanya, ako mismo ang tatapos sa mga buhay nyo! Now get out of my sight and do your work!” muli ay bulyaw nito kayat nag alisan na ang mga lalaki.Tila apoy ang mga mata ni Jiro dahil sa labis na galit. Tumayo siya mula sa kanyang swivel chair upang magpalakad lakad. Isang suntok ang pinakawalan niya kayat umagos ang dugo mula sa kanyang kamao na naroon parin sa pader na sinuntok niya.“Stop messing your life, sa tingin mo ba matutuwa si Johara sa ginagawa mo!” Isang magandang babae ang pumasok sa opisina ni Jiro kayat napilitan ang binatang bumalik sa harap ng
Nagtataka man ay sumunod na lamang ako sa kasambahay na Jiro ng sabihin nitong sa second floor ang magiging silid ko. Kanina ay umuwe ako upang ipaaalam sa tita at anak ko ang tungkol sa bago kong trabaho, kumuha na rin ako ng mga gamit ko na siyang dala ko sa pagtuloy ko dito. Kanina ay halos madurog ang puso ko ng makitang umiiyak ang anak ko, muntik pang magbago ang isip ko at h’wag na tumuloy ngunit pinili kong tatagan ang aking sarili.Nakapirma na ako ng kontrata kay Jiro, kaya’t hindi na ako maaaring umatras, isa pa ay sayang ang 10 million, kailangan ko iyon upang masigurado ang kinabukasan ng anak ko.“Ang laki naman ng mansion ng mga Rivera, mas maganda ito kaysa sa mansion nami--,” Natigil ako sa pag-iisip ng magsalita ang kasambahay na ngayon ay katatapos lang buksan ang isang silid na siyang nasa harapan ko ngayon.“Nurse Ara, dito po ang kwarto ninyo,” Kunot noo akong pumasok sa silid, inilibot ko ang aking paningin na siyang lalong nagpakunot sa noo ko. Sa halip na mg
Hindi ako nakakilos dahil sa labis na gulat, ramdam ko rin ang diin ng paraan ng paghalik niya kayat sinikap kong itulak siya ng makabawe ako. Ngunit lalo lamang niyang idiin ang sarili sa akin, niyakap niya din ako ng mahigpit kayat hindi na ako nakapanlaban pa. Kusang sumuko ang mga kamay ko sa pagtulak sa kanya ng maramdam kong naging banayad na ang mga halik niya. Tila iyon lamang ang hinihintay ng aking sarili upang tuluyang maanod sa mapangahas niyang halik. Kapwa kami hinihingal ng magbitaw ang aming mga labi, doon ko naramdaman ang hiya kayat awtomatikong naitulak ko siya. Matatalim ang mga tinging binato ko sa kanya pagkatapos kong makabawi ngunit galit na tingin naman ang isinalubong niya sa akin. “Bakit parang ikaw pa ang galit sa akin?” lakas loob kong tanong sa kanya. Bakit ako matatakot sa Jiro na to, kahit pa amo ko siya hindi tamang basta na lamang niya ako hahalikan. Pero pumayag ka naman, nagustuhan mo pa nga diba? Sigaw naman ng isip ko kayat lalo akong nag ngitngi
Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya. “Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?” Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa
“Congratulations Miss Ara,” nakangiting bati sa akin ni Cecil na sinamahan pa ng bahagyang tudyo sa aking tagiliran, ngitian ko naman ito bilang tugon.“Anong Miss Ara?” kapwa kami napatingin ng magsalita si Erika, nasa tabi na pala namin ito at abala sa pagkain.“Ano kaba, syempre kasal na sila ni Sir alangan namang Ara parin itawag natin sa kanya,” depensa naman agad ni Cecil sa pagkontra sa kanya ni Erika. Nasalo ko na lamang ang aking ulo, kanina pa’y wala na akong narinig kundi anng tungkol sa kasal na iyan.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay bigla na lamang akong ikakasal at sa tao pang pinaglihi ata sa sama ng loob. Bahagya akong nalungkot dahil sa pag-iisip, bigla kase ay sumagi sa isipan ko ang kasal ko sana noon na matagal kong pinaghandaan. Kung hindi lamang ako naset-up marahil ay masaya na kami ni Theo ngayon, ngunit sa isang banda ay pinagpapasalamat ko narin sapagkat nakita ko ku
Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin kinabukasan, ngunit ang mahigpit na yakap ni Jiro ang nagpadilat sa akin. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko matapos kong pagmasdan ang natutulog na si Jiro. Kusa namang tumaas ang kamay ko upang haplusin ang kanyang muka, ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kanang kilay. Kay ganda ng mga mata niya, unang beses ko palang siyang nakita sa bar ay gandang ganda na ako sa mga mata niya. Ang mata ilong niya ay parang mata at ilong ng foreigner pero ang kulay niyang kayumangging gaya ng isang tunay na Pilipino. Ngayon ko lang aaminin, ang gandang lalaki ng amo kong mainitin ang ulo, madalas ay bumabagay pa sa kanya sa tuwing magsusungit siya.“Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka,”“Ahh aray,” Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit, kasabay ng isang tinig na tila narinig ko sa aking isipan. Nang mawala ang sakit ay sinubukan kong isipin kung paanong narinig ko iyon mula sa isip ko. Sino ang nagsabi non at para kanino?
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m
“Hmmn you smell good Hon, you still have your natural scent which I like the most,” nanindig ang mga balahibo ko hindi dahil sa sinabi ni Jiro, kundi dahil sa ginawa nito. Kasalukuyan akong nakasandal sa kanya dahil ang isang kamay niya ay naroon sa likod ko at nakayakap sa bewang ko. Ramdam ko ang paghaplos nito sa tagiliran ko kayat hindi ako mapakali. Hindi ako kumportable dahil sa takot na baka may makakita sa amin, idagdag pa na kakaibang init na rin ang nararamdaman ko dahil sa panay na paghalik niya sa balikat ko.Hindi matalo ng lamig mula sa sasakyan ang init na nagmumula sa sa kanyang hininga sa tuwing lumalapit ang labi niya sa balat ko.Agad kong sinulyapan ang mga kasama namin sa sasakyan, nakahinga ako ng malalim ng makitang halos lahat ay natutulog. Nasa unahan namin si Doña Melissa at Nay Ising, habang kami ni Jiro ay naupo sa bandang dulo. Si Jiro ang nag- insist na dito kami maupo, pero kung ako ang tatanungin ay mas gusto kong makatabi si Doña Melissa. Bakit? Upang
Maliwanag na ang labas ng magmulat ako ng mga mata, marahil kung hindi tumama sa mukha ko ang liwanag ng araw ay hindi pa ako magigising. Ang plano ko sana ay gigising ako ng maaga upang magluto ng breakfast ni Jiro at ni Doña Melissa ngunit naalala kong malamang ay hindi rin iyon papansinin ni Jiro. Isa pa hindi rin ako sigurado kung makakagising ako ng maaga dahil madaling araw na ata ng makatulog ako, dahil sa pag-iyak. Kagabi ay lumabas pa ako ng kwarto upang doon umiyak, hindi ko kase napigilan ang sarili ko. Hindi ko alam kung bakit nagiging emosyonal ako nitong mga nakakarang araw. Kung bakit nasasaktan ako kahit wala man akong karapatan.“Nababaliw na ata ako,” Awtomatikong napatingin ako sa gilid ko ng maalala si Jiro, ngunit na-disappoint lang ako matapos makitang mag-isa na lamang ako sa kwarto. Ano pa nga bang aasahan ko tanghali na, malamang pumasok na iyon sa trabaho.“Hindi ka naman tunay na asawa para magpaalam sayo bago pumasok,” sigaw ng utak ko. Napatango tuloy
“Johara nandiyan ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Ang sabi mo babasahan mo ko ng kwento bago ako matulog. Si Jiro na naman ang kasama mo, nagtatampo na talaga ko sa sayo,”Agad kong pinunasan ang luha sa aking pisngi matapos marinig ang boses ni Doña Melissa. Isang malalim na paghinga ang aking pinakawalan bago ako nagtangkang lumingon sa kanya. Nang magkaharap kami ay saka ko lang napansin na nakasuot na pala ito ng pajama at tila handa na upang matulog, dala na rin kase nito ang manikang palagi niyang yakap sa pagtulog. Hindi ko nais na malaman ni Jiro na narito ako sa labas ng kanyang silid, lalo na ang isiping nakita at narinig ko ang lahat. Kaya naman agad akong lumapit at hinawakan sa braso ang Doña upang igiya pabalik ng kanyang silid bago pa kami abutan ni Jiro.Habang naglalakad kami ay nakahawak ako sa braso ng Doña, hindi ko maiwasan ang magtaka dahil sa pananahimik nito kayat naisipan kong marahil ay nagtatampo na nga ito sa akin gaya ng sabi niya kanina.Bigla
Napatango si Ara, ngumiti ito ngunit hindi man lang iyon umabot sa kanyang mga mata. Sinubukan niyang mag-iwas ng tingin sa pag-aakalang maitatago ang kirot na kanyang nadama buhat sa sinabi ni Jiro. Kanina ay wala siyang nararamdaman ni katiting na selos sa pagpapahayag ni Jiro ng paghanga kay Johara. Ngunit ng sabihin nitong hanggang ngayon ay naghihintay pa ito sa pagbabalik ng babae, tila sinaksak ang puso niya sobrang lalim. Kanina lamang ang mga luha niya ay para sa awa kay Johara, ngunit ngayon ay lumuluha na siya para sa kanyang sarili. Hindi inaasahan ni Ara na mabilis niyang mahuhulog sa lalaki, gayon din ang mabilis na pagpaparamdam sa kanya ng sakit. “Sir,” Napahinga si Ara matapos makarinig ng boses, naisip niyang baka isa sa mga tauhan ni Jiro ang dumating. Tila dininig ng Panginoon ang dasal niya, may dumating upang iligtas siya sa awkward na sitwasyong iyon. “Ahm babalik na muna ako sa loob, baka hinahanap na ako ng mama mo,” nakayukong wika pa niya, akmang aalis na
Napadilat ako ng tila may maramdaman akong mainit sa dumampi sa aking noo. Nang idiliat ko ang aking mga mata ay nabanaag ko ang gwapo ngunit pagod na muka ni Jiro. Batid kong ang labi niya nag siyang dumampi sa aking noo sapagkat naramdaman ko ang lambot noon na kilalang kilala na ng aking balat. Dala ng sobrang kaantukan ay hindi ko na pinilit bumangon, sa halip ay kusang humaplos ang kamay ko sa mukha niya. Saglit siyang pumikit ngunit dumilat din agad at sinalubong ang tingin mula sa mga mata kong nahihirapan pang dumilat ng tulayan.“Anong oras na, kumain ka na ba?” tanong ko. Bahagya pa akong nahiya sa bandang huli sapagkat nagtutunog asawa na ang pagtatanong ko. Hindi ko lang kase maipigilan ang sarili, sapagkat batid kong madaling araw na.Excited akong naghintay sa pag-uwe nya kanina ngunit gaya ng mga nakakaraang araw ay late narin siyang nakaumuwe ngayon. Pasado alas dose ng magpasya akong mahiga kanina dahil hindi ko na kinaya ang antok, hanggang sa nakatulog na pala ako.
Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang unti unting pagdilat ng mga mata ni Jiro, namumungay itong nakatitig sa akin. Nakaramdam ako ng hiya kaya’t agad akong nag-iwas ng tingin. Handa na sana akong tumayo upang magtungo na sa kabilang parte ng kama dahil nais ko na lamang itulog itong nararamdaman ko. Ngunit bago ko pa man iyon magawa ay agad na akong nahawakan ni Jiro sa aking batok. Bahagya pa itong umangat upang maabot ng kanyang labi ang labi ko nan a bahagya pang napaawang. Dahan dahan, kumilos na ang labi niya, ako naman ay nagawa pang lasapin ang sarap na hatid ng banayad niyang paghalik. Nang hapitin niya ako ay tuluyan na akong bumagsak sa kanyang katawan kayat nakadagan na ako sa kanya. Naramdaman ko ang isang kamay niyang humahaplos sa aking braso, hanggang sa likod ko na siyang nagbibigay kiliti sa akin. Ginaya ko ang ginawa niya, ang mga palad kok ay hinaplos ko naman sa kanyang muka. Ramdam ko ang init ng kanyang katawan habang nagsisimulang lumalim ang aming m
Sinag ng araw ang siyang gumising sa akin kinabukasan, ngunit ang mahigpit na yakap ni Jiro ang nagpadilat sa akin. Sumilay ang matamis na ngiti sa labi ko matapos kong pagmasdan ang natutulog na si Jiro. Kusa namang tumaas ang kamay ko upang haplusin ang kanyang muka, ang ilang hibla ng buhok na humarang sa kanyang kanang kilay. Kay ganda ng mga mata niya, unang beses ko palang siyang nakita sa bar ay gandang ganda na ako sa mga mata niya. Ang mata ilong niya ay parang mata at ilong ng foreigner pero ang kulay niyang kayumangging gaya ng isang tunay na Pilipino. Ngayon ko lang aaminin, ang gandang lalaki ng amo kong mainitin ang ulo, madalas ay bumabagay pa sa kanya sa tuwing magsusungit siya.“Ang cute mo talaga kapag nagsusungit ka,”“Ahh aray,” Napahawak ako sa aking ulo ng bigla itong sumakit, kasabay ng isang tinig na tila narinig ko sa aking isipan. Nang mawala ang sakit ay sinubukan kong isipin kung paanong narinig ko iyon mula sa isip ko. Sino ang nagsabi non at para kanino?
“Congratulations Miss Ara,” nakangiting bati sa akin ni Cecil na sinamahan pa ng bahagyang tudyo sa aking tagiliran, ngitian ko naman ito bilang tugon.“Anong Miss Ara?” kapwa kami napatingin ng magsalita si Erika, nasa tabi na pala namin ito at abala sa pagkain.“Ano kaba, syempre kasal na sila ni Sir alangan namang Ara parin itawag natin sa kanya,” depensa naman agad ni Cecil sa pagkontra sa kanya ni Erika. Nasalo ko na lamang ang aking ulo, kanina pa’y wala na akong narinig kundi anng tungkol sa kasal na iyan.Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwala na humantong ako sa ganitong sitwasyon. Hindi ko akalain na sa isang iglap ay bigla na lamang akong ikakasal at sa tao pang pinaglihi ata sa sama ng loob. Bahagya akong nalungkot dahil sa pag-iisip, bigla kase ay sumagi sa isipan ko ang kasal ko sana noon na matagal kong pinaghandaan. Kung hindi lamang ako naset-up marahil ay masaya na kami ni Theo ngayon, ngunit sa isang banda ay pinagpapasalamat ko narin sapagkat nakita ko ku
Ako naman ang natigilan, kusang humaplos ang palad ko sa aking dibdib ng saglit itong manikip. Tumalikod ako pansamantala upang itago ang hindi ko maipaliwanag na kirot na aking nararamdaman. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa hindi niya kayang kalimutan ang first love niya o dahil sa ramdam ko ang sakit sa puso niya. Ako ba ang nasasaktan o naaawa lamang ako sa pinagdadaanan niya? Ngunit ano nga bang pakialam ko, hindi naman kami close lalo at wala naman akong pakialam sa kanya. “Johara was the only girl I’ve ever loved. Mula pagkabata, palagi syang nasa tabi ko, kailanman ay hindi niya ako iniwan. We both loved each other and we promise na kailanman ay hindi maghihiwalay. She was everything to me, she was my life. So how can I forget her?” Hindi ko inaasahan na maririnig ko iyon kay Jiro. Sa pagkakakilala ko sa kanya hindi siya ang tipo ng lalaki na magkokwento ng nakaraan nya lalo na sa akin na hindi naman niya lubos na kilala. Ngunit hinahangaan ko ang pagmamahal na meron siya pa